chapter three

1203 Words
• MIKHAIL • Maaga akong nagising. Alas singko palang ng umaga. Mabilis akong bumangon at nag-stretch ng katawan. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto't dumiretso sa kusina para magluto ng agahan para sa aming lahat. Napatingin ako sa dining table. Wala nang kung ano doon. Napangiti ako. Mukhang kumain na kagabi si Cresha. Naghilamos at nagmumog muna ako bago ako magluluto.  Nilapitan ko ang ref at binuksan iyon. Mabuti nalang ay puno ng stocks nila dito. Naglabas ako ng itlog, hotdog, carrots at tocino. Nagsaing na din ako sa pamamagitan ng rice cooker. Hiniwa ko na ang hotdog at carrots para makagawa ako ng omelet. Nagluto din ako ng sunny-side-up egg pagkatapos ay niluto ko naman ang tocino.  Nang matapos na ay agad ko na iyon inihanda sa mesa.  "Wow!"  Napatingin ako sa pinto. Tumambad sa akin si Vibs na nakasandal sa pintuan at nakahalukipkip.Nakangiti siya.  "Ngayon alam ko na marunong ka pala magluto." Aniya saka lumapit sa mesa.  "Nakasanayan ko na din habang ako'y nasa probinsya pa." Sabi ko at napakamot sa aking batok.  "Galing naman."  "Ughh..." Sabay kami napatingin ni Vibs sa pinto. Si Angela na bagong gising habang kinusot-kusot pa ang kaniyang mga mata. "Nagising ako sa masarap na amoy. What's our breakfast?"  "Rice, omelet and tocino." Si Vibs ang sumagot. Instant gising pati diwa ni Angela sa narinig. "Heavy breakfast?!" Bulalas niya sabay tingin sa mesa.  Bigla akong kinabahan. "A-ayaw mo ba? Magluluto nalang ako ng iba..." Sabi ko saka pupuntahan ang ref. Nakalimutan kong model pala si Angel at hindi siya pwede sa fats at calories! "No, Mikhail. It's okay! Actually, matagal ko nang gustong kumain ng heavy breakfast! And finally nangyari na ngayon!" Tuwang tuwa na sabi niya at umupo na sa dining chair.  Ngumiti naman ako dahil akala ko ayaw niya ng niluto ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.  "What's for breakfast?" Si Cresha na paparating. She's wearing sweat pants, sports bra and a jacket. Nakapusod ang kaniyang buhok. Tiningnan niya ang mesa at mukhang namangha siya sa kaniyang nakita.  "Oh! By the way..." Biglang nagsalita si Vibs kaya napatingin ako sa kaniya. "Cresha always woke up at 4:30 in the morning para mag-jogging. Kaya huwag ka na magtaka kung makikita mo siya na hindi pa tumitilaok ang manok."  "Ano pang hinihintay natin? Tara, kain na! May work pa tayo later!"  Mukhang nasarapan sila sa pagkain inihanda ko. Hindi ko akalain na gustong gusto ni Angela ang heavy breakfast although she needs to maintain her vitals because she's a model. Si Vibs naman ay walang pinipiling pagkain pero ang sabi niya, nabuburn din naman ang fats na kinakain niya dahil nagbaballet siya. While Cresha is a sporty woman kaya madali na din para sa kaniyang i-maintain ang figure niya.  "Mikhail," Tawag sa akin ni Angela. Tumingin ako sa kaniya habang nanguya pa ako. "Hindi ko malaman kung babae ka ba talaga o lalaki. Kasi kahapon, ikaw talaga ang naglinis ng mga kalat namin eh kalalaki mong tao. Ikaw pa ang naghugas ng mga pinagkainan kagabi tapos ngayon heto, nagluto ka pa ng almusal. Ang swerte ng magiging girlfriend o mapapangasawa mo."  Lumunok ako't natigilan. "Hey, Mikhail... Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Vibs. "Hala, may nasabi ba akong masama?" Si Angela na napasapo sa kaniyang bibig. "Halaaa!"  Tumingin lang sa akin si Cresha nanguya pa.  Hilaw akong ngumiti. "N-no, I'm fine. May naalala lang ako." Bigla ko lang naalala si Vhia. Ang babaeng tumapak sa puso ko. "Ganito nalang," Sabi ni Angela. "Maaga kaming uuwi mamaya. Magpaparty tayo dito. Bilang ganti sa mga pinagawa mo. Halos pagsilbihan mo na kami, eh."  "Oo nga, Mikhail. Para makilala ka pa namin." Si Vibs, bumaling siya kay Cresha. "Cresh, maaga ka naman uuwi diba?" "Hindi ko alam." Mabilis niyang tugon.  "Cresha naman," Giit ni Angela na nakabusangot na ang mukha. "Sige na... Baka gusto mong ipaalala ko pa sa iyo—"  "Oo na!" Saka tumayo na siya. "Tapos na akong kumain." Namartsa na siya palabas ng Kusina na sinundan lang namin ng tingin.  Nakapasok na ako ng kompanya. Sinundo ako ni Felix sa basement parking lot. Inayos ko ang aking salamin at nakikinig lang sa nagsasalita na lalaki na nasa harap ko ngayon. Orientation ko't unang araw ko sa trabaho.  "Dito magiging cubicle mo." Aniya at tumingin siya sa akin ng masama. "Bawal ang cellphone sa oras ng trabaho, bawal ka din pabagal-bagal ng kilos. Kapag isang tawag ka lang, bilisan mo pa lalo ang kilos!"  Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. "O-opo, sir." Sagot ko.  "Since wala ang chairman, hindi pwedeng pabanjing-banjing!" "Y-yes, sir!"  "Siya, mag-umpisa ka na." Saka iniwan na niya ako.  Umupo ako sa swivel chair at kinulikot ko na ang computer. Isang Food and Beverage ang kompanya ni papa. Kahit napinipilit ako ni papa na maging acting CEO habang wala siya ay ayaw ko pa rin. May isa pa palang kompanya si dad, construction firm. Pero mas pinili ko dito dahil tingin ko makakayanan ko dito.  "Pagpasensyahan mo na ang boss natin, ha? Feeling CEO lalo na't wala ang chairman ngayon." Biglang sabi ng isang babae na katabi ko. Tumingin ako sa kaniya. Hilaw akong ngumiti. "Ayos lang. Hindi ko nalang pinapansin." Sabi ko. "Ano palang pangalan mo? Ako si Jocelyn." "Mikhail," Sagot ko. "Nice to meet you." Unang araw ko palang sa trabaho pero pakiramdam ko parang nagtrabaho ako ng 50 years. Nakakapagod pero okay lang. As long as hindi nila ako kilala. Minsan ay nakakasalubong ko si Felix, alam kong gusto niya akong i-approach at ipakilala sa mga emplyado bilang anak ng chairman pero hindi ako pumayag. Hindi ko gusto ang spotlight. Mas gustuhin ko talagang low-profile ako sa tingin nila.  May mga naging kakilala na din ako dito sa kompanya. Inaaya naman ako na sumama sa kanila para i-welcome ako pero sinabi ko nalang na next time nalang dahil may commitment ako sa mga kasamahan ko sa unit. Ayoko namang madismaya sila.  Sumapit na ng alas singko ng hapon. Oras na ng uwian.  Tumunog ang cellphone ko. Si Felix ang tumatawag.  "Nasa likod po ako ng building, sir Mikhail." Sabi niya.  "Alright, pupuntahan nalang kita d'yan." Binaba ko ang tawag at nagmamadali akong pumunta sa likod ng building. Maingat akong pumunta doon at sinisiguro kong walang makakahalata na naglihis ako ng daan. Tanaw ko ang itim na Audi. Mabilis ko iyon nilapitan at binuksan ko ang pinto ng passenger's seat. "Sorry sa paghihintay."  "No problem, sir. Ihahatid ko na po kayo sa Unit ninyo." Saka binuhay na niya ang makina't mabilis kaming umalis sa lugar na iyon. "Kamusta po ang unang araw ninyo?" Ngumiti ako. "Nakakapagod man pero ayos lang. Atleast nakikita ko na ang reyalidad ng buhay. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko. Naisip ko lang din na maayos ang ginagawa ko dahil ayokong makuha agad-agad ang pinakamataas na posisyon kung hindi muna paghihirapan." Sabi ko't dumungaw sa bintana.  "Tiyak matutuwa ang chairman kapag narinig niya iyan, sir Mikhail."  Ibinaba ako ni Felix sa tapat ng building kung nasaan ang condo unit. Mabilis akong pumasok hanggang sa nakarating ako sa tapat ng mismong pinto ng unit. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang madilim na lugar. Kinapa ko sa gilid ang switch ng ilaw at... "Welcome home, Mikhaaaaaiiiilll!!" Sabay-sabay nilang bati sa akin na ikinagulat ko.  May mga lobo sa paligid. May nakasulat din sa 'Welcome to the Family, Mikhail!', may mga nakabalandrang mga pagkain at alak sa center table ng salas. Pare-parehong malapad ang ngiti nina Vibs at Angela habang si Cresha naman ay tahimik lang nakaupo sa single couch. Napangiti ako dahil ngayon ko lang naranasan ang ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD