Ninoy Aquino International Airport
Six years ago, nandito rin ako sa lugar na kinatatayuan ko ngayon. Akala ko, hindi na ako babalik dahil isinumpa ko na ang bansang ito. Ngunit, hindi ko inakalang kakainin ko ang mga sinabi ko noon.
Breathing the same air with those people I loathe was giving me the creeps. Kahit gustuhin ko man ay wala akong magagawa kundi ang bumalik dito. Kailangan kong gawin ito dahil sa pag-uwi ko rito nakasalalay ang kumpanyang pinaghirapan ng taong kumupkop sa akin noong kinailangan ko ng pamilya. Siya ang taong nagligtas at nag-alis sa akin sa impyernong kinalalagyan ko noon. Ang taong pinangakuan ko na gagawin ko lahat ng kanyang mga kahilingan kapalit ng bagong buhay na ibinigay niya sa akin anim na taon na ang nakararaan. Napailing na lamang ako sa aking sarili. Iba talagang magbiro ang tadhana.
Naglakad ako palabas ng airport at hinanap ng aking mga mata ang taong susundo sa akin. Madali ko naman itong nahanap dahil sa plakard na kinasusulatan ng pangalan ko.
Mrs. Rhomien de Blanch.
Sino ang mag-aakalang ang apelyidong kinamumuhian ko ay siyang dala-dala ko na ngayon? Na nakakabit na ito sa pangalan ko?
Nagmamadali akong sumakay sa magarang sasakyan na nasa likuran ng matandang driver. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang suwabeng pag-andar ng sasakyan. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa muli kong pakikipagharap sa mga taong umapi at nang-alila sa akin. Kailangan ko ng sapat na lakas ng loob sa isang giyerang muli kong kahaharapin sa pagbabalik ko. Habang nakapikit ay muli kong naalala ang araw na nalaman kong muli akong aapak sa lugar na iyon.
"Arthur, bakit kailangang ako pa ang humarap sa kanila? Ikaw ang pinauuwi nila at hindi ako. Alam mo namang kulang na lang ay balatan ako ng buhay ng pamilya mo, ‘di ba?" I berrated him. I feel frustrated na malamang ako ang pababalikin niya sa Pilipinas upang humarap sa pamilya niya.
"Please Rhomien, ayokong umuwi. Ayokong makita nila ako sa ganitong kalagayan. Sweety, please? Do me this little favor," pagsusumamo niya sa akin. "Matitiis mo ba akong pagtulungang patayin ng ama at kapatid ko?" patuloy niyang pangungumbinsi sa akin na hindi matiis ang matiim niyang tingin.
"Pero paano naman ako ha, Arthur? Paano kung ako naman ang pagtulungang patayin ng ama at kapatid mo?" Pinanindigan ako ng mga balahibo sa sinabi kong iyon.
"Si Dad siguro pero andun naman siya para protektahan ka."
"Protektahan?! Nagbibiro ka ba? Nakalimutan mo na bang halos kaladkarin niya ako noon palabas ng condo ng kaibigan niya?" Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko ang pangyayari iyon.
"Rhomien, c'mon. Galit lang siya noon. I know he didn't mean to do that to you."
"Kung bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa kanila nang hindi na nila iniipit 'yang kumpanya mo? 'Yun naman ang purpose nila, ‘di ba?" Hindi pa rin ako sumusuko sa pangungumbunsi sa kanya.
"Please Rhomien, just this one. Pagkatapos nito ay hinding-hindi na ako hihingi ng anumang pabor mula sa'yo. Pangako." Lumuhod siya sa harap ko na nakataas ang kanang kamay.
"Paano ang mga bata?" nanghihinang tanong ko sa kanya. Damn, he really knows na hindi ko siya matitiis. Nagmamadali siyang tumayo at mahigpit akong niyakap.
"I'll take care of them. Kayang-kaya ko silang alagaan." Nawala ang ngiti niya sa huli niyang pangungusap.
"Teka, bakit nakangiwi ka dyan? Para tatatlong bata lang ang aalagaan mo." Natatawa ako sa mukha niya. Nawala na ang tensiyon sa pag-uusap naming iyon.
"Kaya nga bilisan mo ang pangungumbinsi sa kanilang tigilan na nila ang kompanya ko. Pinakamatagal na siguro ang isang buwan para makumbinsi mo sila."
"Ano?! Isang buwan?! Arthur naman, alam mo namang hindi ko kayang mapalayo sa mga bata ng ganoon katagal," nagrereklamo kong sumbat sa kanya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa aking likuran.
"I know kaya nga gagalingan mo, ‘di ba? Para sa inyo rin naman ang kompanya pagdating ng araw, eh. The children are safe with me. Ako na ang bahala sa kanila, okay?" Ewan ko ba kumba't napatango na lamang ako sa kanyang nang tuluyan.
"Ma'am, gising na po. Nandito na po tayo." Nang marinig ko ang panggigising sa akin ng driver ay agad akong napaayos ng upo. Napasapo ako sa ulo kong biglang nanakit. Damn, jetlag. Pagod ako sa biyahe, idagdag pa ang dalawang gabing pagkapuyat dahil sa antipasyon sa pagbabalik ko sa bansa. Nagulat ako dahil nang lumabas ako ng sasakyan ay hindi ako sa hotel ihinatid ng driver kundi sa mismong mansyon ng mga de Blanch.
"Kuya, bakit dito mo ako ihinatid?" Nilingon ko ang driver na busy sa pagkuha ng maleta ko.
"Bakit? Natatakot ka ba sa bahay na pinanggalingan mo?" sabi ng isang boses sa likuran ko. s**t, ang boses na iyon. Hindi ko pa man siya nalilingon ay dama ko na ang talim ng bawat katagang binigkas niya. Humarap ako sa kanya. Araw-araw kong nakikita ang mukhang iyon sa loob ng anim na taon ngunit alam kong hindi na siya ito. Hindi na ito si Arthur kundi ang kakambal niya.
"Apollo," mahina kong bigkas sa pangalan niya.
Matatalim na mga mata ang sumalubong sa akin. Nagsipanindigan ang mga balahibo ko dahil sa mga tingin niya.
"Welcome back, Rhomien." Kung kutsilyo lang ang mga mata at boses niya ay kanina pa ako sugat-sugat sa lakas ng impact ng mga ito sa akin. Ni hindi ko magawang sagutin ang sinabi niya.
"Or should I say welcome back to hell, b***h?" Puno ng panunuyang humagod ang mga mata niya sa kabuuan ko.