Chapter 2

1963 Words
              “Ano ba talagang nakita mo sa kanya Mystina? Oo. Guwapo sya mayaman at matagal mamatay, half-filipino pa. Hot! Ok. Gets ko. Pero c’mon best friend! Ang daming mas magagandang lalaki, foreigner at mas mayaman at hot dyan na naghahabol sayo noong nag-aaral pa tayo! Ano ba talagang meron dyan sa mukhang bata na yan?!” tanong sa kanya ni Sierra sa kanya ng pumasok sa café si Volkner one week after ng muli nilang pagkikita.             Thankfully hindi nito kasama ang mga hinayupak nitong barkada. Super-saiyan mode na sya pag inimbyerna sya ng mga ito ulit.             Hinarap nya si Sierra na nakatayo sa harap ng counter at naghihintay ng order ng customer nito, “Alam mo yung all of a sudden hastily and unforeseen, all at once without a warning, nahulog ang loob mo sa kanya eleven years ago?” malungkot nyang sabi dito.             “Ay... aray. Masakit nga yan. Pero siguro kahit masakit balikan, alalahanin mo ang mga ginawang katarantaduhan nyan sa iyo. Na behind that angelic face ay isang demonyo na dalawang beses ka ng nadali. Wag ka nang magpatatlo! Kagagahan nya yan,” warning nito sa kanya bago sya humarap ulit kay Volkner na nakatitig sa labas ng shop.             Mukhang hindi sya napansin nito ng lumapit sya. Bakit ba ang sakit nung ang lapit-lapit mo na sa kanya pero bakit parang layo-layo niya? Letseng first love!             “Good afternoon sir! Welcome to Café Hellesia! Ano po ang order nila?” masayang bati nya dito.             Ngumiti naman ng matamis ang damuho ng harapin sya nito. Alalahanin mo ang mga ginawang katarantaduhan nyan sa iyo. Naalala nya ang paalala ni Sierra at bumalik nga sa kanya ang ngisi nito bago sya nito bitawan...             DIE!             “Carbonara special with garlic bread and four seasons,”             Tumango-tango sya habang inililista ang order ng damuho, “One order of  carbonara special with garlic bread and four seasons coming right up,” ulit nya sa order nito at ngumiti naman ito sa kanya.             Sige kukuha ako ng asong ulol para makipagngisian sa iyo!             “Is it me or napogi si call center boy?” sabi sa kanya ni Sierra nang makasalubong nya ito pabalik ng counter. Nginuso nito ang first customer nya weeks ago. Nananaba ito at nagkakalaman ang katawan at mukha, nababawasan na din ang itim ng eyebags, “Kukunutan lang ako ng noo nyan pag ako ang kumuha ng order nya. Ako na ang bahala dito kay demonyito, go best friend,” taboy nito sa kanya pagka-agaw ng order ni Volkner sa kamay nya.             “Good afternoon sir! Welcome to Café Hellesia! Ano po ang order nyo today?” masayang bati nya dito. Infairness tunay na masaya sya dahil naging regular customer ito kaya dapat bigyan ng taos-puso at kaluluwang ngiti.             “Ano ba ang irerecomend mo ngayon, Minay?” nakangiting tanong nito sa kanya.             Is it just me or ngayong nanaba si bruho ay parang nakita na nya ito dati. Pero hinding hindi siya ang magtatanong ng “Have we met before?” Baka sabihin pang interested sya dito.             “Hmm. Try mo sir yung cheese tahong namin dahil mukhang hindi ka pa naglu-lunch. May free unlimited java rice na sya. Samahan nyo na rin sir ng coke para masaya! Tapos halo-halo dahil mainit ngayon. Pero galing na kayo sa malamig diba? Yung chocolate cake na lang na lagi nyong inoorder, “             Nakatingin lang ito sa kanya habang naimik sya, “Ok, may tiwala naman ako sa suggestions mo,”             “One order of cheese tahong and unli-java rice and coke. Chocolate cake for dessert coming right up!” masaya nyang ulit ng order nito.             Nang makabalik sya sa counter ay nakita nyang may isang babae nang kasama sa upuan si Volkner. Super duper sexy at super duper din ang puti! Model ata ito ng glutha. Kulang na lang pati pupil nito at buhok puti na din.             “See?! SEE?! Ang galing ko ano?! Demonyo yan Mystina! Kasi demonya yung kasama!” galit na galit na sabi ni Sierra sa kanya ng dumating ito galing sa table nila Volkner pagka-serve ng pagkain ng mga ito, “Had you heard not with what my order were?” Grabe! Kailangan ko ng magsagawa ng transfusion sa sarili ko dahil naubos na ang dugo ko sa ilong sa ingles ng babaeng yan!” yamot na bulalas ni Sierra sa kanila ni Lily.             Tumawa naman ang kahera at umiling, “Fan ng speed dating yang customer na yan. Araw-araw paiba-iba ng kasama. Multi-color ang balat at worldwide ang range! Lahat ng antas ng alta-sociedad nadadala nyan dito. May poor, rich at middle. Pero lahat magaganda. Pero kadalasan mga tanga,” wika ni Lily sa kanila sabay abot ng order sa kanya ng regular customer nya, “Dalhin mo na ito doon sa fave customer mo ng tumaba pa ng konti. Ilang kainan pa nyan dito at tatalbugan na nyan si kuya speed dating,”             Napangiti naman sya kay Lily at dinala sa table ng customer nya ang pagkain nito, “Here’s your order sir! Cheese tahong and java rice. Tawagin nyo na lang po ang waiter pag gusto nyong magpadagdag pa, coke and a slice of chocolate cake! Enjoy your lunch sir!”             Ngumiti si kuya sa kanya at hindi nya maiwasang maimpress. May tinatago pala itong hitsura. Sige ilabas pa nito ng makakuha ito ng girlfriend mukhang single si kuya at subsob sa trabaho.             Nakangiti syang bumalik sa counter kung saan mukhang nag ha-hyperventilate si Sierra sa galit, “Di ko na kaya! Sub na Mystina! Sub!” pagmamakaawa sa kanya nito sabay turo sa pagkain na nakapatong sa counter, “Padala na yan doon at kung ako parin ay baka maisaboy ko ang wasabi sa mukha ni ateng feel na feel mag-english, isusumpa sya ng gumawa ng Webster encyclopedia!”             Bumuntong hininga sya at tumango. Mukha ngang makakagawa na ito ng krimen pag bumalik pa ito sa table ni Volkner.             “Here’s your order sir, ma’am. Coffee éclairs and crème brolle. Enjoy your dessert!” sabi nya sa mga ito pagkapatong ng order sa table ng mga ito.             Makakahinga na sana sya ng maluwag ng makatalikod sya sa mga ito pero hindi pa sya nakakalayo ay nakinig na lang nya na may nabasag na plato na bumagsak sa sahig.             Pag-lingon nya ay parang nagwawala na si ate, “BAKIT LASANG KAPE ANG DESSERT NA ITO?! NAPAKAPAIT?!” sigaw nito sa kanya ng lumapit sya para damputin ang piraso ng nabasag na pingan.             “Calm down Lisa. Wag kang mageskandalo dito, “nakinig nyang sabi ni Volkner sa ka-date.             “NO! NANADYA SILA DITO! SINADYA NILANG MAPAIT ANG DESSERT KO!” lalong malakas na sigaw nito.             “It’s supposed to be a bit bitter Ma’am because it’s main ingredient is coffee and dark chocolates,” mahinahon nyang sabi dito habang mabilis na nilalagay sa plastic nyang dala ang mga piraso ng pingan, “You can order another dessert if you are not satisfied,” alok nya dito sabay tayo at ngumiti sya sa demonyang nagwawala sa galit na hindi nya malaman kung bakit.             “May I suggest sugar cake if you love sweets?” magiliw nyang tanong dito.             Hindi ito nakasagot dahil parang hindi nito naantindihan ang sinabi nya at sa gulat nya ay bigla sya nitong sinampal.             “WAG MO AKONG MURAHIN! WAITRESS KA LANG AT WALA KANG KARAPATANG IPAHIYA AKO!”             Ang sakit ng pisngi nya na namamaga na ata.             “Pasensya na po kayo ma’am. Nag-oofer lang po ako ng ibang alternative sweets,” magalang nyang sabi.             SInampal sya ulit nito, “HAYOP KA NAGSINUNGALING KA PA! MINUMURA MO PA AKO SA ENGLISH!”             “That’s enough Lisa, let’s go,” tahimik na saway dito ni Volkner na naglagay ng ten thousand sa table, “Keep the change and sorry for this mess,” sabi nito sabay kaladkad sa babaeng kadate nito palabas ng café.             Huminga sya ng malalim at sinimulan na nyang linisin ang table ng mga ito. Ng pagbalik nya sa counter ay nakita nyang halos mangiyak-ngiyak na si Sierra.             “Mystina sorry! Kung alam ko lang na magwawala sya ay ako na lang sana ang nagdala nung order nila!”             Ngumiti sya dito at umiling, “Ayos lang yun, buti nga hindi ikaw ang napag-abutan at baka nasakal mo sya. Ganyan talaga sa trabahong ito Sierra. Keep smiling and keep calm kahit gusto mo ng ubusin ang kilay ng customer... wag kang umiyak at ayos lang ako. Mas masakit dito ang sampal ni ate,” lumingon sya sa ate nyang nag peace sign sa kanya.             Kumindat ang ate Stellar nya at bumalik na sa kitchen. Mukhang tuwa ito at nacontrol nya ang galit nya.             Kung sa normal na pagkakataon ay pinatulan nya ang babae. Pero dahil nasa trabaho at hamak na waitress lang ang work nya, kailangan nyang magtiis.             Napatingin sya sa fave nyang customer na nakaway na sa kanya. Dali-dali syang lumapit dito at inabot ang receipt.             “Thank you sir! Come again!” masayang sabi nya ng bigyan sya nito ng tip.             Tumango ito at ngumiti,”Sure. Pwede Renz na lang itawag mo sa akin?”             “Sige po Sir Renz!”             Napakamot ito sa ulo at ngumiti sa kanya ng maliit bago lumabas ng café.             Ok lang kay Mystina kahit masampiga ng isa, basta napapasaya at napagsisilbihan nya ang karamihan ay solve na sya. -0-             “Monochrome ata ang theme ni sir ngayon ah!” puna ni Sierra sa dalang date ngayon ni Volkner.             Isang maitim na babae na halatang model dahil sa milya-milyang haba ng legs nito.             “The original nitty-gritty,” sabi ni Mystina kay Sierra.             Hinarap sya nito na nakakunot ang noo, “Nitty-gritty?”             “Nenita Negrita. Tingnan mo ang mukha,” sabi nya sabay turo sa mukhang sobrang puti naman ng foundation, “Isa syang buhay na crinkles! Hay, nawa naman ay maligtas ang mukha ko ngayon sa dusa,” hiling nya dito sabay punta sa table ng mga ito.             “Good morning! Welcome to Café Hellesia! Ano po ang order nila?” masayang bati nya sa mga ito.             Mukha namang medyo ilag sa kanya si Volkner at hindi ito makangiti ngayon sa kanya, “Two servings of Pasta Italia, orange juice and coffee jelly,” mabilis nitong sabi.             “Two servings of Pasta Italia, orange juice and coffee jelly coming right up!” ulit nya sa order ng nito sabay sibat papunta sa counter.             “Ok, so far so good,” sabi nya kay Lily pagkaabot ng order ng mga ito. Nakita nyang pumasok si Renz, “Pupuntahan ko lang si Sir Renz ha? Try ko din kung ako na ang mag serve ng order nila,” paalam nya sabay mabilis na pinuntahan si Renz na nakangiti ng nag-aabang sa kanya.             Anong problema kaya nito? Nag-dadamit na ito ng maayos at mukhang natuto nang magsuklay. Tumataba na din ito at wala na halos eyebags pero mukhang night-shift parin ito. Tama si Lily, kaunting kaunti pa at talbog na si Volkner dito.             “Good Morning Sir Renz! Welcome to Café Hellesia! Ano po ang kakainin nyo ngayon?” magiliw nyang bati dito.             “Choclate cake, Spicy Beef Soup and a glass of water,” mabilis na tugon nito.             Isinulat nya ang mga order nito habang inuulit dito, “It will be serve in fifteen minutes sir.”             “Sure. Pwede ka bang makausap ng kahit ilang minutes lang after you served my food?” pakiusap nito sa kanya sabay lingon sa paligid, “Kakaunti pa lang naman ang customers,”             “Ipagpapaalam ko lang po sa Supervisor ko,” sagot nya dito sabay balik sa counter.             Ano kaya ang problema nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD