bc

Unexpected Wedding

book_age18+
22.7K
FOLLOW
158.0K
READ
love after marriage
arranged marriage
dominant
manipulative
goodgirl
inspirational
sweet
bxg
humorous
discipline
like
intro-logo
Blurb

Umuwi nang biglaan si Shania galing ibang bansa at hindi niya iyon sinabi sa pamilya upang sorpresahin ang mga ito. Subalit hindi niya inaasahan na hindi lang pala ang pamilya ang masusorpresa kundi kahit pala siya. Dahil sa kanyang pag-uwi ay nalaman niyang ikakasal na ang pangalawa niyang kapatid na sa kasalukuyan ay nag-aaral pa ng kolehiyo. 

Marriage for convenience ng Lolo sa Mama niya, na isang milyonaryo at noon lang din niya nakilala dahil simula nang ipinanganak at lumaki silang magkakapatid ay hindi nila ito nakita at lumaki rin silang mahirap.

Pero ang lalong ikinagulat niya at ikinatirik ng mata sa inis, ay isang matandang lalaki pala ang mapapangasawa ng kapatid. As in, gurang! Maputi na ang buhok, kulubot ang balat at naka-tungkod na! Kaya todo ang pagtutol niya!

Pero wala silang magawa at kahit nakikita niyang ayaw rin ng kapatid ay pumayag pa rin ito para sa mga magulang na gustong bumawi sa nagawang pagkakamali noon sa Lolo nila at para na rin maiwasang magkasakit ang Lolo. 

Sa huli bilang isang mabuting anak at kapatid ay pumayag siya na ituloy ang biglaang kasal pero sa isang kundisyon dahil siya ang panganay at siya naman talaga ang nasa kasunduan noon pa mang hindi sila pinapanganak ay sinalo niya ang responsibilidad. Kahit may nobyo na siya at nagpaplano na rin sana magpakasal.

Pinili niyang iligtas ang kapatid kahit parehas silang masasaktan ng nobyo pero pinangako niya sa sarili na kahit ikasal siya sa matandang iyon ay hindi siya pakokontrol at hindi nito makukuha ang katawan na matagal niyang pinaka-iingat-ingatan! 

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAPANGITI ng maluwang si Shania nang makarating ang sinasakyan nilang van sa harap ng bahay nila rito sa General Trias Cavite. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya dahil sa loob ng limang-taong pamamalagi sa US upang maghanap-buhay kasama ang nobyo at talagang miss na miss na niya ang bayang sinilangan ganoon din ang kanyang buong pamilya.   Mabilis na tinanggal ni Shania ang seatbelt sa katawan at kaagad na lumabas ng van saka dinama ang malamig na hangin ng Cavite. Hapon na kasi kaya malamig-lamig na ang hangin at ang sarap niyon sa pakiramdam. Siguro dahil sa sayang nadarama na nandito na rin siya at nakauwi na rin sa wakas.   Nakangiting bumaba rin ng van ang nobyong si Zanray at nilapitan siya.   “I really miss this place!” masayang bulalas niya sa nobyo na lalong ikinangiti nito. “Halata nga, eh, nagmamadali ka pa talagang lumabas ng kotse nang makarating tayo rito,” tugon sa kanya nito. Ngumiti siyang tinignan ang nobyo. “Ikaw rin naman, hindi ba? Na-miss mo rin ang Pinas?” “Oo naman. Iba pa rin ang lugar kong saan ka lumaki at nagka-isip,” anito. “Sigurado ikakagulat ng pamilya ko ang pagdating ko ngayon,” natatawang sabi niya at naisip ang magiging reaksiyon ng pamilya. “Sigurado iyon at lalo na kapag sinabi na rin nating nagpaplano na tayong ikasal.” Lumapad ang ngiti niya. “Dalawang surpresa ang inihanda ko sa kanila,” tugon niya. “Inaasahan na rin naman nilang doon tayo patungo at excited na sila pero itong pag-uwi ko ng biglaan at pagsasabi ng plano natin ay talagang ikakagulat nila.” “Gusto mo bang samahan na kitang surpresahin sila ngayon?” “Hindi na muna. Gusto ko na munang surpresahin sila sa pag-uwi ko ngayon at sunod na ang pagpaplano nating magpakasal kapag namanhikan ka na,” nakangiting tugon niya. “Sige. Iyan ang gusto mo,” payag ni Zanray. Inilabas ni Zanray ang maleta niyang dala at ilang box na naglalaman ng pasalubong niya sa pamilya. “Hindi na muna ako kaagad aalis. Tutulungan kitang ipasok sa gate ang mga dala mo at mabibigat ito.” “Sige. Salamat, Zanray,” aniya. Ngumiti lang ito sa kanya.   Highschool friend niya si Zanray pero nang magkolehiyo ito ay lumuwas ito at sa Maynila na nag-aral. Tuwing bakasyon lang sila nagkikita noon kasama ng kaibigang si Angelu at talagang kaibigan lang ang turing niya noong una kay Zanray hanggang sa nakapagtapos ito ng kolehiyo at muling bumalik ng Cavite. Doon sa pamamalagi nito sa Cavite kasama siya ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya na matagal na raw nitong nararamdaman subalit dahil kaibigan lang ang turing niya rito ay hindi kaagad niya ito binigyan ng pag-asa.   Hindi siya tinigilan ni Zanray at naging masugid niya itong manliligaw. Mabait ito at magalang din sa kanyang pamilya kaya sa tagal ng panahong panunuyo nito sa kanya ay natutuhan naman niya itong mahalin kaya sinagot na niya ito at naging nobyo na sila. Umabot ng isang-taon ang relasyon nila nang inaya siya nitong magtrabaho sa abroad sa tulong ng kamag-anak nito. Hindi naman na siya tumanggi pa kaya sabay silang nagpunta ng abroad at nagtrabaho. Marespeto rin si Zanray at isa iyon sa dahilan kaya mas nahulog ang loob niya sa nobyo dahil kahit pareho na silang nasa ibang bansa at nagta-trabaho sa isang kompanya doon ay hindi ito gumawa ng hakbang para angkinin nito ang katawan niya. Handa rin itong antayin na ikasal sila bago niya ibigay ang katawan niya kaya alam niyang mapalad siya sa lalaking pinili niya.   Napangiti siya sa isiping mabuti at responsableng tao ang mapapangasawa niya at tiyak na mapapabuti silang pareho sa oras na magpakasal sila at bumuo ng isang pamilya. Kinuha na niya ang maleta at binuksan ang gate ng bahay at ipinasok naman kaagad ni Zanray ang dalawang malaking karton sa loob ng gate. “Dito na lang muna ako mag-aantay,” sabi ni Zanray. “Pumasok ka na rin mamaya para bumati kina Papa at Mama bago ka umalis,” sabi niya. “Sige.” Naglakad na siya palapit sa pinto nila at naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi saka pigil ang tawa nang hawakan niya ang door knob at pihitin ito saka binuksan ng malaki ang pinto. “Surprise!” kaagad na sigaw niya nang tuluyang mabuksan ang pinto at pumasok siya. Ang malapad na ngiti sa labi niya ay unti-unting naglaho at napalitan iyon ng pagtataka sa mga taong sumalubong sa paningin niya na nasa sala ng bahay.   “Miss, who are you?” tanong ng isang babaeng na nasa sala ng bahay. Lima ang taong nasa sala at nakaupo sa sofa. Dalawang babae tatlong lalaki, ang babaeng nagtanong sa kanya ay mukhang ang pinakabata sa lima. Kaagad siyang nataranta at lumabas ng pinto ng bahay. “Sorry, nagkamali yata ako ng bahay na napasukan!” hingi niya nang paumanhin at sinara ang pinto saka naglakad palapit sa nagtatakang nobyo. “What happened, Babe?” nag-aalalang tanong ni Zanray sa kanya. “Nagkamali ba ako ng bahay na pinuntahan o lumipat lang ng bahay ang pamilya ko na hindi ko nalalalaman?” naguguluhan niyang tanong sa nobyo. “Babe, ito lang ang bahay niyo simula noon kaya malabong magkamali tayo pero kung lumipat sila ay kahit ako ay walang alam. Bakit? Ano bang nangyari?” “May ibang tao sa loob ng bahay at hindi ko sila kilala,” aniya. “Wait, magtatanong ako kay Kuya Zeron kung lumipat ba ang pamilya mo nang bahay,” anito saka lumabas ng gate at iniwang bukas iyon.”Kuya, lumipat ba ang bahay ang pamilya ni Shania?” tanong ni Zanray sa kapatid na siyang driver at sumundo sa kanila. “Hindi. Kahapon nga ay pinapunta ko si bunso rito para bigyan sila ng isang-sakong bigas. Naibigay naman at wala namang sinabi si bunso na lumipat sila,” narinig niyang tugon ng kapatid ni Zanray. Lumingon sa kanya ang nobyo at lumapit na rin ito. “Pero may ibang tao na sa bahay,” aniya. “Baka bisita niyo iyan, Shania” tugon ng kapatid ni Zanray na nakasilip na sa bintana. “Oo nga, Babe, baka bisita ng pamilya mo iyon,” ayon naman ni Zanray. Hindi niya naisip iyon dahil bigla siyang nataranta sa ibang tao na sumalubong sa kanya sa sala at isa pa, mukhang mga mayayaman ang mga taong iyon dahil sa mga formal na suot at mga alahas na suot ng mga ito kaya nagulat at umalis kaagad siya. Isa pa, hindi niya matandaan na may kakilala silang mayayamang tao na tulad ng nasa sala. Nilapitan siya ni Zanray at hinawakan ang balikat niya. “Pumasok tayo sa loob at magtanong tayo para makasigurado ka,” aya sa kanya ni Zanray. “S-sige,” payag niya. Hinawakan ni Zanray ang kamay niya saka sabay silang naglakad patungong pinto at binuksan niya muli iyon. Muli ay tumingin sa kanila ang limang tao na nasa sala na may pagtataka sa mukha.   “Excuse me, bisita po ba kayo ng may-ari?” tanong niya. “I’m Shania Nick Azarcon, isa sa anak ng may-ari ng bahay na ito,” pakilala na rin niya sa sarili. Nakita niya na lalong nagulat ang mga ito at ang isang matandang lalaki ay napatayo na at nakatitig sa kanya na ikinalunok niya ng laway. Inalalayan pa ang lalaki ng unang babaeng nagtanong sa kanya dahil mukhang hirap na ito sa pagtayo dahil sa katandaan. “Anak ka ng may-ari ng bahay na ito? Azarcon? So, Tatay mo- “Ate!” Nagulat na napatingin siya sa tumawag sa kanya at gulat ang makikitang emosyon sa mukha nito. Si Shara iyon na pangalawa niyang kapatid. Nakahinga siya kaagad ng maluwang sa malamang nandito pa nga sa bahay nila nakatira ang pamilya at napatunayan iyon sa pagsulpot ni Shara. Mayamaya ay lumabas na rin galing kusina ang Mama at Papa niya na gulat na gulat din. “S-surprise,” aniya at pilit na ngumiti. Hindi na tuloy ganoong kasaya at kasigla ang pagsabi niya ng surprise dahil sa bisita ng pamilya niya na unang sumalubong sa kanya sa bahay nila.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook