Kabanata 3

2454 Words
********* Again ******** Tumunog ang laptop ni Jarvis at excited niya iyong binuksan. It'a a skype call from his sister, Cheska who's been away for a year. Sinama ito ni Yeoji sa America and he can't stop her even if he beg. After what the two had been through, narealize niya na maybe they're really are meant to be together at walang saysay ang gagawin niyang pagtutol. "Hey kuya! Kumusta? Naihatid mo na ba si Bestie?" bati nito at hindi niya maiwasang mapansin ang pamumula ng pisngi nito. "Ok lang, naihatid ko na siya kanina pa. I even got her number as you requested," sabi niya na ipinagpasalamat nito. Pero siya, naiinis pa din kapag naaalala iyong eksena nila kanina. He acted like a jerk again but he guess what happened is something na basta na lang nangyayari, especially when he's not thinking straight. Nginitian niya ang kapatid at iniba ang usapan, "Sobrang lamig yata diyan a. Grabe ang pamumula ng pisngi mo." "Ay oo, sobra kuya. Ang tagal na namin dito pero hindi pa din ako nasasanay. Samantalang si Yeoji gusto pang gawan ko daw siya ng snow man, iniwan ko nga sa labas," anito saka tumawa. She looked so happy. Nakitawa siya dito, "Seryoso, ilang taon na ba ang lalaking iyan? Bakit nagustuhan mo iyan? Iniwan mo pa ako at sumama ka talaga sa kanya." "Kuya..he needs it sa theraphy, remember? Huwag ka na magtampo, dahil it worked naman. He's fine now, kinukulit na nga akong mag roadtrip e. Isa pa, bukas na din naman ang uwi namin ni Yeoji." "Really?" "Yup! I can't wait to see you kuya. And bestie too, oh wait. Tawag na ako ni mommy, see you tomorrow kuya!" He sighed ng mawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lang nahintay ang sagot niya..because yeah, he can't wait to see her too. He'll definitely need her here. "Sir Jarvis, tutugtog po ba kayo ngayon?" bungad ni Czarina, assistant niya sa BMC. "Yes," maiksing sagot niya. "Ok po, Sir." Nasundan niya ng tingin ang sumaradong pinto. Today is acoustic friday. At wala siyang balak na ihinto iyon. ******** Naisipan ni Sheila na maghalfday kaysa magmukmok sa bahay. Mas nagugulo ang utak niya sa kakaisip ng muli nilang pagkikita ni Jarvis. Mas mabuti na iyong maraming makikipag-usap at iistorbo sa kanya. Kung sana kahit si Blake na lang ang naiwan sa bahay para kahit papaano, may mangulit sa kanya. Pero wala, kailangan talaga nitong sumama sa kapatid niya. "Hey Sheila, how's your date with Pierre?" lapit sa kanya ng ka-close niyang kaopisina na si Luiela, ang nagrecommend ng magaling niyang blind date. "Oh, hindi niya nasabi sa'yo?" "No..kaya nga ikaw ang tinatanong ko e..dali na ..spill!" kinikilig pa ang bruha kaya nagsilapitan ang iba pang ka officemate nila. "Oo nga.. so how was it, girl.. ano, prince charming ba?" sabi ng isa pa niyang ka-close na si Cory, ang nag-iisang bading sa opisina. "Well, it was an epic fail because turned out, Pierre is not a prince charming. He's a maniac who's..you know what maniacs wants," she said, faking a smile as she shrugged her shoulders. "What!?" tili ni Luiela, "oh my ghad, I'm sorry girl. I didn't know.." niyakap pa siya nito. "It's okay," aniya at nilayo si Luiela sa kanya."He didn't succeed anyway. Natakot yata sa banta ko kaya ibinaba ako somewhere." Tinawag ito kaya umalis bigla at hindi na siya nasagot. "Aww girl, told you ako ba lang ang i-date mo," ani Cory na niyakap din siya. Natawa siya sa biro nito. "Sabi ko nga e, so Cory, will you be my date?" "Ewww girl," anito na tinawanan niya. Natigil lang siya ng mapansing tinititigan siya nito ng mariin. "What?" "Did he kissed you harshly?" tanong nito at naglakad pa ng pabalik-balik sa harap niya. "No!" mariin niyang tanggi. Hindi naman talaga e. Though the guy attempted to touched her and kiss her. "Really?" "Really." "So who's the other guy?" ani Cory na muli siyang nilapitan at tinanong. "The other what?" "The guy who kissed you like he missed your lips so much," Cory smirked kaya napahawak siya bigla sa mga labi. "Tumigil ka nga, mga pinagsasabi mo," iwas niya at niligpit ang mga gamit. "Uy..umiiwas...there really is a guy aside from Pierre, am I right? Pakilala mo naman ako..." She sighed. "Iyong kinukwento ko sa'yo, nagkita kami kagabi." Nagpormang 'O' ang bibig no Cory. He knew Jarvis dahil sa kwentuhan nila one time at bago pa ito magtanong, iniba na niya ang usapan. "I decided to use your gift as my lipstick today. I hope hindi bawal magbago bigla ng preference.." "No. But it doesn't seem like you," he said. Napalingon silang lahat ng magkaroon ng announcement. Meron daw sasabihin ang VP nila. Turned out, it was a birthday invitation, magcecelebrate daw sila tonight. Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng magsimulang mabasa ang salamin ng kotse na sinasakyan nila. Then all of a sudden, the rain poured hard. Mukhang tuluy-tuloy na talaga ang tag-ulan. She sighed. She don't like it. Kasama kasi noon ay alaala. "Who are you and what are you doing in front of my house?" Napaangat ng tingin si Sheila mula sa pagkakaupo sa labas ng gate na mabuti na lang ay may bubong. Kung wala iyon, baka sobra pa sa basang sisiw ang labas niya dahil rain is still pouring heavily. She became speechless sa realization na ang gwapong mukha ni Jarvis pala ang kaharap niya. May hawak itong payong at nakasukbit ang guitar case sa isang balikat. Agad siyang napatingin sa sarili at gusto niyang pektusan ang utak niya for letting her dozzed off. Hindi niya tuloy namalayan ang pagdating ng mga ito at hindi rin siya nakapag-ayos ng konti. Kasalukuyang magulo ang buhok niya and she's hugging herself dahil sa lamig. Whatever her plan is, it better work dahil mukhang magkakasakit siya. Bago pa siya makasagot, Cheska, with her umbrella appeared in front of her and automatically hugged her. Wala siyang masabi sa kabaitan nito, she didn't even care kung mabasa ito. "Kuya, save your questions later ok? She's my friend and she need a place to stay." Iginiya siya papasok ng bahay ni Cheska and as much as she wanted to stare at Jarvis face, kailangan niyang hindi ipahalata ang kabaliwan niya. Tahimik siyang sumunod sa kaibigan and dragged her suitcase. "Let me bring your stuff" sabi ni Jarvis na ikinagulat pa niya. She bite her lower lip when their skin touched. She's never been this close to him and it already felt like heaven. "Thanks..." mahina niyang sabi. Umiling-iling lang si Jarvis at nagpatiunang binuksan ang pinto ng bahay. Nang makapasok ay agad siyang sinamahan ni Cheska sa banyo and let her took a bath. "I'll bring your things sa guest room. Ligo ka na muna at baka magkasakit ka. How long have you been there outside?" "Hindi naman matagal, swear.." aniyang nginitian ito at kinuha ang mga damit na kailangan niya sa bag. Tinaasan lang siya nito ng kilay na mukhang hindi naniwala sa kanya. Then with her stuff, tinungo nito ang isang kwarto na nasa tapat ng banyo. "Follow me here kapag tapos ka na," she said ng lumingon at makitang nakatingin siya. She nodded. Nakatapis siya ng twalya paglabas ng banyo at gusto niyang sabunutan ang sarili sa pagiging makalimutin. Wala siyang nakuhang blouse. Napailing siya at tinawid ang kwartong tinutukoy ni Cheska. "Hey.." Napasapo siya sa dibdib dahil sa biglang pagsulpot ni Jarvis. Kakalabas lang nito sa isang kwarto na katabi ng tutuluyan niya. She blushed dahil sa pagiging malapit nito at sa embarassment na din. She saw him eyed her for a second bago nag iwan ng instruction, "Pakisabi kay Cheska na kakain na. I'm starving." Nakaawang ang mga labing nasundan niya ito ng tingin. She badly wanted to scream dahil sa kilig. He is so close! Napatingin ulit siya sa sarili at napatampal sa noo. At talagang ganito ang itsurang unang ibinalandra niya sa lalaki. Buti sana kung nakatapis na lang siya ng tuwalya, wala na iyong short. Inis niyang ginulo ang basang buhok at pinihit ang pinto. "Oh hey...naayos ko na ang kama. Hope maging komportable ka dito," bati ni Cheska sa kanya. "I'm sure I will. Ngapala, pinapasabi ni Jarvis na kakain na daw"l," aniyang kumukuha ng isusuot na pang-itaas. "Ok, hintayin na kita." "No, it's okay, wala rin naman akong gana." "Shut up Sheila, I can hear your growling stomach from here kaya hindi pwede sa'kin ang sagot mo," she even crossed her arms at talagang inantay siya. Pinauna pa siya nito ng labas bago siya sinamahan sa kusina. Napatingin siya sa mesa and expected a good dinner. Napailing siya internally ng makitang corned beef ang nandodoon. "Pasensya ka na, hindi na kami nakaluto, that's why," ani Cheska. "At kailan ba tayo nagluto, Princess?" sabi ni Jarvis na tinawanan ni Cheska. "Right. Actually, both of us don't cook. We rely on food establishments at kung nagmamadali, eto, de lata," she said shrugging. "Ok lang Cheska, nakakahiya naman, nakikikain na nga lang ako, ikaw pa itong humihingi ng pasensya. I'll eat kahit damo basta magkalaman lang ang tiyan ko ngayon.." Cheska laughed, "Alright, let's eat then." Ang hindi niya alam, kasama pala ng dinner na iyon ay ang interview session ni Jarvis sa kanya. And guess, she did a good job in lying dahil pumayag itong manatili siya. "We're here!" Cory shouted that snapped her back from reminescing. Kanya-kanyang nagbabaan ang mga kasamahan niya papunta sa venue. At dahil masipag siyang magbitbit ng payong, ayon, kailangan pa niyang hintayin ang pagbalik ni Cory. She had to text him dahil alanganing sulungin ang ulan. Masyado iyong malakas. Maya-maya pa ay bumukas ulit ang van. She was expecting her gay friend but not the one in front of her. "You again." Nilagpasan niya ito ng tingin at tiningnan ang lugar kung saan sila tumigil. Blue Moon Restobar Great. "Sorry about earlier..." he said na ikinasalubong ng kilay ng kilay ni Sheila. Is she hearing this right? He's saying sorry? Wow, may himala nga yata talaga. Tumikhim ito, "So are you just gonna stare at my handsome face here or papasok ka sa loob and join your friends?" "Bakit ikaw ang nandito? Where's Cory?" she asked, more confused as to what he's doing in front of her. He just shrugged tsaka binati ang driver ng van. "Mam, mababasa na po ang sasakyan," sabi noong driver na si Mang Charlon. Saka pa lang siya tila natauhan. At dahil lumakas lalo ang ulan, hindi lang ang sasakyan ang nababasa, maging si Jarvis. Parang naguilty namam siya bigla kaya agad siyang bumaba at sumilong sa dala nitong payong. Niyakap siya nito at saka isinarado ang pinto ng van. Wala naman siyang nagawa kungdi mapasiksik na lang sa katawan nito dahil medyo maliit ang payong para sa kanilang dalawa. She shouldn't be enjoying this little thing but she does. She love his warmth, his closeness, his scent, his hard body that- "Come on, hurry up. Natitigilan ka na naman sa kagwapuhan ko e." Natawa siya ng pagak, "Really, Jarvis. Hindi ko alam napakalakas ng hangin mo?" "Malakas ba ang dating sa'yo? Parang hindi naman ah? Tsk...you just indirectly admit it. You're still affected, meaning not over me." "Ano?" napapantastikuhang bulalas niya. Where did he get all those thoughts? Hindi siya nito sinagot, instead, isinarado nito ang payong saka sila sabay na pumasok sa restobar. Pinagtitinginan sila ng iilang taong nasa loob at doon niya lang narealize na he still had his arms on her shoulders. Agad niya itong tinanggal. "What is it now?" kunot-noong tanong nito. "Let go..." piksi niya habang inililibot ang tingin sa paghahanap ng mga ka-opisina. Malaki ang ipinagbago ng lugar, compared to sa kung ano ito two years ago. Mas gumanda at lumaki ito. Mas dumami ang crew at lumawak din ang service na ibinibigay nila. Nakita niyang kumaway si Cory. Agad niyang nilapitan ang mga ito at hindi pinansin ang pagtawag ng lalaki sa kanya. "Uy girl,ba't ang tagal mo namang magpasundo kay pogi?" anito at inginuso pa si Jarvis na nakatingin sa direksyon nila. She just shrugged her shoulders at hindi pinansin ang pangungulit nito. ****** Nagkakasayahan na silang lahat ng marinig ang pag-mic test mula sa mini-stage na nandodoon. Hindi niya maiwasang mapatingin at kabahan. Jarvis was already at the stage with his guitar and she'll admit, she missed listening to him. It's been a long time since huli niya itong marinig na kumanta. Gusto man niya, sinikap niyang huwag mapunta sa BMC dahil baka muli lang niyang lunukin ang pride at makiusap dito. "Hello everyone. Thank you for accompanying me yet again for another acoustic friday night here. I wish every day is friday para araw-araw ko din kayong matugtugan but, baka magsawa din kayo." Nakitawa siya sa mga taong nandodoon sa medyo lame na biro noong lalaki. "But tonight is different because ..." medyo binitin niito ang sasabihin at iginala ang mga mata. He stopped right when their eyes meet, "just because," he said na inulan ng tukso. Ngumiti lang ito at nag-umpisa ng tumugtog. .... I was young but I wasn't naive The crowd cheered when they heard the familiar song. ...After all this time I never thought we'd be here Umiwas siya ng tingin ng mapansing he's not diverting his eyes from her direction. ...A part of me died when I let you go... Her heart beating loudly. It couldn't be. Umiling siya to erase her assuming thoughts. It didn't happened in a year na magkasama sila. Iyon pa kayang dalawang taon na magkahiwalay? Besides, he made it clear to her that her feelings won't be returned. She sighed. "Hoy..ok ka lang?" Cory elbowed her lightly. "Huh? Yeah. Ngapala, bakit naman iyong singer na iyon ang inutusan mo?" "Ay girl, ayaw banggitin ang pangalan? Of course it's because I know him...duh! He's the guy na kinukwento mo sa'kin. Ipinakita mo kaya ang picture niya noon at gaya ng sabi ko sa'yo, kapag gwapo at type ko, nakasave na iyan sa awesome brain of mine. So imaginin mo ang kilig ko ng makaharap ko siya kanina.... ever to highest level!" "Paano mo naman napapayag?" she asked as she drink some wine. "Simple. I mentioned your name and he just walked to the van. Aside from what you said na suplado siya tingnan, everything else is a blur, girl. Dahil kung ako ang tatanungin, I'd say, he's the one who begged to be loved by you." "What?" she asked like it was the most ridiculous thing she ever heard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD