Chapter 3

759 Words
Kryssa's POV Nakatunganga lamang ako sa kwarto. Ayokong sundin ang utos nya! My rank is higher than his, so I should be the one to give him commands, not the other way around! It may be against my will, pero kailangan kong gawin. Argh! So, nagpalit muna ako ng damit. I just changed in maong shorts, plain black shirt and jacket. Sinuot ko din ang high-cut converse ko na binili para sa akin ni mom noon at dumaan muna sa private room. I typed the code at pumasok na. Kumuha ako ng dalawang service pistol at nilinisan iyon (kahit malinis na) at nilagyan ng bala, just in case. Better safe than sorry. Inilagay ko iyon sa hidden pocket ng jacket ko and after that ay bumaba na ako. "Pakikuha ng susi ng motor bike ko at helmet. At pakisabihan na ihanda yung motor bike ko." sabi ko sa nakasalubong kong maid. Nag-bow muna sya sa akin bago nagsalita. "Sige po, miss Lavelle." sabi niya at umalis na. Umupo muna ako sa sofa ng living room habang hinihintay ‘yung maid. Nakita kong dumating si Lucy na, as usual, may dalang shopping bags. Sa likod niya naman  ay nakasunod ang alalay niyang marami ring dala. "Oh hi, Lavelle!" bati niya sa akin at bumeso. Ugh! "Miss Lavelle, eto na po ‘yung susi at helmet." rinig kong sabi nung maid na inutusan ko kanina. Tumayo ako at kinuha iyon sa kaniya. "San ka pupunta?" tanong ni Lucy. "Kila dad." sabi ko at lumabas na ng bahay. Nakita ko ang motor bike ko sa harap kaya sumakay na ako at pinaandar iyon. Nagdrive na ako papunta sa base. Siyempre naging maingat ako at pinakiramdaman ang paligid dahil baka may nakasunod sa akin at tama nga ako. Meron nga. I smirked saka pumunta sa ibang direksiyon, sa mas malawak na daanan at walang tao. Ano kaya? Ililigaw o papatayin? Nakita ko sa side mirror ng motor bike na bumunot siya ng b***l. Pasimple ko ring kinuha ang b***l ko sa jacket at hinintay na ipaputok nung lalaki 'yung b***l niya sa akin. Napangiti ako nang itinutok niya na sa akin ‘yung b***l. Nang ipinutok niya na ito ay dali-dali akong umikot para iwasan ang bala at para na rin salubungin siya. Mukha naman siyang nagulat at itinutok muli sakin ang b***l pero inunahan ko na siya. I shot his chest five times para sure kill, then left.   ---   "Natagalan ka ata." salubong sakin ni Titus pagdating ko sa base. I shrugged. "May nakipaglaro eh." sabi ko at dumiretso sa conference room. Narinig ko namang tumawa si Titus habang nakasunod sakin. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang sa paglakad hanggang marating ang conference room. I knocked three times before going in. Napatingin naman sa akin ang mga taong nasa loob. Nag-bow naman sila bukod kila mom, dad at Lawn. Hindi ko na isinara ‘yung pinto dahil nandoon naman si Titus at dumiretso na lang sa pwesto nila dad. Hinalikan ko sa pisngi sila mom at dad. "What brought you here, Kryssa?" tanong ni mom. Umupo naman ako sa isa sa mga upuan. "My curiosity." sagot ko. Tumawa naman sina mom at dad. "And why is that?" tanong ni dad. "Well, I heard na maraming nagtatangkang pumatay kay Gavin Ryou dahil threatened sila, right?" tanong ko at tumango naman sila. "In our case, pwedeng maging threat sa atin si Gavin Ryou dahil kapag sya na ang leader ng Yagami, pwedeng tumaas ang rank ng org nila, causing us to go down." patuloy ko. Nginitian naman ako ni dad. "Are you underestimating me, young lady?" tanong niya. I rolled my eyes. "You know, I'm not." sagot ko. "Well, alam kong kapag tumuntong na sa tamang edad si Gavin Ryou ay marami na siyang alam. Alam kong mas magagalingan niya ako at hindi imposibleng tumaas ang rank nila. Kahit ganun ay hindi namin siya kino-consider na threat sa atin at wala kaming planong ipapatay siya." "Dad, wag kang ganiyan. Cliffhanger ka." sabi ko. Tumawa naman siya. "I trust you and Kiel. Alam kong kaya niyong tapatan si Gavin Ryou kaya hindi ako natatakot. You two can work together to secure our spot." sabi niya. "That's right, sis." singit ni Lawn. Napatingin naman ako sa kaniya. "With your knowledge and strategies combined with mine, walang binatbat si Einstein. Aba't sa kagwapuhan ko pa nga lang eh talo na siya noh." "Dad, bigla po yatang humangin noh?" tanong ko. "Oo nga 'nak. Buti naka-jacket ka." gatong naman ni dad. "Dad at Kryssa naman! Bakit hanggang ngayon, hindi niyo pa rin nare-realize ang kagwapuhan ko? Mom oh!" sabi ni Lawn sabay sumbong. Ang bakla naman! "Gwapong-gwapo ka, anak. Maniwala ka sa akin." sabi ni mom. "'Ta mo?" sabi ni Lawn. "Nagjo-joke lang si mom." sabi ko. "Mahilig pa naman magjoke ang mom niyo." gatong nanaman ni dad. Nag-apir naman kami. Ayos talaga si dad. "Mom." sumbong ni Lawn. Leche. Bakla talaga 'to. "Mother knows best." sabi ni mom. Hands up na kami ni dad. Nag-quote na si mom eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD