Chapter 1: Odessa Mari Verde

680 Words
Tuluyan na akong gumising at bumangon na ako sa kama. I was still panting as I got up and my chest was still feeling heavy. Niyakap ako ni tita. "Sssshhhh! Tama na, iha! Andito ako" Pilit niya akong pinapakalma habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya at nakayakap pa rin siya sakin. Hinahaplos niya ang buhok ko habang sinasambit ang mga salitang "Tahan na.". Mahigit isang dekada na ang nakakaraan simula nang mangyari ang insidente. I was only 12 when I witnessed with my own two eyes how my mom was ruthlessly killed. Hindi ko na maalala yung mukha ng lalaking naka-tuxedo na pumatay sa mama ko, pero hinding-hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng nangyari. Tila hindi ako makalimot sa nakaraan at araw-araw, gabi-gabi pa rin akong minumulto at binabangungot. Walang araw na nakalimutan ko ang nangyari sa mama ko. Hindi ko rin makakalimutan ang mga taong tumulong sa paglibing sa hustisyang dapat ay nakamit ni mama. Pagkatapos ng ilang minuto, binitawan na ako ni tita at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinarap ako. "Oari, magpakatatag ka ha? Nandito lang ako para sa'yo. Tatagan mo lang ang loob mo. I know that it's hard to move on from it. Lalo na at nasaksihan mo ang mismong nangyari kay Sylvia." Biglang napayuko si tita at humagulgol sa iyak habang nasa harapan ko pa rin at hawak-hawak ang magkabilaang pisngi ko. Ako naman ngayon ang yumakap sa kanya. Humahagulgol pa rin siya habang nakayakap ako sa kanya. Habang ako ay nakatingin ng diretso sa pader, na ang tanging umiiral sa isipan ay ang galit at pighati na tila hindi na nabawasan kailanman simula nang mangyari ang trahedya. Kumalas si tita sa pagkakayakap ko at nagbitaw ng isang mapait na ngiti. That smile... the one she always tried to put on for so long now just to show me that she's always there for me and to make me feel like I'm not alone at all. That bitter smile I always hated to see. Nakita ko na naman yung ngiting pilit na binitawan ni tita sa mga labi niya dahil hindi niya magawang ipakita sakin gaano pa rin siya nasasaktan dahil sa pagkawala ng mama ko. I was once again reminded more of the pain and wrath I've been trying to forget all these years. My aunt still grieves just as I still do to this day. Lumaki siyang close sa mama ko dahil siya lang ang kaisa-isang kapatid niya. Kaya ganun na lamang kalalim ang sugat sa kanyang puso nang pinatay si mama. Matapos ang ilang segundo, pinunas na ni tita ang kanyang mga luha at tumayo na sa kama. Inayos niya ang kanyang suot na sandong pantulog at ang pinagpag ang magkabilang gilid ng kanyang pajama habang nakatingin pa rin sa akin at nakangiti. "Come on, sweetie! We don't wanna have some cold food for breakfast, no?" sabi nito at tuluyan nang naglakad palabas ng kwarto ko. Dali-dali naman akong tumayo at niyakap siya mula sa likuran. "Tita, thank you for everything. I promise I'll do whatever it takes para makamit natin ang hustisya para kay mommy. Para gumaan na rin po ang pakiramdam niyo kahit papaano." mahinang sambit ko habang nakayakap ako mula sa kanyang likuran. "Just please promise me na hindi mo ipapahamak ang sarili mo, Oari. Hindi ko makakayanan kapag pati ikaw nawala sakin." sagot nito habang tinatapik ang ulo ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya. Tumango ako at ngumiti. "Oh siya! Let's go have breakfast already! Lalamig na yung pancakes mo, sige ka!" sabi niya bago tuluyan akong iwan sa kwarto ko. "Opo, tita. Susunod na po ako. Maghihilamos lang po." sagot ko nang nakangiti. Imbes na bumaba na at mag-almusal, bumalik ulit ako ng kwarto ko at pumunta sa walk-in closet ko. Binuksan ko ang isang secret drawer na nakatago sa likod ng mga naka-sabit kong mga damit. Kinuha ko ang ballpen na nasa loob at pati na rin ang notebook na may black leather cover. Bumalik ako sa kama ko at umupo bago ko sinimulang magsulat sa Diary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD