CHAPTER 01

1553 Words
"Welcome back to the Philippines anak!" masayang bati sa akin ni Mommy pag tungtong ko palang sa Airport.  Muli kong sinuot yung sunglass ko. After 5 years ngayon nalang ulit ako nakabalik ng Pinas.  Hindi ko masabi na malaki ang pinagbago ng bansang ito dahil bata pa naman ako nang isinama ako ni Mommy para sa business namin sa Italy.  Wala eh,  bunso. Ayaw ni Mom na mapalayo sa'kin kaya sinama nalang n'ya ako.  Nag aral ako sa isang International school sa Italy,  marami din akong kaibigan doon na Pinoy kaya naman kahit nandoon ay naging fluent pa din ako sa Tagalog.  Hindi ko masyadong inaral ang language ng Italy dahil nga International school ay English ang primary language. Hindi rin naman ako palakaibigan sa mga Italyano dahil di ko sila bet.  Aside sa ilang Italyanong naging boyfriend ko. Tapos may Pinoy din,  kaklase ko pa.  Hmm siguro Grade 8 ako nung naging Jowa ko yung Pinoy habang grade 9 naman do'n sa ilang Italyano.  It's nothing serious naman,  fling fling lang ganon..  Tapos siguro weeks lang ang tinagal. Grade 10 na ako this coming school year,  at dito na 'ko sa pinas mag aaral!  Nakaka-excite.. Bagong environment, bagong culture.  Mahal ko ang Pilipinas kaya masaya ako na bumalik.  "Abby!" salubong sa'kin ni Lally,  best friend ko. Malapit ako sa kanya dahil madalas din sya sa Italy. Apo siya ng kasambahay namin pero dahil malapit ako sa kanilang mag-ina ay nirerequest ko kay Mommy na papuntahin sya sa Italy. Pumupunta sila do'n kasama si Kuya at ang ilan kong pinsan para magbakasyon at dalawin ako.  Ka tats!  Nag kunwari ako na hindi sya nakita at dire-diretsong naglakad palabas ng Airport kung saan nando'n yung sasakyan na nag aantay sa'min.  "Hoy,  Abigail Atienza! Kala mo kung sinong maganda 'to kaloka. Galing lang Italy e." natawa naman ako,  muling humarap sa kanya,  ngumiti at saka sya sinalubong ng yakap.  "Lally na miss kita!" saad ko at niyakap sya ng mahigpit.  Sinira ni Mommy ang moment na 'yon nang tawagin nya kami dahil paalis na daw.  Saglit lang naman yung byahe mula sa Airport tungo sa bahay, nilibang ko lang ang sarili ko habang nag ba-brows sa ** tapos twitter tapos ** ulit.  Napangiwi ako ng makita ang post ni Anthony, one of my ex you know?  And girl,  he's with his so called 'Forever'. Paka-jeje.  Sayang lang at hindi alam ng mga taga-Italy ang ibig sabihin ng Jeje,  madami pa naman akong kilalang jeje do'n. Chinat ako nung huli kong Jowa-jowaan.. Bale,  jinowa ko sya tapos bigla akong umuwe ng Pinas at iniwan sya. Kaloka naman kase sis! Jammeng si Koya!  'You're the most prettiest girl I've ever seen' Ayan, ganan siya bumanat. Kasuka.  Di ko na pinansin yung message niya,  tatanongin lang no'n kung nasaan ako,  bakit ko siya iniwan,  babalik pa ba ko,  balikan ko sya at mag papakamatay siya pag nawala ako sa buhay nya,  tsaka ako babanatan ng Rosas ka ba?  Echos.  Di uso 'yon sa Italy. Sinalubong kami nung mga katulong namin para kunin ang mga baggage namin at iakyat na nila.  "Init sa Pinas." Mahinang daing ko pero narinig naman 'yon ni Lally at agad na siniringan ako.  "Tanggalin mo kase 'yang coat mo.  Arte neto." parang palengkera talaga 'yang si Lally..  Masyadong nag papaimpluwensya sa mga kaklase tapos iniimpluwensyahan ako kaya eto 'ko ngayon.  Kala mo laking Pinas.  "Eto na ba si Abby?  Ang laki-laki mo na,  ang gandang bata." Hindi ko makakalimutan ang taong nag alaga sa'kin kahit hindi naman kami magkadugo.  "Namiss kita Nanay." Saad ko sa mahinahon na boses at saka yumakap sa kanya. Dalaga palang siya ay naninilbihan na sya sa amin, siya ang Lola ni Lally.  "Sows! Kunyari mahinhin!" komento pa ni Lally bago naglakad papasok ng bahay. Natawa naman si Nanay at sabay kami na naglakad papasok habang si Mommy ay may inaayos pa sa kotse.  Dumiretso ako sa sala habang sila ay hindi ko alam kung saan ng punta,  si Nanay dumiretso na ng kitchen.. Si Lally ay dumiretso yata sa kwarto nila.  Napangiti ako ng matanaw si Kuya na nakahiga sa sofa,  may hawak na lapis at notebook.. Malalim ang iniisip na para bang may binubuong libag sa utak.  Hinubad ko na yung coat ko,  init nga naman kase.  Ibinilog ko 'yon at saka marahas na ibinato kay Kuya na agad na napatayo sa inis habang ako'y hagalpak ang tawa.  "Abby?!" nakakunot ang noong tinignan nya ako at saka ibinato sa'kin yung coat na sinalo ko naman.  "Galet na galet?!" pang aasar ko pa habang tumatawa pa 'din.  Bumalik sya at couch at hindi ako pinansin kaya naman lumapit ako. "Di mo 'ko na miss?" i pouted. "Ba't kita ma mimiss e kakikita lang natin 2 weeks ago.  Sawa na 'ko sa mukha mo." saad nya at hindi manlang ako tinignan.  Oo, pabalik balik yan ng Italy na para bang nangagapit-bahay lang.  Humiga ako at ipinatong ang paa sa lap nya,  naka boots pa ko.  Hindi naman sya nag react.  Okay lang sa kanya 'yan.  I sigh.  "Hindi na ko sanay dito." saad ko at tinignan ang kabuoan ng bahay.  "Oh? Pumayag na si Leosito?!" halos masamid ako nang marinig ko si Kuya na may kausap pala sa telepono?  Ano daw?  Leosito?  Shocks ang jologs ng name ah.  "Good,  good.  I'll see you tomorrow." saad nya at malaki ang ngiting ibinaba ang telepono. Tinignan ko lang sya nang nakakunot ang noo.  Tinaasan nya ako ng kilay.. Hindi ko alam pero unti unting nagrehistro sa utak nya na ginawa ko syang patungan ng paa.  Agad na kumunot ang noo nya at marahas itong kinabig at tumayo.  Natawa lang ako. "Panget mo Andrew!" habol ko pa sa kanya na paakyat na, para bang mag kaedad lang kami kahit na 25 na sya.  Umiling nalang ako, Ganyan naman yan si Kuya, hindi kami close.  Pakiramdam ko ang layo layo nya sakin. Hindi talaga sya Ideal Kuya.. Ang sungit nya,  parang si Daddy.  Ako na nga yung madalas na lumalapit sa kanya at ginugulo sya pero kagaya ng nakita n'yo kanina,  wala talaga s'yang kwenta. Andrew Atienza,  ladies and gentlemen. Echos. Di bagay name nya sa kanya.  Nangmaayos na ang gamit mo ay hindi agad na isinalampak ko ang sarili ko sa kama.  Gusto ko pa sanang bumaba para makipag biruan sa mga nandito dahil miss ko sila pero sobrang pagod ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng hindi manlang nagpapalit.  Fresh from Italy pa yung damit na suot ko.  Ugali ko na maligo muna bago lumabas ng kwarto.. Pero madalas ay wala akong ligo dahil sa klima ng Italya na hinahanap-hanap na ngayon ng katawan ko.  Ang hot ko--este ng klima sa Pinas.  Excited ako na simulan ang araw na 'to. Gagala ako! Malls,  bars,  kung saan-saan.  Sama ko ba si Lally?  Killjoy no'n men! Kaya lang wala naman akong ibang friends na pwedeng sumama sa'kin.  Kainis.  "Drew pano yung tono ng part na 'to?" dinig ko na boses ng isang di pamilyar na lalaki habang pababa ako ng hagdan.  "Wala pa ngang lyrics yan!  Ang kupad kase ni Leo!" natatawang sagot naman ni Kuya.  Sila-sila lang ang tao sa sala, malamang na nasa garden si Mommy at nasa kusina naman sila Nanay.  Si Daddy,  umuwe kagabi pero di ko na naabutan dahil nakatulog ako.  Ewan ko kung nasa'n sya ngayon.  "Oh,  kapatid mo Drew?" natigilan ako nang ituro ako ng isa sa kanila.  Lima sila ngayon na nagkakagulo sa sala. Ang daming papel na nag kalat at ang isa sa kanila ay may hawak ng gitara,  ang isa naman ay naka earphones habang kapansin-pansin ang makisig na lalaking tahimik na nag susulat sa sang sulok.  Napatingin sa'kin si Kuya at saka tumango.  "Oo,  si Abby." maigsing sagot nya at agad naman na napalingon silang lahat sa akin maliban sa lalaking tahimik na nagsusulat sa gilid.  Nakatingin ako sa kanya at inaantay na mag angat ng ulo pero hindi nya ginawa.  Epal.  "Hi." tipid na bati ko.  Nag iwas naman ng tingin si Kuya at kinuha ang gitara sa kamay ng kasama.  "Hi Abby, ang cute mo naman!  Ako si Kuya Samuel." saad nung lalaking madaldal at makulit.  Maputi,  medyo singkit ang mata,  matangkad at maskulado.  Tipid na nginitian ko lang sya,  cute ako?  Tss. "Kuya Felix nalang." saad nung naka earphones kanina at tinaguan ako.  "Grant here!  Ako pinaka bata dito,  wag mo na kong i-Kuya." Mukha chic boy si Kuya Grant at kinindatan pa ako. Isang papel naman ang tumama sa mukha nya mula kay Kuya Andrew.  Inaantay kong mapakilala yung lalaking pogi do'n sa dulo e.  Wala lang,  dadagdag mo sana sa collection of Oppas ko.  Baket ba? Napansin yata nila na tinitignan ko yung lalaki sa dulo na nag susulat.  Nagkatinginan naman silang lahat maliban dun sa lalaki at kay Kuya na parehong busy. "Oy Leo!" Tawag ni Kuya Samuel dito. Ewan ko pero nakaramdam akong excitement nang marahan nyang iniangat ang ulo nya at nagtatakang tinignan si Kuya Samuel. Inginuso ako ni Kuya Sam kaya naman agad na napalingon si Kuya Leo daw.  Mas na excite ako nang maglakad siya papalapit sa'kin.  Ang kisig niya,  lalaking-lalaki at bes!  Ang gwapo niya grabe. Kung pagbabasehan ang pisikal ay mukha siyang 22, mas mukha pa ngang matanda si Kuya Grant e.  Inilahad nya ang kamay nya sa'kin.  "Leosito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD