Chapter 2

2334 Words
TWO Amelic "Hoy, tarantado bumalik ka rito!" Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking buhok saka ko sinukbit sa aking matipunong balikat ang aking t-shirt. "Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko pabalik sa may-ari ng delivery store na pinapasukan ko. "Ipapapulis kitang hayop ka! Panagutan mo 'tong anak ko!" Singhal ng matandang hukluban. Napahinto ako sa paglalakad kasabay ng pagpanting ng tainga ko sa narinig. Inis akong ngumisi saka ko siya nilingon habang matalim ang mga mata. "Why don't you ask your daughter who pulled my jeans down, mister?" Nakangisi kong tanong na lalong nagpaigting sa kanyang panga. "Walanghiya ka talaga! Kung hindi lang dahil sa nanay mong hayop ka!" Asik niya't mabilis binunot ang kanyang baril. Napatakbo ako paalis nang magsimula siyang magpaputok sa sobrang galit. Naghiyawan ang mga taong nakakita. Pati si Maridith na anak niya ay halos mapatalon sa takot dahil sa naghihisterikal niyang ama. Pagkaliko ko sa kanto ng Amiego ay naroon na ang tropa kong si Daugh. Mabilis niyang binuhay ang makina ng motor niya saka binarurot paalis bago pa makahabol ang ama ni Maridith. Daugh drove his bike to the farthest part of the city. Hininto niya ito sa madalas naming tambayang lugar. The cliff is elevated and I can clearly see the next city across the borders of Orlisse. Marahas na bumuntong hininga si Daugh saka ibinato sa akin ang kaha ng sigarilyong dinukot niya sa bulsa ng kanyang jacket. Nang makita kong bago ito ay kaagad akong ngumisi saka naglabas ng piraso ng sigarilyo mula sa kaha. "Tangina. Bagong sungkit na naman 'yan, ah?" Puna ko bago sinindihan ang sigarilyo. Umismid siya. "Regalo ng babae ko." Bumuga ako ng usok saka ko binato pabalik sa kanya ang kaha saka ako humalukipkip. "Sinong babae na naman?" Ngumisi ang loko. "Makatanong ka kung sino parang uso sa'tin tumanda ng pangalan?" Natawa ako sa narinig. Sumandal ako sa motor niya at pinagpatuloy ang paghithit sa sigarilyo. "Malay ko ba kung nagtino ka na. Tangina ipapahanda ko na kaagad 'yong karo ng patay pag nangyari 'yon." "Tarantado." Natatawa niyang sabi bago hinampas sa akin ang helmet niya. Naupo siya sa malaking batong naroon saka nagsindi ng sigarilyo. Humithit ito sandali bago niya hinubad ang jacket niya. "Ano na namang ginawa mo sa trabaho mo? Lintik ka wala ka pang dalawang linggo ro'n." Kunot-noo niyang tanong. Ngumisi ako habang bumubuga ng usok. "Kasalanan ko bang naakit ko ng kusa 'yong anak ng matandang huklubang 'yon?" Humalakhak siya. "Akala ko pa naman santa ang isang 'yon." "Tss." Sinulyapan ko ang aking sarili sa salamin ng motor niya. "It's not my fault that even saints go wild when they see me..." Halos maubo siya nang bigla siyang matawa habang humihithit sa kanyang sigarilyo. Dumampot siya ng bato saka iyon hinagis sa akin. "Ang kapal talaga ng mukha." Ngumisi ako't umiling. Inubos ko ang natitira sa sigarilyo saka ito binato sa lupa at inapakan. Pinagpag ko ang aking damit saka ko ito sinuot saka ko dinukot palabas ang aking dogtag. "Paano 'yan? Kailangan ni Tita Harlene ng pera para sa operasyon niya. Anong gagawin mo?" Ani Daugh. Napabuntong hininga ako. "Bahala na.  Kakarera kung kailangan." "Tangina mo tapos motor ko na naman ipapahamak mo. Gago ilang libo nagastos ko diyan no'ng huling karera mo. Kung hindi mo kasi inuna 'yang pagluwag ng sinturon mo, may trabaho ka pa sana." Asik niya. Hinilot ko ang aking batok saka ko mariing pinagdikit ang mga labi ko. "Kung pwede ko lang kasing gawin 'yong alternatibong paraan. Matagal na sanang hindi problema ni Mama 'yang sakit niya." Bumuntong hininga si Daugh. "Pare naman. Alam mo namang kakamuhian ka ng husto ng nanay mo kapag ginawa mo 'yon." Lumunok ako't umiling. "Pag wala na talaga bahala na kung magalit siya ang mahalaga matapos na 'yang paghihirap niya." "Sira. Tumigil ka, Ariz. Isa pa, wala ring kasiguraduhan kung maliligtas mo nga sa paraang 'yan nanay mo." Seryoso niyang sagot. Napabuga ulit ako ng hangin. Seryoso kong tinignan ang syudad ng Orlisse. Ang lugar kung saan naranasan ko na yata lahat ng hirap na pwede kong maranasan. "Wala nang choice. Kahit naman 'yon operasyon wala ring kasiguraduhan." Tugon ko habang nakatitig sa mga gusaling unti-unti nang nagsisipagbukas ng mga ilaw dala ng pagsapit ng gabi. Tumayo si Daugh at humarap sa syudad saka niya binulsa ang mga palad niya. "Bakit hindi mo na lang hanapin tatay mo?" Napangisi ako sa narinig. Pakiramdam ko nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Daugh. Kinamot ko ang aking patilya saka ako bumuntong hininga. "Hindi nga siya nagdalawang isip no'ng iwan niya nanay ko tapos ngayon hahanapin ko siya? Ano siya, siniswerte?" Inis kong tanong. "Malay mo may maitulong." Dugtong ni Daugh. Umiling ako nang nakasimangot. "Kung gusto no'n tumulong, dati pa. Walang kwenta 'yon." Humalukipkip siya at humarap sa akin. "Paano pala 'yan? Sinasabi ko sayo, pare. Magsisisi ka talaga sa oras na gawin mo 'yang plano mo. Hindi ka mapapatawad ng nanay mo." Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha. "Susubukan ko munang gumawa ng paraan pero kung wala na talaga, pasensyahan na lang. Sa ayaw o sa hindi ni Mama, magiging katulad ko siya..." "Sukli." Malanding sabi ng babae sa counter. Ngumisi ako at hindi pinutol ang tingin habang kinukuha ang plastic ng pinamili ko. I scanned her from head to waist. Not bad...but not good enough either. Tumalikod ako at humakbang patungo sa pinto ng grocery store nang bigla ulit siyang nagsalita. "We've got this new brand of, you know. Looks like it needs some tests..." She uttered teasingly. Huminto ako sa paghakbang at muli siyang nilingon. She's already playing with her hair as she purposely leans down on the counter, showing hee cleavage to me. Ngumisi ako at tinaas ang isa kong kilay. "Sorry, Missy. Maybe some other time. I got a woman waiting for me at home..." Kitang-kita ko ang pagguhit ng pagkadismaya sa kanyang mukha nang tuluyan ko siyang tinalikuran. Nakangisi akong lumabas ng tindahan at tinahak ang daan pauwi. Nasa labas pa lang ako ng bahay, naririnig ko na ang pag-ubo ni mama. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Bakit kasi ang tigas ng ulo niya? One bite. It will only take one bite to completely heal her yet she refuse to be better. Tinulak ko ang pinto at dahan-dahang lumakad papasok ng sala kung nasaan siya. Gaya ng inaasahan, naroon na naman siya at nakaupo sa lumang sofa, tinitignan ang mga lumang litrato. The moment she saw me, the familiar weak smile made its way to her lips. Inilapag niya sa kandungan niya ang photo album saka niya inangat ang kanyang kamay. "Amelic..." Tawag niya sa nanghihinang boses. Lumapit ako't nilapag ang mga pinamili ko sa mesa bago ako naupo sa tabi niya. Kaagad niyang hinaplos ang pisngi ko habang nakangiti siya sa akin. Hindi ko maiwasang ibaling sa iba ang tingin ko. Hindi ko talaga matagalang makita siyang ganito. "Ang sabi ng mga kapitbahay natanggal ka sa trabaho. Pinaputukan ka pa raw ng baril ni Justiniano? Nasaktan ka ba, anak?" Nag-aalala niyang tanong. Kinuha ko ang kamay niya saka ito mahinang piniga. "Ayos lang ako, Ma. Alam mo namang hindi ako basta mapapatay ng gano'ng bagay." Napangiti siya ng mas malawak. "Para ka talagang tatay mo. Napakatapa--" "Wag mo nang banggitin 'yang taong 'yan, Ma. Alam mo namang ayoko sa lahat naririnig na kinukumpara ako dyan." Inis kong putol sa sinasabi niya. Napabuntong hininga siya. "Nak..." Napalunok na lang ako nang hawakan niya ulit ang pisngi ko saka niya ko pinaharap sa kanya. "Huwag kang magtanim ng galit sa kanya. May dahilan siya bakit niya tayo iniwan. Tama na 'yang galit, nak ha?" Hindi na lang ako nagsalita. Iniwas ko na lang ang tingin ko saka ako mahinag tumango bago ako tumayo at kinuha ang mga pinamili ko. Pumasok ako ng kusina at nilabas ang iluluto kong hapunan namin. "Magluluto ako ng may sabaw. Maganda raw 'to sa katawan, Ma." Untag ko para lang mabago ang mood ko. Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig sa akin ni Mama. Alam kong pinapanood niya lang ako pero ayaw na niyang magsalita dahil alam naman niyang hindi gano'n kadali para sa'kin ang gusto niyang mangyari. Nang maisalang ko ang ulam ay nagpaalam ako sandali sa kanyang magbibihis muna. Umakyat ako sa pangalaeang palapag ng bahay at nagpalit ng damit pero sinusuot ko pa lang ang sando ko nang bigla kong narinig ang malakas na ungol ni Mama na tila may matinding sakit na iniinda. Napatakbo ako pababa dahil sa narinig. Nang makita ko siya, halos mamilipit na siya sa sakit na nararamdaman. Nakahawak siya sa kanyang tiyan habang mariing nakasara ang mga mata niya. Dala ng pagkataranta, dinaluhan ko siya kaagad saka ko siya binuhat patakbo palabas ng bahay. Nawalan na ako ng pakialam kung may makakita kung gaano ako kabilis na tumakbo marating lang ang ospital. Tinakbo ko si Mama sa emergency room pero puta ealang umaasikaso! Hinihingan kaagad ako ng perang down payment samantalang halos mamilipit na 'yong nanay ko sa sakit. Parang nagdilim ang paningin ko. Nasakal ko 'yong nurse na panay ang pilit na ilabas ko muna si Mama roon dahil wala pa akong binibigay na pera. Naisangkal ko siya sa pader sa sobrang galit ko. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang matinding takot habang nakatitig sa mga mata ko. Ni hindi ko na namalayang lumabas na pala ang matatalas kong kuko. Mayamaya'y bigla kong naramdaman ang mahigpit na paghawak sa aking balikat. Naagaw ang aking atensyon at tila bigla akong natauhan nang marinig ko ang sinabi ng lalake. "An Omega...baka gusto mong maipatapon ko ng tuluyan ang iyong ina palabas ng ospital na ito? Let the nurse go..." May diing sabi ng lalake. Napabitaw ako bigla sa nurse. Sa takot niya sa akin ay halos magkanda-tumba pa siya para lang makatakbo palayo. Nang hinarap ko ang lalakeng nagsalita ay kaagad niyang diniin sa dibdib ko ang kanyang tungkod. Galit niya akong tinitigan ngunit nakikita ko sa mga mata niyang hindi lang galit ang mayroon siya sa mga oras na 'to. ...there's amusement in his mysterious eyes. "You are going to calm down, you'll walk straight out of this place and you will let me do my job. Do you understand?" May diin nitong sabi. Mahina kong tinango ang aking ulo ngunit hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. May kakaiba sa taong ito na hindi ko lang matukoy. Bahagya siyang ngumisi. "Good. Now go." Utos niya saka niya inalis ang pagkakatukod niya ng tungkod niya sa dibdib ko. Tinalikuran niya ako at nang lapitan niya ang aking ina, doon lamang ako nakahinga ng maayos. Nakapamulsa akong naglakad palabas ng emergency room. Naupo ako sa hagdan sa labas ng ospital at tahimik na pinanood ang mga sasakyang dumaraan habang hinihintay ang balita. Halos kalahating oras na akong nakatambay roon nang biglang umalingawngaw ang tunog ng sirena. Nang dumaan ang truck ng bumbero sa harap ko at tinahak ang daan papunta sa amin, halos manlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit kinutuban ako ng masama. Bigla kong naalala 'yong sinalang kong ulam. Tangina hindi ko napatay sa sobrang taranta kong madala si Mama sa ospital! Napatakbo ako pabalik ng bahay pero halos manlumo ako no'ng makitang nagsisimula nang kainin ng apoy ang luma naming bahay. "Sir! Sir hindi kayo pwede diyan!" Sigaw ng mga bumbero pero nagpumiglas ako. Pumasok ako sa nasusunog naming bahay at sinubukang isalba ang anumang pwedeng isalba. My eyes suddenly focused on the photo album on the center table. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para tumakbo patungo roon at kunin iyon. Mayamaya'y naramdaman ko na lang na may humihila na sa akin palabas. Nang lungunin ko ang mga lalake ay galit na galit akong sinigawan ng mga bumbero. Halos kaladkarin nila ako palabas ng nasusunog na bahay habang ako, ang tanging naisalba lang ay ang lintik na album na nagpapasaya sa nanay ko. Parang gusto kong mawalan ng lakas nang makita ko kung paanong mabilis na nilamon ng apoy ang bahay. Wala akong nagawa kun'di panoorin lang ang apoy na sunugin ang natitirang ari-arian naming mag-ina. Napasabunot ako sa aking ulo saka ko pinilit ang sarili kong tumalikod mula roon. Hindi ako tanga. Alam ko sa sarili kong wala na... Hindi na nila maliligtas ang bahay... Halos wala na ako sa sariling naglakad pabalik ng ospital. Pagkarating ko sa hagdan, parang nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako roon, tulalang tumingin sa photo album na hawak ko. I started flipping the pages. Para akong tangang tinignan kung gaano katamis ang ngiti ng nanay ko habang buhat ako no'ng maliit pa ako. The guy next to him was amiling widely while he's holding my cake. Ang saya-saya nila... "Looks like it's a long night for you, Mr. Zumera..." Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likuran. Nang makita ko ang pamilyar na doktor ay kaagad kumunot ang aking noo. Humakbang siya patungo sa aking tabi at naupo rin. Mayamaya'y inalok niya ang kamay. "May I?" Nagtataka man, hinayaan ko na siya. Binigay ko ang album sa kanya na nakangiti naman niyang kinuha. "Kamusta ang nanay ko?" Kunot-noo kong tanong. "I gave her some pain reliver...but that will never be enough. What sbe needs is an operation. Pareho nating alam 'yon, hindi ba?" Malumanay nitong tanong habang tinitignan ang mga litrato sa album. Mayamaya'y nabaling ang kanyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa matipid na ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. "Looks like fate is playing with us." He mumbled. Kumunot lalo ang noo ko. "What do you mean?" Itiniklop niya ang album saka niya ito ibinalik sa akin. "The man in the picture...Wasn't he the Alpha of Mayhem? Somewhere in Nirvana?" Pakiramdam ko nanlamig ang katawan ko sa narinig. "K-Kilala mo siya?" Lalong lumawak ang kanyang ngisi. "Mr. Zumera, why don't we grab some coffee and talk about things in my office?" Untag niya bago tumayo at naunang naglakad pabalik sa loob ng ospital. Puno ng pagtataka kong pinanood siyang maglakad. Mayamaya'y muli siyang huminto at nilingon ako habang matipid na nakangiti. "I assure you, you will never worry about your Mom's health again after this talk..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD