Kabanata 1

2314 Words
Elizabeth Cruz "Elize, bigyan mo nga ako ng five hundred diyan at nagkaayaan ang barkada mamaya." utos ni Tiyong Eddie. Hindi ito pabor o pakiusap kung hindi isang utos na para bang isa akong ATM machine na maglalabas na lang ng pera dahil sinabi niya.  "Pero kakabigay ko lang sa inyo kahapon ng isang libo?" marahan kong tanong, takot na baka magalit siya.  Nang mamatay ang Amang at Inang dahil sa aksidente ay naulila na kaming magkapatid. Sa nakalipas na walong taon ay sila na ng Tiyang Amy ko ang kumupkop sa amin ng kapatid kong si Skye. Hindi ko masasabing sila ang nag-alaga at nagpalaki sa amin dahil naging malupit at katulong ang tingin nilang mag-asawa sa aming magkapatid.  Hindi na rin namin nagawa pang mag-aral ng kolehiyo dahil agad nila kaming sinabak sa pagtatrabaho. Ngayon sa edad kong bente-sais ay naging isa naman akong empleyado ng isang kumpanya salamat sa aking angking sipag at talino bagamat hindi na ako nakapag-kolehiyo.  Ang kapatid ko namang si Skye ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang bar dahil high school lang ang natapos niya. Noong una ay tutol na tutol ako sa trabaho niya dahil ayaw ko siyang mabastos, ngunit kilala ko naman ang kapatid ko bilang isang palabang babae kaya wala na rin akong nagawa pa.  "Ke isang libo o sampung libo pa 'yan, barya lang 'yan kung ikukumpara sa nagastos namin sa pagpapalamon sa inyong magkapatid!" Galit na sumbat niya sa akin habang nanunuod ng T.V. Pinigilan ko ang sarili kong itama siya. Sa walong taon naming pamamalagi rito ay natutunan kong huwag sumagot dahil mabigat ang kamay nilang dalawa ng asawa niya. Dahil sa takot na mapalayas kami at dahil na rin may respeto pa rin ako sa kanila ay nagtitiis na lang ako.  Gusto ko siyang itama at sabihing, "Mali kayo! Ni singko ay wala kayong ginastos sa amin dahil pinagbanat niyo na kami ng buto para kami ang bumuhay sa inyong mag-asawa,  kasama na ang tatlong batugan niyong mga anak na walang ginawa kung hindi humilata at magpakasarap sa buhay!" Itinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na nagsalita pa. Kumuha ako ng limang-daan sa wallet ko at inilapag sa mesa. Baon ko sana ito para sa buong linggo, pero wala naman akong magagawa. Tipid na tipid pa man din ako mapagkasya lang ito.   "Huling pera ko na ho ito at kahit pigain niyo pa ako ay wala na akong mailalabas pa, kaya sana naman ho ay tipirin niyo ito." malumanay kong sabi sa kanya bago tuluyang lumabas sa maliit at lumang bahay namin bago pa siya makasagot.  Tumigil ako sa paglalakad sa harap ng bahay namin at tumingala para pigilan ang sarili kong mapaiyak. Tumingin ako sa paligid ng maliit naming bakuran at hindi napigilang malungkot dahil ang laki na ng pinagbago nito. Noon ay puno ito ng mga halaman dahil gustong-gusto ni Inang ang mga bulaklak, ngayon ay puro lumot at nagkalat na bote ng alak ang nasa paligid.  Noon kahit maliit lamang ang aming bahay ay masaya kami dahil kumpleto kami at nagmamahalan, ngunit simula nang mamatay ang mga magulang namin at dito na nanirahan ang Tiyong at Tiyang para 'maalagaan' kami ay naging isa na lang itong luma at maliit na bahay. Masikip para sa pitong taong nagsisiksikan.  "Inang, kung sana ay narito pa kayo sa paligid namin. Sana ay masaya pa kami ni Skye at hindi miserable." Marahan akong umiling at muling naglakad papunta sa MV building. Ang malaking pasasalamat ko na lamang ay malapit lamang ito sa bahay namin kaya araw-araw ay nilalakad ko lang ito.. Nakasalubong ko si Marta na isang manager habang papasok sa loob. Dalawang taon pa lamang ako sa MV Network bilang isang assistant pero nagustuhan ko na ang trabahong ito.  Tanda ko pa noong eighteen pa lang ako ay iba't-ibang klase na ng trabaho ang pinasukan ko. Nariyang naging waitress, cashier, bagger, manggugupit, janitress, mananahi hanggang sa naging isa akong katulong at yaya. Salamat na lang din sa matalik kong kaibigan na si Justin na pumilit sa aking mag-apply sa MV Network at ngayon nga ay dalawang taon na akong nagtatrabaho sa istasyon na ito kung saan pinapalabas ang ilang malalaking drama at pelikula sa panahong ito.  "Good morning, Ma'am." magiliw kong bati sa kanya. "Good morning, Manong Bert." nakangiting bati ko naman sa guard.  Nakangiti naman nilang ibinalik ang bati ko. Sa loob ng kumpanyang ito ay pilit kong kinakalimutan ang masalimuot kong buhay sa bahay namin. Dito ay isa akong masayahing tao at tila walang problema. Kung alam lang nila ang totoo.  "As usual, masaya ka na naman. Kahit ata gaano kasama ang araw ng isang tao ay mahahawa ng energy mo." Natatawang biro ng kasamahan kong si Fergie. Magkatabi kami sa table kaya naman siya ang pinaka-close ko sa lahat.  "Masaya akong napapasaya ko kayo."  "Pero girl! Alam mo na ba ang balita?" Kinikilig niyang tanong sa akin.  "Hindi, eh. Ano ba 'yun?" patay malisya ko namang tanong sa kaniya habang hinihintay ang elevator na makarating sa Seventh floor.  "Si Mr. CEO na yummy na yummy na partner ng panty stealer nating boss ay bibisita dito mamaya para sa isang project. Madalang lang magpunta iyon dito kaya naman hindi na mapakali ang mga higad sa paligid." humahagikgik niyang sabi.  "Panty stealer talaga?" napapailing ko namang sambit pero nakangiti rin. Totoo namang makalaglag panty ang boss naming si Jasper Mariott, pero hindi ko ito aaminin.  "Hay nako, Ms. Virgin. Kapag nakita mo si Godric Villatierra ay baka ang masabi mo na lang ay 'hallelujah' dahil bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. Isa siyang s*x God." parang nananaginip pa niyang sabi.  Natigilan naman ako nang marinig ko ang pangalang iyon at bahagyang napalunok. Darating siya dito? Sa dalawang taon kong pagtatrabaho dito ay isang beses pa lamang siyang bumisita at nagawa ko iyong iwasan, pero paano ngayon?  Hindi ko alam na natulala na ako nang naramdaman ko ang tapik ni Fergie sa balikat ko.  "Girl, 7th floor na oh? Naiwan ba 'yung kaluluwa mo sa baba o nagulat ka lang sa sinabi ko?" takang tanong niya na may halong panunukso.  Tumikhim naman ako at nauna nang lumabas at dumiretso na sa office namin at naupo sa table ko. Pasimple kong inilagay ang kamay ko sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok nito dahil sa nalaman ko.  "A-Alam mo ba kung anong oras siya pupunta?" bulong ko kay Fergie na nakaupo na rin at inaayos ang mesa.  "Mga bandang tanghali daw. Bakit? Gusto mo rin ba siya abangan?" nanunuksong tanong niya sabay taas baba ng kilay niya.  Natawa naman ako ng pagak at umiling. "Hindi 'no. Curious lang ako."  Hala. Paano na 'to?  "HINDI KA PA BA kakain, Elize?"  "Ah, hehe, maya-maya na. May tinatapos pa kasi ako. Mauna na kayo." nakangiti kong sabi sa kanya kahit pa kinakabahan ako at kumakalam na ang sikmura ko.  Parehas kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at humahangos na dumating si Len, na sa HR nakatalaga.  "Omg, girls! s*x God is here na!" tumitiling anunsiyo niya at mabilis pa sa alas-kwartong nagsilabasan ang mga kasamahan ko at naiwan akong nakanganga. Para silang nakarinig ng sale at takot maubusan!  Kumurap-kurap ako at isinara ang bibig bago napailing sa inasal ng mga kasamahan ko. Para bang ngayon lang sila makakakita ng gwapo, pero sabagay,  hindi ko naman sila masisisi. Noon pa lang ay ganoon na ang epekto niya sa akin.   Mabilis ang ginawa kong pag-iling at umayos ng upo. Hihintayin ko na lamang siyang matapos kumain dahil alam kong kakain sila ng boss ko sa Restaurant dito bago mag-meeting. Tama. Iyon na nga lang ang gagawin ko. Pilit kong inabala ang sarili ko sa ginagawa ko kahit pa hindi pa naman talaga kailangan ang mga ito dahil next year pa ang airing nito, at August pa lang ngayon pero ayokong maburyo sa kakahintay.  Fifteen minutes bago matapos ang lunch ay sabay-sabay na dumating ang mga kasamahan ko na nangingislap pa ang mga mata.  "Haay, ang gwapo niya talaga, hindi ako mananawang titigan siya buong araw." "Oo nga, napakalakas ng s*x appeal niya." tila kinikiliti ang singit na sambit ni Pau.  "I'm going to be honest with you girls, gusto ko nang ihain 'yung sarili ko sa harap niya kanina para ako na lang ang kainin niya at hindi 'yung pagkain, pero may natitira pa naman pala akong hiya." "Girl, I want to bend over for him right there and right then."  Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko at halos malaglag ang panga ko. Bakit hindi na lang nila gapangin 'yung tao?  "Wala na ba sila sa resto, Gie?" Bulong ko kay Fergie na mukhang nasa alapaap pa.  "Ha? Ah, wala na. Noong umalis sila ay umalis na rin kami."  Nakahinga ako nang maluwag at tumango. "Sige, kain lang ako."  Tumango siya at muling bumalik sa panaginip niya. Kinuha ko ang wallet at ang Nokia C3 kong cellphone na nabili ko sa halagang 300. Ayos na ring may lumang cellphone kaysa wala.  Habang lulan ng elevator ay napabuntong-hininga na lang ako. Mababawasan ang laman ng ATM card ko na pilit kong iniipon, pero wala naman akong magagawa. Hindi ako makakapag-focus sa trabaho kung walang laman ang tiyan ko.  Pagdating sa resto ay mangilan-ngilan na lang ang mga tao. Pumunta na ako sa harap at um-order lang ng menudo at kanin bago kumuha ng tubig at naupo na sa malapit na mesa.  Sinimulan ko nang kumain ng tahimik habang nagkakalkula sa isip ko ng mga gastos. Sa Miyerkules pa ang sweldo namin at Lunes pa lamang ngayon. Kailangan kong tipirin ang pera ko.  Iniipon ko ito para sa kinabukasan ng kapatid ko at hindi ito dapat malaman ng ganid kong Tiyo at Tiya. Gustuhin ko mang bumukod na ay kulang naman ang kinikita naming magkapatid at isa pa ay ayokong magpatalo sa kanila. Bahay namin iyon at pinaghirapan iyon ng mga magulang ko kaya kami ang mas may karapatan doon.  Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng mga pagsinghap. Kunot-noo akong tumingin sa paligid para makita ang mga kababaihan na nakanganga at kilig na kilig habang nakakunot-noo naman ang mga lalaki.  Nang sundan ko ang tinitignan nila ay nagtama ang mga mata namin ng isang pares ng mga mata na hindi ko akalaing muli kong masisilayan. Natulala ako at muntik ko nang mahulog ang hawak kong kutsara at tinidor sa gulat. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tignan ang kabuuan niya. Ang kulay brown at kulot niyang buhok ay umabot hanggang sa tenga niya. Marahil sa ibang lalaki ay hindi nababagay ang ganoong hairstyle, ngunit sa kaniya ay nakadagdag lang ito sa karisma niya at bumagay sa maskuladong katawan. Ang ilong niyang matangos at ang mga maninipis na labing nakapagkit ang isang nakakalokong ngiti.  Bumaba ang tingin ko sa maskulado niyang katawan na hindi naitago ng suot niyang Suit. Nang muling bumalik ang mga mata ko sa mukha niya ay nakita kong naglalakad siya palapit sa akin kaya naman agad na akong tumayo,  at lakad-takbong pumunta sa loob ng restroom at isinara ang pinto.  Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malagkit kaya naman binuksan ko ang gripo at binasa ang mukha ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at kitang-kita ang pamumutla ko. "Hindi naman niya ako nakilala, hindi ba? Iba na ang hitsura ko mula noon. Walong taon na ang nakalipas at sigurado akong nakalimutan na niya ako sa dami ng babaeng nakilala at dine-date niya." Pagkumbinsi ko sa sarili ko.  Pinilit ko ang sarili kong huminahon at pinunasan ang mukha bago napasinghap. 'Yung wallet at cellphone ko ay naiwan ko sa table!  Napakagat-labi ako bago binuksan ang pinto. Huminga muna ako nang malalim bago lumabas at natigilan ako nang makita ko ang taong pilit kong iniiwasan at nilalayuan na nakatayo roon at tila may hinihintay.  "I believe these are yours? You forgot them and I decided to fetch 'em for you." walang-ngiting sabi niya gamit ang malalim at medyo husky niyang boses na ibang-iba na sa boses niya noon.   Okay, Elize. Hindi ka na eighteen. Nagbago ka na, `di ba? Kaya mo 'to. Ipakita mo sa kanya na hindi ka niya naaapektuhan! Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.  "T-Thank you, Sir." mahina kong sabi sa kanya bago mabilis na kinuha ang mga gamit ko sa kamay niya, at hindi pinansin ang nakakakiliting sensasyon na dulot ng pagdidikit ng mga kamay namin.  Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at dumiretso pabalik sa canteen para magbayad.  "Magkano po?" Magalang kong tanong habang binubuklat ang wallet.   "Bayad na ang kinain mo, hija." nakangiting sabi niya bago tumalikod.  Mabilis na umakyat ang dugo ko sa ulo ko dahil sa narinig, pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumalikod ako para komprontahin siya, pero hindi ko na siya nakita pa. Lumingon ako sa paligid, ngunit tuluyan na siyang naglaho. May ilang nakatingin sa akin na puno ng pagtataka, pero hindi ko na sila pinansin at lumabas na ng resto.  Bakit kaya ganoon na lang siyang makatingin sa akin? Kilala pa rin ba niya ako? At bakit binayaran niya ang kinain ko?  Pagsakay ng elevator ay pinindot ko ang floor ko at bago pa sumara ang pinto ay may isang kamay ang pumigil sa pagsara nito, at bago pa ako makapagsalita ay nakasakay na siya at namuo ang tensyon sa loob. Idagdag pa ang pabango niyang amoy na amoy ko at nanunuot sa ilong ko. Pinigilan ko ang sarili kong pumikit at samyuhin ang mabango niyang amoy. Ang mga tanong na gusto kong itanong sa kaniya ay naiwan sa dulo ng aking dila. Hindi ko maapuhap ang dapat sabihin at nakatingin lang ako sa nakasarang pinto ng elevator.  "Do you really think that you can hide from me forever, Elizabeth?"  Napapikit ako sa sinabi niya at sa paraan ng pagbanggit niya ng pangalan ko. I guess iyon na ang hinahanap kong sagot sa tanong ko.  **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD