bc

Blushing Bride Series 2: Hiraya, The Pretentious Bride

book_age18+
827
FOLLOW
5.0K
READ
possessive
family
arrogant
dominant
comedy
sweet
humorous
lighthearted
small town
nanny
like
intro-logo
Blurb

Pretending is very hard, especially if it is the contrary of what you really feel.

Nagdesisyong lumayo si Hiraya kasama ang kanyang mga anak nang lokohin siya ng dating kinakasama.

Ngunit sadyang kaakibat niya ang kamalasan kahit nasa dayuhang lugar. Naloko siya ng isang recruitment agency, tangay ang kanyang natitirang pera na para sana sa pansimula nilang mag-iina.

Naging palaboy sila at ang pagbalik sa Pilipinas ay hindi posible dahil wala na silang babalikan.

Akala niya ay wala nang pag-asa pa sa buhay niya dahil pati ang kanyang mga anak na natitirag kayamanang mayroon siya, ay pilit na kinukuha sa kanya.

But ‘Iron Man’ came to the rescue and prevented her children to be taken away.

Beau shared his home and food with them. Gives her a job that has an acceptable salary. They become good friends, and she respects him as a boss should be.

Despite being amputated, it didn’t lessen his charisma and it didn’t stop her to fall for him.

Who wouldn’t fall for a man who accepted her children and treated them as his own? And every day is hard to pretend that she didn’t feel anything for the hot tattooed ex-military man.

How far can she resist with those set of cerulean eyes, pretending she’s not wobbling like a pudding inside?

chap-preview
Free preview
1- Cyborg
  “Anong pagkukulang ko para gawin mo sa ’kin ‘to?” walang pagsidlan ang galit at hinanakit ko ngayon habang nakatingin sa dalawang taong napakahalaga sa akin. Ang aking itinuring na matalik na kaibigan, at ang kinakasama ko—ama ng mga anak ko. Mga anak. Oo dahil buntis na naman ako, at hindi niya alam ‘yon. “Hindi ko kasalanan kung hindi na kita mahal Hiraya,” matigas na tugon ni Marky. Hindi ko rin makitaan ang pagsisi sa kanyang mukha kahit nahuli ko sila ni Lyca na nasa kalagitnaan ng kanilang kawalanghiyaan! “Sapat na ba na dahilan ‘yon para lokohin mo ako ng ganito? Para babuyin n’yo ako?” hindi ma ampat ang aking pagtangis. Parang sasabog ang puso ko sa galit at pagkamuhi. “Hindi tayo kasal—” “Pero hindi sapat na dahilan iyon para tarantaduhin mo ako!” napalumpasay na ako dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang harapin pa ang dalawang taksil na ito sa harapan ko. “May anak tayo Marky…ang bata pa ng anak mo…” at may sanggol na hindi manlang mararamdaman kung pa’no magkaroon ng isang ama. Humahagulhol ako. Hindi maampat ang pagdaloy ng aking mga luha. “Susustentuhan ko—” “Hindi ko kailangan ang pera mo! Magsama kayo ng malanding babae mo!”   Parang bangungot na lang ang nagdaan na mga buwan. Tuluyan na akong iniwan ni Marky at sumama na sa querida niyang si Lyca. Oo nga’t hindi kami kasal, pero talagang minahal ko siya. Naiwan sa ’kin ang dalawa naming anak, na hindi naman niya nakilala ang isa. Hindi niya alam. At sa tingin ko ay hindi niya malalaman. “Ma…sa tingin mo po, magkakaroon ako ng friends do’n? Balik na lang po tayo kay Papa.” Agad na nagkaroon ng bikig sa aking lalamunan sa turan ng anak ko at nang matunghayan ko ang kanyang maamong mukha. May pagkamalusog na bata ang anak ko. Bilog at mapupungay kanyang ang mga mata. Ang pisngi at labi ay laging mapula. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na kamukha ko ang anak ko at walang nakuha sa ama maliban sa maputing kutis. Hindi ko makuhang sabihin sa kanya na hindi na kami babalikan ng Papa niya, kaya hindi na namin kailangan manatili kung saan man kami iniwan ng magaling niyang ama. “Of course, magkakaroon ka ng friends kuya Duke, you are the friendliest baby boy I have ever known,” masigla kong sabi na ikinangiti ng anak ko. Pagkatapos kaming iwan ni Macky, inasikaso ko kaagad ang papeles namin ni Duke nang tanggapin ko ang trabaho bilang isang branch manager sa isang clothing line sa London, England. Agad namang na proseso ang mga papeles ko at kinailangan ko lang magdeposito ng two hundred thousand pesos, para raw sa ‘show money’ at para ma-approve ang visa naming mag-iina sa London. Noong una ay hindi ako nagtiwala sa sinabi ng agent dahil parang kahina-hinala. Pero dahil kailangan ko ng pera at ng trabaho, at ito lang ang trabaho na inalok sa’kin na kayang tanggapin ang anak ko at ang kalagayan ko, ay pumayag na ako. Isa pa ay rekumendado itong agency ng aking dating ka klase na kaibigan. At ito na nga kami ng anak ko, pababa na ng eroplano. Inayos ko muna ang pagkakabalabal ng scarf ni Duke para hindi pasukin ng lamig. Sanay naman sa aircon ang anak ko, pero hindi sanay sa snow. Malapit na ang winter season dito at ramdam mo na ang lamig na nanunuot hanggang buto. Maraming mga tao ang nakasabay namin na minsan ay ikinangingiwi ko at agad kong tinatakpan ang mata ng anak ko dahil madalas na aming nakikita ang mga taong nagkakainan ng mukha. Napapailing na lang ako, mukhang kailangan ko na ang masanay na makakita ng mga ganito. Palingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung nakaabang na ba ang sundo namin ni Duke. Pero wala akong nakita na palatandaan sa aming sundo. Ang sabi sa agency, ay kapawa ko Pinoy ang susundo sa 'min ng anak ko at dadalhin kami sa tutulyan namin malapit sa pagtatrabahuan ko. Ilang oras na kaming naghihintay ng anak ko sa labas ng airport at ilang hot Chocó na rin ang nabibili ko para sa anak ko, ay wala pa rin ang ang sinasabing susundo sa amin. “Ma…wala pa po ba?” nararamdaman ko na ang pagod ng anak ko at alam kong sobrang nilalamig siya. “Saglit lang anak…kaunting hintay pa,” ani ko sa anak ko ngunit kinukutuban na ako ng hindi maganda. “Do you need anything Ma’am?” nilapitan na kami ng security guard na siguro’y kanina pa kami napapansin. Ilang oras na rin kasi kami dito sa labas ng airport. “Uhm…can you actually take us to a cab that will drop us at this address?” ipinakita ko ang address na ibinigay sa’kin ng agency. Pinakatitigan ito ng guwardiya at hula ko’y binasa ng paulit-ulit. “I’m sorry Ma’am but…I’m afraid there is no such place like this?” ani ng guwardyang Briton na kausap ko. “I’m sorry?” naguguluhan ako sa sinabi niya. “It seems that, that ‘address’ you said…is not existing. Trust me, I’ve been in town my whole life and I knew this place inside-out.” Gusto kong panawan ng ulirat sa sinabi ng Briton. Kung gano’n…ako ay… Unti-unting pumatak ang luha ko at nagbalik sa akin ang lahat. Kaya pala mabilis na naproseso ang mga papeles naming mag-ina. Iyon pala ay na scam ako! Tangay ng mga hayop ang natitirang ipon ko! Humahagulhul na ako at niyakap ko na lang ang naguguluhang anak ko. “I’m afraid you’ve been deceived Madame…” may simpatyang turan ng matandang Briton. “Come…let’s file a complaint and maybe you can report this to your embassy,” mas lalo akong napahagulhol. “You don’t understand…I came here—we came here for the job…” at kapag nai-report ito sa embassy ay paniguradong ma-i-de-deport kami ni Duke sa Pilipinas. “We can’t go back—we can’t…wala na kaming babalikan.” Hindi ko alam kung pa’no ako napatahan at nakausap ng matino. Basta’t ang alam ko lang ay na i-report ko sa FBI nila ang nangyari. I was advised to report the incident on our embassy. Pero dahil natatakot akong bumalik ng Pilipinas, ay hindi na ako nag report. Karay-karay ang limang taong gulang kong anak at ang iilang gamit namin at kakaramput na pera, ay nagtungo at nagpalabuy-laboy kami sa nagyeyelong daanan ng Devon sa England. Nakahanap ako ng ilang mapapasukan na kayang bumuhay sa aming pang araw-araw na mag-iina. Ngunit walang ni sino man ang gustong magpatuloy sa amin. Ilang lingo na rin kaming natutulog sa lansangan at kailangan na naming makahanap ng matutuluyan, dahil araw-araw ay bumababa ang temperetura ng Devon. Naawa na rin ako sa anak ko. Hindi ito ang buhay na pingarap ko sa kanya. Isang gabi, nasa labas kami ng isang gusali at halos manginlan-ngilan lang ang mga tao sa lansangan dahil sa balitang-balita na kasabay ng unang araw ng pagpatak ng niebe—ay bagyo. Mabuti na lamang at napakiusapan ko pa ang may-ari ng gusali na kung pwede kami makisilong ng anak ko. May silungan man kami ay hindi naman kami ligtas sa malamig na panahon. Binalot ko sa patong-patong na damit at balabal si Duke at siniksik ko siya sa katawan ko para hindi siya masyadong lamigin. Kahit ganito ang kalagayan namin ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay hindi nakakaramdam ng gutom ang anak ko, at kahit hindi naman sa busog na busog…ay hindi rin ako umaabot na makaramdan ng gutom—na gutom. Pero ang lamig talaga ang kalaban ko—namin ngayon. Habang palalim nang palalim ang gabi, ay palamig nang palamig ang paligid. Tulog na tulog na si Duke, at ako naman ay hindi makatulog dahil sa lamig. Talagang nanunuot hanggang kalamnan. Hindi ko na rin nga maramdaman ang mga binti at kamay ko. Habang tumatagal ay nagiging mahirap para sa 'kin na labanan ang lamig. Bawat segundo ay tila gumapang ang pamamanhid ng aking katawan, at nilalamon ng imahenasyon ang utak ko. Imahenasyon. Tama. Isang imahenasyon lang ang nakikita ko ngayon, na nasa aking harap at nakatingin sa 'kin ng pagkalamlam, ay isang mandirigma mula sa ibang kalawakan na nababasa ko lang sa aking mga libro noon. Isang lalaking may mapulang buhok ang nagtataglay ng pinakamaliwanag na asul na matang ngayon ko lamang nakita. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil balot ito sa makapal na balbas at bigote. Pilit kong pinaglakbay ang aking paningin sa kangyang kabuuan. Nakapagtatakang sa napakalamig na panahon ay hindi siya balot, bagkus ay bukod sa kanyang pantalon, ay wala siyang suot na pang itaas na damit. Matangkad siya at matipuno. At ang kanyang balat ay kulay… Pilak? “You must be…a cyborg,” bulong ko na hindi ko alam kung narinig ba ng nilalang sa 'king harapan ang sinabi ko, o sadyang wala akong kausap.  Hindi ko na nalaman dahil tinangay na ng kadiliman ang ulirat ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

The Ex-wife

read
211.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
630.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.9K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook