bc

THE ANGEL HAS FALLEN

book_age18+
1.9K
FOLLOW
10.3K
READ
revenge
killer
badgirl
kickass heroine
mafia
kicking
female lead
sniper
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

"I am the Domina est in nigrum, I'm giving this Organization my protection. I am Red Ventura of Hermosa's Clan is giving you my words, my promise, and my life. I promise that in every life of a member is equivalent to their whole clan."

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ZACHKARY "What are you doing?" Napalingon ako sa boses sa likuran ko. "I said, what are you doing?" Isang batang babae ang tumambad sa paningin ko. May katabaan ang pangangatawan, nakasabog ang kulot nitong buhok pero magandang tingnan. Matambok ang mamula-mula nitong pisngi. Mayaman, nasabi ko sa sarili ko. "Are you deaf?" Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa kakulitan n'ya bago ipinagpatuloy ang paghahagilap ng makakain sa tumpok ng basurahan. Natuwa ako nang makakita ng tinapay na may palaman na karne sa gitna na wala pang bawas. Handa na sana ako na lamanan ang aking t'yan nang bigla naman na pumalahaw ng iyak ang batang babae sa likuran ko. "Ano ba ang problema mo?" singhal ko rito. "'Wag mong sabihin na makikihati ka pa rito sa nakuha kong pagkain?" "No. I'm lost." Napakamot ako sa ulo ko. "Pwede ba? Hindi kita maintindihan. Marunong ka naman yatang mag-Tagalog, managalog ka! Nasa Pilipinas tayo kaya dapat mahalin mo ang sarili nating wika." Napangiwi ako nang mas lalo pang umiyak ang batang babae. Luminga ako sa paligid bago s'ya hinawakan at hinila papunta sa kung saan. "Saan mo ba 'ko dadalhin?" Malumanay ang boses ng bata. Maganda ring pakinggan ang pananalita n'ya ng Tagalog. Tila 'yong mga Amerikano na naririnig ko na mag-Tagalog. Islang ang tawag ng mga kaibigan ko sa ganoong paraan ng pananalita. "'Wag ka ngang umiyak, mapapahamak tayo sa ginagawa mo." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay n'ya at mas binilisan ang paglalakad. Sigurado ang mga hakbang ko sa lugar na alam ko na ligtas para sa batang hawak ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na 'to kahit alam ko na masasaktan ako ng mga taong may hawak sa akin. Nang makita ko ang batang babae na umiiyak ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang kaligtasan n'ya. Kung ihahalintulad ang batang hawak ko sa kung ano pa man; tila isa s'yang daga na pumasok sa teritoryo ng mga leon na pwedeng s'yang kainin anumang oras. "Wait, where are we going?" "Sabi ko nang 'wag mo akong Englisin, eh. Dahil hindi kita maiintindihan." Matapos ang sampung minutong lakaran ay narating namin ang simbahan. "Wha—ano ang ginagawa natin dito?" Hindi n'ya itinuloy ang pag-e-English nang samaan ko s'ya ng tingin. "Dito ang pinakaligtas na lugar para sa isang katulad mo. Mayaman ka, ano?" Walang patumpik-tumpik na tanong ko sa kanya. Tumango s'ya. "Eh, ano'ng ginagawa mo sa lugar na 'to?" "Hindi ko alam." Nakatungo s'ya nang sumagot. "Sinungaling. Paano kita matutulungan n'yan kung 'di mo sasabihin sa akin ang totoo?" Nag-unahan ang luha n'ya sa pagpatak kaya mas lalong namula ang matambok n'ya na pisngi. "Lu-lumayas ako sa a-amin. Pa-pabigat na raw kasi a-ako." "Sinabi ba 'yan ng mga magulang mo?" Umiling s'ya. "Nope." Tumingin s'ya sa mga mata ko kaya napagtuunan ko ng pansin ang magkaibang kulay na mga mata n'ya. Gusto ko sanang purihin kung gaano kaganda ang mga mata n'ya subalit nadadala ako sa lungkot na ipinapakita niyon. "Tell I'm anything," pag-e-English ko pa kahit hindi ako sigurado kung tama ang sinabi ko. Nang bahagya s'yang matawa ay alam ko na mali ang sinabi ko. Bahagya pa akong nahiya dahil sa sinabi ko. "Sabihin mo sa akin ang lahat." Pinunasan ko ang mga luha n'ya sa mukha. Sa batang puso ko ay hindi ko mabigyan ng pangalan ang kakaibang t***k na ngayon ko lang naranasan. Iba ito sa t***k ng puso ko kapag natatakot ako. Hinila ko s'ya nang marahan sa sulok ng simbahan. "Ano pala ang ginagawa natin dito?" "Ligtas ka sabi rito, eh. Kaya dinala kita rito. Habang wala pang naghahanap sa iyo, mas mabuti na nandito ka na muna. Masyadong mapanganib ang labas para sa tulad nating mga bata—lalo na sa tulad mo." "Pero bakit nasa labas ka at lumalaboy?" "Aish! 'Wag mo na akong tanungin. Sabihin mo na lang sa akin kung bakit ka lumayas sa inyo." Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa kakulitan niya. Umupo s'ya nang tuwid habang ang dalawa n'yang mga kamay ay nakapatong sa hita n'ya. "Nasa States ang mga magulang ko dahil nagpapagamot si daddy roon. Naiwan ako sa pangangalaga ng tita ko." "Eh, bakit ka nga naglayas?" "Pagod na raw kasi si mommy at daddy sa akin." "Narinig mo ba na sinabi nila sa iyo iyon?" Umiling siya at lumabi. "Hindi. Narinig ko lang kay tita." "Ano ka ba? Sana hindi ka naglayas. Hindi mo naman pala narinig iyon sa mga magulang mo." Nalukot ang maganda n'yang mukha sa sinabi ko. "Basta, ayoko  munang bumalik sa bahay namin hangga't 'di pa dumarating ang parents ko." Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Paano mo nga malalaman na nandoon na sa bahay n'yo ang magulang mo kung nandito ka at naglayas?" "Basta ako na ang bahala. Kaya ko na ang sarili ko." Matapos n'yang sabihin ang huling mga kataga ay s'ya naman ang pagkalam ng sikmura n'ya. "Kaya pala, ha?" At sabay kaming natawa sa sinabi ko. "Ano pala ang pangalan mo?" "Anna Marie." "Ana? Ano? Tunog biscuit naman 'yang pangalan mo." Bumungisngis s'ya. "Marie na lang ang itawag mo sa akin. Ikaw? Ano ang pangalan mo?" Mayabang akong ngumiti. "Zachkary, ganda, no?" "Oo nga." At sabay uli kaming nagtawanan. Natapos ang araw na 'yon na napagkasunduan namin na roon na muna s'ya mananatili sa simbahan hangga't hindi namin nalalaman na nakabalik na ang mga magulang n'ya. Dinadalaw ko s'ya tuwing hapon upang hatiran ng kahit anong pagkain o kaya kahit anong bagay. Natutuwa siya sa simpleng bagay na ibinibigay ko sa kanya kaya mas nakakaramdam ako ng kasiyahan. "Bakit kasi hindi ka na lang din dito kasama si Father?" Tukoy n'ya sa may-edad na pari na kumukupkop sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya; pilit kong pinasaya ang boses at ekspresyon ng aking mukha. "Hindi pwede, eh. Ha-hahanapin ako ng mga ma-magulang ko." "Mababait ba ang parents mo?" "Ha? Ahh, ano, o-oo, m-mababait sila. Si-sila nga ang nagpapabigay parati ng mga di-dinadala ko sa iyo." "Bakit nauutal ka? Nagsisinungaling ka yata, ano?" Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa harapan ko upang sansala sa sinabi n'ya. "Nako, hindi." Tumayo na ako upang magpaalam at makaiwas na rin sa usapan. "Kailangan ko na palang umalis." "Bakit ang aga naman yata?" "Ano kasi, inutusan—oo, ayon, inutusan ako na bumili ng rekado para sa lulutuin ng mama ko. Sumadya lang talaga ako rito para makipag-usap sa iyo." Pinilit ko na 'di mautal para hindi n'ya mahalata na nagsisinungaling lang ako. Tatalikod na sana ako nang hawakan n'ya ang mga kamay ko. "Sa iyo na 'to." Iniabot n'ya sa akin ang kulay gintong kwintas na may kulay pulang palawit na hugis krus. "Sa akin na 'to? Bakit?" nagtataka kong tanong. Sa uri ng ginagawa ko ay alam ko ang kalidad ng naturang palamuti. "Hindi ko ma—" "Please? Tanda ito ng pagkakaibigan natin." "Pero—" "Sige ka, kapag 'di mo tinanggap 'yan ay magagalit ako sa iyo." Pinagpilitan niyang abutin ko ang kwintas. Tiningnan kong mabuti ang kwintas. Sa naturang palawit ay nakaukit ang pangalan n'ya, Anna Marie. "Thank you,” sabi ko. Kahit papaano ay marunong na rin ako ng mga simpleng English dahil tinuturuan n'ya ako. "Babalik uli ako bukas para makapag-usap uli tayo." Tumalikod ako at humakbang papalayo sa kanya upang bumalik lang uli sa pinanggalingan ko at walang pasabi na hinalikan s'ya sa pisngi. Matapos noon ay kumaripas na ako ng takbo para hindi n'ya makita ang pamumula ng pisngi ko. Kinabukasan ay hindi ko na natupad ang pangako ko na babalikan s'ya sapagkat nalaman ng sindikatong may hawak sa akin na nagpupunta ako ng simbahan. Nakita rin nila ang kwintas na bigay sa akin ni Marie kaya mas pinili ko na tumakas. Sa katatakbo palayo sa mga humahabol sa akin ay nabundol ako ng magarang sasakyan at doon na nagbago ang takbo ng buhay ko. Ilang araw akong naratay sa hospital dahil sa mga sugat at pilay na natamo ko. Matapos kong magpagaling ay binalikan ko ang simbahan kung saan naroon si Padre Antonio at Marie subalit wala na raw sila roon. Naging usap-usapan sa lugar na pinasok ng mga armadong lalaki ang simbahan. Pero wala akong nabalitaan na may namatay maliban sa mga nagsabing may mga nakita silang mga patak ng dugo sa simbahan. Sinuyod ko ang loob ng simbahan ngunit kahit isang bakas ay wala akong nakita na magtuturo sa akin kung nasaan na ang dalawang taong naging malapit sa buhay at puso ko kahit hindi ko mga kadugo. Inilahad ko rin sa mga kumupkop sa akin ang tungkol sa mga taong posible na pumasok ng tahasan sa simbahan. Kalakip noon ang pagturo ko sa kuta na pinagluluklukan ng mga taong halang ang kaluluwang ginawang kasangkapan ang mga batang katulad ko upang gumawa ng kahit na anong krimen. Ngunit tulad sa simbahan ay wala na rin silang naabutan sa naturang lugar. Hinahanap ko pa rin sila araw-araw, hanggang sa ang araw ay naging linggo; at ang linggo ay naging buwan; at ang mga buwan ay naging taon. Hindi ko na sila nahanap pa.  Wala rin kaming nabalitaan na naghanap kay Marie gayong sa pagkakaalam ko sa mga mayamang katulad n'ya ay agad na ibinabalita sa telebisyo at radyo ang ganoong pagkawala. Lumipas ang ilang taon, subalit hindi nawawalan ng pag-asa ang puso ko na makikita ko pa rin sila. Na makikita ko pa ang nagmamay-ari ng kulay pula at berdeng mga mata na nakita ko sa buong buhay ko. Na maririnig ko pa rin ang mga payo ni Padre Antonio sa akin. Dito sa puso ko, alam ko na hindi sila nawawala. Nandiyan lang sila sa paligid na tulad ko ay nasa maayos na kalagayan. Sa batang puso ko ay pinapanalangin ko gabi-gabi na sana ay nakauwi na si Marie sa kanila kasama si Father kaya marahil ay hindi na ibinalita ang pagkawala ni Marie. Oo, tama. 'Yon marahil ang dahilan. May posibilidad na darating ang pagkakataon na magkikita kami. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Maghihintay ako kahit lumipas pa ang ilang libong oras. Kahit kaunting pag-asa, panghahawakan ko. Because I know someday that their hearts will lead them to their home—our home!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.0K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.4K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook