WMTS 2

1004 Words
Maaga akong nagising mga ala sinko ng umaga dahil kailangan ko nang pumunta sa trabaho ko, ako pa naman ang head chef sa restaurant na yun. Sinarado ko na ang unit ko at pumasok na sa elevator. Nasa isang condo ako, naisip ko kasi na mas maganda kung condo, mabuti na lang at may pera ako pang down sa condo. Pagdating ko sa parking lot agad na pumasok ako sa kotse at pinaharorot ko ang kotse ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag pa-parking ng may biglang umagaw ng spot na nakita ko. "Bwesit!" umagang umaga! "Hoy! Ako ang nauna dito! Kaya pwede ba umatras ka!" isang hilux na maroon ang kulay na sasakyan ang umagaw sa spot na UNA KONG NAKITA! "May problema ka ba sakin miss?" nanlaki naman ang mata ko ng makita amg ipokritong lalaki na nakita ko kagabi. "Ikaw na naman! Arrhgg! Pwede ba umatras ka dahil ako ang nakauna sa spot nato!!" bulyaw ko sakya at lumabas naman siya sa kotse niya kaya napaatras ako. Para namang may hinahanap siya sa ilalim ng kotse. "Ow sorry! I did not see any name here! In this spot! If your saying it's yours then where's your name?" nakakapanlukong sabi niya. Nagtitimpi lang ako sa lalaking to! "WALA!! PERO AK---" "yun naman pala eh! Bye, tsaka! Galit na ang mga kasunod na sasakyan sayo dahil IKAW ang paharang harang sa daan,.." napatingin naman ako at ngayon ko lang napansin na kanina pa sila bosina ng bosina. Pag tingin ko sa kanya nakangisi siya ng sobrang lapad at umalis na. Magkikita rin tayo ulit! Sira ulo ka! Agad na naghanap ako ng ibang spot at nag park na! Nakakainis! Bakit ba lahat ng gwapo mga SIRAULO! Kung hindi ko lang siya narinig na nag tagalog mapagkakamalan ko siyang amerikano. Eh basta! Wala akong panahon sa pagpapapuri sa kanya! Late na ako! Dumaan ako sa backdoor at nakita ko na ang mga kasama ko. "Mik late ka yata?" tanong ni Jerome habang nagsisimula ng magluto. Agad na kinuha ko ang apron at hairnet sa locker saka bumalik sa kusina. "May siraulo lang akong nakasalubong!" naiinis na sabi ko na nagpatawa sa kanya. "Ang sama nga siguro ng umaga mo!" sabi niya pa. "Sinabi mo pa!" sabi ko at nagsimula na. Jerome is one of the chef here, mga dalawang taon na siya ako mga isang taon palang, twenty seven na siya and single, gwapo at matso pero ewan hindi ko siya magustuhan. "Breakfast meal for table 46..." sabi ng waiter kaya agad ma nagluto ako, dahil ako lang ang wala pang nilulutong order. After a minute tapos na. "Breakfast meal, for table 46.." sabi ko at kinuha na ng waiter. "Ahm guys!" napatingin naman kaming lahat. "Our boss for the first time visit this branch, at pinapatawag niya tayong lahat, pagkatapos mabigay ang mga order magsasara tayo panandalian, dahil kakausapin tayo ni boss.." sabi ng manager namin at tumango naman kaming lahat. Pagkatapos namin gawin sabay na lumabas kaming lahat, at sa sulok ng restaurant nakita ko pa si Ipokrito! Naiinis na naman ako! At siya pa pala yong table 46! Sana nilagyan ko ng lason! Mabuti naman at tumayo na siya para makaalis. Pero bigla siyang tumayo sa harap namin. Pinantaasan ko naman siya ng kilay. "Ano naman ang ginagaw amo di--" natigilan naman ako ng sikuhin ako ni Jerome. Tinignan ko naman siya na 'Ano' look. "Listen everyone! Eyes up here so, pinakikilala ko sa inyo ang boss natin , our boss for one thousand branches of his restaurant here in the philippines and others are on the other country..." ngiting sabi ni manager. Para namang nalahian ako ng tarsier sa laki ng mata ko! Ano daw! Boss? "Goodmorning!" nakanganga lang ako na nakatingin sa kanya at nakangiti naman siya. "Goodmorning sir/boss" bati nila pero hindi ako makapagsalita at yumuko na lang sa hiya! Siya ang boss ko? Si Ipokrito? "Thankyou for giving your time for meeting me, I just wanted to say that thank you for working and helping to make this branch grow more and make this popular.. Thank you for your service..." napalunok naman ako sa bawat salita niya. "May problema ka Mik? Tignan mo kaya si Boss ang gwapo," kailan pato naging bakla! Pagtingin ko sa kanya iniinis niya pala ako! "Wala akong pakial--" "Mikaela tawag ka ni boss.." nanigas naman ako sa sinabi ni manager. Kinakabahang inangat ko ang tingin ko at tinignan siya simula paa hanggang ulo. "Earth to Miss Mikaela," nag wave pa siya sa mukha ko kaya napapilig naman ako ng ulo. "P-po?" nakangising nakakaluko siya habang nakatingin sakin. "Thank you for your service here, for being head chef..." nagdadalawang isip naman na ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. "Owkey! Back to work na kami boss..." agaw atensyon ni boss kaya napabitaw naman ako sa kamay niya. "Ok. Bye..." at naglakad na siya palabas. "Hoy back to work na Chef Mikaela!" sabi ni manager kaya nagulat ako at agad na pumasok sa kitchen. "Mag sakit ka ba Mik?" nagaalalang tanong ni Jerome. Oo! Parang magkakasakit ako! "Di okey lang ako." Masiglang sabi ko ayaw kong tanungin niya ako patungkol sa pamilya ko. Tss. Hindi ko dapat dinadala ang problema ko sa trabaho. "Mabuti." Sabi ni Jerome at nagsimula na kaming magluto dahil nagsidatingan na ang customer. Gabi na at oras na ng uwian ng lahat at dahil ako ang head ako ang huling uuwi sa kanilang lahat. "Bye mik," paalam nilang lahat. At nag babye na ako sa kanila. Hinilot ko naman ang balikat ko dahil sa sakit at ngalay narin siguro. "Woh kapagod!" Sabay buga ko ng hangin. "Mik ikaw na bahala mag sara ng pinto sa back door ha, aalis na ako dahil umuusok na ang ilong ni misis." Natawa naman ako sa sinabi ni manager at nag thumps up sa kanya. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at nilock na ang backdoor. "AY KAPRE!!" Sigaw ko sa gulat ng makitang nakatayo ang owner ng pinagtatrabahuan ko. Lord! Gawin nyo akong bula please parang awa nyo na po! Waaaaaah! "B-boss," nauutal na sabi ko at kinakabahan na nakatingin sa kanya. "Sumama ka sakin," hinila niya ako pero nagpupumiglas ako. "Waaaah! Boss sorry na, gagawin ko lahat please!" Sigaw kong sabu habang nakadikit ang palad at nakapikit. Unti-unti namang dinilat ko ang mata ko. "Lahat?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD