Chapter 2

1016 Words
Masaya, mahirap, magulo pero worth it. Lahat ng natutunan ko sa GG’s ay inaaply ko dito sa Restoderia kaya heto closed pa lang may nasilip na babae sa glass door at parang naniningin-ningin.   Hindi na iba ang mangilan-ngilan na tao na nabubuyo ng maaga sa kainan ko. Wala eh sikat.   Ibinaba ko ang hawak kong balls ng baka at ipinunas sa aking green apron ang aking madugong kamay bago puntahan ang pinto at sabihan na nine pa ang bukas ng kainan ko.   Marahan kong binukas ang pinto at ipinagkit ang aking yummy smile sa aking matabang mukha.   “Miss nine pa ang bukas ng Restode----,”   Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng matitigan ko ng malapitan ang babae.   Sobrang payat niya.   Oo pumayat ako ng sobra dati pero hindi ganito.   Ang payat, buto at balat na lang siya halos. Kita ko sa suot niyang t-shirt ang ribs nya na bakat na bakat sa kanyang balat na very unhealthy tingnan. Naninilaw na makintab at alam kong hindi dahil sa pawis iyon dahil pagkalamig-lamig pa ng panahon.   Bumaling ang tingin ko sa kanyang mukha at nakaramdam ako ng hinagpis. Hindi lang sa sobrang hupyak nito at maputla ang kulay, lubog ang nagingitim niyang mata.   Ang mukha niya na parang pinagdaanan na lahat ng problemang pwedeng maranasan ng isang tao sa mundo, at higit pa.   Mukhang kilalang-kilala ko dahil minsan ay nagkaganito na din ako.   Mukha ng wala nang pag-asa at wala nang balak mabuhay.   Inalis ko agad ang aking mga mata sa kanyang mukha. Bumabalik kasi sa akin ang nakaraan ko na matagal ko nang binaon sa limot at napunta sa kanyang tiyan ang aking paningin.   She’s pregnant.   Bilog na bilog ang tiyan niya na kung hindi ako nagkakamali ay halos seven to eight months na. Supported only by a pair of very thin and bony legs na hindi ko mapagtanto kung paano pa siya nasusuportahan ng ganon kapapayat na binti.   I know it’s not nice to stare at someone but I don’t know...   Pity is such a weak word to explain what I’m feeling now for her.   And what she said hit me like a big blow straight to my heart.   “Magtatanong lang ako. Alam mo ba kung saan ang clinic ni Doctor Lagdameo?” mahina at magalang nitong tanong gamit ang boses na akala ko ay galing sa kailaliman ng kadiliman sa lamig at lungkot.   Napatingin ulit ako sa kanyang mukha at kita kong pilit nya akong binigyan ng ngiti.   Ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata na parang matagal nang binawian ng buhay.    -0-   “Sigurado ka bang ayos lang na dito muna ako?” nahihiya nyang tanong sa akin habang nakaupo siya sa tapat ng counter.   Itinaas ko ang hawak kong petso at kinaway ito, “Oo naman! Mamaya pa kasing hapon ang dating ng tauhan ko na may alam kung saan ang clinic na hinahanap mo. Eh sabi mo naman wala ka namang pupuntahan kaya dito ka na muna magpalipas ng oras! Air-con naman dito at may t.v kaya di ka maiinip.”   Tumingin sa akin ang buntis na babae at pilit na ngumiti, “Magkano nga ba itong kape at tinapay?” tanong niya sabay turo sa mainit na kape at pinagong na inihain ko sa kanya.   “Naku ang presyo nyan ay libre ‘te!”   Napahinga sya ng malalim at umiling sabay bunot ng wallet, “No offense pero ganito na ba kalala ang hitsura ko para kaawaan?”   Napatigil ako sa pagtatadtad ng kangkong at hinarap ko sya, “’Te, yang hitsura mo lampas na sa awa ang kailangan. Ang kailangan mo sa lagay na yan, makakausap,” malungkot kong sabi sa kanya.   Hindi niya ako sinagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpreprepare ng aking mga iluluto. Tahimik lang siyang nanunuod sa aking ginagawa. Parang bawat kilos ko ay tinitingnan nya.   I don’t mind. The longer she stayed here the better. Nang makinig ko na hinahanap nya si Doctor Lagdameo ay mabilis pa sa alas kwatro na pinapasok ko siya sa kainan ko at sinabing hintayin ang aking tauhan kuno na may alam kung saan ang eksaktong klinika ng hinayupak na doctor na iyon.   Siguro dahil na din sa pagod at hirap na nararamdaman ay pumayag din agad ang babaeng buntis na nakaupo ngayon sa harap ko na mukhang malayo ang tingin at kung saan na nakarating sa kanyang pagiisip.    “Lalamig yang kape at baka maunahan ka pa ng mga langgam ko dito pag di mo pa inubos yang pagkain sa harap mo,” paalala ko dito na bigla namang napakurap at wari’y bumalik na sa earth ang isipan, “Madami ang nagugutom sa mundo. Sayang naman kung hindi mo mauubos yan. Libre pa naman!” masaya kong sabi dito sabay kindat.   Pilit na ngumiti ito at tumango bago inilapit sa kanyang maputlang labi ang tinapay at kinagat ito ng dahan-dahan.   Ramdam ko na kahit pagkain ay nahihirapan siya. Ano ba ang pinagdadaanan nito at pinabayaan na lamang nitong magkaganito ang kanyang katawan?   Hindi pwepwedeng walang dahilan. Kahit hindi ako likas na pakialamera sa buhay ng may buhay ay hindi ko mapigilan na magtaka dahil ang mukha niya at ekspresyon niya ngayon ay minsan ko na ding napagdaanan.   Itinapon ko sa air frier ang mga manok na natadtad ko na at humila ako ng upuan sa tapat niya at tinitigan ko siya.   “Tapos na ako sa gagawin ko. Habang naghihintay tayo ay baka pwedeng magkwento ako sa iyo?” magiliw kong tanong sa kanya.   Bago niya ako sagutin ay humigop ito ng kape at tumango, “Oo naman. Sobrang sawa na ako sa kwento ng buhay ko. Maganda naman sigurong makakinig ng istorya ng iba,” mapait nitong sagot sa akin.   Tumango ako huminga ng malalim...   “Ako nga pala si Tabitha Abanilla at minsan na din akong nakarating sa paraiso. Paraiso na hindi ko hinangad pero kusang dumating sa harapan ko. Paraisong alam kong hindi ko na mababalikan kahit kailan pero hindi ko din makalimut-limutan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD