bc

Make That Gangster Fall

book_age16+
589
FOLLOW
2.7K
READ
revenge
arrogant
gangster
serious
bold
brilliant
ambitious
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

Hindi kailanman naging madali ang buhay ni Naomi. Simula noong mamatay ang kaniyang ama ay nakalimutan na rin sila ng kanilang ina. Sa kagustuhang makatapos ng kolehiyo ay pumayag siyang paaralin at suportahan ng kaniyang kasintahan na leader ng isang gang. Ramdam niya na mahal siya nito dahil sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ng kasintahan, kaya naman hindi niya lubos maunawaan kung bakit siya inutusan nito na makipag-date sa kaaway nitong gangster.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ayoko na," lakas loob na saad ko nang makalapit sa kaniya. Sinikap kong itago ang emosyon ko at magpakatatag dahil alam kong magiging defense ko 'yon mula sa kaniya. Kunot noong humakbang siya palapit sa akin. "Anong ayaw mo na?" seryoso pero halata ang pagkairita na tanong niya. "Ayoko nang lokohin si Ryo, Jeuz," sinikap kong mas tatagan ang boses ko. Nasa lote kami malapit sa university na pinapasukan ko. "Baliw ka ba? Ngayon ka pa titigil? Konti na lang, Naomi. Ano ba'ng iniisip mo?!" aniya na may halong pangungumbinsi. Ilang beses akong napalunok habang pinananatili ang tingin sa baba pero sinisikap pa rin na i-angat ang ulo ko. "Nakokonsensya na ako--" Halos mapantalon ako nang marinig ang malakas na murang binigkas ni Jeuz. Sandali akong napapikit lalo na nang bulyawan niya ako. "Nakokonsensya o nahuhulog ka na sa lalaking 'yon?!" galit na saad niya. Hindi agad ako nakasagot dahil tila ba nabarahan ang lalamunan ko ng katotohanang iyon. Sa totoo lang, maging ako'y hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Mahal ko si Jeuz, sobra, pero bakit ganito ang nararamdaman ko kay Ryo? "Ano, Naomi? Sumagot ka!" "Wala ka na sa anumang dahilan ang mayro'n ako. Mayro'n akong karapatang tumanggi at itigil na ang lahat ng 'to dahil napapagod na ako, Jeuz," mariing tugon ko, umaasa na maiintindihan niya pero hindi. "Wala kang karapatan dahil ako ang bumubuhay sa 'yo, at halos sa pamilya mo kaya kung ano'ng sabihin ko, dapat gawin mo!" Napaluha na lang ako sa katotohanang 'yon. Hawak niya ako sa leeg. Kontrolado niya ang buhay ko pati na rin ang mag desisyon ko. "Jeuz..." "Tandaan mo, Naomi. Kaya kong gawin ang anumang gustohin ko sa pamilya mo, sa 'yo at lalo na sa kapatid mo," aniya. Na ikinatigil ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagbantaan niya ako ng ganito. Matagal na kaming magka-relasyon at hindi ko inaasahan na maririnig ang mga pagbabantang iyon mula sa kaniya. "Nami?" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad na dumaloy ang kaba maging ang kirot sa sistema ko. Alam kong nasa likod ko siya ngayon at ayoko siyang lingonin hangga't maari. Pero wala akong mapamimilian. Marahan akong humakbang para humarap sa kaniya. Kasabay n'on ang biglaang pag-ihip ng hangin at tumangay sa buhok ko. Sa tingin ko'y uulan dahil sa pagiging kulimlim ng paligid. Para akong sinaksak nang tumama ang mata ko sa mga mata niya. Sa mga mata niyang puno ng pagtataka at mga katanungan. Katanungang kagaya ng, bakit ako nandito ngayon? "Ryo..." mahinang usal ko sa pangalan niya. Dala ng hangin ay naramdaman ko ang mabilis na pagkatuyo ng mga luhang kanina'y tumulo sa pisngi ko. "A-ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. Sa pagkakataong ito'y hindi niya suot ang masamang aura niya. Ang tanging nakikita ko ay ang Ryo na nagustuhan ko. Ang Ryo na siyang naging dahilan kung bakit ko itinataya ang kinabukasan ko ngayon. Gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya, yakapin siya at kumawala sa taling itinali ni Jeuz sa akin. Alam kong siya lang ang makakaputol n'on. Hahakbang sana ako papalapit sa kaniya nang muli kong maalala ang mga sinabi ni Jeuz. Kasabay niyon ay ang kapatid ko, ang pamilya ko. Tumigil ako. Sandali ko pa siyang tinignan bago umakbang muli malapit kay Jeuz. Sorry, Ryo. "I'm one of them," saad ko sa malamig na boses. Agad na nakita ang galit sa mga mata ni Ryo. Naramdaman ko naman ang paghapit ni Jeuz sa bewang ko para ilapit ako sa kaniya. Alam ko na masayang- masaya siya ngayon. Iyon naman ang dapat. Naomi, sumunod ka na lang kasi sa plano. Kahit masakit. "You just got fooled, Mikael Ryo Del Suarez."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook