Chapter 3

958 Words
10:30 PM Tulog na si Josefin. Nasa kwarto si Joyce, inaayos niya na lang  ang mga grado sa desk top computer, ng biglang may mag pop-up sa yahoo messenger. LANR225: Hi :) Si Lander. Ayaw niya sana itong sagutin pero parang mas mabilis ang daliri niya kaysa sa isip. JOYCE: Hi LANR225: Still up? Why? JOYCE: Hah! Doing some stuff, ikaw, ba't hindi ka pa natutulog? Maaga pasok mo ah. LANR225: Hmm. Wala, Hindi ako makatulog. ‘Stop it Joyce, don’t push it’ Sa isip nito. Pinipigilan ang sarili. JOYCE: ? LANR225: Hindi ko alam. Hindi rin ako sure. JOYCE: ?? Ilang saglit bago sumagot. LANR225: How’s Josefin? JOYCE: Tulog na. LANR225: Kailan mo ulit siya dadalhin sa campus. JOYCE: Not these days, napapagod ako kahahabol. LANR225: Ako bahala. JOYCE: Are you sure? LANR225: Yep. JOYCE: Why don’t you visit her na lang dito sa bahay? (Ito sana ang i-sesend niya ngunit kaagad nagbago ang isip nito, binura at pinalitan.) JOYCE: Ok. LANR225: When? JOYCE: Soon :) LANR225: Ah, Ma’am. JOYCE: ? LANR225: Is it possible… Hindi tapos, kaya nag hintay ng ilang saglit pa si Joyce. LANR225: ---- Kasunod nito, nagsend ng smiley with throbbing heart si Lander. Na-curious si Joyce. JOYCE: Para sa ano yun. LANR225: Wala lang po. For you.. Bigla ay kinabahan si Joyce sa sinabi ng binata. JOYCE: You were saying… is it possible, whats that? Pero nagback out ang isip nito, ba’t niya pa nai-send iyon. Ilang saglit bago sumagot ang binata. LANR225: Is it possible… Putol muli, pero nag hintay lang ang babae. LANR225: ...for a student to fall in love with a teacher? Namula sa kinauupuan si Joyce. Pakiramdam niya ay naninigas ang mga daliri habang nakatutok ang mga mata sa monitor ng desktop. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at biglang nanuyo ang lalamunan. Isinandal niya ang magkabilang kamay sa kanyang mukha habang nakatukod sa desk, malapit sa keyboard at nag isip. ‘Oh God!’ Nasabi niya sa sarili. Ilang sandali bago sumagot. Mabilis, niya naitype at nai-send ang nais sabihin. JOYCE: It’s wrong. Very wrong! Wala nang sinagot ang binata sa loob ng maraming minuto, pero naka online ito. Naghintay pa siya. Ngunit wala, hanggang sa isara niya ang window ni Lander. Medyo nakaramdam ng guilt ang babae, sa kabila nito inisip niyang tama lang na bigyan niya ng tuldok ang lahat. Kumakabig paatras ang silakbo ng puso ni Joyce. Nang mahimasmasan, binalikan niya ang work sheet sa Excell. 11:04 PM Biglang nagpopped-up muli ang YM Window ni Lander. Malinaw ang mga kataga, kung saan dito napaso ang buong katawan ni Joyce. LANR225: I think I’m in love with you. Hindi sumagot si Joyce. Wala siyang maisasagot dito. LANR225: Still there...? Sorry. Mabilis na nagtungo sa kama si Joyce, nagtalukbong ito ng kumot at nagtakip pa ng unan sa mukha. Magdamag siyang hindi nakatulog. Magdamag siyang nag isip. This is crazy. Mag-iisang buwan na mula ng huling pag uusap nila sa chatroom, halos patapos na ang semester at hindi pa rin sila nagkakausap. Pilit niyang iniwasan si Lander. Magkasalubong man sila, patio, sa corridor, sa gym, nakatungo rin lang ang binata. Hinayaan na lang ito ni Joyce, inisip niyang mas mainam na ito, kaysa sundan ang bitag ng pagkakamali. Ngunit hindi ang tadhana na sadyang nagpupumilit ng kanilang pagtatagpo. Hindi aakalian ng dalawa na dadalo sila sa birthday ni Devine. Walang nakakahalata ng kanilang gap, nitong mga nakaraan. May mga sulyap ang bawat isa habang nagkukwentuhan sa sala sa bahay ng celebrant. Sa ‘Lanai’ ng bahay, lumabas si Lander dala ang isang beer in can, na mahigit isang oras na niyang tinitikman, paunti-unti. Gusto niya sanang mapag-isa, ngunit ilang sandali lang, nagbukas ang sliding door na yari sa salamin. Kanina pa siya hinahanapan ng pagkakataon na iyon ni Joyce na masarili, upang makausap. “Hi..” Ayaw mang sumagot, napilitan ang binata. “H-hi..” “Wow, mahangin pala dito.” “So, what’s up!” dugtong ng babae. Nagkibit balikat lang si Lander. “Lander... we have to talk.” Wala pa rin imik ang binata na naupo sa isang silya. Kaagad, sumunod at tumabi si Joyce sa katabing upuan. “Lander, I think this is not good for both of us..” Nakayuko lang si Lander. Nag iisip. “Si Josefin ang buong buhay ko” Mahina ang boses ng babae. “She’s all I have, and I am willing to do and sacrifice everything, para kay Josefin.” Hindi na maintindihan ni Lander ang ibig ipahiwatig ni Joyce sa kanya. “Look..” Hinawakan ni Joyce ang magkabilang balikat ni Lander, pinahaharap sa kanya. “If we do this, if I really do this… I could lose my job.” Doun, napalingon si Lander kay Joyce. Naaninag niya ang bagsak na mukha nito. “Intindihin mo ako... I need my job.” Nabalot ng habag si Lander. Nakukuha na niya ang ibig pahiwatig ni Joyce. “M-ma’am...” Walang imik ang babae. Ngayon, napagtanto ni Lander ang lahat, bagama’t hindi ito mangyayari, nasisiguro niyang hindi siya nag-iisa sa nararamdaman. “Naiintindihan mo ba?” Bulong ni Lander. Narinig ng babae ang buntong hininga ni Lander. Kasunod nito ang isang nakabibinging katahimikan. Alam nilang may panahon, may tamang panahon para sa kung ano mang nararamdaman sa isa’t-isa. DALAWANG linggo matapos ang semestral break, inisip ni Joyce na umuwi si Lander sa Camarines Sur dahil wala man lang itong text, wala ni YM messages, mula nung huli silang mag usap sa party ni Devine. Ewan kung bakit naiinis siya. Gusto niyang maka tanggap ng text, o tawag man lang. Ngunit bakit pa, gayong nilinaw niya sa binata na kailangan nilang maging matatag. Kailangan nilang magtimpi at maging mahinahon sa kung ano mang nararamdaman para sa isa’t-isa. Alas dos na ng hapon, habang malakas ang ulan sa labas. Mag isa si Joyce sa bahay dahil kinuha ng kanyang mga kapatid ang bata upang ipasyal kasama ang lolo at lola nito. Naiinip si Joyce dahil walang mapanood sa cable, wala siyang mabasang libro. Ni hindi siya nag lunch dahil tinamad siyang magluto. Pagka ganitong, walang pasok, at kung wala si Josefin, hindi niya pinapasok ang yaya ng bata. Nakakabagot ang mga sandaling ito, dahil sa bukod sa lungkot dulot ng ulan, wala siyang magawa o makausap. Hawak niya ang cellphone, naka upo sa dining table, naghihintay siya ng kung sino man ang mag tetext, o magyaya, o ang mangungumusta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD