chapter two

2249 Words
Pagpasok ko sa loob ay pinagtutusok nina Milyn at Jelly ang magkabilang bewang ko dahil alam nila na doon ang kiliti ko! Sinamahan pa nila ng mga tawa nila na umaalingawngaw dito sa Salas. I told them to stop so many times pero nagmistulang bingi ang mga ito! Ayaw nilang pakinggan ang pakiusap ko. Alam ko kung ano nag gusto nila. They want me to tell them my secret kahit wala naman talaga! "Fine, fine! Sasabihin ko na, okay? Tama na! Huwag ninyo na akong kilitiin!" tili ko pa. My goodness, nakakahiya dahil hindi ko talaga pamamahay ito pero ang ingay namin! Baka makabulabog pa kami ng mga tulog na kasambahay! Doon ay tumigil na silang dalawa. Pareho silang nakatitig sa akin na may ngiti sa kanilang mga labi. Excitement drew in their faces. Inaabangan nila kung ano ang sasabihin ko. Kumawala ako ng isang buntong-hininga. "First time ko lang siyang nakita sa simbahan, sa may bayan, alright? Aksidente lang ang pinakafirst encounter namin. Ayos na?" talagang sinadya ko lagyan ang sarkastikong tono ang huling pangungusap. Ngumuso si Milyn, ang kaniyang pinsan na si Jelly naman ay napataas ang kilay. Yeah, they didn't buy my explanation! "Sa hotness ni kuya, hindi ka man lang ba nabighani doon?" hindi mapigilang itanong iyon ni Milyn. "At isa pa, guwapo niya kaya! Ang swerte mo, inday!" Naiiling-iling ako. "Ewan ko sa iyo, Milyn. Aakyat na ako sa kuwarto ko." inirapan ko na silang dalawa. Nagmartsa na ako paakyat sa grand staircase ng bahay na ito. Nakasunod lang sa akin ang magpinsan. Mukhang hindi talaga ako tatantanan ng mga ito. At talagang nagawa nila akong sundan sa kuwarto ko, mismo! Si Jelly ang nagsara ng pinto. Agad kong dinaluhan ang walk-in closet para kumuha na ng mga gamit pamalit. Nilabas ko ang isang pares ng pink pajamas, isinabit ko iyon sa isang braso ko. Dumiretso ako sa banyo na narito lang sa kuwarto ko. Hinahayaan ko lang magdaldalan ang magpinsan. Ipinatong ko sa sink ang damit pamalit ko. Nang maghuhubad ako ay napagtanto ko na damit pala ni Owen ang suot ko ngayon! Hindi ko alam kung bakit bigla namula ang magkabilang pisngi ko. Pasimple kong inamoy ang damit. Amoy na amoy ko pa rin ang pabango na gamit niya. Lalaking lalaki talaga! Ang hindi ko makakalimutan ay kung papano niya ako tinawag ang buong pangalan ko. Umiiling-iling ako para mabura agad sa isipan ko ang mga pinag-iisip ko. Pero sumagi din sa isipan ko na ako na mismo ang maglalaba nito at personal kong isasauli ang gamit na pinahiram niya sa akin. Paara mabawi ko din sa kaniya ang damit ko. Naglalaro ang ngiti sa aking mga labi ko. Ibig sabihin, may pagkakataon pa para makita ko siya ulit! Para malaman ko pa ang tungkol sa kaniya, lalo na't mas lalo ko pa siya makikilala. "Jaz, hindi ba, next week na ang birthday mo?" biglang tanong sa akin ni Milyn nang nakalabas na ako ng banyo at kakatapos ko lang magshower. "Yeah, why?" sagot ko na hindi natingin sa kaniya. Umupo ako sa harap ng dresser para naman sa orasyon ko ngayong gabi. Naglagay ako ng lotion sa aking palad saka ipapahid iyon sa aking balat. "Hindi namna siguro makakalimutan ng mama mo 'yon, hindi ba?" may bahid na kaseryosohan sa kaniyang boses sa sunod niyang tanong. Natigilan ako saglit. Sa sinabi niya ay nalagyan ng kalungkutan ang saya na naramdaman ko kanina. Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman siguro," sabi ko pero ang totoo niyan ay ilang beses nang nakakalimutan ni mama ang birthday ko, nagsimula iyon nang dumating na si tito Chano sa buhay niya. Pero kahit ganoon ay pinili ko nalang na huwag iyon pansinin, na kungwari, ayos lang ako. "Jaz, malapit na ang debut mo kaya! You're going to be in a legal age, soon! You can finally do whatever you want. And to be eighteen is very special for us!" dagdag pa niya. Mapait akong ngumiti saka lumingon sa kanilang dalawa. "I know, pero wala pa naman silang binabanggit tungkol sa bgay na iyon." malumanay kong sabi. Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagpapahid ng lotion. "Baka naman kaya hindi sila nagbabanggit tungkol sa bagay na iyon eh dahil baka gusto ka niyang isurprise." kumento naman ni Jelly na nakadapa sa ibabaw ng kama at nakapangalumbaba. "Oh, please, Jelly! Hindi na surprise iyang comment mo." saway naman ni Milyn sa kaniyang pinsan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Are you alright, Jaz?" "Oo naman," mabilis kong tugon sabay tingin ko sa kanila sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin. "Makakapagcelebrate naman tayo ng debut ko kahit tayong tatlo lang naman. Mas okay sa akin iyon. Kapag engrande naman ang celebration, tiyak puro mga business partners ang iimbitahan nila kung sakali." mapait akong ngumiti sa kanila. Gumuhit ang kalungkutan sa mukha nilang dalawa. Alam na alam nila kung anong nararamdaman ko. Sa totoo lang ay sila lang talaga ang mapagsasabihan ko pagdating sa totoo kong nararamdaman. Hindi ko ba maitindihan kung blessing in disguise ba pagdating ni tito Chano sa buhay namin. Hindi ko rin maitindihan kung bakit nagagawang kalimutan ni mama lalo na ang birthday ko. At first, syempre, nasaktan ako. Daig ko pang naculture shock sa ginawa niya. Dati naman kasi, never niyang nakalimutan ang kaarawan ko. Kahit na siya ang nagtataguyod sa akin ng mga panahon na iniwan kami ni papa, nagagawa pa rin niya ang mga resposibilidad niya bilang magulang sa akin. Nang mga panahon na iyon, parang kami lang ni mama ang nasa mundo. Kaming dalawa lang ang nagtutulungan, kaming dalawa lang ang magkasangga. Pero wala, nagbago na ang lahat at wala na akong magagawa pa. Sa ngayon, unti-unti ko nang natatanggap sa sarili ko na masayang masaya na si mama sa piling ni tito Chano, unti-unti ko din na natatanggap na madali para sa kaniya na makakalimutan niya ako bilang anak niya... Minsan napapaisip ako, baka dahil sa galit niya kay papa ay nadamay na ako. Minsan naman ay hindi. Ewan, naguguluhan na ako sa kaniya. Minsan napapaisip ako na binabaha nalang niya ako ng mga materyal na bagay para makabawi siya sa akin. Na para hindi ako magalit sa kaniya, balewala lang sa akin iyon. Tanggap nalang ako ng tanggap. Wala naman akong choice, eh. Pero isang bagay nalang ang nararamdaman ko—loneliness. Since then, I'd felt alone. Lalo na kanina, umalis silang lahat. But I'm still thankful, because Milyn and Jelly knows what to do when I was in this damn situation. Mahimbing nang natutulog ang magpinsan sa guest room, samantala ako naman ay nanatili pa rin gising ang diwa ko. Ayaw pa akong dalawin ng antok. Nakatambay lang ako sa balkonahe ng aking silid. Dinadama ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. I would rather say, sometimes, love is a lame excuse to mess up one's life. - "How about, bar hopping tayo?" Milyn suggests, narito kami ngayon sa studio tumatambay. Nakakatawa lang dahil silang dalawa pa ang nagpaplano para sa debut ko. Habang ako? Here, prenteng nakaupo sa single couch while sipping my chamomile tea. I shrugged. "I don't know about that kinds of stuff, Milyn." sagot ko saka humigop ulit ng tsaa. She rolled her eyes. Muli siya nagscan sa kaniyang cellphone. Naghahanap kasi siya ng lugar kung saan kami magsecelebrate. Gayundin din ang pinsan niyang si Jelly, kung sinu-sino na ang tinatawagan nito para hingian ng suggestion and the majority answer is barhopping tutal naman daw ay nasa right age na ako ng mga araw na iyan. Kinukumbinsi nila ako na huwag ko naman daw ipagkait ang sarili ko na magpakasaya. Ito naman si Jelly, porke nasa probinsiya ang pamilya nito, nahahawa na sa kaniyang pinsan na party goer! Tsk. "Fine, barhopping." I finally answered. Namilog ang mga mata nila. Muntikan na nga nila mabitawan ang kanilang mga cellphone dahil sa tuwa. Nagtatalon-talon pa sila sa harap ko. Naiiling-iling nalang ako sa mga inakto nila. Napasulyap ako sa bintana ng studio. Minsan napapaisip ako, should I invite Owen for my eighteenth birthday? Or huwag nalang? Nakakahiya kasi. Baka sabihin niya, feeling close ako. Arghh, ano na naman ba itong pinag-iiisp mo, Jaz? Tumigil ka, nakakamatay ang maging asyumera! - Dahil may mas experience si Milyn kaysa sa akin pagdating sa ganitong lugar ay nakasunod lang kami ni Jelly sa kaniya. Hindi lang 'yon, doon ko din nalaman na sixteen years old palang siya noong unang pumasok siya sa mga club! Kasama daw niya ang first boyfriend niya. Suot ko ang sinusuhesyon niya na dress dahil may dress code pala na ganap! I'm wearing a luna silver sequin backless dress na talagang tinerno ko pa ng isang pares ng silves pumps! Si Jelly ay nakasuot ng snow white lace dress, si Milyn ay mukhang pinaghandaan niyang husto ang okasyon. She's wearing a deep v line long sleeves sequin romper. Dahil sa may dibdib pa siya kaysa sa akin ay halatang halata ang kaniyang cleavage. Talagang dumayo pa kami sa Maynila para makapagcelebrate ng birthday ko. Mga nakakaindak na kanta ang sumalubong sa amin. Wala ako masyadong makita, maliban sa mga makakapal na usok at mga nagsasayawan na ilaw. Umakyat kami dahil ngpabooked si Milyn ng VIP Room. Napukaw ng aking atensyon ang dance floor na maraming sumasayaw doon. Mukhang masaya doon. Nang narating namin ang VIP Room ay si Milyn na din ang nag-order ng mga inumin ang pagkain. Tutal ay ako naman ang magbabayad ng mga pinagkukuha ng mga ito. Wala sina mama at tito Chano, as my expected. Kaya lang naman ako pumayag sa magpinsan na ito para naman maging masaya naman ako. Aalisin ko muna sa isipan ko ang mga mabibigat na bagay at iisipin. Ilang saglit pa ay bumalik na ang waiter. Sinerve niya ang mga inumin at pagkain. Inilipat niya ang mga iyon sa mababang mesa ng VIP area. Hinintay lang namin na umalis iyon. Nagkatinginan kaming tatlo na parang nagpipigil ng ngiti hanggang sa sabay namin itinaas ang mga kamay namin. "HAPPY BIRTHDAY, JAZ!" malakas nilang bulalas! "Yehey!" pahabol pa ni Jelly. "Thank you, girls!" my gosh, bakit parang naiiyak ako na ewan! Kani-kaniya kami kuha ng cocktails. "Buttoms up and cheeeeeers!" "Cheers!" Para kaming nagpapaligsahan sa pag-inom. Hindi ko akalain na mauubos ko agad ang cocktail, hindi ko masyado nalasahan ang alkohol na nakahalo sa inumin ko. Kaya siguro madali para sa akin na maubos ko ang inumin. Hindi na rin namin namamalayan na mapadami na din ang inom namin. "Let's dance!" bglang aya ni Milyn. Tumayo kami ni Jelly. Bumaba kami para humalo kami sa mga tao na masayang nagsasayaw sa dance floor. Nagtatalon-talon pa si Milyn at Jelly habang hatak nila ako hanggang nasa gitna na kami. Cheerleader song kicks in. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para dahan-dahan umindak ang katawan ko. Nakikipagsabayan ako sa beat ng kanta. Ang kaso, biglang may isang braso na pumulupot sa aking bewang na dahilan para matigilan ako. "What are you doing here, my lady?" isang pamilyar na boses ang nagtanong sa akin. Amoy palang ay kilala ko na. Hindi ako nagdalawang-isip na sulyapan iyon. Gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang aking hinala. "O-Owen..." mahina tawag ko sa kaniyang pangalan. Tumaas ang isang kilay niya. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tila pinag-aralan niya ang aking suot. "You're seventeen to wear this kind of dress, my lady." he whispers. "You'll easily catch anyone's attention here, especially fuckboys..." Malapad akong ngumiti sa kaniya. "Alam mo, imbis na sermonan mo ako, batiin mo nalang ako." dahil sa lakas ng tugtog ay lumakas ang boses ko. KIta ko kung papaano siya naguluhan sa sinabi ko. "It's my birthday, Owen! I'm in a damn legal age na! It's my eighteenth birthday!" Umaawang ang bibig niya. Para bang nabigla siya sa sinabi ko. "R-Really?" hindi makapaniwalang tanong niya. "No kidding?" I rolled my eyes. "Of course! Sino ba ako para magbiro?" saka humalakhak ako. "So, where's my greeting, hmm?" "Happy birthday, my lady!" malakas niyang bati sa akin na dahilan para mas lalo matawa at nangingibabaw ang kasiyahan sa sistema ko. "f**k! I can't believe this! Huling kita natin, seventeen ka palang!" Magsasalita pa sana ako nang biglang pinatugtog ang paborito kong kanta! Bumaling ako sa DJ. Mas lalo ako ginanahan ngayong gabi. Nakisabay ako sa pagtatalon ng mga tao at hiyawan! Oh God! Party party na nga talaga! Bumalik ang tingin ko kay Owen. "Come on, let's make my birthday party memorable!" Lumapad ang ngiti niya. Nakisabay din siya sa hiyawan, sayaw at pagtatalon. "What do you do when a chapter ends? Do you close the book and never read it again? Where do you fo when your story's gone? You can be who you were or who you'll become..." pagkakanta ko pa nang malakas, wala akong pakialam kung sintunado pa ako o mawawalan pa ng boses kinabukasan. I just want this moment grateful and remembered! Nagtama ang mga tingin namin. Ngayon ko lang napagtanto, how attractive he was tonight. Semi-formal ang suot niya at nakabrush up ang kaniyang buhok. Kapansin-pansin ang kaguwapuhan niyang taglay. Napasinghap ako kung papaano niya ulit pinulupot ng isang braso niya ang bewang ko at mas inilapit pa niya ako sa kaniya. I raised my eyes to his. I saw Owen's eyes gazing fixed into my lips, hungrily. "I can't imagine my lady more beautiful tonight," he murmured, apparently unable to take his eyes off from my lips. "And bloomed without knowing me." "O-Owen..." Our gazed met. Mataimtim siyang nakatitig sa aking mga mata. Sa muling pagkakataon, nasilayan ko na naman ang magaganda niyang mga mata na tila may gustong ipahayag ang mga ito sa akin. "I'll quit playing other's heart, Jaz." he huskily said. "I'm sorry, my thoughts seem to be a thousand miles away since I laid my eyes on you... I feels like, you'd bewitched my body, mind and soul, my lady."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD