Chapter 1

1763 Words
Chapter One "Good morning, Mr. Saavedra. S̄wạs̄dī txn chêā kh̀ub, Meek." (Good morning, Meek) Doctor Bunmi greeted us in both Thai and English dahil purong Filipino si Lolo at Lola habang ang ama ko ay isang Thai at ang Ina ko ay isang pinay rin. Sinundan siya ng Nurse niya na si Nurse Boribun who smiled at us in greeting. Ngumiti akong pabalik dahil sa ilang taon na pagkakakilala ko sa kaniya ay nakilala ko na siya bilang isang mabuting babae. Kuntento at buo ang tiwala ko dahil sila ang nag-aalaga kay Lolo. "Good morning, Doctor." balik na bati ni Lolo na may banayad na ngiti sa mga labi. Lumunok muna ako bago hinawakan ang kanang kamay ni Lolo. Sigurado akong sa mga sandaling ito ay malamig ang kamay ko ngunit mas malamig ang kamay ni Lolo. Despite his tough facade, sigurado akong kinakabahan siya sa sasabihin ng Doctor. Ilang taon na ring nilalabanan ni Lolo ang Prosrate Cancer.  Ipinanganak ako sa Pilipinas pero lumipat kami sa Chiang Mai, Thailand limang taon na ang nakararaan nang malaman ni Lolo na may prostate cancer siya, mas gusto rin niya kasi dito dahil sa tahimik ang lugar.       May sarili kasi kaming maliit na isla rito na silang dalawa ni Lola ang nagpalago dahil na rin dito sila nagkakilala at nagkaibigan kaya naman ganoon na lamang kamahal ni Lolo ang isla. Sa awa ng Diyos ay maagang na-detect ang cancer cells sa katawan ni Lolo kaya naman nasimulan kaagad namin ang treatment ngunit limang taon ang nakalipas mula nang ma-opera siya ay nahimatay na lang si Lolo at noon lamang ako nakaramdam ng labis na takot.  Siya na lamang ang mayroon ako dahil iniwan na kami ni Lola noong sampung taong gulang ako at nawalan naman ako ng mga magulang dahil sa aksidente. Tanda ko pa ang araw na iyon na parang kahapon lamang, hinihintay ko sila sa labas ng School dahil papasyal kami pero ang dumating ay ang Tito Alvin ko at sinabing naaksidente silang dalawa at sabay na binawian ng buhay. Si Lolo na lamang ang mayroon ako sa buhay kaya naman hindi ko alam kung papaano ako kapag mawala siya. I don't even want to think about that possibility. "How are you feeling today, Sir?" Doc Bunmi asked Grandpa habang nakatayo sa tabi ng kama ni Lolo. "Terrible." Grandpa groaned out. "We've been here before. You can cut the bullshit and tell me if the little s**t is back and if I'm not going to make it this time." "Lolo." saway ko kay Lolo sabay marahang alog sa kaniyang kamay. "Don't say things like that." sa isipin pa lang sa posibilidad na iyon ay gusto ko nang maiyak. Alam ko namang lahat tayo ay doon patutungo pero hindi ko ba pwedeng hilingin na maging handa ako sa oras na iyon? Magiging handa nga ba ako? Inikutan lang ako ng mga mata ni Lolo pero marahang tinapik ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Oh, shut it you little drama queen. Lahat naman tayo ay mamamatay. Oras, lugar at paano lang ang pinagkaiba." pagsasawalang bahala niya sabay kibut ng labi. One thing I've always loved about him is he's optimistic. Lagi siyang may paraan o dahilan para pagaanin ang sitwasyon. Lagi siyang may masasabi para pagaanin ang loob mo. Grandpa is the strongest person I know even for his age. Siguro'y maguguho na ang mundo ngunit makakangiti pa rin siya at magkahawak-kamay naming sasabihing magiging ayos rin ang lahat. Doctor Bunmi smiled sadly at my Grandpa's words. Kahit na ilang taon na namin siyang Family Doctor ay naging malapit na rin naman siya sa amin. "I'm sorry, Ethan. We found the cancer cells on your blood but unfortunately, because of your age, I will not advise any kind of treatment that might spread the cancer faster. I'm afraid you have a year at most." Tahimik lamang ako ng mga sandaling iyon matapos kong marinig ang sinabi ni Doc Bunmi ngunit gustong kumawala ng emosyon ko. Tumingin ako sa mukha ni Lolo ngunit wala akong nakitang anumang bakas ng takot. Para bang... inaasahan na niya ang balita. Nang makaalis si Doc Bunmi at nakita kong nakatulog si Lolo ay sinamantala ko ang pagkakataong iyon para umalis. Ang mabagal na lakad ay nauwi sa marahang pagtakbo hanggang sa hindi ko na namalayang tumatakbo na pala ako palabas ng Hospital. I felt so suffocated. Kailangan ko ng hangin para makahinga. Nang makarating ako sa likurang gubat ng Hospital ay para akong nauupos na kandilang sumalampak sa isang puno at doon ay hinayaan ang sariling umiyak. Bakit kailangan pa nating mamatay? Bakit ang mga kagaya ni Lolo na napakabuting tao ay kailangang mamatay habang ang mga masasama ay nabubuhay pa ng matagal? "Thảmi?!" (Why?!) sigaw ko sa tahimik na paligid. "Fuck." narinig kong sunod-sunod na mura ng isang lalaki mula sa harap ng puno ngunit hindi ko siya binigyang pansin. Nakatulala lang ako habang nakasandal sa puno at nakapatong ang braso sa nakataas na binti. Rinig ko ang pag-ubo at pag-singhot ng tao sa likuran ko, siguro kagaya ko ay nakasandal din siya sa puno. "Want to share it with a stranger?" alok ng isang medyo paos na boses sa akin, siguro ay dahil sa sobrang pag-ubo. Matatas siya sa Ingles kaya naman nahinuha kong isa siyang foreigner na bumibisita lang sa bansa. "I don't think you'll understand me." "Why not give it try?" "My Grandpa's dying." simple ngunit masakit sa damdaming sagot ko sa estranghero. Nakarinig ako ng paggalaw bago ko nakita ang isang kamay na nag-aabot ng mineral bottle. "Don't worry. That one's still sealed." biro niya kasabay ng mahinang pagtawa. Napaangat naman ang sulok ng bibig ko ngunit hindi ako ngumiti. Muli siyang nagsalita matapos ang ilang segundo. "I'm sorry. If it helps, I have never met my Grandfather. He died when I was a baby." Kinuha ko ang bote ng mineral at tinitigan ito. ""Thank you and uhh, I'm sorry about your Grandfather." Narinig ko siyang pumalatak. "It's not as if you killed him." Muli siyang nag-uubo at bahagya akong napangiwi at napahawak sa lalamunan ko na para bang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. "s**t. All these coughing is so uncool." "How.. How did he die?" "Accident." maiksing sabi niya na para bang ayaw niya itong pag-usapan kaya hindi ko na tinanong pa. "I just.. why do people die?" "To welcome a new generation. A new beginning. A new story." I had no answer to that. Siguro'y dahil sa mga sandaling ito ay masiyado pang mabigat ang kalooban ko at parang hindi pa rin ako makahinga ng maayos. "I don't want to use the 'you're lucky' s**t but really, you're lucky to have spent a long time with your Grandpa unlike someone like me who can't even remember what they looked like. You get to keep memories and you can still do it." narinig ko ang masarap sa tengang tunog ng mga tuyong dahon na naapakan bago siya nagpatuloy. "It may sound inconsiderate but suck it up. Life sucks but you can change that. You can cry but stand up and wipe your tears. Make more memories while you still can." Napangiti ako sa narinig ko at huli na ng marinig ko ang palayo niyang mga yabag. Nakaramdam ako ng kagustuhang makita ang mukha niya ngunit nakuntento na lamang ako sa tunog ng mga hakbang niyang tumatapak sa mga tuyong dahon sa paligid ng kagubatan. And who knows, maybe I caught him in an embarassing or vulnerable situation. Nakakagaan pa rin ng loob na may nag-abalang makinig sa akin. Huminga ako ng malalim bago tumayo at ngumiti. Tama siya. Imbes na umiiyak ako rito ay dapat nasa tabi ako ni Lolo at ipinaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Pinagpagan ko ang pantalon ko bago muling bumalik a loob ng Hospital at bitbit ang mineral bottle. Pagkabukas ng pinto ay nabungaran ko si Lolo na nakatingin sa labas. Naupo ako sa kama niya at at marahang hinaplos ang puti niyang buhok. "I love you, Lolo." I pressed a small kiss on his head making him smile. Hinawakan niya ako sa pisngi bago ito hinila at pinisil. "Umiyak ka, 'no? Ano bang sinabi ko sa pagiging ma-drama mo? Hindi pa ako mamamatay, ugok." "Hindi 'no! Aray naman, 'Lo!" Isang buwan matapos naming malaman na bumalik ang cancer cells ni Lolo ay magkaharap kami ngayon ni Lolo sa sala habang may litrato sa gitna namin. "Mali yata dinig ko, 'Lo?"  Seryoso ba siya? Bumungtong-hininga si Lolo at minasahe ang noo niya. "Si Henry Price ay bestfriend ko, isa siyang half-american na naging kapitbahay ko noon, ang anak niya ay si Ray at asawa niyang si Grace, ang bata naman sa litrato ay ang anak nila na si Gray Price." "Narinig ko 'yun, 'Lo. Pero ano nga ulit 'yung gusto niyong gawin ko?" Nagkamali lang siguro ako ng dinig at hindi niya sinabing bumalik ako sa Pilipinas para doon mag-aral? "Gusto kong kaibiganin mo siya at tulungan siyang ayusin ang buhay niya. Si Celia, Tita niya na kaibigan ko rin ay nakausap ko at nabanggit nga niyang nakikipag-unahan pa sa langit sa akin ang pamangkin niya. Naging alcoholic daw si Gray at umiinom araw-araw. Dahil sa girlfriend niya na iniwan siya para sa best friend niya. Tsk. If only Henry is here, he'll beat the sense into that kid." dismayadong sabi ni Lolo kasabay ng pag-iling. Napakunot naman ako ng noo. "Paano ko namang naging problema 'yun, 'Lo? Bakit kailangang ako ang mag-alaga sa kaniya? Hindi ko nga siya kilala, eh." Ngumiti lang si Lolo at tinapik ako sa balikat. "Anak, alam mo ba kung paano kang buhay ngayon?" Umiwas ako ng tingin. "Dahil iniligtas ako ng isang lalaki habang nasa sinapupunan pa ako ni Mama?" "And that guy... is Henry Price." Gulilat akong tumingin kay Lolo. "A-ano?" Tinapik niya ng ilang beses ang balikat ko bago sumandal sa sofa. "Nasa isang park kami noon nang makita niyang mabubunggo kayo ng sasakyan kaya iniligtas niya kayo. He died that day." nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Lolo. "Hindi ko.. alam." Ang alam ko lang ay may isang lalaking nagligtas sa amin noon pero hindi ko na nalaman pa kung sino ang lalaking iyon. Nakaligtas kaming mag-ina ngunit may isang anak ang nawalan ng ama. "His Mother died because of Cancer five years after that. His Father remarried and left his son to live on his own. Nakikita mo ba, Meek, kung bakit gusto kong gawin mo ito?" A payback. Isang maliit na pabor kumpara sa ginawa ng Lolo ni Gray Price sa amin. At ni hindi man lamang nito matutumbasan o mahihigitan ang ginawa nito para sa amin. "Payag na ako, 'Lo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD