Chapter 2

1101 Words
Chapter Two Mabibigat pa ang aking mga mata ay unti-unti itong bumukas at nakaramdam pa ako bahagya ng pagkahilo. May naaaninag na akong liwanag pero dahil masakit sa mata ang silaw nito ay napapikit ako ulit. "Awake now?" a deep manly voice who sexily whispered right in my ear made me awoke instantly.  Noong nahanap ng paningin ko ang isang matalim na matang nakatitig sa akin ay agad kong naalala lahat. He is… "Z-zeus Ivan." mariin at puno ng hinanakit na bigkas ko ng pangalan nito. Niluwagan nito ang necktie sa suot na business suit at umalis sa pagkakatabi sa akin. Doon ko lang napansing nasa isang malaking silid kami na purong itim at may mga nakapalibot sa aming tila mga men in black. Umupo siya sa isang pahabang itim na sofa sa harapan ko at ng sinubukan kong umupo ay nagulat ako ng makitang nakaposas ang mga paa ko sa magkabilang gilid ng kama. What the? "Juno — report." may lumapit sa kaniyang lalaki na aakalain mo sa una ay babae dahil sa maamo nitong mukha. Kung hindi lang sa suot na butler attire ay sa malamang, naisip ko talaga na babae siya — napakaputi niya. Lumapit ito kay Zeus na noo'y prente at nakapandekwatrong pambabaeng naka-upo sa harapan ko. Nakalumbaba ito habang may naka-ipit pang sigarilyo sa daliri niya doon at ang isang kamay ay ini-aabot na ang ibinigay na puting folder ng lalaking tinawag niyang Juno. Sa hula ko, marahil ay secretary niya ito. He scanned the folder at pagkatapos ibuga ang usok sa sigarilyo ay isinara niya iyon at ibinalik kay Juno. "I see. So you are the young Hermosa, huh? I heard na hindi mo tinanggap ang checkeng pinabigay ko sa’yo?" he said while looking at me na para bang wala akong kwentang tao. "Hoy! Kahit kailan hinding hindi ko ipagpapalit ang buhay ni Ate sa pera lang! Hustisya ang hinihingi ko hindi kayamanan mo!" I saw his eyes switched from bored to amuse. The side of his lips went upward at pagkatapos ay bigla siyang tumayo mula sa pagkaka-upo. He left his cegar sa taas ng ashtray nito. Lumapit siya ulit sa akin. "Kapag binigay ko ba ang hinihingi mong hustisya, mabubuhay ulit ang Ate mo? Don't be choosy brat. Sa nakikita ko ay mahirap lang din ang buhay niyo." his logic made me more angry. Dahil hindi naman nakaposas ang mga kamay ko ay bigla bigla at kusa na lang itong gumalaw at dumapo sa pisngi niya. My loud slap echoed at the four corners of the room at narinig ko ang sabay sabay na pag singhap nang mga men in black maging ang secretary niya sa gulat. At that moment, noong nagawa ko na ang malaking kasalanan na iyon, doon lang nag sink in sa akin na mas nilagay ko pa yata sa alanganin ang buhay ko dahil sa pagsampal ko sa kaniya. E-eh sa galit ako eh! Bumalik ang paningin niya sa akin dahil napaharap sa kanan ang mukha nito kanina sa pagkakasampal ko. He stared at me like he's the beast and I am now his prey na anytime, handa na niyang lapain. Even everyone around looked at me na para bang katapusan ko na. When his lips twitched and then lift up for a smirk, doon ko na naramdaman ang labis na kaba. "Interesting." he said smirking kung kaya napalunok ako. He motioned everyone na lumabas ng kwarto at iwan kami kung kaya mas lalo akong nabahala. "A-anong gagawin mo?" takot kong tanong dito. Napa-atras ako at napasiksik pa lalo pataas kahit ramdam ko na ang headboard ng kama sa likuran ko. Humigpit ang posas sa mga paa ko dahil sa pag-atras ko pa lalo. "Gagawin mo ba lahat para sa Ate mo?" he said. Lumapit siya sa akin at tinukod niya ang magkabilang kamay nito sa headboard dahilan para makulong ako sa mga bisig niya. I now clearly see his face na ganito kalapit. He is so handsome. He has this brownish eye color. Ang hugis nito ay kagaya ng sa pusa, matalim. Damn. Kung hindi lang ako galit sa kaniya, nainlove na ako dito. He is exactly my type! At mas naiinis ako dahil doon. "O-oo! Dahil hustisya ang gusto kong maibigay kay Ate! Do you think she deserves to die just like that?" dala ng galit ay naging dirediretso pa rin ang pananalita ko kahit na parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. "So you want me in prison?" nakatingin sa mga mata kong anito. His stares are so hard. Nakakapanghina. It also made my body react with excitement lalo na ng masulyapan ko ang labi niyang perfect heart shape ang kurba. Nakakaakit. Urgh! Mali mali! Kalaban mo siya Laurel hindi crush! "O-oo! At huminge ka ng tawad sa harap ng puntod niya!" tinapatan ko ang mabibigat niyang titig na nakapagpa amuse pa yata sa kaniya. Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko kung kaya napapikit ako at napakislot. It made me tickled na nagsipagtayuan ang balahibo ko sa batok. "Then, only if you agree to be my slave I'll consider your request." he sexily said. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. A-ano daw? S-slave?! "Hibang ka ba?" nanggagalaiti kong ani. His smirk became more visible at tilang tuwang tuwa talaga siya sa galit ko. His slender fingers lift my chin at nagtapat ang paningin namin. "Kung makayanan mo ang pagiging slave sa akin sa loob ng isang buwan, papayag akong makulong. Pero, kapag sumuko ka sa loob ng isang buwan na iyon, then I won't grant any of your request kahit pa anong gawin mo." mapaglaro niyang ani. Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa panga ko at galit na galit na talaga siyang tinignan. He wants me to play on his dirty little hand? Pwes! Hindi ko siya susukuan! Para sa ate ko ‘to. "Hindi ko alam kung bakit mo to ginagawa kahit pa ikaw ang may agrabyado sa amin, pero hindi kita susukuan!" determinado kong sabi. Bahagya siyang natawa at lintek nga naman 'tong lalaking ‘to, kahit ang tawa niya ay nakapagpanganga sa akin. He is definitely gorgeous. His laugh is way too sexy. Crap, mas nainis ako dahil doon. "Ofcourse. I am Zeus Ivan. I wouldn't let anyone or even you dominate me. I have my rules. Defeat me first kung gusto mo makamit ang kagustuhang nais mo." nagmamataas niyang ani. What a pride! This man is pure evil. Nakakainis!  "Fine! Sisiguraduhin ko sa’yo, mapapaluhod din kita sa kasalanang nagawa mo! Magtatagumpay ako makikita mo." nagmamataas ko ding ani, gigil na gigil sa galit. His eyes sparkled with amusement at mas nakakainis ‘yun dahil talagang natutuwa pa talaga siyang paglaruan ako. Naiisip ko palang na ginagawa niyang laro ang hustisya para sa Ate ko ay naiiyak na ako sa inis. What a cruel man you are, Zeus Ivan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD