Chapter one
LUCAS POV’S
[Taong 1890]
Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon, nagkakasiyahan kami dahil nalalapit na ang araw ng kasal ko, matatapos na ang pagiging binata ko
“Lucas isang masayang araw to para sayo”
“Binabati ka namin Lucas”
“Sana maging masaya kayo ni Clara”
Araw araw naman kaming masaya ng mahal kong si Clara, kahit kalian hindi ko sya binigyan ng sama ng loob at alalahanin, ayokong nahihirapan ang mahal ko ayaw ko rin nakikita syang nasasaktan ng dahil sa akin
Ako nga pala si Lucas Montealto, ang angkan namin ang pinakamayaman dito sa lugar na ito, kilalang kilala ang pamilya namin dito lalong lalo na ako dahil ako ang susunod na tagapagmana sa aming yaman nag iisa lang naman kase akong anak
“Parang gusto ko na makita ang hinaharap” sabi ng kaibigan ko
“Bakit mo naman nasabi yan?”
“Gusto ko na kase makita kung sino ang mapapangasawa ko”
“Ako gusto ko makita ang mga mangyayare sa hinaharap” narito rin si Kale bang pinakapinagkakatiwalaan kong tao, lagi syang nasa tabi ko parang kapatid na ang turing ko sa kanya “Gusto ko makita kung paano mapapabilis pa ng modernong panahon ang mga bagay bagay dito sa mundo”
Ang kaibigan ko ay kaibigan na din ni Kaleb, pero si Kaleb lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat lahat ng mga sikreto ko sa buhay, sya ang nakakaalam ng mga problema ko at mga hinanakit ko minsan.
“Patay ka na nun Kaleb kapag nangyare ang mga bagay na yun hahaha, nasa taong labing walo at syamnapu palang tayo, at halos ang mga kagaya lamang ni Lucas na may kaya ang nakakagamit ng mga bagay na nakakapagpabilis sa mga gawain dito sa mundo” paliwanag ng isa naming kaibigan
Masaya kaming nagkwentuhan ng kung ano ano hanggang sa isa isa na silang nag siuwi, kami na lamang ni Kale bang natira dito
Gabi na rin, magkasama naman kami ni Kaleb sa iisang bahay
“Kamusta naman kayo ni Clara?”
“Maayos naman, pati na rin ang mga paghahanda sa araw ng kasal namin nasa ayos na”
“Masaya ako sayo Lucas, makukuha mo na ang pinakaaasam asam mo na babae”
“Mamahalin ko si Clara hanggang sa katapusan ng mundo”
“Napakaswerte naman ni Clara sayo Lucas”
Mas maswerte ako kay Clara dahil hindi lang sa maganda ay napakabait pa nito, naiiba sya sa lahat ng mga naging nobya ko.
Simula palang nag aaral kami ni Clara ay sya na lang palagi ang sinusubaybayan ko pero dahil mahina ang loob ko noon ay hindi ko sya nagawang ligawan
Pero ngayon nasa tamang edad na ako kaya nasuyo ko sya at napaibig kaagad.
“Iba talaga tama sayo ni Clara ngumingiti ka na lang dyan bigla oh” pagbibiro sa akin ni Kaleb
Medyo malayo ang bahay ng mahal kong si Clara kaya hindi ko na sya mabisita pa sa ngayon dahil malalim na ang gabi
Kahit gustong gusto ko na syang makita pinipigilan ko na lamang ang aking sarili.
“Oh sya Lucas mauna na ako sa loob”
“Sige lang kapatid” nagpaiwan ako dito sa labas n gaming bahay upang lumanghap ng sariwang hangin, ang tawag ko kay Kaleb ay kapatid dahil para ko na rin syang tunay na kapatid
Napakaaliwalas ng panahon ngayon parehong pareho ng nararamdaman ko, dahil to sa tuwa at sabik sa nalalapit na kasal ko
Ang dami dami ko na ring naiisip, hanggang sa hinaharap naiisip ko na rin, syempre hindi mawawala si Clara sa mga plano ko sa hinaharap
Sya lang naman ang buhay ko, ang mundo ko, kaya kapag nawala sya baka hindi ko kayanin at mukang hindi naman mangyayare ang bagay na yun dahil papakasalan naman niya ako at mahal niya ako.
Sana nga dumating na ang araw ng kasal namin
******
MAXINE’S POV’S
[Year 2020]
“Didi tignan mo to ang galing galing ko dito oh”
“Tatlong beses mo na pinapanuod yang movie ko Dada”
“First ever movie natin to Didi”
Feeling ko tuloy ako yung bidang babae sa movie ni Dylan kahit isa lang akong dakilang extra hahaha, si Dylan ay ang pinakasikat ngayon na artista
At sya lang naman ang boyfriend ko for five years
Bigla tuloy akong nalungkot, naalala ko hindi na kami kagaya ng dati na pwedeng makipagdate sa labas dahil na rin sa kasikatan niya
Simula ng sumikat sya, hindi na namin nagagawa ang mga bagay na ginagawa namin dati, naiintindihan ko naman yun syempre iniingatan lang naman niya career niya
Pangarap niya kase yan noon pa lang, ang sumikat kaya susuportahan ko na lamang sya sa gusto niya
At isa pa, kapag nalaman ng mga fans ni Dylan na isang paextra extra lang kung saan saan ang girlfriend niya baka ikabagsak pa ng career niya yun, at ayokong mangyare yun, ayoko magig dahilan ng pagbagsak niya
“Patayin mo nay an iba na lang panuorin mo”
“Ayoko nga”
“Nakakasawa na kaya yan paulit ulit na lang”
Nasa condo niya ako, nakakapuslit ako dito minsan para lang makita sya, yung pinapanuod kong movie yan ang pinakamasayang nangyare sa buhay ko
Kahit hindi ako yung bidang babae na kasama niya, atleast nakita ako sa movie kasama ang mahal kong si Dylan
Pinatay ni Dylan yung TV, ang bastos ah
“Iba na lang panuorin natin” sige na nga hays
Lumapit ako sa kanya, kakaligo niya lang ang bango bango niya, kumapit ako sa braso niya at sabay kaming nanuod ng ibang movie
“Didi pwede pa ba akong umextra sa susunod na shooting mo?”
“Baka mahalata na tayo kapag ginawa mo yun”
“Pero hindi naman ako magpapahalata kagaya nung last na umextra ako”
“Eh kase”
“Sige na wag na nga, hahanap na lang ako ng eextrahan kong trabaho”
Ang hirap ng buhay ko, mag isa na lang kase akong nabubuhay ngayon, it means? Mag isa ko na lang sa bahay ulila na akong lubos
At si Dylan na lang ang naging pamilya ko
Since high school magkakilala na kami ni Dylan, sya naka four years graduate habang ako? Undergraduate lang dahil na rin sa kakapusan sa pera noon, tinulungan ako ni Dylan simula noong nawala ang mgamagulang ko.
Kaya heto paextra extra ako minsan sa shoot niya, minsan kasamang pumapalakpak lang, minsan taga iyak lang, minsan dadaan lang, pero atleast kumikita at nakakasama ko pa boyfriend ko sa eksena
Dito ako natulog kasama si Dylan, uuwi ako ng madaling araw baka kase makita ako ng paparazzi at maichismis sya masira pa career niya
[Kinabukasan]
Naghanap ako ng maapplyan buti at may tumatanggap palagi sa akin kahit part timer lang ako, nasa isang loan company ako encoder nila
“Ang pogi talaga ni Dylan”
“Crush na crush ko sya”
Naririnig ko ang mga usapan ng mga matatas ang posisyon dito sa pinagtatrabahuan ko, hindi naman ako nagseselos dahil ako naman ang girlfriend
“Sayang wala pang girlfriend si Dylan”
“Mas bagay sila nung partner niya ngayon”
“Hindi ah mas bagay sila nung last partner niya sa last movie niya”
Wag ka na makinig Maxine, mas bagay kayo ni Dylan ikaw ang mahal niya yan ang lagi mong iisipin, yung ganitong mga bagay talaga na naririnig ko ito talaga angmasakit minsan yung hindi nila alam na may nagmamay ari na sa pinagpapantasyahan nila
Pero hindi naman niya maibulgar kung sino, dahil ganito lang ako
Ayoko madown, laban lang Maxine