KABANATA 3

1760 Words
Kusang umigting ang aking panga, kasabay na ibinuhos ko ang lahat ng lakas na meron ako para maitulak ko siya. Tulad ng aking inaasahan ay napaatras siya. Ramdam ko sa aking mga talampakan ang mga damo. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin, bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha na tila hindi siya makapaniwala sa aking ginawa. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa kaba na aking inabot pagkatapos ko marinig mula sa kaniya ang mga salita na ni minsan ay hindi ko pa naririnig. Lumunok ako saka kumilos. Natataranta kong pinulot ang mga sapatos ko sa damuhan. Hindi ako nagdadalawang-isip na layasan siya sa lugar na ito kahit na hindi ako sigurado kung nasaan ang labasan. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin nang ilang ulit ngunit hindi ko siya magawang pakinggan o nag-atubiling tumigil. Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay makaalis at makabalik kung nasaan ang mga kaibigan ko. Higit pa doon ay gusto ko nang umuwi sa gayon ay maging panatag na ako. Ang nakakainis lang ay maraming pasikot-sikot! Bakit kasi dito ako dinala? Kung alam ko lang na ganito ang kinahihinatnan ko, eh di sana pala ay hindi na ako pumayag na sumama! Abala ako sa paghahanap sa tamang labasan kaya hindi ko agad maisuot ulit ang mga sapatos ko. Hanggang sa may natanaw akong isang daan. Tumigil ako. Pinagmasdan ko ang direksyon na 'yon ng ilang saglit. Kusang kumunot ang noo ko dahil tingin ko ay pamilyar sa akin ang lugar na 'yon. Bukod pa doon ay rinig ko ang isang tunog. Rumaragasang tubig. Tila may nagtulak pa sa akin upang lapitan pa ito. Kumawala ako ng hakbang hanggang sa lumalakas ang tunog na naririnig kong tunog. Tumambad sa akin ang ilog at ang talon. Umawang nang bahagya ang aking bibig sa akin nakita. Napasinghap ako nang napagtanto ko na nasa likod pala ng Mansyon na ito ang ilog na ito. Bakit ganoon? Sa tinagal-tagal ko nang narito. Mula sanggol ako hanggang sa nagkaisip, hindi ko alam na ganito. Ngayon ko lang nalaman. Muli ako humakbang. Nilapitan ko ang malaking bato upang doon ay umupo. Para na din makapagpahinga. Nakaharap ako sa mismong ilog at niyakap ang akin sarili. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumingala ako sa kalangitan. Ramdam ko ang malamig at sariwang hangin na dumadapo sa aking balak. Sa pamamagitan nito ay gumagaan na ang aking pakiramdam. Nawawala din ang kaba na aking inabot sa tuwing kasama ko ang Nilus Hochengco na 'yon. Napapangiwi nalang ako sa oras na sumasagi sa isipan ko ang isang 'yon. Bakit ba napakabulgar ng isang 'yon?! Bakit kailangan niyang sabihin ang mga bagay na 'yon? Hindi ba siya aware na mas bata ako sa kaniya at masyado akong inosente para pag-usapan ang mga 'yon? Damn that bastard! Bumaba ang tingin ko sa ilog. Pakiramdam ko ay inaakit ako ng malinis at malinaw na tubig. Itinapat ko ang mukha ko doon. Gumalaw ang isang kamay ko at maingat kong hinawakan ang tubig. Malamig. Napangiti ako dahil mas lalo niya pinakalma ang aking pakiramdam. Dahil na rin sa kasiyahan ay nawili akong laruin ang tubig. Rinig ko din ang mga kuliglig sa paligid. Hindi naman masyadong madilim dahil sa tulong ng liwanag ng buwan. "What are you doing here?" Napasinghap ako saka tumingin sa direksyon kung nasaan nanggaling ang boses na 'yon. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Tumambad sa akin ang isang chinitong lalaki. Matangkad at maputi. Alam kong hindi ito ang kapatid ni Nilus na si Sir Carson. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga pinsan niya! Ang kaso lang, sa dami nila ay hindi ko malaman kung sino o anong eksaktong pangalan niya. Aligaga akong tumayo at pinagpag ang aking sarili. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likod. "P-pasensya na po... Napagawi lang..." kinakabahan kong tugon. "I thought he's with you." kumento pa niya sabay lapit pa nang kaunti sa akin. "You left?" Ibinuka ko ang aking bibig. Bumaba ang aking tingin. Hindi ko magawang magsalita. "You're Janella, right? I'm Loukas." pakilala niya sa masiyahing boses. Nagtataka akong tumingala sa kaniya, nakaukit pa sa aking mukha na hindi makapaniwala. "K-kilala ninyo... Ako?" Ngumuso siya saka nagkabit-balikat. "Well, ikaw palagi ang bukambibig ng pinsan namin, malamang ay makikilala kita. Namin." talagang diniinan niya ang salitang 'namin.' Para bang may ipinapahiwatig siya base ng kaniyang tono. "I think he will worried to death for you. Kailangan na kitang ibalik." suhesyon pa niya. Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya ako. Itinikom ko ang aking bibig. Nagpasya na akong sumunod sa kaniya. ** Tanaw na namin ang parte ng malawak na hardin ng mansyon na ito. Rinig ko na rin ang mga musika na nanggaling doon. Nanatili pa rin ako nasa likod ni Sir Loukas. Pareho kaming tahimik na naglalakad. Nakabuntot lang ako sa kaniya. Pareho lang kami tumigil nang matanaw ko ang mga nakakalat na tao sa paligid. Sa lagay na 'yon ay parang abala sila sa paghahanap. Napatingin lang ako kay Sir Loukas na ngayon ay lumingon sa akin. "See? He's worried for you." Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay nanatili akong tahimik at bumaling sa paligid. Tumigil ang isang pinsan ni Nilus nang makita niya kami. "Nilus! Narito na siya! She's with Loukas!" sigaw, sapat na 'yon upang marinig siya kung sinong nasa malapit sa kaniya. "Janella!" Napatingin ako nagmamay-ari ng boses na 'yon. Tumambad sa akin si Nilus na mabibigat ang hakbang ang kaniyang pinapakawalan. Hindi ko malaman kung anong ekspresyon sa mukha ang kaniyang ginagawa. Kung galit ba siya dahil sa pag-aalala o galit dahil nilayasan ko siya kaniya. "I saw her in the river, cous." seryosong sambit ni Sir Loukas sa kaniya. Tila hindi siya pinakinggan ni Nilus. Dire-diretso siya sa paglalakad hanggang nasa mismong harap ko na siya. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil sa pagtataka. Wala akong makuhang sermon o ni isang salita mula sa kaniya. Nanatili siyang nakatingin sa akin na ganoon pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Dagdag pa n'on ay umigting ang kaniyang panga. Wait, nanggagalaiti ba siya? Galit na galit ba talaga siya sa ginawa ko kahit siya naman talaga ang may kasalanan?! Magsasalita pa sana ako para tarayan siya pero hindi 'yon natuloy dahil bigla niya akong niyakap! Isang mahigpit na yakap. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Sandali, hindi ba niya pansin na nakatingin dito ang mga tao, lalo na ang mga pinsan niya?! Nakakahiya! "Papatayin mo ba ako sa nerbyos, affinity?" namamaos niyang tanong. "Nilus..." tanging pangalan lang niya ang masasabi ko sa ngayon. Hinigpitan pa niya ang kaniyang yakap. Sabay nagsialisan ang mga tao sa paligid namin. Mukhang nakuha nila at ang iba pa sa kanila ay itinaboy ang iba pang bisita para bigyan kami ng espasyo, kabilang na din doon si Sir Loukas na malapad ang ngiti. Nasiyahan sa kaniyang nakikita. Ramdam ko nalang na dahan-dahan kumalas mula sa pagkayakap sa akin si Nilus. Nagtama ang mga tingin namin. "Alam kong nabigla at nagalit kita. Pero huwag na huwag kang aalis." aniya. Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Kung gusto mo, dadahan-dahanin ko." "Huh?" napaamang ako. "Anong pinagsasabi mo?" "Aakyat ako ng ligaw." diretsahan niyang sagot. "Agad?!" bulalas ko. "Oo." ** "Kung nakita mo lang kung gaano nataranta si Sir Nilus nang nakabalik siya sa dance floor. Hinahanap ka talaga. Talagang pinatigil niya ang sayawan para lang mahanap ka! Naku, ang swerte mo talaga, Janella!" bulalas ni Dolores habang hawak niya ang kinakain niyang kakanin. Ngumiwi ako. Si Chela naman ay bumungisngis, hindi ko malaman kung saan siya natatawa. Sa mukha ko ngayon o hindi kaya kung papaano kinukwento ni Dolores kung anong nangyari kagabi. "Si Brian din, nataranta nang nalaman niyang nawawala ka daw." patuloy pa rin siya sa pagkukwento, pero sinadya pa niya diniinan ang salitang daw. Pambihira talaga ang babaeng ito. Parang nagpaparinig kahit harap-harapan pa. "Saglit, tigil ka muna, Janella." biglang sabi ni Chela. Sumunod ako sa sinabi niya. Ganoon din si Dolores. May tiningnan si Chela sa bandang likuran ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. "Bakit, Chela?" nagtataka kong tanong. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Sumilay ang malapad at mapaglaro niyang ngiti. "Wala lang, feel ko kasi ang haba ng buhok mo." saka humalakhak siya, sumabay din si Dolores na nakuha niya ang ibig sabihin ng kasama namin. Ang-apiran pa sila sa harap ko. Umiling-iling ako saka inirapan ang mga kasama ko. Iniwan ko nalang sila dahil hindi ako pupwedeng magsayang ng oras ngayon dahil ako ang inutusan ni inay na ihatid ang hawak ko ng bilao na may mga puto sa nagpa-order. Kasama ko lang naman sina Dolores at Chela upang samahan ako. Wala pang tatlopung minuto ay dumating nakarating na kami sa bahay kung nasaan ko ihahatid ng bilao ng mga puto. Nakuha ko na din ang bayad. Sa ngayon ay kinakailangan ko nang umuwi para maibigay ko na kay inay ang pera. Sa gayon ay maaari na akong makapaglaro at makagala kasama ang mga kaibigan ko. Pero bago 'yan ay dadaanan sana namin ang palengke upang daanan namin ang iba pa naming kasamahan doon. Ang iba kasi sa kanila ay natulong sa mga magulang nila na naghahanapbuhay din sa palengke. Natulong sila sa pagbebenta ng mga karne, isda, gulay o ng mga prutas. At isa pa, kilala naman kami ng mga magulang nila kaya minsan ay sumasama din ako sa pagtitinda dahil bored kami. Abala kami sa pagkukwentuhan ay biglang may kaabangaan ako. Tumingin ako kung sino ang bumangga sa akin. Nagtama ang mga tingin namin. Isang may-edad na babae. Simple lang ang kaniyang kasuotan at may dala siyang backpack. Natataranta siyang humingi ng tawad sa akin. "Wala po 'yon, ayos lang po 'yon." nakangiting sambit ko. "Pasensya na talaga..." saka iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Iha, pwede bang magtanong?" "Sige po..." "Matagal na kasi akong hindi nakabalik dito. Maaari bang malaman kung saan ang daan papunta sa Villa Esmeralda?" "Ay, malapit lang po kami nakatira doon." biglang sabat ni Dolored. "Bakit po pala?" Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha sa isinagot ni Dolored. "T-talaga? I-ibig sabihin... Kilala ninyo si Doring?" "Nanay ko po siya. Bakit po?" ako naman ang sumagot, may halong paggalang. "Ano kasi... Kaibigan ko siya. May usapan kami na sa oras na nakabalik na ako dito... Magkikita kami. Lalo na sa anak ko." "A-ano po bang pangalan ninyo?" tanong ko. Matamis siyang ngumiti sa akin. "Corrine ang pangalan ko. Narito ako para balikan ang anak ko. Si Janella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD