Chapter 1

1509 Words
Chapter 1 Mariposa's POV "BWISIT! Bastos na lalaking 'yon! Anong karapatan niyang sabihin 'yon sa akin? Hah! Pasalamat siya at tahong lang 'yong binato ko sa kanya, pa'no pa kaya kung may kabibe at talaba pang kasama?! Binalibag ko ang siradura ng pintuan nang bahay namin ng makarating ako. Pabagsak ko ring 'yon na isinara. Susmaryosep! Nakalimutan ko, sira na pala ang pintuan namin, at ngayon mas lalo pang nasira dahil sa ginawa ko. Isang bisagra nalang ang kumakapit ngayon sa halige ng pintuan namin at lagot dumagdag na naman ito sa problema ko. "Nandito na ako!" Pasigaw kong sabi pagdating ko sa sala namin. "Poloy? Istoy? Nandito na si Ate." Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa kusina. "Nasaan ang mga nilalang sa mansiyon namin?" Naupo ako at naka-panumbabang naka-tingala sa kisame naming may butas pa. Tss... Problema na naman ito. "Poloyyy?! Istoyyy!?" Tawag ko ulit sa mga kapatid ko. Wala ka na ngang benta, wala ka pang makakain! Hindi na nga muna ako pumasok sa unibersidad dahil hinahabol na ako ng registrar office sa mga utang ko. Biruin mo ba naman, isang simestre ang 'di nabayaran. Napa-buntong hininga ako. "Atey! Atey!" Napa-upo ako ng matuwid ng patakbong lumapit sa akin si Poloy. Ang bunso kong kapatid na may pedirasyon. Napa-tayo na ako ng tuluyan ng sumuko ang pintuan namin. Wala na, pagod na talaga siya, 'di niya na kinaya ang pagkapit ng mag-isa, kaya sukong-suko na talaga siya. "Atey! Parow-parow!" Hingal ang baklang lumapit sa akin. Confirm! "Oh? Poloy? Bakit?" Tanong ko at naghihintay ng sasabihin niya habang hawak-hawak ang dibdin nito. Binatukan ko ng matauhan. "Ouch! Nemern!" Huminga ako ng malalim. "Ba't ka ba ate ng ate diyan? Kanina ko pa kayo hinahanap. Nasaan si Istoy?" Nag sign language siya. Binatukan ko ulit at sa pagkakataon na iyon, napahalik siya sa mesa. Napa-labi ako. "Sori naman, ikaw kasi." Rason ko, pero, tila wala lang iyon sa kanya. Aba! Iba rin. "Atey Mariposa, I hab a gud nyus por yo." Lintik na baklang 'to! Umeenglis, wala naman sa tamang pagkakabigkas. "Umayos ka nga, Poloy! Kapag ako nairita. Susunugin ko ang bahay natin." Nanlaki ang mga niya dahil sa biro ko. "Joke lang." Ngumiti ako. Naka-hinga ng maluwag ang bakla kong kapatid. Tanggap ko na, na may kahati na ako sa pulbo ngayon tuwing may lakad ako. "Poloy, umayos ka." Bigla akong sumeryoso. "Ano ba kasi 'yon?" Bumalik ako sa kinauupuan ko at naghihintay ng sasabihin niya. "Ate..." Napatigil siya. "Bilis! Gutom na ako." Yamot kong sabi sa kanya. "Kumain nalang muna tayo ate. Ano po ba ang ulam?" Binatukan ko. MATAPOS naming kumain ng tanghalian, ay nagpahinga muna ako. Buti nalang at may dalawang baso pa ng bigas, iyon ang ipinag-luto ko. Sarap na sarap naman kami sa ulam namin na dried fish with tomato and vinegar. Sosyalan ang pangalan sa englis, samantalang toyo, kamatis na may suka lang naman iyon. Tss... Iwan ko ba kung bakit hirap kami ngayon, noon hindi naman. Si Ermat kasi, may ibang asawa na, si Erpat naman may ibang babae na rin. Saklap ng life nang isang paru-parong walang pak-pak. Maya-maya lang ay lumapit sa akin ang dalawa kong kapatid. Napagitnaan nila ako habang nakailig ang ulo nila sa magkabila kong balikat. Ang bikat ng mga utak. "Ate, sigurado ka ba na hihinto ka na sa pag-aaral? Pa'no na 'yong dream come true mo? Hindi na magiging dream come true, dream come false na lang ba?" Tanong ng kapatid kong si Istoy. Ba't ba pabasag palagi 'tong mga tanong nila sa akin? Dream come false? Meron ba no'n? Tsk! "Hihinto na muna si Ate, para makapag-aral kayo. Maghahanap nalang muna ako ng trabaho ng sa gayun, matustusan ko kayo, okay?" Napa-yakap ang dalawa sa akin. Hindi ko napansin na lumandas na pala ang mga luha ko sa aking pisngi. Agad ko naman iyon pinunasan gamit ang sidsiran ng damit ni Istoy. "Atey, hingi ka ng tulong kay Lola Lods, 'diba nasa maynila siya ngayon? Do'n baka maraming trabaho." Suhisyon ni Poloy. Napa-buntong hininga ako. "Hindi pa nagawi si Lola dito, alam mo naman 'yon matanda na." Sa maynila maraming trabaho, kaso nga lang kung luluwas ako ng maynila wala naman akomg pamasahe. Kaya mag ipon nalang muna ako para may pamasahe ako panluwas ng maynila. "Kumusta ang pagtitinda mo ng tahong, ate?" Naku! Iyong tahong ko nga pala. Walang benta dahil do'n sa lalaking nasa sakay sa magarang kotse! Bwisit talaga 'yon, eh! Huwag na huwag lang mag krus ang landas naming dalawa, dahil kapag nagkataon iyon, hindi lang tahong ang ibabato ko sa kanya. Pero infairness ang guwapo niya. Pero, erase! Bastos pa rin siya! Aarrgh!! Patikim raw ng tahong ko! Sira ba siya?! Ba't ko naman ipapatikim ang tahong ko sa kanya? Barumbado talaga! Hindi ako slow 'no para 'di malaman ang ibig nitong sabihin. "Bwisit!" Sabay tulak sa dalawa kong kapatid at sumalampak ang mga ito sa sahig. "Ate naman!" Sigaw ng dalawa sa akin at napa-labi nalang ako. "Sori. Hehehehe." Sabay ngiti sa kanila. Duke's POV DAMN! Anong problema ng babaeng 'yon!? Ang sakit pa rin ng noo ko dahil sa pagkabato niya ng tahong. Ugh! Ang pangit tingnan. "Mahal na Duke, anong nangyari sa noo mo? Bakit nagkabukol 'yan? Hahahaha." I grin. Sinamaan ko ng tingin si Clark. Kaibigan ko dito sa Masagana Ngayon ka lang dadayo sa lugar nila, magkakabukol pa ako sa noon. "Can I come in?" Bisita ako, tapos ito ang ibubungad niya sa akin? The hell! Hindi man lang naisipan na papasukin muna ako bago niya ako asarin. "Mainit ulo ng haciendero ah? Napa'no ba 'yan?" Natatawa parin siya. Pinapasok niya ako at diretso sa may sala nila. "Drinks?" Alok pa nito. Dahil nainit ang ulo ko dahil sa babaeng tahong na 'yon, ay humingi ako sa kanya ng alak. Dahil bisita niya ako, binigay niya ang mga gusto ko. "Buti naman at naisipan mong gumawi sa lugar namin. Hindi ka ba abala sa hacienda niyo?" Lumagok muna ako ng tatlong beses bago ko siya sinagot. Hindi naman ako uhaw sa alak, 'di ba? "Tumakas lang, ayaw na ayaw kong tumambay sa amin, nandun naman si Nicolo, hindi na ako kailangan doon." Tumango ito. Maya-maya lang ay lang ay may nilapag siyang pulutan sa itaas ng mesa. Umarko ang makakapal kong kilay dahil sa nakita ko. "Tahong?!" Bwisit! Ba't ba sa tuwing makakakita akp ng tahong ay naaalala ko ang babaeng 'yon? Sakit siya sa noo. "Yes! Tikman mo, masarap 'yan. Saka, ba't ba gulat na gulat ka diyan? Ano bang meron sa tahong na iyan?" Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahan ko iyon ibinuga. "I met a woman who was selling a muss in the middle of the road. Nagalit siya sa akin kaya binato niya ako ng tahong sa noo." Kumunot ang noo niya sa akin. "What!" Iritable kong tanong. "Baka naman kasi binastos mo? Mahalay ka pa naman, Duke Alcantara." Ngisi nito. "O, baka naman may nasabi kang 'di maganda sa pandinig niya?" Sumandal ako sa sofa at saka ulit nagsalita. "Ano bang masama sa sinabi ko?" "Ano nga?" Ngisi niya parin. Sarap batukan e. "Sabi ko, patikim ng tahong mo." "Hahahahahaha! Kaya naman pala nasapol ka ng tahong sa noo. Double meaning 'yon para sa kangya. Mag-isip ka nga!" Nag-isip naman ako. Damn! Napapailing akong tumawa. "Gagu! Malay ko ba na iyon ang iniisip niya. Nagtitinda siya ng tahong, malamang gusto kong tikman." "Tekman? Bakit? Luto na ba?" Umiling ako na naka-ngisi. "Teka! Baka si Mariposa ang tinutukoy mong nagbebenta ng tahong sa gitna ng daan. Siya lang naman kasi ang may ganung kalakas ang loob magbenta ng seafoods sa daan e." Mariposa? Iyon ba ang pangalan ng babaeng tahong na iyon? "She's pretty morena, manang nga lang magdamit, payat na balingkinitan at magandan naman kapag naka-ngiti, mas gumaganda siya kapag galit." Diskripsyon ko sa babaeng tahong. Tumango-tango si Clark. "Si Mars nga ang tinutukoy mo." "Kilala mo nga?" Tumango ulit siya. "Seksi niya kaya. Halata naman sa hubog ng katawan niya kahit manang pa ito manamit. Fresh pa 'yong tahong niya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gagu talaga, may pagnanasa din pala siya sa babaeng 'yon. Tss... Few hours had passed. Dahil naparami na ang inom ko, napag-decisyonan ko ng umuwi. Gabi na rin kasi, at bukas ng umaga luluwas kami ng maynila with Paps Rolando. He's my tito na mula pa sa maynila, napasyal lang siya sa hacienda de Alcantara, dahil na mis niya rin ang lugar na iyon. Sa maynila na kasi sila namamalagi. Viktor, Alfonso and Lemuel. Tatlong Alcantarang 'di na nagawi sa hacienda dahil sa pagiging abala sa trabaho. Habang nasa loob ako ng kotse at nagpapaantok dahil sa dami ng nainom ko ay biglang napa-hinto si Manong Enteng sa pagmamaneho. Napa-mura ako. "s**t! What's happen?" "May tumawid kasi señiorito, mukhang nabangga pa eh." What the heck?! Bakit ngayon pa?! Ugh! Napa-sentido ako habang nakayukong hindi malaman ang gagawin. Ngayon lang nangyari ito sa buong buhay ko. Kung saan nagmamdali ka, doon ka naman mamalasin! Tsk! Badtrip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD