Kung Alam Lang Nila
Before we start with the prologue, here's my first ever attempt to write a spoken word poetry piece inspired by Kiara and Hank's love story. Just wanna share it to you coz I can no longer contain my feelings.
Here it is.
"KUNG ALAM LANG NILA"
By: Celestine_Lemoir
Magsisimula ang kwentong 'to
sa kung paano mong tinignan ang mga mata ko habang may matamis na ngiting nakaguhit sa labi mo.
Magsisimula ito sa paraan
kung saan akala ko wala pa man,
ang puso ko, mahal, sayo na agad nakalaan.
Ikaw kasi ang tipo ng taong kahit na hindi ko naman intensyong gustuhin,
alam ko, darating ang araw na kusa kitang mamahalin.
Nakakatawa.
Nakakatawa kung paano kang umiyak para sa pusa at asong inabandona.
Nakakatawa kung paano kang sumabay sa mga kanta kahit ang boses mo sintunado na.
Gusto kong matawa.
Gustong-gusto ko.
Pero hindi ko na magawa.
Dahil sa tuwing naririnig ko sa isip ko ang bawat halakhak mo, parang sinasaksak ang puso ko.
Kapag nakikita ko ang mga larawan mo,
naaalala ko ang mga halik mo.
Mga halik mong nagdala sa akin sa langit at nagbigay ng saya,
ang tipo ng saya na alam ko, mahal,
hindi ko na mararamdaman pang muli sa iba.
Hindi na...
At ang sakit-sakit, mahal.
Sobra.
Kung alam lang nila.
Kung alam lang nila kung ilang luha ang iniyak ko nang bitawan ko ang mga kamay mo.
Kung ilang gabing wala akong tulog dahil hinahanap-hanap ko ang mga yakap mo.
Kung ilang beses nawasak ang puso ko masiguro ko lang ang kaligtasan mo.
Masakit mahal, pero kailangan.
Kaso ano na bang nangyari? Bakit sa huli wala rin palang silbi?
Lahat ng paghihirap na dinanas ko nang mawalay ako sayo,
Lahat ng pighating tiniis ko na wala ako sa piling mo,
Lahat ng gabing nangulila ako dahil wala ako sa tabi mo,
bakit ngayon,
wala nang silbi?
Mahal, kung alam lang nila,
kung gaano ko kagustong manatili at hawakan ang mga kamay mo
noong mga panahong kasing init pa ito ng pagmamahal na mayroon tayo.
Baka sakali.
Baka sakaling maintindihan nila at hayaan nila akong malapitan ang wala nang buhay na katawan mo.
Ang katawang kumupkop sa akin nang talikuran ako ng mundo.
Ang mga bisig na nagbigay init sa malalamig na gabi ng buhay ko.
Ang mga labing palaging ibinubulong sa aking mahal na mahal mo ako.
Ngayon. Wala na.
Kung alam lang nila, mahal.
Kung alam lang nila...