bc

Our Little Secret (TAGALOG)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
9.0K
READ
forbidden
playboy
student
stepbrother
sweet
bxb
highschool
lonely
like
intro-logo
Blurb

Boys Love Series #1

Our Little Secret (BxB)

Written By: Yuna Hime

BLURB:

━─━────༺༻────━─━

"In this world, there are really some people whom you are not allowed to fall inlove with."

Dahil nag-iisang anak, namuhay si Rin Fujiyuki ng mag-isa magmula ng mamatay ang ina sa mura niyang edad, at ang ama nama'y nasa malayo ang trabaho. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at pangungulila dahil doon. Sa muling pag-aasawa nang kaniyang ama, pinakilala sa kaniya ang bagong stepmother na taga Brazil kasama ang anak nitong lalaki na magiging stepbrother niya. Sa sobrang galak dahil nagkaroon na siya ng makakasama sa buhay, ninais ni Rin na magmukha silang tunay magkapatid ni Akio Haruhiko na noo'y isa ring cassanova. Paano kung sa unang araw palang nilang magkasama sa iisang bubong ay may maramdaman kaagad silang kakaiba para sa isa't isa? Posible nga bang magkapalagayan sila ng loob kahit sabihin pang pareho silang lalaki?

Not to mention they are also stepbrothers!

━─━────༺༻────━─━

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue Loneliness. ‘Yan ang araw araw na nararamdaman ko. Only child lang kasi ako. Hindi kami mahirap, pero hindi din kami mayaman — may kaya lang. My dad is working as a photographer at obviously, palipat lipat siya sa iba't ibang lugar para kumuha ng mga litrato. My mom died while I was just in grade school.  Well, that was already in the past that I want to forget. Just the memory, but, definitely not my Mom. I am now a junior highschool student at mag-isang nakatira sa dorm malapit doon. School is fun but, not my life. Kahit sabihin man natin na naiintindihan kong kailangan malayo ni Dad dahil sa trabaho niya, hindi ko parin maiwasang malungkot. "Tch, that old man." inis akong napatingin sa relos ko. Magkakalahating oras na akong nandito sa cafe kung saan kami magkikita pero wala parin sila. Weekend ngayon at umuwi nga si Dad galing Brazil at hindi siya mag-isa. Nang nasa Brazil si Dad nainlove siya sa isang Half Japanese-Half Braziliang babae na isang secretary sa isang company doon. Nagkaroon na rin sila ng pribadong kasal sa Brazil mismo. At ngayon nga ang araw na ipapakilala niya ito sa akin. Well, hindi naman sa ayaw kong mag asawa ulit si Dad, pero kasi base sa mga litrato na pinapadala niya sa akin kada buwan eh, mukhang inlove na inlove nga sila. Wala daw asawa iyong si Ms. Leila pero naanakan daw siya sa pagkadalaga ng isang Host noon sa brazil or 'yung mga lalaki na nang i-entertain ng mga babae sa club. The thought to have someone in my life again makes my heart filled with warmth at ‘yun siguro ang dahilan kung bakit sumang ayon ako sa ganitong set-up. I badly want someone to ease my loneliness, to be with me kung kinakailangan ko ng masasandalan sa hamon ng buhay. "Rin?" agaran akong napatayo ng marinig ko ang boses na iyon sa aking likuran. "Dad! " agad akong lumapit sa kaniya at nakipagyakapan.  "You got taller son!" ani niya sabay gulo sa buhok ko. "Is it him Rintarou?" ani ng isang mahinhin na boses. At doon ko lang napansin ang isang napakagandang babae sa gilid niya. Para siyang prinsesa! "Ah oo nga pala! Rin, this is Leila. Hon, this is Rin my only son." pakilala ni Dad. Nahihiya naman akong lumapit sa kaniya. No wonder nainlove si Dad sa kaniya ang ganda ganda niya! Pero maganda din si Mom, syempre. "Hello Ms. Leila. Nice to me — urk!" nagulat ako ng basta basta na lang niya akong niyakap. "My, my! Cut the formality son and call me mom. He is so handsome Hon! " Ah. There it is the warmth in my heart. It feels so good. Papapikit na sana ako ng may mahagip ang paningin ko. Nakasandal siya sa pintuan ng café at talaga namang napapalingon ang mga babae — kahit ibang lalaki na dumadaan sa kaniya. He's so tall. Mas mataas pa sa akin. Katamtaman ang katawan nito hindi tulad sa akin na medyo payat. Silky and blonde hair na parang ang lambot lambot kahit tignan mo lang. May kahabaan ‘yun abot hanggang batok pero, bumagay sa hugis ng mukha niya. Blue eyes at may mahahabang pilik mata. Meron din siyang mga piercing sa tenga pero hindi siya mukhang adik tignan. "Ah yes!" nagulat ako ng humiwalay si Leila sa akin "Aki, son! Come here." senyas niya sa lalaki na ‘yun sa pinto na tinawag niyang Aki — at son? Ah, siya pala ang anak niya. Magkamukha nga sila. Pero mas maganda ang mukha ng Aki na ito. Gwapong maganda. "Rin, this is my son Akio. Aki, this is Rin your Dad's son." pagpapakilala niya. Napakamot ako sa batok ko. Hindi ako makatingin sa kaniya masyado siyang nakakasilaw. Pero, nang maramdaman ko ang mainit niyang palad ng bahagya niyang ginulo ang buhok ko, natigilan ako at napaangat ang aking paningin sa kaniya. Sinalubong ako ng magaganda niyang mata at matingkad niyang ngiti. "Hi Rin. Nice to meet you." ani niya. Malalim at matipuno ang boses nito. "N-nice to meet you too." lang ang nasabi ko. Bakit ganoon, ng yinakap ako ni Leila kanina ramdam ko ang init sa puso ko. Pero, ng hawakan ako ni Akio kakaibang bilis ng t***k sa puso ang naramdaman ko.  "Since my Aki is entering as a senior highschool student this year, napag desisyunan namin ni Rintarou na ilipat din siya sa school mo Rin and also, to live with you at your dorm" nakangiting ani ni Leila. Nasa harapan namin sila ni Aki habang magkatabi naman kami ni Dad sa upuan. "Eh?" ano daw? Lilipat siya sa school ko at titira siya kasama ako? Damn. "Why is there something wrong son?" nag-aalala ang boses ni Dad.  "H-ha? Ah wala Dad! It's okay! M-may makakasama na ako." mahina kong ani sa huli kong sinabi. Napansin ko naman ang relief na ngiti nila ni Leila samantalang si Aki ay kumakain lang na parang wala lang sa kaniya ang usapan. Weird. I really felt so wierd all of a sudden. Is it because I can now have someone with me? Or is it because.. . Napatingin ako kay Aki. Because of my stepbrother? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

The Sex Web

read
134.5K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook