Chapter1

476 Words
I'm 14years old and 3rd year high school. May kaklase ako na pamangkin ng teacher, hindi ko masabi na ma-appeal siya dahil hindi naman siya kagwapuhan, singkit lang yung mata niya. Ako, tahimik lang at hindi masyado palasalita tsaka lang ako magsasalita kapag kinausap lang ako ng kung sino. Wala kaming teacher that time kaya malaya yung mga iba kong kaklase na mag-ingay at labas pasok sa classroom. Ako naman ay nagbabasa lang ng libro nang mapansin ko na tumabi siya sa'kin ay tinignan ko lang siya tsaka bumalik uli sa pagbabasa. Akala ko noon kakausapin niya yung nasa likuran ko pero nagkamali ako, ako pala yun! "Ang busy mo naman dyan masyado," rinig kong sambit niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dyan o ano, dahil hindi ko naman siya nilingon. "Hailey," Tawag pansin niya. Kung kaya't nilingon ko siya. "Bakit?" Wala sa sariling sambit ko. "Pwede ba ako makipagkaibigan sa'yo?" Tanong niya. Nung una nag-aalinlangan pa ko na hindi umo-o pero kalaunan ay pumayag na rin ako. Wala rin naman masama kung gustong makipagkaibigan ng tao, di'ba? Lumipas ang mga ilang araw, linggo at buwan na magkasama kami simula nang pumayag ako sa gusto niya na maging friends kami, hindi ko inaasahan na unti-unti na pala ako nahuhulog sa kanya na di ko namamalayan. Sa tuwing magkasama kami pareho hindi ko maiwasan na mag-imagine sa isip, like, what if umamin ako sa kanya na gusto ko siya then umamin din siya sa'kin tapos ayun, we are happy together! Pero kabaliktaran lang pala ang nangyari sa expectation ko at sa reality. Oo, umamin ako sa kanya at ang sabi niya hanggang kaibigan lang daw kami. Sinubukan kong magmakaawa sa kanya ngunit nabigo ako sa unang pagkakataon. Kahit masakit kailangan tanggapin. Lumipas ang ilang araw na hindi ko siya pinansin nang bigla niya akong hinawakan sa braso at dinala sa favorite place, kung saan palagi kami tumatambay doon, dati. Humingi siya ng paumanhin sa'kin at sa hindi inaasahan pagkakataon ay umamin siya sa'kin na gusto niya ako. Niligawan niya ako at sinagot ko naman siya, sa umpisa sweet at masaya kami pareho hanggang sa maramdaman ko na lang na naging cold siya sa'kin. Kaya ang ginawa ko, sinubukan kong i-open sa kanya yung nararamdaman kong pagiging cold niya. Ayon sa nalaman ko napipilitan lang daw siya sa relasyon namin at wala siyang gusto sa'kin. Ang masaklap pa roon ay mayroon pa pala siyang girlfriend bago pa naging kami. So hinayaan ko na lang siya at tinanggap na lang ang katotohanan na hindi kami ang para sa isa't-isa, kahit na niloko niya ko. Hindi ko naman magawang magalit kasi alam kong walang patutunguhan yun kung puro galit lang ang ipapairal ko. Lesson: Don't fall inlove kung alam mong hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa'yo. Dahil habang unti-unting nahuhulog ka sa bitag niya hindi mo namamalayan na unti-unti ka na pala niya sinasaktan ng patago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD