bc

The 3rd Girl

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
possessive
bxg
mystery
scary
campus
small town
another world
spiritual
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Simpleng service crew lamang si Xeria at ang nais lang niya sa kaniyang buhay ay hindi makatapon ng pesteng durian powder sa kanyang trabaho sa shake stand.

Masipag, matiyaga at hardworking, pera ang una at huling goal niya sa araw-araw niyang pakikisalamuha sa kaniyang mga parokyano kasama sila Jenemel at Emery na katrabaho niya at kasiksikan sa kanilang space-challenged stall sa isang mall sa Laguna.

Napakahirap ng trabaho at may kaliitan ang sahod pero keri pa din hanggat may ipambibili ng bigas at ulam kinabukasan. Mabuti na lamang at kapitbahay nila si Venice, ang lukaret na service crew ng popcorn stand at kasama nila sa araw-araw nilang trabaho na parang wala nang katapusan o pagbabago.

Solo na sa buhay si Xeria at tanging sarili na lamang niya ang kanyang iniintindi.

Or so she want's others to believe, that is.

Meron siyang lihim.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Cool afternoon po---,” napatingin ako sa orasan ng Savemore na nasa tapat lang ng stall namin. Six four na pala ng hapon. Kumurap ako at ipinaskil ulit ang aking quality service smile sa aking customer na babae, “Este evening po pala Ma’am! Ano pong order nila?” masaya kong tanong sa kanya.   “Isa ngang small rocky road,” mabilis na sagot nito sa akin.   Tsinekan ko sa aking order slip ang box na katapat ng flavor ng order niya, “Forty-seven pesos po.”   Inabot naman agad ng customer ang bayad at sinuklian ko siya.   “Sa dispatching area na lang po tayo Ma’am, thank you,” sabi ko sa kanya at ginawa ko na ang pinagpalang shake ng Shake-It.   Nagtatrabaho ako sa Shake-It bilang service crew. As you realized sa name, shakes ang product namin. We have all sorts of flavors like, Caramel, Mocha, Double Dutch, Rocky Road and our best seller, Durian.   Tinapon---este shinoot ko sa blender ang powder ng rocky road at sinamahan ko ng yelo sabay pindot sa on. Tumingala na lang ako sa kisame ng mall habang naghihintay ng ten seconds.   After that sinalin ko sa isang styro cup ang shake, gulaman, nilagyan ng straw at iniabot sa binabanas kong customer na naghihintay, with my quality service smile of course.   “Small Rocky Road po Ma’am! Enjoy your shake!”   Hindi sumagot ang babae at sinimulan na agad ang paghigop ng shake niya at umalis na agad.   “Grabe, beh! Ang init, ano?!”   Napalingon ako sa umimik na babae sa kaliwa ko. Si Venice, ang service crew ng Kettleroo, isang popcorn store na sa kasalukuyan ay nagluluto ng popcorn niya at banas na banas sa kanyang buhay.   Tumango naman ako at hinubad ko ang suot kong visor na may “SHAKE-IT” na logo at pinaypay sa aking naglalagkit na ulo, “Oo nga Venice. Grabe hindi pa ba nila balak buksan man lang ang aircon nila?”   “Naku, beh, pag nandyan lang ang may-ari tsaka lang sila nagpapalamig ng bongga!” ungol nito sabay irit ng matalsikan ng kumukulong mantika ang kanyang kamay, “Syet na mainit! Natamaan na naman ako ng shrapnel!” inis na reklamo niya.   Napailing na lang ako at napatawa sabay tingin sa aking harapan kung saan nakahanay neatly ang dalawang blender, ice scooper, mga baso, order slips (o.s na lang for short) at basahan.   Pa two months na ako sa trabaho ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung bakit ako napatapon sa pagiging service crew ng paborito kong beverage.   Hindi naman sa minamaliit ko yung trabaho w/c is honorable and legal, pero it’s about me.   Nakatapos naman ako ng college. Sa magandang school pa to boot. And not just any school. I graduate with full honors in Bachelor of Arts in Education Major in Social Studies from the grandest, most extravagant and expensive school in Asia, ang Versalia University no less.   So tanong ko sa sarili ko ngayong may bagong customer na naman ako na na-order ng Durian flavored shake.   Saan ako nagkamali?   Diba dapat nasa isang kilalang school ako like Versalia, F.E.U, La Salle, Brent at nagtuturo.   So why? Tanong ko ulit sa sarili ko habang nauubusan na naman ako ng hininga kakaiwas kong masinghot ang mabahong powder ng lecheng Durian.   Bakit nga ba ako nagtatanong? Eh alam ko naman ang sagot. Ayaw ko lang maalala at ayaw ko nang alalahanin.   “Hoy miss! Pakibilisan nga! Nagmamadali ako!” galit na puna sa akin ng customer ng napabagal ang isip ko sa pagmumunimuni.   Bumuntong-hininga na lang ako at nilaparan ang aking ngiti sabay tingin sa customer sabay sabing, “Opo sir!” in a most sarcastic tone I can use. -0- Heto ako, naglalakad na pauwi. Past nine na at kakasarado lang ng mall. Pagod na naman ang inyong lingkod sa maghapong pag bleblend. Bakasyon kasi, summer and summer means sakit ng katawan dahil sa walang patid na mga taong gustong mairaos ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng Shake-It.   Bitbit ang aking shoulder bag ay mabilis kong nilalakad ang tabing kalsada papunta sa tinutuluyan kong apartment na hindi naman ganun kalayuan sa mall.   Ngunit napatigil ako bigla ng may nakita akong lalaki na nakatayo sa aking dadaanan.   Lalaki, mga sixteen to seventeen years old. Maganda ang tindigan at may hitsura. Hindi ko masyadong maaninag sa dilim ang kanyang mukha ngunit kita ko na may parang umaagos na dugo sa kanyang tagiliran at bibig. Basang basa ang kanyang suot na uniporme na parang naglangoy siya sa kung saan.   “Bakit?”   Nakinig kong mahina nitong tanong sa akin at sa isang kisapmata ay naglaho na lang siya na parang bula.   Nangilabot ako at pinagpawisan ng malamig. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na nagpatayo sa aking mga balahibo.   Sa aking takot ay nagmadali ako sa paglalakad at ng makarating ako sa aking tinutuluyan ay kumain ako agad ng cup noodles at humiga na sa aking kama. Pagkapikit na pagkapikit ko ay may narinig na naman akong boses.   “Bakit?”   “Tama na!” malakas kong sigaw at nagtaklob ako ng kumot hanggang sa makatulog na ako sa sobrang pagod at takot. -0- Mabilis akong tumatakbo sa gubat...   Hindi ko alam kung bakit...   Tumingin ako sa aking kanan at may nakita akong babae na naka-uniform at magulo ang buhok na tumatakbo din kasabay ko.   Pagod na pagod siya pero merong kung anong galit ang parang nagtutulak sa kanya para indahin ang mga sanga ng puno na humahampas sa kanyang katawan habang mabilis niyang tinatahak ang masukal na daan.   May hawak siyang kung ano na hindi ko mawari dahil sa dilim at sa bilis din ng aming pagtakbo.   Parang ilang oras kaming ganito pero sa wakas ay nakarating kami sa gilid ng isang ilog kung saan may nakatayong lalaki na nakatalikod sa amin.   Duguan ang mga kamay nito at nakatitig lang siya sa payapang ilog na tahimik na umaagos sa ilalim ng bilog na buwan.   Bumukas ang bibig ng kasama kong babae ngunit wala akong narinig na tunog mula dito.   Pero alam ko na tinawag niya ang lalaki dahil dahan-dahang humarap siya sa amin.   Hindi ko rin maaninag ang mukha niya pero malinaw sa aking paningin na naiyak siya dahil sa mga patak ng luha na patuloy na bumabagsak mula sa kanyang mukha.   Itinaas ng babae ang kanyang hawak at nagulat ako na baril pala ito.   Itinutok nya ito sa lalaki ngunit ngumiti lang ito...   Nagusap sila pero wala akong makinig. Bumubukas ang mga bibig nila pero walang tunog na nalabas hanggang sa...   “Mahal na mahal kita...”   Mahinang sabi ng lalaki...   Nanginginig ang kamay ng babae habang hawak ang baril...   Matagal na katahimikan. Hanggang sa...   “Mahal na mahal din kita...” sagot ng babae at kasabay ng mga salitang iyon ay ang isang malakas na putok ang bumasag sa katahimikan ng kagubatan.   Sumuka ng dugo ang lalaki bago patalikod na bumagsak ito sa ilog. Inanod ng mabilis na daloy ng tubig ang kanyang duguang katawan papalayo sa amin...   Dahan-dahang lumakad palayo ang babae pabalik sa gubat, ngunit kita ko sa kanyang mukha ang patuloy na pagdaloy ng kanyang mga luha.   Kasimbilis ng daloy ng tubig ng ilog...   *MY ANACONDA DON’T! MY ANACONDA DON’T! DO-DON’T WANT NONE UNLESS YOU GOT BUNS HUN!*   Bigla akong nagising sa aking pagkakatulog at mabilis kong in-off yung phone ko na nagwawala na ngaun sa pagkanta ng Anaconda ni Nikki Minaj.   Napatingin ako sa oras at napailing.   Isa na namang araw ng trabaho...   At may panaginip na naman akong hindi maalala...C

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook