01

1493 Words
"Hey, hey!" Nagising ako sa lakas nang sampal na natamo ko. "Ah, I thought you're dead!" Sunod-sunod ang pag-ubo ko. Ang sakit na tuloy sa lalamunan. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nasa tabi ako ng dagat. Anong ginagawa ko dito? Wala akong naaalalang pumunta ako dito nang ganitong oras. Madaling araw na! "Are you okay?" Napatango na lang ako. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng jacket niya sa likuran ko. "Let's go." Hindi ko siya masagot. Pino-proseso pa ng utak ko ang nangyari. Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay may biglang pumasok sa utak ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Nandidiri ako! Nandidiri ako sa sarili ko! Hindi ako makapaniwalang nagawa nila sa 'kin 'yon! "Anong nangyari? May masakit ba? Saan?" Puro iyak lang ang sagot ko. Kinakalmot ko na ang sarili ko sa sobrang pandidiri pero pilit lang niya 'kong pinipigilan. "Miss, I don't know what happened but please calm down." Mahinahon niyang usal habang hawak ang magkabila kong kamay. "What happened?" "P-P-Please..." Humihikbi kong sagot. "I-Ilayo mo na 'ko." Isang malakas na buntong hininga ang sinagot niya bago ako binitawan at pinaandar nang mabilis ang sasakyan. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tingnan ang sarili ko! Nakakadiri! Diring-diri ako sa sarili ko! Iyak lang ako nang iyak hanggang sa tumigil ang sasakyan. Bumaba siya at binuksan ang pinto sa side ko. Inalok pa niya sa 'kin ang kamay niya. "It's alright, I won't hurt you." Iling lang ang sinagot ko bago yumuko. Ayaw ko. Lumuhod siya para tingnan ang mukha ko. "Is it okay if I carry you?" Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. "You have wound on your feet. You can't even walked properly earlier." Tumayo na siya at handa na sanang buhatin ako nang pigilan ko siya. "Bi-Bitaw! Ka-Kaya ko maglakad!" Hinayaan naman niya ang gusto ko. Bumaba ako nang sasakyan at dahan-dahang naglakad habang siya ay nakaalalay lang sa akin. Nang malapit na kami sa pinto ay nauna na siya sa 'kin para buksan iyon. "Here, let me help you." Hahawakan na sana niya ang braso ko ng lumayo ako. "Kaya ko." Nasa likuran ko lang siya hanggang sa makapasok kami nang bahay. "Sir!" Gulat na sigaw ng butler. Nasa bente otso lang siguro ang edad niya dahil hindi pa siya gaano katanda. Nakasuot siya ng salamin at may hawak na tray nang wine. Wine sa madaling araw? "Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?" "I was on my friend's rest house, sorry." Nadako ang tingin sa 'kin ng butler. "Sino naman 'to? Girlfriend mo?!" Pare-parehas nanlalaki ang mga mata namin. "The f, Fenz! She's not! I just saw her sa tabi ng dagat. Could you please get the first aid kit? I'll treat her wound." "O-Okay. I'm sorry. Feel at home, Miss." Malawak ang ngiti ibinigay niya sa 'kin bago umalis. Inalalayan akong umupo ng lalaking 'to sa couch. "I'm sorry about him. Gano'n talaga mag-isip ang lalaking 'yon." Hindi ko siya sinagot. "May I know your name? I'm Ivan." "V-Vi----." Hindi ko masabi ng maayos. "Vi-Vien." "Oh, Vien. What a nice name." Ito ang unang beses na may pumuri sa pangalan ko. Bumalik ang butler niya na may dalang box. "Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo." Inabot niya kay Ivan ang hawak niya. "Mabuti na lang ay gising pa siya. Bababa raw siya para makita ka." "Sorry." Humarap siya sa 'kin. "May I?" Tanong niya. Nagpapaalam kung pwede ba 'kong hawakan. Napalunok ako bago tumango. Dahan-dahan lang ang pagdampi niya nang bulak sa balat ko. Natatakot atang masaktan ako. Hinihipan-hipan pa niya. Ang dami kong sugat. Halos lahat ata ng parte ng katawan ko ay meron. "Ivan!" Napatalon ako sa sobrang gulat. Nakatingin kaming tatlo sa lalaking mabilis na bumababa nang hagdan. Ito ba ang Tatay niya? Hindi halata sa itsura niyang Tatay na siya. Makisig ang katawan at parang tatlong taon lang ang tanda niya kumpara sa butler nila. Saktong pagkalapit niya ay malakas niyang binatukan ang anak niya. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Ang lakas! Pero si Fenz, ang butler nila ay parang alam na niyang gagawin iyon ng Tatay ni Ivan kaya hindi na siya nagulat pa. "Ouch!" "How many times do I need to tell you, huh, Ivan!? Sinabi ko na nang ilang beses na h'wag kang lalabas ng gabi at uuwi ng madaling araw! It's already 3 in the morning, Ivan!" Nasa-saksihan ko pa ang pangsesermon ng Tatay niya. "Nag-uwi ka pa ng girlfriend!" Parang gusto ko na lang umalis dahil sa mga akala nila. "She's not! Fenz, tell him!" Agad namang sinabi ng butler nila ang totoo. "I-I'm so sorry, hija. Mahilig kasi sa babae 'tong anak ko----." "Liar! Fenz, tell him!" Parang batang pagsusumbong na naman niya. Bakit lagi siya sa butler niya humihingi ng tulong? "Totoo po 'yon." Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kanya si Ivan. "Vien po ang pangalan niya, Sir." "Vien," tiningnan pa niya muli ang anak niya bago tumingin sa 'kin. "Are you okay? What happened to you? Why are you full of wounds?" Iniiwas ko lang ang tingin ko. Natatakot akong magsalita. "Dad," mukhang nakuha naman niya ang tingin ni Ivan. "O-Okay lang." "You don't need to force yourself, Vien." Umiling ako. Huminga muna ako nang malalim at napakagat sa labi. "A-Alam kong ngayon lang tayo nagkita pero," nag-umpisa na namang tumulo ang luha ko. "tu-tulungan niyo sana ako." "Hush, Vien." Hindi ko na napigilan si Ivan na yakapin ako. "Muntik...Muntik na 'kong," inabutan ako ni Fenz ng tubig na agad ko namang ininom. "Vien, you don't need to force yourself to speak about what happened." Kalmado niyang usal. "Fenz, she needs to rest." Inalalayan naman agad akong tumayo nang butler nila. "We'll talk tomorrow, okay? For now, you need to rest. Hush now, Vien." Hindi ko na nagawang magpa-salamat hanggang sa dalhin ako ni Fenz sa isang kwarto dahil sa walang tigil na pag-iyak ko. "If you need anything, just knock three times on my door in front of this room, Miss Vien. Maiwan ko na kayo." Usal pa niya bago isarado ang pinto. Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong umiiyak magmula kanina. Patuloy lang sa pagtakbo sa isipan ko ang mga nangyari. Bakit nagawa nila 'yon? Bakit? Masakit ang ulo ko pagkagising ko. Kahit ang mata ko ay masakit rin. Ilang segundo akong nakatulala bago napagtantong nasa ibang bahay nga pala ako! Dahan-dahan akong lumabas nang kwarto, tumitingin-tingin pa 'ko sa kaliwa't kanan ko kung may tao bago ako maglakad. Nakakahiya! Nakakahiya ang ginawa ko kagabi! "Oh, Miss Vien?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng butler ng bahay. "Gising ka na pala. Tara na sa baba, kanina ka pa hinihintay nila Sir Zak." 'Yon pala ang pangalan ng Tatay ni Ivan. "A-Ano," kinakabahan ako. "gu-gusto ko na sanang umalis." "Huh?" Nagtataka niyang sagot. "Bakit naman? Gusto kang makausap ni Sir Zak----." "FEEEEEEENZZZZZZ!" Nanakit ang tainga ko sa boses ni Ivan. "Ano ka ba? Ang aga-aga, sumisigaw ka!" Nginitian lang niya siya. Kung kailan ba naman ako tatakas ay tsaka ko pa siya makikita? Nahihiya ako sa ugali ko kahapon! "Vien, gising ka na pala. Tara! Kain na tayo!" Hindi na 'ko nakaangal pa nang hilahin niya 'ko bigla. Naabutan namin ang Tatay niya na kumakain. Nang makita ako ay agad siyang tumigil at ngumiti. "Have a sit, Vien." "Ah," nakakahiya namang tumanggi sa biyaya kaya naupo na 'ko. "How was your sleep?" Tanong nito sa 'kin bago isubo ang pancake niya. "Maayos naman po." Nakagat ko ang labi sa sobrang hiya. "Salamat po pala sa pagpapatuloy niyo sa 'kin dito. Sorry pala, Ivan, kung nasungitan kita kahapon." "No worries." Sagot niya. Nang matapos kaming kumain ay pinasunod ako ni Tito Zak sa office niya, kasama sila Fenz at Ivan. Hindi mapigilang manginig ng kamay ko. Kinakabahan ako. Pagbabayarin ba nila 'ko? "You said last night you need our help, right?" Napalunok ako. "H-H-H'wag niyo na pong isipin 'yon! Pasensya na po sa ugali ko kagabi----." "Vien," napalunok na naman ako dahil naging nakakatakot na ang pagtawag ni Tito Zak sa pangalan ko. "it's okay. You don't need to tell us because someone saw everything what you did." Ramdam ko ang pawis kong tumutulo. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Parang kahit anong oras ay babagsak ako. Paanong may nakakita sa akin doon? Ano nang mangyayari sa 'kin ngayon? Paano na ang buhay ko? "It's not your fault, Vien." Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko kaya! Bakit? Bakit naging ganito bigla ang buhay ko!? "Vien!" Naiangat ko ang tingin ko kay Tito Zak. "We can help you." "They....They betrayed me, Tito! Wala akong kasalanan! Hindi ko sinasadya! Sorry! Sorry!" "You don't need to apologize, Vien! It's not your fault!" May halong inis na saad ni Ivan. "As I was saying, we can help you. We can help you if you will also help us." "A-Anong klaseng tulong?" Ngumiti lang siya na ikinakaba ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD