Chapter 2

2052 Words
Chapter 2 Anastasia's POV Anak ng kagang naman! Nananadya ba talaga siya o sinadya niya talaga? Makasala man intawon ko ani uy! Halos istatwahin ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang presensya ni Lemuel mula sa aking likuran. Bakit pa kasi huminto ako, at humarap sa kanya? Lalabas na nga, e, tinawag pa ako ng balbon na 'to. At kung anu-ano pa ang pinag-sasabi sa'kin na sasabay raw siya maligo. Hello? Wala ba siyang sariling banyo sa loob ng kwarto niya? Oo. si Dodong Balbon, ay si Dodong Lemuel. Ba't ba? E, sa mabalbon siya. Hindi niyo ba nakita ang mala-unggoy nitong bolbol sa buong katawan niya? Pero joke lang. Pero seryoso, naka boxer lang siya tapos iyong nakita ko— naku! Diyos ko, pasayluhi intawon ko hindi ko naman sinasadyan na makakita ng live show ngayong araw na'to. Promise, tanging mabalahibong katawan lang ang nakita ko—mula legs nito hangang sa bente tapos sa dibdib niya at braso. Iyon lang po. At pahabol na rin 'yong bumubukol na—nasa gitna ng mga hita niya. "Hey!" Napa-lundag tuloy ako dahil sa pang-gugulat niya sa'kin. "Ay! Balbon ka!" Putragis naman na balbon na'to. "Who's, balbon?" namewang siya at bumalandra na naman ang mabalbon niyang katawan at ang manunukol nitong bird sa gitna ng dalawa niyang hita. Kumunot ang noo niya nang matagal ako bago naka-sagot. "Iyong bird, oo, 'yon ang pangalan niya, balbon. Hehehehe!" ano ba 'tong pinagsasabi ko? Napatakip ako ng bibig. Nagtaka naman siya. "Do we have a bird inside our house? Sa pagkakaalam ko walang ibon dito sa bahay." "M-meron, bibili pa lang ako at balbon ang naisip kong ipapa-ngalan sa kanya." Napa-labi ako at pakiramdam ko iisang kulay nalang ang meron ako ngayon. Namumula. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ko iyon sa ibang direksyon. Wala ba siyang balak na umalis sa harapan ko? Nakaka-panlambot na ng mga boto-boto ang lalaking 'to. Swear! Naka-titig lang siya sa'kin. Napalunok nalang ako ng pinag-mamasdan niya ang kabuuan ko. "S-sige, alis na ako." Salita ko at 'agad nang tumalikod. Laking pasalamat ko nalang at hindi na ito nagsalita pa bagkus, narinig ko nalang ang malakas niyang halakhak. Potek ka, Lemuel! Meanwhile. Habang nagbibihis ako ng hospital uniform dahil nga sa may duty ang lola niyo hindi ko maiwasang isipin ang mga nakita ko kanina. "Tss... balbon ka talaga." Pailing-iling kong sabi sa aking sarili. Ngayon, kailangan ko maghanap ng ibon para may ipapakita ako sa kanya na bumili talaga ako. "Litsing bird na 'yon ba't kasi namumukol sa harapan niya." Bahala na nga! Magtanong-tanong nalang ako kung saan makakabili ng ibon. Matapos kong magbihis 'agad akong lumabas ng silid ko. Hindi ko na inabala pang puntahan si Lemuel sa kwarto nito baka magkakasala na naman 'tong inosente kong mga mata at baka hindi lang bird na naka-tago sa puting calvin nito, kundi naka-labas na sa hawla nito. Sa sala. Habang hinihintay ko siya bigla namang dumating si Senior Alcantara. "Senior Rolando." Naka-ngiti kong tawag sa kanya at sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi. Lilinawin ko lang ang mga haka-haka ng mga tao sa pagitan naming dalawa. He's one of a kind person. Siya ang tumulong sa'kin na makapag-tapos ng pag-aaral. Kung sa paningin ng ibang tao ay kabit ako, ay hindi ko sila masisisi. Hindi lahat ng tao ay nakakaintindi at nakakaunawa ng sitwasyon ko. Nasa loob tayo ng isang mapanghusgang mundo. We're not perfect. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, maging sa mga anak nito na sina Attorney Alfonso at Doctor Viktor. Makakabawi rin ako sa lahat ng kabutihan nila sa'kin. Ulira na ako at walang kinilalang pamilya, galing ako ng bahay ampunan, at lumaking masayahin at palabirong nilalang. Kesyo naman magmumukmok ako ay wala rin akong magagawa kundi ang tanggapin ang reyalidad ng aking buhay. The rest of my story are history. Ayaw kong mag drama sa buhay ko, maiistress lang ako. But, to be honest, tumakas talaga ako ng bahay-ampunan kaya ako napadpad sa mga Alcantara. "Kumusta ang trip to Singapore?" malambing kong tanong sa kanya sabay hubad ng coat nito. "Maayos naman. I met all the stock holder ng isang kompanya, at masaya ako na nagkakasundo kami sa bawat investment ng mga supplier from the other country. How about you?" Naka-yapos ako sa braso niya habang hinahatid ko siya sa kwarto nito. Ganito ako ka lambing sa kanya, kaya 'di maiwasan na pag-usapan. But, I don't care. "Me? Ito papasok na ng trabaho, hinihintay ko nalang 'yong pilyo mong anak na lalabas ng kwarto niya." Tumango siya. "Did he give you a hard time?" "Wala naman, sakto lang, sabay sa flow ng kapilyuhan niya." Sagot ko, pero ang totoo, he give me a really hard time. Nagpipigil. Pero, kailangan ko na naman e-save ang kapilyuhan niya para naman 'di mapag-sabihan ng matanda. Pagdating namin sa harapan ng kwarto niya ay may pahabol ako. "Señior, iyong gamot mo nasa itaas na ng table sa tabi ng kama mo—h'wag mong kalimutan uminom, okay? Saka, kumusta ang pakiramdam mo?" I need to check him also. Ako pa rin kasi ang nagbabantay sa kanya kahit may trabaho na ako. Isa ito sa mga pinangako ko sa kanya; ang alagaan siya. Napa-sentido siya bago naka-sagot. "I'm fine, don't worry about me, Anastasia," hinaplos niya ang aking buhok na naka-ngiti. "Thank you for taking care of me." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, ay hinalikan niya ako sa noo. Napa-pikit tuloy ako dahil ramdam ko ng concern at pagmamahal niya. Naka-ngiti akong niyakap siya ng mahigpit. "Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Señior. Habang buhay ko itong pasasalamatan sa inyo, sa pamilya mo. Maraming salamat." Natawa nalang siya sa pagiging emotera ko. Tuloy kumunot ang noo ko sa kanya. Haist! Bait-bait niya talaga. Pinag-buksan ko siya ng pinto. Bago pa ito pumasok ay nagtanong muna ako. "Saan ba makaka-bili ng ibon?" Nagtaka tuloy ang matanda. "Why?" "Ah bibili sana ako, gawin kong pet. Hehehehe!" mas lalo siyang nagtaka. Alam niyang hindi ko hilig ang mag-alaga ng ibon. "Ano kasi—" hindi ko pa natapos ang paliwanag ko ng magsalita siya. "Sanctuary Paradise. You can buy kahit ilan kung 'yan ang bago mong hilig ngayon. Pasama ka kay E.L, alam niya ang lugar na iyan, dahil malapit lang 'yan sa gallery na pinupuntahan niya." Si Balbon pa talaga ang isasama ko? Hindi ba pwdeng ako nalang? Kaya ko naman, at hindi na ako bata. Tss... Ngumiti ako. "Sige, Señior, maraming salamat. Dalawa lang naman ang bibilhin ko. Hehehehe." Ngumiti nalang siya ulit. Nang pumasok na siya ng kwarto niya at akma ko na sanang isasara ang pinto nang bigla naman lumabas si Balbon, este si Dodong Lemuel sa kwarto niya. Dahil sa laki ng hakbang niya mabilis siyang nakarating sa amin. "Dad? How's business?" nilampasan lang ako ni Balbon at saka yumakap sa ama. "Maayos naman. Nga pala samahan mo si Anastasia sa Sanctuary Paradise, she want's to buy a bird." Umiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata niya sa'kin. "Okay. Take your rest, Dad. We have to go." Saka nagsarado ng pinto. "Tara na." Salita ko, at nauna ng naglakad pababa ng hagdan. Naiilang ako sa kanya kapag naalala ko 'yong kanina. Kumibot ang gilid ng aking labi ng maunahan niya ako sa paglalakad. Yamot akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang nasa paanan na ako ng hagdan. "Ang bagal!" yamot niya. "E di ikaw na ang mabilis! Nahiya naman sa haba ng mga binti mo." He just smile Kainis! "Mag go-groceries pala tayo, diba?" "Oh? Bakit naman?" "Idadagdag ko sa groceries natin ang tiki-tiki, cherifer, at growee." Kumunot ang noo ko. "At saan mo na naman gagamitin ang mga iyan?" "Ibibili kita ng mga niyan nang tumangkad ka naman. Nakakahiya rin sa height mo kung hindi kita ibili ng mga bitamina mo! Let's go!" putragis! Ganun na ba ako kaliit sa paningin niya, at ibili niya ako ng mga bitaminang pampatangkad? Nakaka-insulto 'yon sa p********e ko. Bwisit ka talaga, balbon. Sinamaan ko siya ng tingin habang papalapit ako sa kanya. Ang buong akala niya ay papansinin ko siya subalit, nabigo siya. Gago! Lalampasan ko na sana siya ng hilain niya ang likod ng damit ko. Nag mukha tuloy akong hanger sa ginawa niya. "Lemuel, ano ba!" Bulalas ko sa kanya, habang nagpupumiglas na makawala sa pagkahawak niya sa likod ng uniporme kong puti. "Hindi ka puwedeng mauna dapat sabay tayong lalabas ng bahay." "At kailan pa nagkaroon ng policy dito sa loob ng bahay—na dapat sabay lumabas?!" "Just now. 10 seconds ago." Papansin talaga ang lalaking 'to! Bini-bwisit ako eh! "Bitawan mo nga ang damit ko! Balbon!" Dahil sa huli kong sinabi sa kanya ay pinakawalan niya rin ako. Lumayo ako sa kanya bago ako humarap sa kanya. "Bwisit ka talaga! Sinisira mo talaga ang raw ko eh!" "So? Ako pala hindi nasisira ang araw ko araw-araw sa tuwing nakikita kita? At balbon pa talaga ha?!" Humakbang siya papalapit, paatras naman ako. "Matapang ka na ngayon dahil sa ama ko?" "Lemuel, ano ba?!" dahil sa kakaatras ko natalisod ako sa isang malaking bato. At dahil do'n bumagsak ang pwet ko sa lupa at napa-ngiwi nalang ako sa sakit ng pagkabagsak ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko sa kanya, gayung alam kong galit din siya sakin. Akma akong tatayo nang maramdam ko ang pagkirot ng kanang paa ko. "Ah!" ungol ko at pinipilit na tumayo subalit, nabigo ako at hindi na talaga makatayo. "Are you okay?" tiningala ko siya sabay iling na namimilipit sa sakit. "Tsk! Bakit kasi ang tanga mo pandak?" seriously? Kung wala siyang balak na tulungan ako may pa-kuda pa talagang pahabol? "I'll bring you to the clinic." Sambit niya at walang sabing binuhat niya ako, saka pinasok sa loob ng kotse. "Tanga-tanga kasi!" pahabol niya pang singhal sabay sarado ng pinto saka pumihit sa kabilang pintuan. Gustuhin ko man siyang bulyawan ay hindi ko na ginawa. Mas inaalala ko ngayon ang paa ko, at ang duty ko. Saka ka na sakin Lemuel kapag naka-bawi ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi mabilis, hindi rin mabagal, sakto lang ang takbo ng sasakyan para dumiretso sa malapit na clinic dito sa Quezon city. Ramdam ko ang pabaling-baling ng tingin sa'kin ni Lemuel. As if naman concern talaga siya—e ang totoo napipilitan lang siyang tulungan ako para kunwari may magandang record sa ama niya. Tsk! Kahit kailan ayaw kong makipag-kaibigan sa iyo! Mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa mga pinsan niya na kahit minsanan lang ang punta sa kanila atleast mag-e-enjoy ka talaga. Hindi 'tulad ng isang 'to panay stress, pang-aapi at pang-aasar ang ginagawa sa'kin—dagdagan pa 'yong panghu-husga niya na kabit ako ng ama niya. E, hindi niya naman alam ang ugat ng isturya, at hindu rin inalam muna kung totoo ba o hindi. Sabagay, sino ba naman ako para paniwalan ng lahat? Isang hamak na hampas-lupang palamunin na—pinulot ni Señior Rolando Alcantara sa may simbahan na—tumakas sa bahay-ampunan. "We're almost there. Hold on." Wika niya. Binalingan ko siya kung saan nasa daan pa rin ang tingin at seryosong nagmamaneho. "Stop acting na concern ka, Lemuel," ani ko na parang maiiyak na—hindi dahil sa sakit ng aking paa kundi sa mga iniisip ko nang kung anu-ano. "Huwag mo nalang kaya ako dalhin sa clinic? Rekta mo nalang ako sa hospital, at roon na ako magpapagamot sa mga kasamahan ko." Pansin kong namaga at kulay ube na ang buol ko. Alam kong subrang sakit subalit, kailangan kong tiisin ito. Compress ko lang siguro ng yelo 'to at mawawala din. "Hoy, Lemuel!" tawag ko sa kanya bagaman, imbes na sagutin ako ay bigla niya nalang pinaharurot ang sasakyan. "Lemuel!" inis kong bulyaw sa kanya. Akala ko hindi na siya magsasalita pa nang bigla siyang sumigaw. "Can you please keep quiet?! Kuda ka ng kuda riyan! You know; I don't care about your swollen ankle! My concern here is my father — I know he'll be angry with me when he finds out what happened to you! So please, shut your f*****g mouth Mistress!" Tanggap ko pa 'yong mga nauna niyang binitawang salita, pero 'yong huling salita... ay talagang hindi katanggap-tanggap sa pandinig ko. Pansin ko nalang na may dumadaloy na palang luha sa pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD