MY STRICT DOCTOR 4

1273 Words
Ryana's POV "nakuhanan mo na?" *Click* "teka lang naman!" *Click* "ayusin mo kasi." *click* "wag kang maingay magigising sila!" Ang ingay naman!  Gagalaw na sana ako ng mapansin kong may mabigat na nakadagan sa ulo ko. Ng hawakan ko agad na napabalikwas ako at umupo ng maayos. Nakita ko naman si Kenna at Angel na dali-daling umupo. At magkatabi na sila ni Kenna. "Damn!" rinig kong sabi ng katabi ko. Nakung Doktor to ang hilig magmura! At dahil nagpipigil ng tawa ang dalawa. Sinipa ko ang kinauupuan nila. "Anooo?" pa pro-long na tanong ng dalawa. "Wag nyo akong ma ano-ano ha, pag uuntugin ko kayo." asar kong sabi.  Napansin ko naman na nakahinto na ang Van at wala si Tg at JM. "Asan ang dalawa.?" tanong ko sa kanila. "May binili saglit, isang oras na lang makakarating na tayo.." paliwanang niya naman. Grabe talaga! Ang pangit ng posesyon namin kanina! Nakasandal ako sa balikat niya at siya nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. Yuck lang talaga! Agad ko naman siyang tinignan, at ngayon ang sama na ng tingin niya sakin. Nag as if nalang ako na hindi ko siya tinignan, sumipol-sipol pa ako para tumingin sa ibang dereksyon. After 5 minutes nakabalik na sila Tg at JM. "guys, gusto nyo ng tubig? Since parang lahat tayo hindi pa nakakakain, tiis-tiis muna ha, tubig muna oh!" sabi niya at inabot sa amin ang tubig. Sabihin nalang natin na sa kanila lang! Wala akong natanggap na tubig e! "Ang husay mo T!" sarkastiko kong sabi sa kanya. Si Kenna at Angel pati na rin si Mr. Sungit! Ang binigyan niya lang ng mineral water. "Ken! Pahingi nga," sabi ko kay kenna "Naubos na Ry! Kay Angel na lang!" at saktong pagtingin ko kay angel naubos na niya ang mineral water niya. Nagsalubong naman ang kilay ko, nakita ko naman siya na nag smile apologiticaly. "Husaaayyyyy~" sabi ko at sumandal nalang ako ulit sa upuan. "here!" agad naman akong napatingin sa gilid ko. Inabot sa akin ni Mr. Sungit ang mineral water niya. Nakita ko namang kalahati nalang ito. "I'm sorry,ininuman ko na yan! But still drink this," pagpipilit niya. Sincere daw siya oh! Kinuha ko na ang tubig at agad-agad na ininom ito, pasensya na wala ng punas-punas pa. Hindi naman ako maarting tao e! Ng binabalik ko na sa kanya ang bottle nakita ko lang siya na nakanganga! Problema nito! "bottle!" sabi ko at tumingin sa ibang dereksyon at hawak parin ang bottle. "ah, yeah!" at kinuha na niya ito. Pagkatingin ko sa harapan nakatingin silang lahat sakin. "Anong Problema nyo!?" inis na tanong ko. Sabay-sabay naman silang ngumiti na umupo na ng maayos. Inirapan ko lang sila! Tumingin ako sa likod namin at nakita ko si Kathy na himbing na himbing ang tulog at si Harold na natutulog din at nakasandal sila sa kabila-kabilang bintana! Umandar na ang Van. Ayaw ko ng matulog talaga! Baka kong ano pa ang mangyari! Tss.. Binalik ko nalang ang headphone ko sa tinga ko at nakinig ng music habang naglalaro ng temple run! Ayaw ko ng matulog no! After an hour huminto na rin sa wakas ang Van. Salamat naman! "Gising na guys nandito na tayo!" sabi pa ni Angel. Binuksan ko na ang pinto ng Van at inamoy ang sariwang hangin. Gezz! Naamoy ko na ang dagat! Ang sarap ng maligo. Sinuot ko naman ang shades ko na nakasabit sa damit ko sa may dibdib. Tirik na tirik na si haring araw e! Naglakad ako papunta don sa may puno ng niyog at tinanaw ang dagat. Pumikit pa ako para amoyin ang dagat. "Ry hali ka na, para makakain na tayo." rinig kong tawag ni Kathy. Napansin kong nakalabas na silang lahat at ako nalang ang hinihintay para makaalis na. Tumango naman ako at naglakad na papalapit sa kanila. Napansin kong hawak ni Sungit ang bag ko. Kukunin ko na sana ito pero bigla niyang nilayo sakin. "Akin na!" inis kong sabi sa kanya. "ako na," sabi niya pa. "Aki na sabi e! Kaya ko na yan!" nakakainis naman tong Sungit na to! "No." mautoridad niyang sabi. "Tara na Ry, ang arte naman nito, pasalamat ka nga may nagdadala ng gamit mo." makahulugang sabi ni Kathy. Kainis! Naglakad na ako papalapit kay Kath at napansin ko sumusunod si Sungit. Sarap ng buhangin! De joke. I mean masarap siya sa paa! Huminto ako saglit at tinanggal ang tsinelas ko at binitbit ito. PAPUNTA na ako ngayon sa magiging room ko. At dahil dala ni Sungit ang bag ko. Sinamahan niya akong pumunta don. "Akin na salamat!" agad na kinuha ko ang bag at pagbukas ng pinto pumasok ako at sinara din agad ito. Rude ba? Whatever! Nilapag ko na ang bag sa kama at tinignan ko ang mga poster na nakadikit sa dingding. Ang gondo ha! May narinig naman akong katok kaya naglakad ako sa pinto at binuksan ito. "Tawag na tayo." sabi ni Sungit. With no expression yan ha! Ang cold talaga! Kainis! Inirapan ko na siya at tumango. Nga pala magkaharap lang ang pintuan namin. Dahil gusto niya malapit lang daw siya sakin. Bahala siya! Gawin niya gusto niya!  Hindi ko na sinara ang pinto at bumalik sa loob para kunin ang phone ko. Pagkalabas ko sinara ko na ang pinto at naglakad na kami palabas sa kwarto namin. Pumasok kami sa restaurant at nakita ko sa isang table ang mga kaibigan ko. Kinawayan naman ako ni Kenna I mean kami pala. Tumango naman ako at naglakad na papalapit sa kanila Umupo na ako sa bakanting upuan at dahil dalawa ang bakante at magkatabi pa don na rin umupo si Sungit! "kainan na!" sabi pa ni Harold. Nagkwentohan lang kami tungkol sa gagawin namin buong linggo! Mamaya daw mag se-swimming kami. Tapos bukas banana boat daw tapos marami pang iba.  " Ry, tahimik ka dyan?" tanong naman ni Kathy. Nasa ilalim kami ngayon ng isang puno malapit sa dagat. Kasama ko si Tg, Angel, Kath t kenna. "Wala naman bakit mo naitatanong?" balik kong tanong sa kanya. "Malalim kasi iniisip mo?" sabi niya na nagtatanong. "ahh kasi iniisip ko lang na, konting panahon nalang meron ako at gusto ko sa kunting panahon na yon makasama ko kayo, kayong mga malalapit sa akin.." sabi ko at ngumiti ng pilit sa kanila. Pumikit naman ako para maramdaman ang hangin na dumadampi sa balat ko. "Talaga bang hindi ka namin mapipilit?" dinilat ko naman ang mga mata ko at rinignan ng diretso si Angel. At sa pagtingin ko sa kanya agad na nag buntong hininga siya. Alam kong alam nila kong anong ibig sabihin ng tingin ko na yon! "Saan nga pala yong mga boys?" pambabasag ko ng katahimikan. This time malaking ngiti na ang pinapakita ko sa kanila. Ayaw kong nakikita nila na mahina ako! At ayaw ko rin na makita sila na naaawa sakin! Kaya nga ngumingiti nalang ako lagi kahit na masakit sa loob-loob ko. Bakit nga ba ayaw ko ng magpagamot? Mga pasado alas kwatro na ng isipan naming mag swimming kasi hindi na mainit. Bumalik muna kami sa mga kwarto namin para magbihis. Ako naka short lang tapos swim bra. Lumabas na ako at saktong paglabas ko lumabas din si Sungit! Hot Sinarado ko na ang pinto at naglakad na palabas at binaliwala ang prisensya niya. Naramdaman ko namang sinabayan niya ako sa paglalakad palabas. "How was this place?" bigla niyang tanong. "Okey lang, Sobrang ganda. Mainam narin ang view nato para sa magandang alala na babaunin ko kong saan man ako dalhin ng buhay ko," sabi ko at diretso lang ang tingin sa daan. "Why you can't just accept the doctors offers? My offer?.." suggest niya pa. Napangiti nalang ako sa tanong niya. "Hindi mo ako kilala! Hindi mo alam kong ano ang sinasabi mo hindi ganon ka dali yon!" sabi ko. Nasa gilid na kami ng dalampasigan ngayon at ang mga bruha ayon lumusob na. "Then, I will do anything just to know you more." agad na napatingin ako sa kanya at nakitang ngumiti siya. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti sakin ng ganon. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Mapapapayag din kita. Mark that." And he smirk sabay lakad papuntang dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD