Chapter 1

1336 Words
                                                                          Love at first sight?  Devlin Montgomery "Mom, I'm here for vacation, to have fun and not to work, alright?" I said with a sigh. I rubbed my forehead and glance at my laptop and the paperworks that I brought with me. I just got home from Las Vegas yesterday and Mom's already pushing me. I mean, I'm here to relax and possibly bang some hot Filipina. I finally got my two weeks vacation and my Mom is already ruining it. F*ck, I hate this damn work. It's been almost a year mula nang i-take over ko ang kumpanya namin sa ibang bansa na tinanggihan ng magaling kong kakambal. I know better though, gusto lang niyang malayo kay Daddy dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya rito. Katulad ng ibang magkakambal ay magkaiba ang ugali namin. Kung si Devon ay isang seryoso, arogante at walang pusong tao ako naman ay isang happy-go-lucky kind of guy. I don't take things seriously. "Devlin, you are twenty two already, panahon na siguro para magseryoso ka sa buhay. Tignan mo na lang ang kakambal mo, malayo na ang narating, marami na siyang napatunayan. Kailan ka ba magseseryoso?" I resisted the urge to groan. Si Mom lang ang kaisa-isang tao na sinusunod ko sa mundong ito at iginagalang ko siya. Pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng sama ng loob tuwing ikukumpara niya ako kay Devon. Devon's always the good and smart one. I am the bad and worthless one. "Mom, I gotta go. Pangako na haharapin ko ang tungkol sa Oil Company, alright? Love you Mom. Bye." I heard her sigh before she replied. "Love you too son." I hung up and groan. I'm so damn angry with everything. Pagod na akong maging anino ni Devon. Naglakad-lakad ako sa apartment ko habang nag-iisip. I have to do something pero ano? Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cell phone ko. Sa pag-aakalang si Mom lang ang tumatawag ay hindi ko ito pinansin. Tumingin ako sa orasan at nakitang maga-alas nueve pa lang kaya naman napag-desisyunan ko na lang na magpunta sa club. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Dito kami lumaki ni Devon pero simula noon ay hindi na ito bumalik sa Mansion. Si Mom and Dad ay parehong sa America na ngayon naninirahan kaya naman ako lang mag-isa dito kasama ng ilang katiwala. Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at kinuha ang cell phone ko sa sala. Muli itong tumunog at napangisi na lang ako nang mabasa ko ang pangalan ng pinsan kong si Isaiah. Marami akong pinsan pero masasabi kong si Isaiah talaga ang pinakamalapit sa akin. "Zay! Man, iniisip ko pa lang na tawagan ka para ayaing lumabas. What's up?" "Really? Oh, darn. Nandito ako ngayon sa Fire and Ice. Kasama ko sila Gianni at Xavier. We'll wait for you." I grinned at the mention of his brothers and my cousins. "Be there in ten." Mabilis na akong sumakay sa kotse at pinaandar ito. I wonder if my brother is in there right now, I hope not. I'm still pissed and a drunk Devlin is never a good thing. Dahil malapit lang ang club sa mansion ay agad din naman akong nakarating. Pagbaba ay agad akong napangisi sa nakitang naggagandahan at nagseseksihang babae na nakapila sa labas ng bar. Oh, I'm so going to get laid tonight. Sa Las Vegas ay hindi ko magawa ang mga gusto ko dahil mainit ang mga mata ni Mom and Dad sa akin pero dito ay sisiguruhin kong gagawin ko ang lahat ng gusto ko at hindi na ako mag-aalala na may magagalit sa akin. As I walk, ramdam ko ang mainit na titig ng mga kababaihan. I made eye contact with each one of them pero sa pagkadismaya ko ay wala akong natipuhan. Now, don't get me wrong, I don't f*ck anything with two legs. I am not a man whore... not really. Dumiretso ako sa unahan at agad naman akong pinapasok ni Holt, ang kanang kamay ni Devon sa club na ito. "What's up, Devlin?" Bati niya sa akin nang makapasok na ako. I patted his back with a grin. "Never been better. Nice to see you, Holt. Hinihintay na ako ng party sa loob. You know, it'll only start when I walk in." Biro ko sa kaniya sabay tawa. He just rolled his eyes and shook his head. "Cocky as ever. Go on now." Natawa na lang ako sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa loob. "Oh, damn. This is my life. This is where I belong. I wonder if I should take over this club." I grin at that thought at inilibot ang mga mata ko. Girls are dancing around, grinding with each other or with a guy. "Yo, man w***e!" Sigaw sa kaliwa ko kung saan naroon ang bar. Lumingon naman ako sa doon at agad na napangiti ng makita ko ang mga pinsan ko. Naglakad ako palapit sa kanila habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Niyakap ko silang tatlo ng mahigpit. Ilang taon na ba mula nang huli ko silang nakita? Four? Five? I lost count. "Man, it's been so long, huh? Kumusta naman kayong mga ungas?" I ruffled their hair dahil kumpara sa amin ni Devon ay mas bata pa rin sila. Isaiah swatted my hands at inayos ang buhok niya. "Asshole. You know I hate it when someone's touching my hair." Napailing na lang ako sa kaniya. "You and your hair, I swear." Umupo na ako sa tabi ni Isaiah at katapat naman namin sina Xavier at Gianni. Isaiah is a famous singer and pianist, while Xavier and Gianni are still studying although they already have a future and graduating. Xavier wants to be a Doctor and Gianni wants to be a Director someday. Tita Anna and Tito Paul are very supportive of them. "Life's boring without you, Devlin. Si Devon naman ay masyadong seryoso sa trabaho." Xavier said while sipping his drink. "Life is boring back in Vegas, too. De numero ang buhay ko roon. I can't even bang someone without them knowing." Reklamo ko sa kanila sabay inom din ng binigay sa akin ni Gianni. "You and your stupid d*ck." Panggagaya ni Zay sa sinabi ko. "My d*ck isn't stupid. I just need some hot ass to go home with. I wanna get laid." "If you want a darn w***e, buy one. Don't be one." Zay said with a sigh. "I'm not a w***e, shut up." I punched his arm at natawa na lang sa reaksyon niya. May iba pa silang sinasabi pero hindi ko na marinig dahil nang tumingin ako sa bar ay natigilan ako nang mapako ang tingin ko sa isang magandang babae. Her hair is long and wavy, nakasuot siya ng isang magarang damit na parang hindi angkop sa lugar na ito. She can be mistaken as an angel kung hindi ko lang nakita ang sunod-sunod na pag-inom niya. She looks strangely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. "Beautiful right? I saw her walked in earlier, mukha siyang malungkot, broken hearted even." I heard Zay said pero sa kaniya pa rin ako nakatingin. Sa isiping tinitignan din siya ng pinsan ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng urge na protektahan ang babae. I quickly shook my head. Come on Devlin. You are here to look for someone. She's not even your type. Ayaw ko man ay iniwas ko ang tingin ko sa babae at pinilit ang sarili na makipag-kwentuhan sa mga pinsan ko. "Zay, sawa na akong maging anino ni Devon. I need to do something para mahigitan siya o para maging proud and happy si Mom." Bulong ko sa kaniya para hindi marinig nina Xavier at Gianni ang sinasabi ko. "Hanggang ngayon ba naman may kompetisyon kayo ng kakambal mo?" Napailing siya at uminom. "Bakit hindi mo gawin ang hindi kayang gawin ni Devon? Be in a relationship or... marry someone." Biro niya pero hindi ko mapigilang mapaisip. Napatingin ako sa magandang babae na mukhang unti-unti nang yumuyukyok. Maybe Isaiah's idea isn't so bad after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD