Chapter 2

1237 Words
TWO: BETTER OR WORSE? (Do you want to know the secret of mine? I'm not okay at all.) "Lola, may interview po ako ngayon sa trabaho." "Aba! Galingan mo apo! Alam mo namang suportado kita sa lahat. Sigurado akong matatanggap ka diyan. Ikaw yata ang pinakamagaling na apo ko." "Hehe. Lola, naman binobola niyo ako masyado e. Paano namang hindi ako ang magiging pinakamagaling? E ako lang naman ang nag-iisa mong apo." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lola. "Kahit na, basta ikaw ang pinakamagaling sa lahat. Paniwalaan mo ang matandang 'to apo. Kahit mamatay man ako ngayon totoo ang sinabi ko." "Lola! Alam mo naman na ayaw ko 'yan marinig di ba? Nawalan tuloy ako ng gana sa interview." pagnguso kong pahayag sa kanya. "Eto namang magandang apo ko hindi na mabiro. Para kang matandang dalaga parati mainit ang ulo." "E hindi naman po kasi nakakatuwa ang biro niyo. At isa pa lola di ako di tatandang dalaga 'tong magandang apo niyo no." Pabiro kong pahayag sa kanya. "Aba't alam mo naman palang maganda ka. Akala ko hindi ka tumitingin sa salamin." "Syempre. Kanino pa ba ako magmamana, kundi sa inyo di ba?" "HAHAHAHAH. Ang apo ko talaga marunong akong pasayahin. O siya, andito na ang nars." "Sige po lola. Parati kayong sumunod sa mga nurse at doctor diyan ha." "Syempre apo. Hindi naman ako pasaway." "Mabuti po lola. Bye bye na po. I love you." "Mahal na mahal din kita apo." Alam kong hindi magiging madali ang araw na 'to. Kaya nga napatawag ako sa lola ko para kumuha ng motivation. After weeks of just staying at home, feeling ko kasi pumurol na utak ko. Ah. Kaya ko 'to. Mataas naman IQ ko. Boom! Eksaktong 9:00 o'clock in the morning ako umalis ng apartment. Medyo malayo kasi ito sa highway kaya kailangan ko pa maglakad. Medyo basa pa ang daan ngayon, dahil sa pag-ulan kagabi. Hindi naman kasi aspalto ang kalsada kaya may mga holes na napapasukan ng tubig mula sa ulan. Pero kahit ganoon ay may mga nakakapasok pa ring private na mga sasakyan. Malapit na sana ako sa highway nang may isang hambog na taong nagdrive ng super bilis ng kotse niya at eksaktong nasa gilid ako, syempre dahil may tubig ulan nga sa kalsada, nagmukha akong basang sisiw nang tumalsik 'yon sa'kin. "D*mn! Ano pa nga ba ang magagawa ko? I need to get changed again. Mga tao nga naman. Hays." So, naglakad ulit ako pabalik. Nang makarating sa apartment ay naghugas at nagpalit na ako ng damit. Sobrang dumi ng white cardigan ko pati na ang black fitted dress ko kaya't naghanap ako ng panibagong susuotin. Nakita ko naman ang light blue long sleeve kong may kwelyo at ang black skirt kong above the knee. "Hay. Ayoko pa naman 'tong suotin. Masyado maigsi, pero wala na naman akong ibang choice. Tsk. Kainis naman kasi 'yong sasakyan na 'yon!" Panggagalaiti kong sambit sa sarili ko habang pinapalansta ang damit ko. Shet na malagkit. Malalate ako nito. Eksaktong 9:23 am na ng nagsimula ulit akong maglakad patungong highway. Naglagay muli ako ng konting lip at cheek tint. Hindi ako mahilig sa makapal na make up dahil kapag ganoon ay feeling ko lalong magiging suplada ang mukha ko. Hindi ko na rin kailangan ng pang kilay kasi natural na itim ang kilay ko at maayos naman ang guhit nito. Maputi rin ako kaya hindi ako mahilig sa foundation. In other words, kapag maganda ka hindi mo na kailangan pang magpaganda lalo kasi hindi na magiging mukhang natural. Mga 15 minutes lang naman ang byahe mula rito papunta sa Yi Feng Appliance Company. At ngayon, nakarating na ako sa highway kailangan ko lang maghintay ng taxi. May isang dumaan, pero hindi ko magawang sumakay dahil sa black aura na lumalabas sa driver. Hindi ko siya kayang pagkatiwalaan. Isa ito sa mga good thing ng pagkakaroon ko ng ganitong kakayanan. Nakikilala ko ang mga taong nasasalamuha ko, so I'll get safe. May mga dalawang taxi pa ang dumaan sa'kin, pero ganoon pa rin ang aura nila kaya hindi pa rin ako nakakasakay. It's already 9:38 am. This is making me crazy! Sh*t. Bakit kasi nakakapasa ang mga taong 'yon maging taxi drivers. Ganoon na ba kasama ang mga tao sa Pilipinas? Bakit parang lahat na lang ng nakikita ko masama? Lumipas pa ang ilang minuto ay may dumaan na ring taxi at may white aura na ang driver, salamat naman, akala ko wala pa rin.Uuwi na lang sana ako. "Saan po kayo ma'am?" "Sa Yi Feng Appliance Company po, manong." "Ah sige po." Nakaalis na rin sa wakas. Super lapit na ako sa company ng biglang tumigil ang taxi. "Manong, may problema po ba?" "Ay opo ma'am. Pasensya na po kayo, nasiraan po tayo." Ano ba namang buhay 'to? Sh*t talaga. Kapag nagkakasuno-sunod nga naman ang kamalasan oh! "Sige po manong, eto po 'yong bayad ko. Sa susunod po e check niyo po ang sasakyan niyo para wala na pong maabala." Iniabot ko sa kanya ang bayad at saka naglakad na lamang kasi malapit na lang din naman ako. Ay, hindi ko pala nasasabi na suplada ako. Sabi pa ng iba, snob daw ako at walang social life. I don't care. Sa loob ng mahabang panahong andito ako sa mundo, hindi rin naman ako natrato ng maayos. I was surrounded by black psyches. Time check: 9:55 am. Andito na ako sa loob ng company. Binilisan ko ang paglalakad kahit naka heels ako at dumeretso sa itinuro sa'kin ng guard. "Good morning, I'm looking for Miss Hana. I was scheduled for an interview today." "Good morning ma'am. I'm Miss Hana. What is the time of your interview?" "It's 10 am, ma'am." "Alright, so, your interview will start in a few minutes. Follow me please." "Ok, ma'am. Thank you." Kahit nahirapan akong makapunta dito ay nagpapasalamat naman ako kasi sinalubong ako ng isang may mabuting soul na si Miss Hana. I'm sure na she's a nice person. Pumasok na kami sa elevator at tumungo sa 20th floor ng building. Pasimple kong tiningnan si Miss Hana. She's sophisticated, maganda, mukhang matalino at successful. I'm sure na ka age ko lang siya. Mabuti pa siya napakaswerte niya naman na makapagtrabaho sa malaking kompanyang 'to. Ako? Nagbabakasakali pa lang naman na baka matanggap rin ako. Tumingin siya sa'kin kasi siguro napansin niya na tumitingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa'kin. See? Sabi ko na mabuting tao 'tong si Miss Hana. "We're here ma'am. Let's go." pag-anyaya niya sa'kin. Ngumiti naman ako bilang pagtugon sa kanya. Sumunod ako sa kanya at nakita ko ang iba pang nag aapply. Medyo nanghihinaan na ako ng loob. Makakapasok pa kaya ako nito? "Miss Dana, here's your applicant number. You're number 8. You'll have to sit here first and wait for your name to be called." pagbibigay instruction sa'kin ni Miss Hana kasabay ang pagturo sa'kin ng upuan na kasunod ng mga iba pang aplikante. "I understand. Thank you, Miss Hana." sabi ko sa kanya. "You're welcome. I hope you'll get hired. "You can do it." She smiled at me when she said that sabay tapik sa kanan kong balikat. May mga tao talagang super bait na hindi mo naman kakilala pero they can say those words as if you knew each other so well. Thanks for cheering me up! The world has been so harsh on me at the very beginning. END OF CHAPTER 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD