Prologue

3146 Words
PROLOGUE My life is another cliche' story young girls love to read during their best, most innocent days of their lives. Ngunit kung inaakala nilang masaya ang buhay ni Cinderella, well para sa tulad kong nakarelate sa kanyang kwento dahil sa mga pinagdaan ko, hindi. The fiction version may have been written to sugarcoat what her life really felt like, but reality will always ruin what we created inside our heads that we wish someday, would finally come to life. I just didn't realize fate would play tricks on me and turn my life into one crazy fairytale story. Sa edad kong ito, ni minsan hindi ko man lang naisip na possible pala iyon. The Hemsworths used to rule Bersant--a small town located on the outskirt of Remorse. My great grand dad used to be the town's mayor at kilala ang aming pamilya dahil kami ang may pinakamalaki at bantog na restawran sa Bersant. Madalas dumarayo ang mga tiga-karatig bayan para lang masubukan ang aming pagkain--maging ang mga taong naninirahan sa mga eksklusibong syudad sa aming distrito. Hemworth's Cuisine became famous over time because of our signature dishes like Paela Imelda--a foreign food my great great grandma made as if she owned the recipe. Minahal at nirespeto ang pamilya Hemsworth sa ilang dekadang paninilbihan ng aming angkan sa bayan, at dahil na rin sa reputasyong mayroon ang aming restawran. N gunit nang maipasa na ang negosyo sa aking ama, nagsimula nang magbago ang lahat. Mula nang mamatay si Mama pitong taon na ang nakakalipas, nalulong si Papa sa pagsusugal. Napabayaan ang negosyo hanggang sa tuluyan itong nagsara. Our lives changed in just one snap. Tinakwil ang Papa ko pati na rin kaming magkapatid dahil sa kahihiyang ibinigay ni Papa sa aming angkan at simula no'n, halos gusto ko nang burahin ang apelyidong dala ko ngunit hindi ko kailanman magawang ipagmalaki. Two years ago, muling nag-asawa si Papa. At kagaya ng sa mga cliche' fairytales na madalas ikwento sa akin ni Mama noong wala pa akong muwang sa mundo, salbahe ang naging madrasta namin. Mabait lang siya kapag umuuwi si Papa galing sa Astrid. Minsan kada dalawang linggo lamang itong nangyayari kaya halos kalbaryo ang inaabot naming magkapatid. Dinanas naming ang gutom, namantyahan ng dugo ang aming mga labi, at pumatak ang mga luha namin ng walang ibang nakakaalam kung hindi kaming magkapatid. Pero imbes na patapangin ako ng mga pinagdaanan ko, mas nanaig ang awa ko sa sarili ko at sa kapatid kong napwersang umaktong mas matanda kaysa sa kanyang edad dahil sa akin. Ganoon ba talaga kapag nagagawa kang talunin ng emosyon mo? People often label those who cry easily as weaklings. Mahina ba talaga akong nilalang kung sa aking paglaki, sa pagluha ko na lamang pwedeng ilabas ang mga sakit na hindi kailanman pwedeng ikwento ng aking mga labi? Isang katok mula sa bukas na pinto ang umagaw sa atensyon ko. Kanina pa lumilipad ang aking isip dala ng tila walang katapusang paghihirap na pinagdaraanan namin sa sarili naming pamamahay. Bumaling ako sa direksyon ng pinto ng may blangkong ekspresyon. Ang pawisan kong nakababatang kapatid na si Markus ay mataman akong tinitigan gamit ang malungkot niyang mga mata. "Hinahanap ka ni Emily. Kailangan ka raw niyang makausap." untag niya saka pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Ibinaba ko ang librong binabasa saka tumayo. "Si Papa ba dumating na?" Bumuntong hininga siya saka umiling. "Hindi. Mag-iisang buwan na siyang hindi umuuwi. Balita ko pinaghahandaan nila ang kasal ng amo nila." Bahagya akong napasimangot. Minsan ko nang nakita ang amo ni Papa nang sumama ito sa Bersant. Seryoso ang mukha ngunit napakagwapo. Nakakatunaw ang asul niyang mga mata. Sayang naman at ikakasal na pala siya. Tuluyan akong lumakad papunta sa pintuan. Nginitian ko si Markus. "Sayang 'no? Sana kasi hinayaan na lang ako ni Papa na magtrabaho rin doon. Baka ako pa ang nakabingwit sa amo niya." Humalakhak ako. Of course he knew I was just trying to mimic Emily. Ganoon naman ang lagging sinasabi no'n sa akin. Mag-asawa raw ako ng may kaya nang magkasilbi naman ako sa aming pamilya. Napailing na lamang si Markus. "Asa ka pa. Sabi ni Papa 'yon lang ang babaeng minahal ng amo niya. Life isn't a fairytale, sis. Hindi porket may eksenang nangyari sa kwento na nangyari rin sa buhay mo aasa ka nang iyon na rin ang kahahantungan mo kaya 'wag mong pinakikinggan si Emily." Matipid akong ngumiti saka ko ginulo ang kanyang itim na buhok na malinis ang pagkakagupit. Mabuti naman at sinunod na rin nito ang sinabi kong huwag niyang tipirin ang sarili niya at magpunta sa barber kung kailangan. "Parang hindi mo naman ako kilala. Alam mo naming wala akong kakayahang magpaibig ng lalake. Sa itsura at hiya kong ito?" I sighed. "Bigyan mo na lang ako ng pamangkin at baka tumanda akong dalaga. Nobody would date a boring woman like me." Umismid siya. "Hindi ka naman boring, ate. Iyakin ka nga lang." Peke ko siyang sinimangutan saka ko inipit ang tungki ng kanyang ilong dahilan upang natatawa siyang nagreklamo. Kahit man lang sa ilang sandali, magawa naming magkulitang magkapatid nang makalimutan namin kung gaano kasalimuot ang mundo. "Tara na, bago ka pa mapagalitan ni Emily." Aniya bago ako tuluyang tinalikuran at nauna nang bumaba ng hagdan. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapakla habang nakatingin ako sa kanyang likod. My brother was right. Life is more likely a tragic story. An unending one... Naabutan ko si Emily na prenteng nakaupo sa sala. Sa kanyang kamay ay ang tasa ng tsaang dati ay madalas gamitin ng Mama ko at aminin ko man o hindi, ayaw ko talagang nakikita siyang gamit iyon. That was Mom's. Sana man lang kahit paano ay nagpakita man lang siya ng respeto sa mga gamit ng nanay namin kaya lang ay wala yata talaga siya no'n. Ano bang napakain niya sa tatay ko para siya ang piliin nitong bagong asawa? Wala talaga akong ideya ngunit kahit na hindi ko na kaya ang ugaling mayroon siya, wala akong ibang pagpipilian kung hindi ipakita ang ugaling itinuro ng Mama ko. Ang rumespeto. Emily cleared her throat. Mayamaya ay mataman niya akong pinasadahan ng tingin bago niya itinaas ang isa niyang kilay. "Savanah, totoo bang naalis ka na naman sa trabaho?" Kalmado ngunit bakas ang iritasyon sa kanyang tono. Tumango ako saka lumunok. "B-bastos po kasi ang amo ko. Gusto niyang itable rin ako ng mga customer." Naningkit ang mga mata niya sa akin senyales na napigtas na naman ang napakaikling pasensyang mayroon siya. "Wala na nga tayong makain, inuna mo pa ang pag-iinarte mo?" Napakapit ako sa tela ng aking palda saka ko iniyuko ko ang aking ulo nang makita ang matalim niyang tingin. "Hahanap na lang po ulit ako ng bagong trabaho." "Aba dapat lang! Hindi 'yong magiging pabigat ka lang dito. Kulang na nga ang perang kinikita ng Papa mo sa aming dalawa dadagdag pa kayong magkapatid. Kung tutuusin dapat nga umalis na kayo sa poder niya. Nasa tamang edad ka na. Si Markus naman dalawang taon na lang pwede na ring magtrabaho." Naiinis nitong sabi saka nagpaypay ng sarili. Hindi na ako kumibo. Hinayaan ko na lang siya isumbat ang mga bagay na araw-araw ko nang naririnig sa nakalipas na dalawang taon. Kung sasagot man ako at sasabihing hindi naman kami kukulangin ng panggastos kung hindi siya gabi-gabing nagsusugal, wala rin naming magbabago. Madadagdagan lang ang marka ng p*******t sa katawan ko. "Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis do'n? Twenty one ka na. Kung tutuusin pwede ka nang pumunta ng ibang lugar para tuparin ang pangarap mong maging chef." untag ni Sophie bago kumagat sa hawak na mansanas. Mauubos niya na ang sa kanya habang ang sa akin ay ilang kagat pa lang ang nababawas dahil mas mahaba pa ang panahong inilalaan ko sa pagtitig sa kawalan kaysa sa pagnguya. Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko. "Hindi pa pwede. Alang-alang na lang kay Papa at kay Markus. Sixteen pa lang siya at hindi ko alam kung kaya ko ba siyang buhayin kung sakali mang isasama ko siya kapag umalis ako doon. Baka matigil siya sa pag-aaral kapag nagpadalos-dalos ako." Nagkamot siya ng ulo. "Savy, bakit hindi mo na lang aminin kay tito Finn ang totoo? Malay mo maintindihan niya tapos hiwalayan niya na 'yang impaktang Emily na 'yan." Bakas ang inis sa kanyang tono. Muli akong napabuntong hininga. "I can't. Masyado nang maraming problema si Papa. Ayaw kong habang nasa malayo siya, mababagabag siya ng kalagayan namin dito ni Markus. Kaya ko pang magtiis ng dalawang taon. Hihintayin ko lang na mag-eighteen ang kapatid ko." Tumayo si Sophie saka pinagpag ang kanyang pwet. Ang burol malayo sa sentro ng bayan ang naging tambayan namin sa tuwing may problema. Dito ay malaya kong naisisigaw ang lahat ng nararamdaman ko, at walang mga matang humuhusga sa akin sa tuwing hindi ko napipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Muling tumingin sa akin si Sophie. "Okay, ganito na lang. Naaalala mo pa ba 'yong pinsan kong si Ethan? May catering service sila sa makalawa. Gusto mo bang rumaket tayo? Sabi niya kulang pa sila ng waitress. Malaki-laking event 'yon kaya siguradong malaki ang bayad." "Sige ba. Basta hindi trabahong babastusin ako, game ako diyan. Teka saan ba 'yong event?" Tumayo ako saka pinagpag ang pwet ko. Unti-unting sumilay ang makahulugang ngisi sa labi ni Sophie. "Sa Brenther..." --- Limang oras ang naging byahe papunta ng Brenther. Nakatanaw ako sa labas ng pick-up truck ni Ethan. Sa gitna namin ay ang tulog na tulog na si Sophie. "Malapit na tayo. Bored ka na ba?" Bigla akong napatingin sa nagsalitang si Ethan. Pilit akong ngumiti saka umiling. "Hindi naman. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakalabas ng Bersant kaya ineenjoy ko ang mga tanawin." Lumandas ang ngiti sa kanyang labi. "Paglagpas ng kakahuyan ay ang mismong syudad. Mas maaaliw ka kapag nakita mo na ang Brenther. Moderno na ang syudad nila hindi katulad ng Bersant." Ngumiti na lamang ako bilabg tugon saka muling ibinalik ang tingin sa labas ng sasakyan. Nakakapagtaka. Isabg syudad sa gitna ng kakahuyan? Kung hindi ka nga madalas magpunta roon, hindi mo iisiping may daanan pala sa masukal na kakahuyan. Ang mga puno ay unti-unti nang kumokonti habang pumapaloob kami sa kakahuyan. May ilang mga bahay na kaming nadadaanan. Nang tuluyan naming malagpasan ang kakahuyan ay naging maayos na ang aspalto ng daan. Nalaglag na ng tuluyan ang panga ko nang matanaw ang syudad. Tama si Ethan. Napakamoderno. May matataas na building kahit saan ka tumingin. Bahagyang kumunot ang noo ko nang ilang mga tao ang napapalingon kapag dumadaan kami. Para bang kinikilala nila ang mga sakay ng pick-up. Lumiko ang sasakyan sa isang pribadong daan. Lumagpas kami sa isang higanteng gate na may disenyong ulo ng lobo sa harap. Sa ilalim nito ay nakaukit ang dalawang salita. Magnison's Residence Napakahaba ng driveway at sa magkabilang gilid ng daan ay nakahilera ang napakaraming pine trees. Mahinang niyugyog ni Ethan ang pinsan. Pupungas-pungas namin itong gumising. "Nandito na tayo." ani Ethan nang tumapat ang sasakyan sa isang napakalaking mansyon. No. It's not a mansion. It's a freaking castle! Despite of the modern architecture of the castle, bakas pa rin na hindi ito sa modernong panahon naitayo. Natulala ako sa palasyo habang pababa ng sasakyan. Kung hindi pa ako kinalabit ni Sophie ay hindi ko mapapansin ang matandang babaeng nakatayo sa harap namin. Nakasuot ito ng itim na uniporme. She cleared her throat before looking at Ethan. "Gusto ng Alpha na maihanda na ang lahat bago mag alas syete ng gabi." Seryoso nitong sabi kay Ethan. Isang salita ang nakatawag ng pansin ko. Anong sinabi niya? Alpha? Tila natarantang napalingon sa amin si Ethan. Lumapit siya sa matandang babae saka bumulong. Mayamaya'y kumunot ang noo nito at napailing. "Binilinan na kita. Huwag kang magsasama ng mga walang muwang dito. Malalagot tayo sa kanya. Sige na, siguraduhin mong hindi sila papalpak." Untag nito bago tinalikuran si Ethan. Kunot noo kong sinundan ng tingin ang matanda hanggang sa makapasok siya sa kastilyo. "Tara na. Sa garden natin iseset-up ang mga tables. Nandoon na rin ang ibang kasama natin." ani Ethan bago kinuha ang kahon sa likod ng pick up. Kinuha ko na rin ang isa at sumunod sa kanila ni Sophie. Habang naglalakad patungo sa garden ay nakaramdam ako ng kakaiba. Para bang may mga matang nakamatyag sa akin. Napahinto ako saka napalingon sa balkonahe sa dulong silid sa pangatlong palapag ngunit tanging ang sumasayaw na puting kurtina lamang ang natanaw ko. Ipinilig ko ang aking ulo saka muling ipinagpatuloy ang paglalakad. "Ang dami sigurong bisita. Ang daming tables na pinaset-up eh." ani Sophie habang tinitignan namin ang halos patapos nang venue. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. "May dalawang oras pa. Pwede pa tayong makapagpahinga." untag ko saka hinila ang isang upuan. Kaagad din namang tumabi sa akin si Sophie. "Narinig ko 'yong mga tagasilbi. Twenty fourth birthday pala ng pinuno ng Brenther." Nakapangalumbaba niyang sabi. Bahagyang kumunot ang noo ko. "Twenty four? Ang bata pa pala ng leader nila? Paano niya nahahandle ang ganito kalaking city?" Nagkibit-balikat siya. "Ano bang hindi nagagawa ng pera? Kapag may kaya ka, pwede mong bayaran ang iba para gawin ang mga bagay-bagay para sayo." kumento niya. Napatango na lamang ako. Sophie has a point. Kung sabagay, noong mga panahong may kaya pa kami, ilang kaklase ko ang pilit na nakikipagkaibigan sa akin pero ngayong naghirap na kami, si Sophie na lang ang natira. Ang iba ay hindi na ako kilala. Nakalimutan na nila ang mga naitulong ko sa kanila noong may laman pa ang bulsa ko. "Sophie! Halika, ikaw nga ang mag-ayos ng mga bulaklak sa stage tutal magaling ka sa ganito." Sigaw ni Ethan sa pinsan. Agad naman siyang tumayo at lumapit kay Ethan. Naiwan akong mag-isa at pinagmasdan ang kastilyong tila nababalot ng malaking misteryo at mayamang kasaysayan. Hindi ko akalaing sa panahong ito ay may makikita pa akong ganito. They only exist in my imagination before pero ngayon, nasa harap ko na 'yon nga lang, ilang oras ko lang mapagmamasdan. Hindi ako prinsesang titira kasama ng isang prinsipe. Natawa ako sa kakornihang naisip. Mayamaya'y isang babae ang lumapit sa akin. Matamis ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi at tila maging ang kulay abo at bilugan niyang mga mata ay animo nakangiti rin. "Pwede bang makisuyo sayo? May kailangan pa kasing kunin sa loob ng kastilyo. Gagamitin mamaya para sa party." Nakangiti nitong sabi. Tumayo ako saka tumango. "Sige po. Saan po ba banda?" Sandali siyang luminga-linga sa paligid bago bahagyang lumapit sa akin. "Sa third floor. Umakyat ka lang sa may hagdan tapos kumaliwa ka. Pumasok ka sa sulong kwarto tapos kunin mo 'yong kahon na nasa ibabaw ng side table." halos pabulong niyang sabi saka muling ngumiti. Bahagyang kumunot ang noo ko pero nanatili siyang nakangiti. Tumango na lamang ako saka nagsimulang lumakad papasok ng kastilyo. Gusto kong maiyak sa tuwa nang makapasok ako. Mas maganda ito keysa sa inaasahan ko. Every detail, from the curtains down to the carpets, nakapasopistikada. Puti, ginto, at pula ang pangunahing kulay na makikita sa buong paligid. Nagsimula akong maglakad paakyat ng hagdan hanggang sa nakarating ako sa third floor. Ang bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay umaalingawngaw sa pasilyo. Nang marating ko ang dulong silid na tinutukoy ng babae ay pinihit ko ang door knob. Nalaglag ang panga ko nang makita ang silid. One word. Class. Halatang mamahalin ang mga gamit. Simple pero napakalakas ng dating ng combination ng black at pale brown. Nilibot ko ang tingin sa silid hanggang sa makita ko ang kahon sa ibabaw ng side table. Antigo at mukhang maliit na baul. May nakaukit ditong half moon. Dinampot ko ang kahon saka tuluyang lumabas ng silid. Natigilan ako nang sa paglabas ko ay isang babaeg nakauniporme ang nakatitig sa akin. Bakas ang gulat da kanyang mukha. Ang mga mata niya'y nakatitig sa kahong hawak ko. Bumagsak sa sahig ang hawak niyang vase. Horror was written on her face when she pointed her finger on me. "Ninanakaw niya ang Falliet!" Umalingaw ang kanyang boses sa buong kastilyo. Unti-unting gumapang ang takot sa puso ko nang nagsidatingan ang ilang lalake. Lahat sila'y masama ang titig sa akin at sa hawak ko. "Teka, nagkakamali kayo. Hindi ako--" "Take her to him." Mariing utos ng isa sa mga lalake. Kaagad akong hinawakan sa mga braso matapos nilang maagaw ang kahon saka parang hayop na kinaladkad pababa. Tuluyang tumulo ang luha ko. Ang puso ko'y sasabog na sa sobrang takot. "Makinig kayo sa'kin inutusan lang ako! Please makinig kayo!" Ngunit ang mga pakiusap ko ay walang nagawa. Patuloy nila akong kinaladkad hanggang sa makarating kami sa unang palapag. Pumasok sila sa isang napakalaking silid saka nila ako itinapon sa sahig. Napadaing ako nang tumama ang siko ko sa semento. "Nahuli siyang ninanakaw ang Falliet." Ani ng isang lalakeng kumaladkad sa akin. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha ngunit naaninag ko ang isang pares ng paa ilang metro ang layo sa akin. Umalingawngaw ang kanyang mga yapak nang magsimula siyang maglakad palapit sa aking direksyon, at sak anyang bawat paghakbang ay dumoble ang bilis ng t***k ng aking puso. Nagsquat ang lalake sa harap ko saka mariing hinawakan ang aking panga. Nilamon ng matinding takot ang aking buong Sistema, hanggang sa tuluyan niyang naiangat ang aking mukha upang masalubong ko ang kanyang tingin. And the moment I saw him, my heart almost stopped beating... Natulala ako nang makita ang lalakeng mahigpit na nakahawak sa aking mga pisngi. Puno ng galit ang kanyang kulay abong mga mata ngunit sa kabila ng matinding takot na nadarama ko para sa aking buhay, hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa mga mata niyang tila hinigop ang lahat ng lakas ko. No. It wasn't just his upturned pair of gray eyes that made him magnetic. From his jet black strands in a hockey haircut, to his manly brows, down to his pointy nose and perfect jaw line that's clenching right now, this creature is like a walking magnet. Iyong tipong hindi mo na mamagawa pang ilayo ang atensyon sa kanya kahit anong paalala mo sa sarili mong maaaring ito na ang huling paghinga mo sa mundo. Oh, God. Why can't I just focus on how scared I was ten seconds ago? Ang puso ko. Bakit tila may kung anong nagising sa puso ko na ni hindi ko man lamang alam na naroon? "Ikukulong na po ba siya, Alpha?" muling sabi ng lalake ngunit hindi kumibo ang taong kaharap ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin na tila pinag-aaralan ang aking mukha...at para bang nangingilala. Nagbalik ako sa reyalidad nang bitiwan niya ako. Ibinaon niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon saka siya muling humakbang pabalik sa kanyang magarang upuan. Bahagyang kumurba ang kanyang labi habang matalim na nakatitig sa akin. "No. Take her to the room next to mine... And don't forget to chain her. Make sure she won't get away." Mariin nitong utos. Nagtatakang nagkatinginan ang dalawang lalake. "Bakit po hindi na lang sa kulungan?" Napalunok ako nang ang ngising nakaguhit sa kanyang labi ay unti-unting naging makahulugang ngiti. "Because this thief needs to learn her lesson. Nobody dares to steal from Layco Magnison..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD