Lesson 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!

1515 Words
"OLIVIA! Huwag Olivia!" Nagmamadaling pinigilan ni Teacher Noah ang akmang pagsaksak ni Olivia ng kutsilyo sa kaklase nitong si Bridgette. Nahawakan niya agad sa braso si Olivia. Hinigpitan niya. At kinuha niya ang hawak nitong patalim sabay hagis noon sa ibabaw ng lamesa. Inilayo niya si Olivia at tinulungang makatayo si Bridgette. "Anong nangyari dito? Bakit mo sasaksakin si Bridgette, Olivia?!" Mataas ang boses niya. Lumapit sa kanya si Bridgette at kumapit pa sa kanyang braso. "Teacher Noah, hindi ko pa alam kay Olivia pero bigla na lang niya akong sasaksakin kanina. I think Olivia is losing her mind! Huhuhu!" At maarteng umiyak pa sa tabi niya ang kanyang estudyante. "Nagsisinungaling po siya Teacher Noah!" Depensa ni Maika. "Ang grupo po ni Bridgette ang nag-umpisa ng lahat. Nananahimik po kami ni Olivia dito tapos nanggugulo ang mga iyan!" Alam ni Teacher Noah na nagsasabi ng totoo si Maika. Mahilig talaga sa gulo ang grupo nina Bridgette. Ilang estudyante na ba dito ang napag-tripan ng mga ito at nagtransfer ng school dahil sa mga ito? Marami na. Marami nang estudyante ang nabully ng mga ito. Useless kung papagalitan niya sina Bridgette. Mas masisiyahan pa nga ang mga ito. Ganun naman talaga ang mga bullies. Natutuwa kapag nakasakit. Nasisiyahan kapag napansin. Labis ang awang lumukob sa kanya ng makita niya ang hitsura ni Olivia. Basang-basa ang buhok nito. May mantsa pa ng sauce ng spaghetti sa puti nitong blouse. "Olivia, maari ka munang umuwi. Just fix your self, OK?" "Salamat sir..." Nakayuko nitong sabi. Sinundan niya ng tingin si Olivia. Kaawa-awa talaga. Siya na ang bagong laruan nina Bridgette. Kung may magagawa lang sana siya. Pero wala. Wala talaga."Kayo naman, magsibalik na kayo sa mga classrooms niyo!" May awtoridad na utos ni Teacher Noah. MARAHANG binuksan ni Olivia ang pinto ng kanyang kwarto. Sumalubong sa kanya ang malamig at tahimik na loob ng kanyang kwarto. Madilim. Hindi pa rin siya nakakapaglinis. Nakadikit pa rin sa kanya ang malagkit na sauce. Natuyo na ang mga iyon. Umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Nakatukod sa magkabilang side niya ang kanyang kamay habang blanko ang isip na nakatingin sa sahig. Hanggang sa makarinig siya ng yabag ng mga paa. Iniangat niya ang ulo. Nakita niyang papalapit sa kanya si Yoseif na galing sa madilim na sulok ng kanyang silid. Walang ekspresiyon ang mukha nito. "Kailangan mo ba ng tulong ko?" tanong sa kanya ni Yoseif. Umiling siya. "Ang hirap naman kasi sa iyo Olivia. Alam mo naman ang sulosyon sa problema mo pero hindi mo ginagawa. Heto. Kunin mo..." Inabot sa kanya ni Yoseif ang isang blade. Umiling siya. "Ayoko na. Tama na Yoseif..." Pagsamo niya. Ngumisi si Yoseif. "Tss. Hayaan mong ako ang gumawa sa iyo nito." Pagkasabi noon ni Yoseif ay inililis nito ang kanyang palda. Hanggang sa nakalantad na ang kanyang maputing hita. Ipinakita nito sa kanya ang hawak nitong blade. Sa unang tingin pa lang niya ay alam niyang napakatalim na noon. Nakakapunit. Nakakahiwa. Nakakasugat. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Naramdaman na lang niya ang pagdampi ng blade sa hita niya. Mababaw lang pero ramdam niya ang hapdi. Isa. Dalawa. Hindi na niya mabilang ang nilikhang hiwa ni Yoseif sa kanyang hita. Umaagos na ang dugo doon. Hihiwain pa sana ulit ni Yoseif ang hita niya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. "Diyos ko! Olivia!" Hiyaw ng kanyang ina na kitang-kita ang paglalaslas niya sa kanyang sariling hita. Tumakbo ito palapit sa kanya at mabilis na inagaw sa kanya ang hawak niyang blade. "Akina na iyan! Ano na namang ginagawa mo sa sarili mo?!" Umiiyak na tanong ng kanyang ina sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kumot at ginawang pang-ampat sa dugong lumalabas sa kanyang sugat. "Inay...Alam na nila." Nakatulala lang si Olivia. "Anong gusto mong gawin natin Olivia? Lumipat na naman tayo ng lugar? Aalis ka na naman sa school mo? Olivia. Pagod na pagod na ako, anak!" "Pero Inay. Alam na nila..." aniya. Tulala. Umiiyak na napayakap sa kanya ang ina. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo Olivia...Huhuhu..." Nakatulala pa rin siya. Nakita niyang kumaway pa sa kanya si Yoseif bago ito lumabas ng kanyang kwarto. "TEACHER NOAH! Sandali lang po!" Habol ni Charina sa guro na papalabas na ng gate. Uwian na noon at talagang hinintay niya ang paglabas ng adviser kahit medyo pagabi na ng oras na iyon. Lumingon sa kanya si Teacher Noah. Kinilig na naman si Charina ng mapagmasdan ang gwapong mukha ng 26-years old na guro na sobrang crush na crush niya. "Oh Charina. Bakit andito ka pa? Kanina pa nag-uwian ang mga estudyante ah..." Lalong kinilig si Charina. Pakiramdam niya ay nag-aalala ang kanyang adviser sa sinabi nito. "Don't worry Teacher Noah. Kasama ko pa po naman si Thea. Ayun po siya oh!" At itinuro ni Charina si Thea na nakaupo sa gilid ng stage. Kumaway pa si Thea ng ituro niya. Nagtaka bigla si Charina dahil may kasama nang babaeng estudyante si Thea. Kanina naman kasi ay nag-iisa ito. Binalewala na lamang niya ang napansin. Ibinalik na lang niya ang atensiyon kay Teacher Noah. "Ahh. Mabuti naman pala at may kasama ka. Oo nga pala. Ano nga pala ang pakay mo at hinihintay mo ako?" Sabi ng gwapong guro sa kanya. "Ibibigay ko lang po sana ito, teacher..." Sabay labas ng isang box ng chocolates ni Charina na nasa loob ng bag nito. "Matagal ko na po kayong gusto Teacher Noah! Sana tanggapin niyo po ito..." Napansin ni Charina na natigilan si Teacher Noah. Tila na-shock ito sa sinabi niya. "Take it Teacher Noah. Para sa inyo po ang mga chocolates na ito..." Umiling si Teacher Noah. "No Charina. Hindi ko iyan matatanggap. Sana maintindihan mo na mali ito. Guro mo ako at estudyante kita." "Pero Teacher--" "Umuwi na kayo ni Thea. Gabi na. Bye." Tumalikod na si Teacher Noah. Umalis na ito habang nagngingitngit sa inis si Charina. Pinuntahan na nito si Thea. Nakatawang tinanong siya ng kaibigan. "Oh ano? Kumusta? What happen?" "Ayaw niya. Ayaw niya sa akin!" Sigaw niya sabay bato sa box ng chocolates. "Ay! Bakit mo binato? Kung ayaw niya sana sa chocolates, sa akin mo na lang sana ibinigay!" Sabi pa ni Thea. "Ewan!" Namumula na ang mukha ni Charina. "Tara na nga. May araw din ang Teacher Noah na 'yan!" Paghihimutok pa niya. "OK. Lets go!" Paalis na sana sila ng biglang may maalala si Charina. "Sandali. Asan na iyong babaeng kasama mo Thea? Hindi pa ba iyon sasabay sa pag-uwi natin?" kaswal na tanong lang ni Charina. Nangunot ang noo ni Thea. "Ano daw? Sinong babae?" "Iyong babaeng katabi mo kanina sa stage noong nakaupo ka. Nasaan na siya?" "Don't try to scare me Charina! Wala akong kasama kanina. Swear!" "Eh s-sino iyong nakita kong kasama mo kanina dito?" Nanghihilakbot na tanong ni Charina. Nagkatinginan ang dalawa. Nanlalaki ang kaniang mga mata. Sabay nanlaki ang mga mata nila. At parang sinisilihan ang mga puwet na nagtatakbo palabas ng school sina Charina at Thea. HANGGANG sa MRT station ay hindi pa rin makalimutan nina Thea at Charina ang nakakapangilabot nilang karanasan. Nanginginig pa rin sa takot ang dalawa at talagang halos mamutla pa. "Uy, diba si Teacher Noah iyon?" turan ni Thea ng makita nila sa isang sulok si Teacher Noah habang may kausap itong isang may edad ng ginang. Tila nagtatalo ang dalawa. "Oo nga ano. Wait, sino naman iyong kausap niyang babae at parang nagtatalo sila. God! Baka multo na naman ang babaeng iyon!" Takot na turan ni Charina. "Gaga! Nakita mo nang kinakausap ni Teacher Noah tapos sasabihin mong multo? Shunga lang?" ani Thea. "Tara. Lapitan natin. Parang nagtatalo sila oh." Napailing si Charina. Inaabot na naman ng pagka-tsismosa si Thea. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Nagkubli ang dalawa sa malaking poste na malapit sa kinaroroonan nina Teacher Noah at noong babae. At nakinig na ang dalawa sa usapan nina Teacher Noah. "Mahal ko siya!" Iyon ang agad na narinig nila na sinabi ni Teacher Noah. Impit na napatili si Charina. "Did you hear that Thea? Mahal daw ako ni Teacher Noah..." Kinikilig pa talaga ito. "Ilusyunada!" sagot sa kanya ni Thea. "Nakita mo na ngang hindi niya tinanggap iyong chocolates mo tapos sasabihin mong mahal ka niya. Asa! Makinig na nga lang tayo sa usapan nila at mukhang exciting!" Napasimangot si Charina. "Chismosa!" gagad niya. Pero hindi na siya pinansin nito. Nakinig na lang itong muli. Iyong babae naman ang nagsalita. "Pero Noah, kapatid mo siya! Hindi kayo pwede!" Gimbal ang dalawa sa narinig. "Wala akong pakialam. Basta mahal ko siya!" At nang makita nila na tapos nang mag-usap ang dalawa ay lalong nagsumiksik ang dalawa sa poste dahil papunta sa gawi nila si Teacher Noah. Nang wala na ito ay nagkatinginan sina Charina at Thea. Hindi makapaniwala sa narinig. Sa pagkakaintindi nila ay may mahal na babae si Teacher Noah at ang nakaka-shock doon ay kapatid pa nito! Nagkatinginan ang dalawa sabay sabi ng, "Incest...Ewwww!!!" "Kadiri pala ang Teacher Noah na iyan! Tara na nga!" At sumakay na ang dalawa sa dumating na MRT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD