I planned.
I was like an architect designing the most perfect plan for years. Nagmamadali ako sa bawat sandali dahil hindi lang ilang beses na tinaggihan ni Isly Kaide ang proposal na ipinapadala ng pamilya ko sa tuwina para sa kamay ni Sachiro kundi dahil nalaman kong karelasyon na nito ang isa sa mga Vladimiers.
I was hurt. I felt betrayed by fate and time. I felt so much anger towards Isly Kaide and the Vladimiers. I was so angry because I know that no one could control himself if he's in a relationship with someone like Sachiro Kaide. I knew that the damn Vladimier has already possessed what should have been mine. I grew angrier each day thinking how that Vladimier owned Sachiro's body, how many times he did it in a day and the way he owns it every damn time. I was so jealous that it was making me crazy every time I think about them both naked in bed. I fight the demons in my head every night I imagine Sachi being owned by someone else rather than me. I swear that Vladimier would pay a big price for taking what should have been mine. Sisingilin ko siya sa tamang panahon at mahal ang kukunin kong kapalit sa ginawa niyang pag-angkin sa dapat ay akin.
I have my own plans for him, too. But for now, Sachi is my priority and that Vladimier could wait.
Lihim sa mga magulang at mga kapatid ko ay bumili ako ng isang isla na tago sa mapa ng mundo. Mula sa pinagpaguran kong pera ang ginamit ko. Dahil sa mga organisasyon sinalihan ko ay yumaman ako nang yumaman kaya hindi naging imposible sa akin na bilhin ang gusto kong bilhin. Kung tutuusin ay kaya ko nang bumili ng isang bansa kung gugustuhin ko. But nah, all the money that I have earned, all the properties, everything that I have will only go to my Sachi. Sa kanya ko lahat ibubuhos ang mga pinagpaguran ko. I will make the impossible things possible for Sachiro Kaide.
Nagpatayo ako ng malaking mansion sa isla. Doon ko balak na dalhin si Sachiro kapag nakuha ko na siya. Walang makakatagpo sa islang iyon. Hinding-hindi nila kami makikita.
Makabago ang mansiyon. Puno iyon ng makabagong teknolohiya kaya kahit gumamit sila ng drone ay hindi iyon matatagpuan. Pinaligiran ko ito ng matatas na pader na tila ito isang palasyo. Kahit na ilang bilyong dolyar na ang nagagastos ko ay balewala sa akin. I made it a perfect place for Sachi and me. It will be our own world, our own sanctuary. Doon, walang makikialam kung paano kami mabubuhay. Walang magdidikta. At walang batas kaming susundin. Tanging batas ko lang ang masusunod. Tanging desisyon ko lang ang mananaig.
Halos isang taon ding plinano ko kung paano ko siya madudukot. Kumuha ako ng mga tao sa Russia at sa America upang sanayin sa dapat nilang gawin. Ang tanging problema ay hindi kami masyadong makagalaw sa Russia dahil miyembro din ng mafia roon ang mga Vladimiers. Masyado akong maraming makakalaban kung doon ko siya ipadudukot.
Nang malaman kong pupunta siya sa Pilipinas ay naging mas solido na ang plano ko. Doon, hindi malakas ang kapangyarihan ng mga mafia. Kaya kong manipulahin ang batas gamit ang akong pera.
Nag-obserba muna kami. Nang malaman kong ikakasal sa iba ang nobyong Vladimier ni Sachi ay nabago konti ang plano ko. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon na lalabas siya mag-isa ngunit hindi iyon nangyari hanggang sa mainip ako.
I was ready to ask my men to take him when I got the news. He met an accident. He came back to Japan in a wheelchair. Labis ang naging pag-aalala ko. My feelings for him did not disappear even if I knew that he was already paralyzed. Hindi nabawasan ni katiting ang pagmamahal na meron ako para sa kanya. I was so angry with his ex-boyfriend and father for letting that happen to him. Naging pabaya sila kaya naaksidente si Sachiro. They're both useless. At dahil doon ay nagdesisyon ako na alisin na talaga si Sachi sa pangangalaga nila dahil pareho naman silang walang kuwenta.
I even searched for the best therapists and doctors that will make him walk again. I hired nurses that will take care of all his needs. I took men who are extremely loyal to me and to my friends who will live with us on the island. Dinala ko sila sa isla and made them wait for my next move.
Ilang buwan kong binuo muli ang plano ko. I modified it over and over again until it was more than perfect. But then, the men I hired took someone else with an additional idiot. Those stupid bastards took his cousin who was vacationing from the Philippines and that idiot and childish Vladimier boy.
At dahil palpak sila, agad ko silang dinispatsa at kumuha ng mas magagaling na tauhan para sa susunod ay sigurado nang si Sachi ang makukuha nila. Ilang buwan ulit akong nagplano, nagtanim ng mga tao sa mga lugar na pinupuntahan nila, at may binabayaran din ako nang malaki na nasa bahay mismo ng mga Kaide para ibalita sa akin ang mga impormasyon na dapat kong malaman.
And now, I have him. Finally.
I don't fear his father. I am way smarter than him. My obsession made me so. I would make Sachiro walk again. And once he's able to run, I will own him and tame him to be mine. And no one, not even his father, could stop me.
...
Maaga akong nagising ng araw na iyon. Ngayon kasi ang araw na pupuntahan ko si Sachi. Ilang araw na rin siyang nasa isla at ilang araw na rin akong nananabik na mahawakan man lang siya.
Napangisi ako habang papunta ako sa shower. My manhood is very alive just thinking that my hand would soon touch Sachi's skin and that my lips would be able to taste him. My manhood was very eager to enter his body. It was making my mind crazy.
I can't wait to hear him moan, groan, and call my name. The thoughts of pleasuring him above my bed is making me insane.
Malalim akong huminga at saka malakas na nagbuga. I have to control my mind and my body. Hindi ako dapat magpadala sa pananabik ko sa kanya or else all my plans will fail. I have to earn his trust first. Kailangan na magtiwala muna siya sa akin nang buo bago ko kunin sa kanya ang mga gusto kong kunin. Kailangan na matutunan din niyang mahalin ako. If I have to force it on him, then I will.
Pagkatapos mag-shower ay nagbihis na ako. Kailangang ayusin ko muna ang lahat bago ako umalis. Nagpunta ako sa opisina at tinawagan ang ilang taong pinagkakatiwalaan ko kasama ang isang tao na siyang substitute ko habang wala ako.
Pumasok sila sa opisina pagkaraan ng ilang minuto. Natutuwang pinagmasdan ko ang isa sa kanila. He's my copycat. Sinadya kong pinabago ang mukha niya upang siyang maging ako habang abala ako kay Sachi.
"Sir," bati sa akin ng mga tauhan ko.
"Perfect. He's perfect," natutuwa kong saad habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki. Same height, same weight, same skin color, and same face. Sinong magsasabi na hindi ako ang lalaking ito?
"Leave us," sunod kong utos. Kaagad namang umalis ang mga tauhan ko at naiwan kami ng lalaking iyon.
Habang pinagmamasdan ko siyang takot na takot habang nakatingin sa akin ay nanumbalik sa akin ang lahat.
It has been seven months that he's living with my face and has been training to be me. Naisip kong gumawa ng taong kamukhang-kamukha ko para sa lahat ng mga plano ko. Para kahit wala ako ay may tatayo bilang ako. Walang maghihinala kahit na ang pamilya ko na ako ang may kagagawan sa pagkawala ni Sachi. The man has been training for months kaya kuhang-kuha na niya ang lahat pati ang istilo ko, pananalita, paglalakad, at pati ang mannerisms ko. Kumuha talaga ako ng trainer niya para lahat ay maging perpekto.
"Dumating na ang oras para sa totoong serbisyo mo, Carem. Huwag na huwag mo akong bibiguin lalo na ang tatraidurin. Nakita mo na akong magalit at magparusa kaya natitiyak kong alam mo na ang mangyayari sa'yo kapag pumalpak ka," seryosong babala ko sa kanya.
"Opo, boss," puno ng takot ngunit magalang niyang sagot. Lihim akong napangisi nang makita ang panginginig ng mga kamay niya na agad niyang pinagsiklop.
"You will be well-compensated once everything is done. Ibabalik na rin kita sa lugar na pinanggalingan mo pagkatapos kong maibalik ang dating mukha mo. Though it will take at least a year, ipinapangako kong babalik sa dati ang lahat para sa'yo at para sa pamilya mo."
"Salamat po, boss."
Napangiti ako. Perfect. Everything is perfect. Si Sachi na lang talaga ang tratrabahuin ko para lahat ng plano ko ay maging maayos na.
"I will still be taking the calls. Ang haharapin mo lang sakali ay ang mga magpupunta rito at ang mga meetings na hindi ko mapupuntahan. Nasa sa'yo na ang personal number ko. Tawagan mo ako agad kung sakaling may mga insidente kang hindi malulusutan. Ilagay mo lagi sa isipan mo na ikaw si Judas Yamashiro kapag naririto ka sa opisina ko. Bahala na ang mga tauhan ko sa lahat ng pangangailangan mo."
"Opo, Master Yamashiro."
"Makakaalis ka na."
Yumukod muna siya sa akin bago siya umalis sa akin opisina. May mga inayos lang akong hidden cameras sa opisina ko bago ako sumunod palabas.
Naghihintay na ang helicopter na magdadala sa akin sa isla. Matamis akong ngumiti nang magsimula na itong umangat sa ere.
Sandali na lang, Sachi. Darating na ako para sa'yo, mahal ko.