Part 2 - The Wedding Preparation

1399 Words
-Alexa POV- 8 am pa magsisimula ang wedding pero 3 am pa lang gising na ako. Sabi ni mommy dapat daw mamaya pa ako 5:30 gigisingin at aayusan para fresh pa daw ako tingnan. Pero kahit anung gawin ko hindi na ako makatulog ulit. Pinainom na nga ako ni ate Jem ng gatas pero hindi parin umepekto. Ayaw pa rin pumikit ng mga mata ko. Kaya heto ako ngayon, nasa may veranda, nagpapahangin at hinihintay ang tamang oras. Nakakainip pero nakakaexcite. Kaya siguro ako maaga nagising kasi super excited ako. Pero bakit kinakabahan ako? Ganito ba talaga pag ikakasal? Super duper ang kaba? Wedding jitters? Ayokong mag-isip ng negative baka pumanget ako mamaya eh. Napabuntong-hininga ako. Be positive lang Lex. I silently told myself. *tick tock tick tock tick tock* Ang bagal naman ng orasan. 5:15 palang. Gusto ko na ayusan na nila ako para mawala na yung kaba ko. Mapuntahan nga si mommy sa silid niya. I knocked twice. Baka tulog pa si mommy. "Mom, areyou awake?” I asked from outside her room. "Yes baby. Pasok ka. Bukas yan." Mom said with a worried face. "Any problem? Maaga pa ah." Tanong niya sakin pagpasok ko sa kwarto nila daddy. Wala si daddy ah. Asan kaya siya? Well, nevermind. "No mom. Excited lang po ako para mamaya. Sobra po akong kinakabahan. Is it normal?” I asked her. Yun talaga ang nararamdaman ko ngayon. Kung kahapon medyo lang, ngayon sobra-sobra na talaga. "Alam mo baby, nung day ng kasal namin ng dad mo, parang gusto ko na magback-out sa kaba. Sinabi ko pa nga sa lolo mo na hindi ko na isusuot yung gown ko. Iniisip ko kung tama ba talaga na magpasakal na ako, este magpakasal. Pero sabi ng papa na isipin ko daw yung image ni Alex. Ayun, pumikit ako, then I saw him smiling at me. At sabi ko sa papa, ready na po ako. Sobrang kaba ko rin nung time na yun pero dahil lang siguro yun sa excitement kagaya mo. Natural lang yan anak. Pero pag nakita mo na si Jarred sa harap ng altar, mawawala din yan." Ginawa ko ang sinabi ni mommy. I imagined Jarred's face. Hindi naman siya palangiti eh. Tatlong beses ko pa lang yata siya nakikitang ngumiti sakin. When he asked me to be his girlfriend, nung binigyan ko siya ng second chance and when I said yes to his proposal. But nevertheless it relieved me. I still want to see more of it. "Oo nga po mom. Thanks po. Narelieved po ako sa sinabi mo. Mom, pwede na po ba akong ayusan? Malapit na rin naman 5:30 eh." I'm so excited pero nandito pa rin ang kaba. "Sige na nga. Atat na ang baby ko na ewan kami ng daddy niya." Biro ni mommy sakin. "Mom naman." Natatawa kong sabi. "Joke lang baby. I'm happy for you." She said then hug me tightly. "Thanks mom." I told her and kissed her cheeks. Mom called ate Jem para ayusan ako. Si ate Jem ay pinsan ni papa. Apat silang magpipinsan at si Ate Jem ang pinakabunso. Actually tita ko siya pero ayaw niya na tawagin ko siyang auntie kasi daw ayaw niya tumanda ng maaga. Ate nalang daw itawag ko sa kanya. She's 30 years old pero single pa rin. Sabi ni ate Jem hinihintay niya daw na pakasalan siya ni Lee Min Ho. Di naman halata na sa edad niya ngayon eh mahilig pa rin siyang manood ng Korean series. Nung minsan nga na pumunta ako sa condo niya nagkalat ang pictures ni Lee Min Ho sa paligid. Pumasok ulit ako sa room ko. Dun daw ako bibihisan sabi ni mama. Excited na ako sa wedding ko. I wonder ano kaya magiging hitsura mamaya ni Red? Malimit ko lang siya makita na naka Tuxedo. Pero super gwapo siya kapag nagsusuot ng ganun. Kahit naman hindi siya magsuot ng ganun gwapo pa rin naman siya eh. I blushed with what I'm thinking. "Anung iniisip ng ating bride at wagas makangiti?" "Ay kabayo!" Bigla akong nahulog mula sa kinauupuan ko. "Kawawa naman ako. Kabayo na pala ako ngayon? " Nag-act siya na parang pinupunasan ang pisngi niya kahit wala naman pumapatak na luha. "Ate Jem talaga oh napakasensitive. Ba't po ba kayo nangugulat?" "Hindi kita ginulat. Nagulat ka lang talaga." "Parehas din po yun." "Hindi kaya. Kanina pa ako dito pero hindi mo napapansin dahil ang lalim ng iniisip mo or can I call it 'day dreaming'? " nag pout ako. "Lex mamaya pang gabi ang honeymoon wag kang atat." Dagdag pa niya. I can't help but think. Honeymoon. Ano kaya gagawin namin? I brush the thought away. Binato ko ng unan si ate Jem. Kung ano-ano kasi sinasabi. Buti nalang nakailag siya kundi sapol siya sa mukha. Sayang naman, ang ganda pa naman ng kutis niya. "Ate Jem talaga. Hindi po yun ang iniisip ko. Green minded ka talaga. Tsaka masama bang isipin ng bride ang kanyang groom?” "Hindi naman pero mamaya mo na siya isipin. Aayusan pa kita. Tingnan mo sarili mo sa salamin oh! Kasing pula na ng kamatis. " Pumunta ako sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko. Sobrang pula nga. I composed myself and went back to the room. "Ate Jem, natural lang po ba na kabahan sa araw ng kasal?" Sinisimulan na akong ayusan ni ate Jem. Nandito pa rin kami sa kwarto ko. "Actually Lex hindi ko alam ang sagot dyan. Hindi ko pa naman kasi nararanasan ang maikasal eh." Ngumiti ng tipid si ate. Oo nga pala single pa nga pala si ate hanggang ngayon. "Ay oo nga pala. Sorry po." Tumawa si ate. "Ba't ka naman nagso sorry? Di naman ako bitter sa mga ganyan eh. Masaya nga ako kapag nakakakita ako ng mga couples na ikakasal. Anyway back to the topic. Siguro natural lang na kabahan ka. Ganyan din si kuya dati." Ang tinutukoy niya ay si papa. "Nasabi pa nga niya dati na 'Jem, bigyan mo nga ako ng inhaler. Hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.' Di ko pa rin yun makalimutan." Natatawa si ate habang sinasabi niya yun. Pero— "Nasabi yun ni daddy? " I laughed hard. Di kasi ako makapaniwala na sinabi yun ni daddy. So even boys have fears huh? Si Jarred kaya? "Oo nasabi niya yun. Humagalpak nga ako sa tawa nung sinabi niya yun. Kaya naman natural lang na kabahan ka. Wag ka masyado mag-isip ng di maganda. Big day mo kaya wag mo sirain." Ngumiti sakin si ate. "Tama ka po ate. Dapat maging positive ako." Nag-isip nalang ako ng magagandang mga bagay. Tama si ate Jem, big day ko ngayon kaya dapat hindi ko i-entertain ang mga bad vibes. Wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda mamaya. Naaaliw ako sa ginagawa ni ate sa buhok ko. Hindi naman ito yung unang beses na inayusan niya ako. Yung unang beses nung debut ko. At ito yung pangalawa. May tiwala kasi ako kay ate na papagandahin niya ako. May-ari kasi siya ng salon kaya alam ko na magaling siya. Matapos ayusin ni ate Jem ang buhok ko, nilagyan naman niya ako ng make up. Hindi talaga ako expert sa mga ganito. Hindi kasi ako mahilig sa mga make up at kung anu-ano pa na nilalagay sa mukha. Natural beauty kasi yung face ko. Kahit hindi lagyan ng make-up, maganda pa rin. Naalala ko tuloy si Jared. Sinabi niya kasi sakin yan eh. Patuloy lang si ate sa pagme-make up sakin. At nang matapos na.. "Tada!" She said while smiling so widely. Pinaharap ako ni ate sa salamin. Akala ko kami lang dalawa ni ate ang nandito. Bakit may nakikita akong ibang mukha. Tapos.. Tapos.. Tapos... "Ang ganda niya ate. Sino siya?" Hinampas ako ni ate sa braso. Aray naman. Napasimangot ako. Masakit yun eh. "Ate naman masakit yun." "Shunga ka Lex. Ikaw kaya yang nasa salamin. Malabo na ba paningin mo? Magsuot ka na kaya ng glasses?" A-a-ako yang maganda sa salamin??? Hindi nga? "Ang galing mo talaga ate. Biruin mo ang isang ugly ducking naging beauty dahil sayo. Ikaw siguro ang fairy godmother ko." "Gutom lang yan Lex." "Salamat ate sa pag-ayos sakin." "O sya sya bilis. Isusuot mo pa ang gown mo." Atat ni ate. Mukhang siya ang ikakasal at hindi ako. Kelan kaya siya ikakasal? I hope very soon. I smile at the thought. "Opo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD