Chapter 4: The Way

1102 Words
Chantalle Amadeo "Thanks, Dillon." Sabi ko kay president na personal pa talagang hinatid sa akin ang bag ko. "Wag ka nga mag-thank you. Guilty nga ako kasi nahawaan ata kita ng sakit ko." Nag-aalangan niyang pag-amin. "Ano ba, napagod lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya bumigay ang katawan ko. Don't worry bukas papasok na ako." Nilabas ko ang ngiti kong two days ko nang hindi pinapakita. Nakakulong lang ako sa kwarto ko at umiiyak buong araw. Pumunta si mommy kahapon pero hindi ko siya pinapasok. Kinatok din ako ni daddy para kumain sabi ko busog pa ako. Iniisip nila sila ang dahilan nang pagkukulong ko. Well, part of it but they didn't know the whole story why am acting like this. "Sige, aalis na ako." Pagkalabas ni Dillion pumasok naman si daddy. Kinuha niyang opportunity na may dumalaw sa akin para makapasok siya sa kwarto ko. Umupo siya sa may gilid ng kama ko. "Anak," "Dad, I don't want to talk." "Kung kami ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, please naman Ci, wag mong gawin sa amin 'to. Mahirap na ang pinagdadaanan namin ng mommy mo, wag ka nang dumagdag pa sa problema." Offending 'yung sinabi niya pero hinayaan ko na lang siya. Sa katunayan nga niyan naaawa ako kay daddy. Siya ang ayaw makipaghiwalay kay mommy pero dahil sa sobra niyang pag-iinom kaya may rason din si mommy na mawalan ng amor sa kaniya. "Dad, I'll be alright. Just leave me for now. Hindi na ako magiging pabigat sa inyo." *** Robot. I felt like a robot. Pumasok ako ng university na parang walang nangyari sa akin. Taas noo at nakangiti akong naglakad sa hallway. May mga kumakausap sa akin, kumakaway at bumabati. Ang kinakatakutan ko lang sa paglalakad ko eh makasalubong ko si Prof. Adolfo o may marinig akong usap-usapang hiwalay na kami ni Arden. Paniguradong pag may isa mang mangyari sa kinatatakutan ko baka magbreakdown na lang ako dito. Robot na nag short circuit.  "Ms. Amadeo,"  Kakasabi ko lang. Paglingon ko nakita ko si Prof. Adolfo na papalapit sa akin. Nakangiti siya na para bang hindi nangyari 'yung isang gabi. "How are you? You've been out of school for two days. Are you sick or is it about Arden?" What the hell! Just like that. Para siyang bombang ihinagis sa akin. Wala akong masabi o magawa. Para akong hihimatayin na lang sa sandaling 'yon. "Chantalle!" May tumawag sa pangalan ko. Wala akong lakas ng loob na lingunin kung sino man ang tumawag sa akin kasi sa panrinig ko parang si... "O-owen?" Nagtataka kong sabi. The last time he approached me like that was when we were still in highschool.  Inakbayan niya ako at isinabay sa paglakad niya. May pakanta-kanta pa siyang nalalaman. "Ang bigat  ng braso mo." O mas ayos na sabihin na ang 1/3 ng katawan niya nakapatong sa balikat ko. Sa tangkad niya kasi kailangan niya  talagang yumuko para makaakbay sa akin. Sa huli kong pagkakaalam, 5'11" ang tankad niya. Ngayong college baka higit pa sa 3 inches ang tinangkad niya. At sa tangkad kong 5'7", kahit na ba pang-model na ang height ko, para pa ring maliit ako pagkatabi ko siya. "Pinagalitan ka ba ng panot na professor na 'yon?"  Si Prof. Adolfo ang tinutukoy niya. Napalingon ako sa kaniya. Kaunting dikit pa niya malalapat na sa mukha ko ang leeg niya. Amoy ko sa distansyang ito ang shaving cream niya at cologne. Mukhang kakaligo niya pa lang. Tumikhim ako pero hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya. "Hindi naman niya ako pinapagalitan. At bakit feeling close ka na naman?" Matagal na noong huli kaming naging ganito kalapit sa isa't isa. I used to see few acne back then, now it was a bit unfair that even though there was a few stubble beard on his face, I can still say that his skin is way smoother than girls' skin.  His eyes were the same as always, playful and expressive. Mukha pa rin siyang babae dahil sa kagandahan niya pero nag improve talaga ang hubog ng panga, ilong at cheekbones niya.  It made him look like strong and manly. Things I was looking for before when girls go gaga on him. Ngayon masasabi ko nang legit naman talagang pagkaguluhan siya ng mga babae. "Close naman tayo dati ah?" Lumingon siya sa akin.  Napahinto kami sa paglalakad. Marahil nagulat din siya sa pagtatama ng ilong namin. Aatras sana ako kaso lang nakapatong pa rin ang braso niya sa balika ko. Pagpumalag ako paniguradong magdidikit hindi lang ilong namin kun'di pati labi. "Eskimo kiss," Ngumisi siya bago lumayo sa akin. "Pero niligtas kita sa kaniya 'di ba? Kita kasi sa paninigas mo kanina na takot ka sa kaniya." Yeah, he saved me but I won't admit it to him. "Kung kiss nga ang tawag mo doon, pwede kitang sampahanng harassment--" Napatigil ako sa pagsasalita ko dahil naalala ko namana ang gabi sa SC room. Bakit hindi ko magawang sabihin ang ganitong bagay ng mga oras na iyon? "Sa gwapo kong 'to imposible mo akong kasuhan." "Ang hangin mo talaga kahit kailan." Tinulak ko siya. Binilisan ko ang paglalakad ko. Kala ko sinundan niya ako. Kala ko lang pala. Napailing na lang ako at madaling nagpunta sa classroom. *** Nagpapasalamat ako na nakukuha ng pag-aaral ang atensyon ko. Kahit papano hindi ako nag-iisip nang mga bagay na pinoproblema ko. Ang kaso nga lang mas malakas ang tawag ng kalikasan kaysa sa focus ko, lumabas ako sa classroom para magpunta sa restroom. Sa hallway na tahimik naabutan ko si Arden. Kung hindi nga naman ako iwan-iwan ng mga multo ko sa buhay. Balak kong bilisan na lang ang paglalakad ko kaso lang nasa may tapat ng restroom mismo si Arden. Parang may kinakausap siya. Tapos bigla na lang siya pumasok sa restroom ng babae. Napalingon ako sa paligid baka may ibang nakakita. Pero mala ghost town ang hallway sa tahimik.  Maya-maya may lumabas na babae. Galit. Sumunod sa kaniya si Arden, hinahabol niya ang babae. Tinawag niyang babe. Tinawag niyang ano? "Ci?" Gulat na gulat niyang tanong. Hindi malaman kung ako ba ang lalapitan o ang papalayong babae. Ako? Basta ako, tiningnan siya na parang nasusuka ako. "Lumapit ka pa sasaktan na talaga kita." "Let me explane, Ci!" Hindi ko na siya pinakingan nagtatatakbo na ako papaalis ng building. Mali talaga itong desisyon kong pumasok eh. Ngayon puro sakit ng ulo at puso ang napapala ko. Hinahabol niya pa rin ako pero minadali ko ang paglalakad. Sa di kalayuan nakita ko uli si Owen. Simula mag collage ako parang hindi na siya nage-exsist sa buhay ko pero ngayong araw na 'to, dalawang beses ko pa siya nakita. At sa pangalawang pagkakataon ng buhay ko, gagamitin ko siya. Hinila ko si Owen pababa para magkasalubong ang mga labi namin.  Hindi lang si Arden ang pwedeng maglaro dito. Ako rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD