bc

ANG PARI AT ANG HOSTESS

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
dark
opposites attract
kickass heroine
bold
mercenary
small town
lies
secrets
priest
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Dalawang magkaibang tao ang pagtatagpuin ng pagkakataon.

Isang nagsisilbi sa simbahan, ang isa naman ay nagbibigay ng aliw sa kalalakihan.

Magkaroon kaya sila ng pag-asa o may pagkakataon na magkaugnay ang tadhana nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 : ANG PARI
“Maliit lang po itong lugar namin, Father, pero kahit ganoon, kakaunti lang ang dumadalo sa simbahan tuwing Linggo. Mas gugustuhin pa kasi ng mga tao rito na pumunta sa night club kaysa sa simbahan,” paliwanag ni Kapitan Ilyong sa bagong pari ng lugar nila. Ayaw man niyang itsismis sa kararating lang na pari ang nangyayari sa lugar nila, pero mas mabuting malaman kaagad nito ang bagay na iyon. Mahirap na dahil baka ma-disappoint lang ito. Tapos ang kadalasan pa na nagsisimba ay iyong mga matatanda na. Ngayon nga ay papunta sila sa simbahan para ipakita sa pari ang sitwasyon ng bahay-sambahan nila. Halos isang taon na rin pala noong huling nagkaroon ng misa sa simbahan. “Talamak po ba ang night clubs dito?” tanong sa kanya ng gwapong pari. “Aba’y oo. Hindi lang bahay-aliwan ang mabenta rito, kundi maging bahay pasugalan. Tingnan mo nga, baka kapag nagpaulan ng galit ang Diyos, unahin ang lugar na ito dahil makasalanan na masyado ang mga nakatira sa lugar na ito. Naku, tinakwil na nga yata kami ng Diyos dahil sa kasalanan naming lahat.” Napangiti ang gwapong pari sa sinabi ng matanda, bago sumagot. “Hindi po iyan totoo, Kapitan Ilyong, dahil ang Diyos ay pumarito sa lahat ng tao. Handa niyang iwan ang siyamnapu't siyam mga tupa, upang hanapin lang ang nawawala na isa. Ibinigay ng Diyos ang anak niya para iligtas ang mga tao, at hindi upang ipahamak ito.” Halos mapangiwi ang matanda sa sinagot ng pari, dahil ang totoo ay wala rin naman siyang alam tungkol sa mga nakasulat sa bibliya. Isa rin kasi siya sa mas gugustuhin ang matulog o kaya ay himasin ang manok niya kaysa sa magpunta sa simbahan at makinig sa leksyon ng pari. Nang makarating ang sinasakyan nilang tricycle sa simbahan ay nauna na siyang bumaba. Hindi na siya nag-abalang tulungan ang pari sa dala nito, dahil ang rason niya ay mas bata ito sa kanya kaya mas may lakas ito. Nilingon niya ang binatang tricycle driver. “Mamaya na ako magbabayad, Ipi, kapag nakahanap ako ng pera, ha? Alam mo naman, ang hirap ng buhay.” Sinadya iyong sabihin ni Kapitan Ilyong para magparinig sa pari. May pera naman siya sa bulsa, ang kaso ay ipupusta niya mamaya sa sabong iyon. Nang dumukot ng pera ang pari ay halos manlaki ang mg mata niya dahil sa nakita. Tatlong lilibuhin ang nakita niya, at ang isa ay ang iniabot ng pari kay Ipi. Napakamot ng ulo ang binata dahil sa inabot ng pera sa kanya ng pari. “Ah, Father, wala po akong barya. Pero hayaan n’yo na po, libre na lang po para sa iyo.” Ngumiti siya kahit ang totoo ay naba-badtrip siya. Naba-badtrip siya, pero hindi sa pari, kundi dahil kay Kapitan Ilyong. Kilala niya ang matanda. Alam niya na may pera ito, pero dahil sa ugali nito, alam niyang hindi ito maglalabas ng pera. Gahaman kasi ito. Gahaman pa sa gahaman. Kaya nga walang asenso ang baranggay nila, eh. Kung sabagay, hindi lang naman ang kapitan nila ang buwaya, kundi maging ang lahat ng nakaupo sa local government nila. Wala lang talagang makapagreklamo, dahil kapag nagreklamo ka, malamang, bukas ay nakalutang ka na. “Ganoon ba? Bumalik ka na lang bukas, hijo,” saad sa kanya ng pari pero magalang niya na lang itong tinanggihan. “Hindi na ho. Ayos lang ho talaga. Kayo naman ang sakay, eh.” Pumadyak siya para paandarin ang namatay na tricycle. Aalis na sana siya nang may maalala. “Huwag na po kayong maglalalabas kapag gabi, mahirap na. Aalis na po ako, Father. Mag-ingat po kayo rito.” Bago pa magsalita ang pari ay umalis na siya. Masama na kasi ang tingin sa kanya ng kapitan nila. Nang makaalis si Ipi ay saka inaya ni Kapitan Ilyong ang pari sa kapilyang sira-sira na. “Mukhang napabayaan na po ang simbahan dito...” saad ng pari bago inilibot ang paningin. Totoo ang sinabi niya. Sa kinatatayuan niya, ay kita ang halos bumigay nang simbahan. Ang krus sa taas ay nagmistulang Petrine Cross dahil nakabaliktad na ito. Sa labas pa lang ay alam na ng binatang pari na wala ng dumadalaw sa simbahan. Sa linaw ng mata niya, nakikita niya ang nakakulapol na alikabok sa pintuan ng simbahan kung kaya ang natural na kulay ng kahoy ay hindi na makita. Sa paligid naman ng simbahan ay ang nagtataasang kugon na baka nga pinamahayan na ng malalaking ahas. Napatingin siya sa left side kung saan naroon ang bungalow na napuno na ng vandalism. Hindi niya napansin na nahinto na siya sa paglalakad dahil sa nakitang ayos ng simbahan. Nang makalapit siya sa simbahan, at tanggalin ni Kapitan Ilyong ang malaking banner ng isang kandidato, ay halos matampal niya ang noo nang makita ang malaking drawing ng male anatomy. “Ah, takpan ko na lang ulit ito, Father,” saad ni Kapitan Ilyong na nagpipigil lang sa tawa. Sigurado, kung hindi siya nakapagpigil ng emosyon, baka utot at tawa pa ang ginawa niya, lalo pa at nakita niya ang biglaang pagkasira ng mukha ng gwapong pari. Para mabaling sa iba ang atensiyon ng pari, kahit natatawa sa sitwasyon ay nagtanong na lang siya rito. “Ano nga pala ang pangalan mo, Father? Aba, kanina pa pala tayo nag-uusap ay hindi ko pa alam ang pangalan mo.” “Sebastian. Call me Father Sebastian...” maikling sagot ng pari at inilapag ang dalang gamit. Isang travelling bag na may kalakihan, at isang malaking backpack na nakasabit sa likuran niya ang dala niya. Binuksan ni Sebastian ang pintuan. Hindi naman siya nahirapan lalo pa at walang kandado ang pintuan. Nang tuluyang makapasok sa loob ay hindi na siya nagulat sa nakita. Kung gaano kagulo at karumi sa labas, ay ganoon din dito sa loob. Sira-sira na ang mga upuan, ang center table na nasa platform ay nakatumba na. Ang mga rebulto ng mga santo ay nasa sahig at basag na. Lumapit si Sebastian sa isang upuan at pinasadahan ng daliri ang kahoy na upuan. Kumapit ang makapal na alikabok sa daliri niya. “Doon na lang tayo sa kabila, Father Sebastian. Malinis iyong kabila dahil ipinalinis ko kahapon. Gumastos pa nga ako para may maglinis lang ng bahay na titigilan mo. Simunod kayo, Father...” Walang salitang sumunod si Sebastian sa matandang lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook