B-Lies (One)

547 Words
Pagkagising niya ay namulatan ang isang babae at isang lalaki na may edad na rin. Pareho silang mukhang kagagalang-galang at mukhang mayaman. “Anak, kumusta ka na? We are so worried,” tanong ng matandang babae at agad na yumakap sa kanya. Naguguluhan naman siyang napatingin sa mga ito. Hindi niya rin kilala ang dalawa. “Anak, pati ba kami hindi mo naaalala?” tanong ng lalaki at saka hinaplos ang kanyang buhok. Gusto niyang magprotesta dahil hindi niya kilala ang mga ito pero hinayaan na lang niya. “Sorry, wala po talaga akong maalala,” tugon niya. Napaluha naman ang ginang sa narinig mula sa kanya. “Eh si Janella, naaalala mo ba?” tanong ng babae na nagpakilalang ina niya. Naguluhan naman siyang napatingin sa mga ito. Janella? ‘Di niya rin ito maalala kung kaya’t napailing siya. Mas lalo namang napahagulgol ang ginang sa narinig. “Robert, tawagin mo ang doctor. Wala na bang ibang paraan para magamot ang anak natin?”nag-aalala nitong baling sa asawa. Agad naman siyang niyakap ng matanda at pinakalma. “Call the doctor please,” pakiusap ng babae sa asawa. Tumawag naman ang lalaki sa intercom. Pinaglipat-lipat lang niya ang tingin sa dalawa at pilit na inalala ang mga ito. Matapos ang ilang sandali ay dumating ang doctor kasama ang lalaking nagpakilala sa kanya bilang asawa niya. Nag-usap ang mga ito. She was so lost. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. “It would be better, if you’ll take her to familiar places para mas madali siyang makaalala,” suhestiyon ng doctor. Walang nagawa ang tatlo kundi tumango na lamang. Sinabi rin ng doctor na maaari na siyang i-discharge kinabukasan. Naguguluhan siya sa nangyayari pero wala siyang magawa. Nais niyang iuntog ang sarili at piliting makaalala pero wala talaga. Pasado alas-otso na nang magpaalam ang nagpakilalang mga magulang niya. “Jel, kumain ka muna,” saad ng lalaki sa tabi niya habang hawak ang tray ng pagkain. Nakaramdam naman siya ng gutom kung kaya’t napatango na lang siya. “Ako na,” saad niya nang akmang susubuan siya ng lalaki. “Hayaan mo nang gawin ko ito bilang asawa mo,” kontra naman nito at ‘ binitawan ang kubyertos. Napanganga na lamang siya at tinanggap ang pagkain. Ingat na ingat ang lalaki sa pagsubo sa kanya. Nang umayaw siya ay nagbalat naman ito ng orange at ipinakain sa kanya. Hindi siya nagsalita at tinitingnan lamang ang kilos ng lalaki. Kung asawa nga niya ito ay napakasuwerte niya. Guwapo kasi ito at mukhang mestisuhin. Matangkad at matangos ang ilong nito. Ang mga mata nito ay may katamtamang laki lamang pati ang labi nito ay katamtaman din. Mukha rin itong edukado. “Asawa ba talaga kita?” nagdududa niyang tanong. Napangiti naman ang lalaki. Nakita niya ang pantay-pantay nitong ngipin na mas lalong nagpaguwapo rito. “Hindi mo ba talaga naaalala?” balik-tanong naman nito. Napailing siya. “Pag-uwi mo sa bahay bukas, makikita mo ang wedding pictures natin,” malungkot nitong saad. Napatango na lang siya. “Makikita mo rin si Janella,” saad nito. Janella? Ito din ang nabanggit kanina ng nagpakilalang mama niya. “Sino si Janella?” tanong niya. “Yung anak natin. She’s four.” sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD