Chapter 1

1352 Words
♥ One ♥ BARON Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng phone ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko kahit na mahapdi pa. I tried to move, only to freeze again after seeing the girl lying right next to me. Her head was resting on my arm, sleeping like a drunk baby. Maingat kong inalis ang braso ko. Akala ko magigising siya pero umikot lang siya at yumakap sa unan. I can't help but smile a little. This girl is crazy. I hope she can still walk after last night. I started picking my clothes on the floor. Dumiretso ako sa banyo at doon na sinagot ang tawag ni Alpha. "Baron." "Yeah?" Levi let out a heavy sigh. "It's about Hank." Ako naman ang napabuntong hininga. Napakapit ako ng mahigpit sa sink at pilit na pinakalma ang sarili. "What is it, this time?" "Sira buong Tifler's." Dismayado niyang sabi. Mariin kong napagdikit ang mga labi ko. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko sa inis. That bastard. He's really not going to stop this nonsense. Tifler's pa talaga. That's the second biggest resto bar in Astrid. "Where is he now?" I mumbled, trying my best to control my temper. "At the quarters, locked up like the usual. Has his restrains." Tugon niya. Tuluyan akong napamura. Hindi na tama 'tong ginagawa niya. Pati posisyon niya nanganganib na dahil sa kagaguhan niya. "Pauwi na ko. Tapos ko na 'yong utos ni King. Magkita na lang tayo sa quarters, Alpha." "Okay." Tugon niya. Pagkasabi niya no'n ay siya na ang pumutol ng tawag. Gusto kong suntukin ang salamin sa inis ko kay Hank pero pinigilan ko na lang. He's really devastated right now. I can't blame him, thou. I was never been on his shoes. His pain is incomparable. Part of me feels it and that's the least thing I want to feel right now. If only he listened to me. Hindi sana umabot sa ganito. He's still young to take his feelings so seriously. At our age, taking everything that way, especially feelings, will just drive your sanity away. Sa ganitong edad, dapat nag-eenjoy muna. Hindi ko alam sa kapatid ko at kay Alpha kung bakit gano'n sila kabaliw sa mga babae nila. Ang dami diyan. Bakit kailangang pahirapan mo ang sarili mo dahil lang sa isa? I just don't get them. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ko at inayos ang sarili ko. I went out only to see the girl I shared a bed last night, still on her deep slumber. Napailing ako. She's really drunk last night yet she still managed to ask for more. I have to admit. I was surprised to know I've taken down a newbie last night. Hindi na uso 'yon ngayon. I felt a little guilty. Marami rin akong nainom kagabi bago ako lumabas ng bar at tumambay sa kotse ko pero alam ko pa ang ginagawa ko kaya lang tinamaan na ng lintik. I've got no choice butvto give her what she wants. Kumuha ako ng kapirasong papel sa ibabaw ng bed side table saka ko isinulat ang number ko. I don't know why I'm doing this. I don't usually give my number to girls I share nights with so I don't really know what got into me this time. I placed the piece of paper near her phone before I picked her clothes up. Inilapag ko ang mga damit niya sa kama. Hindi ko na siya ginising pa. Baka kung saan na naman mauwi kung sakali. I found myself biting my dogtag while on my way to Astrid. Tutal alam naman na ni King na tapos ko na ang pinapagawa niya, sa Astrid na ko didiretso. Pagdating ko sa quarters, nandoon na si Levi at si Erin. Erin seems really worried about Hank. Hindi na bago sa'king makita siya kapag nasasangkot si Hank sa gulo. She's always been there for my stupid twin. Isa ring martir, I guess. This world is really full of shits and dramas. "Where is he?" Untag ko pagkalapit sa kanila. "He's on the underground cell. Your Dad requested him to be locked up there." Ani Levi. Napabuntong hininga ako. My dad is a part of the council. Levi is a friend of Hank but friendship won't matter if you've done something against the law. In this case, Hank deserves his punishment. He brought this to himself. Kahit na naaawa ako, hindi ko siya mailalabas do'n hangga't hindi siya tumitino. "What's with the underground cells?" Biglang tanong ni Erin. "The underground cells are for weres and omegas. Torture prison, as we call it." Walang gana kong tugon. Kumunot ang noo ni Erin. "What's the difference of weres to lycans?" "Lycans are the higher form. The original breed are the weres. They only shift into their wolf forms or human forms while lycans can be both at the same time. We can control our shifting unlike the weres." Si Levi na ang sumagot. "Ah..." Tumango-tango ang ulo niya. Nagsimula kaming maglakad papunta sa underground cells. Kung hindi ka sanay, malamang hindi mo kakayaning puntahan ang area na 'to ng quarters. Grabe ang torture na ginagawa sa mga ikinukulong rito. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang sumulyap sa phone ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis kapag nakikita kong wala akong natanggap na text o tawag. Pakiramdam ko msy hinihintay ako. It's been six hours since I left Wales. Parang imposible naman yatang tulog pa ang babaeng 'yon? Mahina ngunit mariin akong napamura. Ibinulsa ko ulit ang phone ko saka ako kunot-noong tumingin sa bawat seldang nadadaanan namin. Fine. You don't want to call or text me? I don't care. You're just a one night stand to me, anyway. No more, no less. IRENE Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng ulo ko at umiikot ang paningin ko. Gusto kong bumangon pero parang hindi ko talaga magawa. Ano ba kasing nangyari kagabi? Bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit parang sobrang lambot ng kama ko? Bakit may masakit sa akin? Biglang pumasok sa isip ko ang ilang malabong imahe. Dogtag. Abs. Sexy stranger. "Sexy stranger..." I whispered to myself. Bigla kong naimulat ang mga mata ko. Sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Halos lumuwa ang mga mata ko at kumawala ang matinis kong sigaw. "Sexy stranger! Oh, god Irene! Lagot ka na! Anong ginawa mo?!" Halos mangiyak-ngiyak na ko nang pagsasampalin ko ang sarili ko. May nangyari sa amin. Sigurado ako. Damang-dama ko ang sakit na pruweba ng katangahang ginawa ko kagabi. "Diyos ko ano nang gagawin ko?!" Halos ibaon ko na ang mukha ko sa unan. Hindi 'to totoo. Diyos ko, hindi ito totoo. Mayamaya ay umalingawngaw ang tunog ng phone ko. Halos takasan ako ng katinuan nang makita ang napakaraming text at tawag ng Dad ko. Pakiramdam ko nawalan ako bigla ng dugo sa katawan. Hindi ko  na yata kaya pag basahin isa-isa ang mga messages niya. Para na akong ginigisa wala pa man ako sa bahay. Pilit kong sinalat ang phone ko sa ibabaw ng side table pero tinamaan ng kamay ko ang vase sa tabi nito. Natumba ang vase at nabuhusan ang phone ko pati ang kapiraso ng papel na nakapatong dito. "No! No! No! No! No!" Mabilis kong pinunasan ang telepono ko pero mayamaya, tuluyan itong namatay, kung kailan saktong tumatawag ulit si Dad. Natulala ako sa namatay kong phone. Pakiramdam ko katapusan ko na talaga. Katapusan ko na nga talaga. Sigurado 'yon. Inis kong ginulo ang buhok ko saka paulit-ulit na minura ang sarili ko. I can't believe this is happening to me. Ito ang napapala ng mga sumusuway sa magulang. Bakit pa ba kasi ako naglasing?! Peste kasing Oliver 'yan. Kasalanan 'to ng kagwapuhan niya. Hindi naman ako papayag kung hindi siya ang nagyaya. Eh 'di sana hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang, argh! Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Paulit-ulit akong huminga ng malalim saka ito pinakawalan. "Okay lang 'to, Irene. Lumabas ka ng lugar na 'to na parang walang nangyari, okay? Okay." I breathed again then released it, only to froze when I saw the piece of paper. Basang-basa na ito at kung anuman ang nalasulat doon kanina, wala na ngayon. Wala na. Parang 'yong lalakeng kumuha ng bagay na dapat para sa mapapangasawa ko. Wala na! Pesteng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD