chapter two

1631 Words
Nauna akong nagising kaysa kay Archie. Kailangan ay mas maaga pa akong magising sa kaniya dahil magluluto pa ako ng almusal namin. Yes, dito ako nakatira sa unit niya dahil na din sa mas malapit ang bahay niya sa ahensya kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Noong una pa nga ay inofferan ako ni Madame Eufemia ng isa pang unit para doon nalang daw ako tumira pero tumanggi ako. Dagdag gastos pa. At saka, harmless naman si Archie kahit na suplado ang isang 'yon at matalas ang dila. I'm still wearing black racer back shirt and sweat pants. Nakapusod ang buhok ko para maging komportable ako. It's quarter to six in the morning na, paniguradong tulog pa ang isang 'yon. Kung ako ay mahilig sa heavy brekafast, si Archie naman ay hindi. Madalas kasi siyang walang gana kumain tuwing umaga. Naging ganoon lang ang isang 'yon buhat noong pumasok na siya ng kolehiyo. Siguro dahil sa rush hours para pumasok kaya madalas ay nakakalimutan na niyang kumain ng marami. Tuna omelet, fried rice at longganisa ang mga niluto ko. Sakto na lumabas na din siya sa kaniyang kuwarto. Tamang-tama din dahil nakapagtimpla na din ang usual coffee niya. Mabuti nalang ay nakuha ko din ang tamang timpla ng paborito niyang kape. "Good morning, kain na." nakangiting aya ko sa kaniya nang nakarting na siya dito sa Dining. Tumango lang siya saka umupo. Nakahanda naman ng mga plato at kurbyertos sa mesa kaya kulang nalang ay kumain na. Nilapitan ko siya para ipatong ang tasa ng kape sa kaniyang tabi. "Thanks," wika pa niya. Ngiti lang ang naisagot ko. Umupo na din ako nag-umpisa na din ako kumain. "Nga pala, medyo gagabihin ako ng uwi, ha?" paalam ko sa kaniya. Tumigil siya at tumingin sa akin. "Aasikasuhin ko pa ang kaso noong nakaraang araw pa. Kasong murder." "So, sa headquarters ba kita ihahatid niyan?" tanong niya. Agad akong umiling. "Una ko munang dadaanan 'yong laboratory para sa autopsy ng biktima. Pagtapos dadaan ako ng headquarters para naman makakuha ng mga iba pang impormasyon." "I see, ihahatid nalang kita sa laboratory na sinasabi mo." saka ipinagpatuloy pa niya ang kaniyang pagkain. "Salamat." "Jaycelle," seryosong tawag niya sa akin. Muli ako tumingil sa pagkain saka tumingin sa kaniya na may pagtataka. "Susunduin kita mamaya kahit na ginabi ka na dahil sa trabaho mo." Tipid akong ngumiti. "Naku, nakakaabala na ako niyan, Archie. At saka, alam ko naman na mas marami ka pang aasikasuhin dahil sa kompanya-" "Mas importante pa sa akin ang kalagayan mo." Ngumuso ako at tumango. Sinyales na wala na akong magagawa pa. Hindi ako pwede makipagdiskusyon sa isang tulad niya. He's a dominant and initmidating boss! "Basta itext mo ako o tawagan kapag susunduin na kita." "Opo..." *** "Here," sabay inabot sa akin ang folder na naglalaman ng autopsy report. Binuklat ko iyon saka binasa. May nagtagpuang lason sa katawan ng biktima. A dangerous one. Mayroon ding tatlong bala ng baril din na nakasulat dito. Ibig sabihin, hindi pa kuntento ang suspek sa paglason niya sa biktima, binaril pa niya. "Salamat," sabi ko sa nakausap ko na nag-abot ng resulta. Biglang tumunog ang cellphone ko. Isa sa mga kasama ko sa trabaho. SPO1 Galdulce ang caller. Hindi ako nag-atubiling sagutin iyon. "Yes, Galdulce?" "Detective, may natagpuan kaming bata dito. Sa tingin namin ay nawawala siya. Hindi namin siya matanong ng maayos, eh." Tumango ako kahit hindi nila makita 'iyon. "Oh sige, papunta na rin ako d'yan. Bantayan ninyong mabuti ang bata." pinatay ko din ang tawag. Bumaling ako sa professor na nakaharap ko. Ngumiti ako. "Mauuna na po ako, kailangan na din ako sa HQ." Ngumiti siya pabalik. "Oh sige, mag-iingat ka." Mabilis akong nakalabas sa laboratory. Dinaluhan ko ang police car na hiniram ko kanina. Dahil wala akong kotse, tyaga na muna ako dito. At saka, nasanay na kasi ako sa sasakyan ni Archie. Kahit na inooffer din niya minsan na bilhan niya ako sa sasakyan ay tumatanggi pa rin ako. Hindi rin nagtagal ay dumating ako sa HQ. Agad ko dinaluhan kung saan nakapwesto si SPO1 Galdulce. Natigilan ako nang makita ko ang isang batang babae na nakaupo sa tabi ng desk. Tahimik itong naglalaro ng kaniyang manika. Tantya ko ay apat na taong gulang ang batang ito. Nakasukblit ang kulay pink nitong back pack sa kaniyang balikat. Kinausap siya ni Galdulce pero mukhang ayaw siyang pansinin ng bata. Bumunga ako ng hininga at nilapitan na sila ng tuluyan. Mukhang napansin ni Galdulce ang presensya ko. Agad siyang tumayo at nagbigay pugay sa akin. "Detective..." Ngumiti ako. "Anong nangyari?" tanong ko. Nilapat niya ang kaniyang tingin sa batang babae. "Nakita ko kasi siyang nakatayo lang sa gilid ng building kung saan kami rumoronda ni Calaptan, hindi naman siyang tambay o ano. Kasi maayos naman ang kaniyang pananamit. At saka, mas ipinagtataka ko kung bakit nakayapak pa siya nang makita namin." inilabas niya ang kaniyang cellphone at ipinakita niya sa akin. Tinanggap ko 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang litrato. "Ayaw niyang ipakita sa amin ang laman ng bag niya para malaman namin kung may lead kung saan siya nakatira. Pero nang makita ko iyan, umiba ang kutob ko, Detective. Kaya kinuhaan ko nalang ng litrato." "Dugo ito." kumento ko habang nakatitig pa rin ako sa litrato. Bumaling ako sa batang babae na patuloy pa rin sa paglalaro ng kaniyang manika. Ibinalik ko din kay Galdulce ang kaniyang cellphone. Humakbang ako palapit sa bata. Yumuko ako para maging magkalebel kami. Doon ay tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Pwede bang malaman kung anong pangalan mo?" Ilang segundo siyang nakatitig sa akin. "Nell," she finally answered. "Pwede bang malaman kung nasaan ang mama mo?" malumanay kong tanong sa kaniya. "With Maisie!" I'm kinda surprise, she cheerfully answered me. Nagawa din niyang sagutin ang tanong kong iyon. Mas lumapad ang ngiti nang nagawa niyang dugtungan pa niya ang kaniyang statement. "Sabi ni mama, magkikita daw kami sa paborito niyang resto... Tumalon ako!" Nakatitig lang ako sa kaniya nang matagal. Magulo pero parang iba na din ang kutob ko. Bumaling ako kay Galdulce. "Wala bang nagreport na may nawawalang bata?" Napakamot siya ng ulo. "Chineck ko na din po sa ibang HQ pero wala naman daw silang natanggap na report na may nawawalang bata." tugon niya. Napaisip ako. Muling pumukaw ng aking atensyon ang kaniyang bag. Nagbabakasaking may makuha kaming ebidensya kung saan siya nakatira. Ang kaso, mukhang hindi niya ibibigay sa akin ang bagay na iyon. Ipinasok ko ang isnag kamay ko sa bulsa ng aking coat. Naglabas ako ng isnag chocolate bar at inoffer ko sa kaniya iyon. Natigilan siya sa nang makita niya ang pagkain na hawak ko. "Baka gusto mo ito, kapalit ang bag mo." As my expected, ganoon nga ang nangyari. Kapalit ng chocolate ay binigay niya sa akin ang back pack niya. Agad namin nilabas ni Galdulce ang mga laman n'on. Napabuntong-hininga ang kasama ko nang wala kaming makitang bagay na magiging lead kung saan nakatira ang bata. Crayons, isa pang stufftoy, drawing book, suklay at salamin ang laman ng bag. Muli ako bumaling sa batang babae na masaya nang kumakain ng chocolate bar na bigay ko. May sumagi sa isipan ko na isang ideya. "Galdulce," tawag ko sa kaniya. "P-po?" "Sa akin muna ang batang ito. Ako na muna ang bahala sa kaniya hanggang sa malaman ko kung saan ang mga magulang niya." seryoso kong sabi. "Kapag nakasagap ako ng impormasyon, tatawagan agad kita." *** Nagbayad ako ng fare sa taxi saka bumaba na kami ng batang babae na nangangalang Mia. Dire-diretso kaming pumasok sa matayog na gusali kung nasaan si Archie. Good thing, available siya ngayon at walang meeting, ayon 'yon sa reception at sa sekretarya niya. Binuksan ko ang pinto at tumapak kami sa opisina niya. Hawak ko ang isang kamay ni Nell. "Gusto mo daw ako makita?" wika niya saka humarap sa akin. "Medyo urgent kasi ito, Archie." seryoso kong sagot. Umupo siya sa kaniyang desk at humalukipkip. Tumaas ang isang kilay niya nang makita niya ang kasama ko. Sa akin naman siya tumingin na may pagtataka. Parang humihingi siya ng kasagutan sa mga tingin niyang iyon. "Who is she?" Agad nagtago si Nell sa likuran ko, marahil ay natatakot ito sa lalaking nasa harap namin. "Nawawala siya, Archie. Wala kaming makuhang lead kung sino ang mga magulang niya o saan siya nakatira." Nanatili lang siyang nakatingin sa akin nang tahimik. Huminga ako ng malalim. "Kukuha sana ako ngpahintulot mo na kung okay lang na mag-stay muna siya sa unit mo?" Kumunot ang noo niya. "Do you think my unit is an orphanage? Bahay ng mga nawawalang bata? The last time I checked is, you're a detective, not a social worker." "Magse-stay lang naman siya, hanggang mahanap namin ang mga magulang niya. Iyon lang naman ang pabor na hinihingi ko." Taas-noo niya kaming tiningnan. Muli siyang tumingin sa bata. "May trabaho ako, may trabaho ka din. Sino ang magiging kasama niya sa unit kung ganoon?" Napalunok ako. Bakit hindi ko man lang naisip ang magiging tendency na 'yon kapag nagkataon? s**t, shunga ka na, Jaycelle! Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Fine, I'll call for an on call maid para may makasama ang batang iyan." saka nilabas niya ang kaniyang cellphone. "Just be sure hanggang sa mahanap mo ang mga magulang niyan." Dahil sa tuwa ay hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitan siya at niyakap ko siya ng mahipit. Alam kong nagulat ko siya sa ginawa ko. "Thank you, Archie!" bulalas ko dahil sa tuwa na aking nararamdaman. "Y-you're welcome..." Kumalas din ako ng yakap sa kaniya. Nawala ang ngiti ko nang makita ko na namumula ang mukha niya. "A-anong nangyari sa iyo? May sakit ka ba? Lalagnatin ka ba?" sunod-sunod kong tanong. "Dalhin na kita Ospital kung ganoon." Umiwas siya ng tingin. "I... I'm fine... Don't mind it." bakit parang nanghihina siya sa lagay na 'yon? Tumikhim siya pagkatapos. Umayos ang tayo at tumalikod na siya sa amin. "Ahma called. Gusto daw niya tayo makita mamaya kung ayos lang daw." Napaawang ang bibig ko. "Oh, okay..." ang tanging nasabi ko. Bakit bigla kami pinapatawag ni Madame Eufemia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD