bc

The Woman I've Become

book_age16+
5.7K
FOLLOW
62.8K
READ
arranged marriage
goodgirl
self-improved
inspirational
drama
bxg
heavy
cheating
affair
wife
like
intro-logo
Blurb

Chubby, bilugan, baboy at extra large. Ilan lamang iyan sa mga insultong kailangang lunukin ni Janet sa araw-araw. Gayunpaman ay naging positibo sa buhay at naging masipag para sa kaniyang inang may sakit. Hindi iniinda ang sakit ng katawan at mga insultong ibinabato sa kaniya, ngunit nariyan ang pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang mahal na ina.

Kaya sino ba naman ang mag-aakala na ang simpleng pagligtas niya sa isang matanda ay mag-uumpisa na palang magbago ang buhay niya?

Mabilis na umikot ang kaniyang mundo nang makasal siya sa nag-iisang apo ng babaeng iniligtas at natagpuan ang sarili sa taas, at tinatamasa ang maalwang buhay. Ipinangako ni Janet sa sarili na magiging mabuting asawa kay Warren, ngunit hindi yata ito magiging madali dahil ang kaniyang asawa ay may ibang mahal.

At ang masakit roon ay harap-harapan nitong isinasampal sa kaniya ang katotohanang hinding-hindi siya mamahalin nito dahil may mahal na itong iba.

Nangakong kakapit at magtitiis para sa ina, ngunit hanggang saan ba siya aabot hanggang sa tuluyan siyang sumuko?

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa gitna ng magarbong pagtitipon kung saan dumalo ang ilan sa malalaking mga pangalan sa iba't-ibang industriya, mga taong gumawa at lumikha na ng kanilang mga pangalan sa lipunan, mga taong hindi na mabilang-bilang ang pera sa kanilang bangko, ay makikita ang dalawang taong nagsasayaw.  Ang dalawang taong ito ay walang iba kung hindi si Warren Ancheta at si Niccola Magpayo.  Nagsasayaw sa saliw ng malamyos na musika, kantang talaga namang mapapaindak ka at hindi mapipigilang hilahin ang iyong mahal upang isayaw sa gitna, sentro ng atensyon at ng mga tao. Kung saan ang magkakapareha ay makikita mong may ningning sa mga mata, may kakaibang kislap na tanging mga taong nagmamahalan lamang ang mayroon.  Sila ang tipo ng nagmamahalan na talaga namang kinaiinggitan ng henerasyong ito sa mga social media. Kay ganda ng gabi, makikislap na mga ilaw, umaapaw na mga pagkain sa mesa na iginayak na para bang mga hari at reyna ang dumalo. Ang mga tao ay nanggagandahan at pamahalan ng mga suot na besitda, amerikana at mga palamuti sa katawan na naglalakihan at nagkikinangan, marahil kapag binilang mo kung ilang bato ang mayroon ito ay ikaw na ang mananawa.  At ng gabing iyon ay may dalawang taong nangingibabaw. Dalawang taong talaga namang walang pakialam kung ang lahat ng atensyon ay sa kanila nakatuon. Walang pakialam at hindi nag-aabalang suriin kung anong emosyon ba ang makikita nila sa mga mata ng mga tao sa paligid nila.  Sa kanang bahagi ay makikita ang tatlong kababaihan. Ang isang babaeng nakatayo sa kanang bahagi na si Diana ay nakasuot ng black spaghetti dress na akala mo ba'y nakikipagpag-kumpetensya sa ibang babae. Ang nasa bandang kaliwa naman na si Erika ay nakasuot ng Backless red dress na mataas ang slit sa gitna at para bang konting galaw lang ay kita na ang kaniyang itinatagong langit at gustong akitin ang lahat ng lalaki sa gabing iyon. Sa gitna naman ay nakatayo habang nakataas noo si Magdalena na Old rose ruffle dress naman ang suot na taliwas sa kaniyang mukha na nababahiran ng makapal na kolorete.  Ang tatlong babae ay kasalukuyang nakatingin sa dalawang taong nagsasayaw na tila ba solo nila ang mundo.  "Ang lakas talaga ng loob nila, ano?" ang tila naririmarim na wika ni Diana habang nakalagay ang kamay sa bibig at puno ng panghuhusga ang mga matang nakatitig kela Warren at Niccola.  Ang nagpapaypay na si Erika ay bahagyang itinabing ang hawak na pamaypay sa mukha at humagikgik. "Ano naman ang masama sa kanilang ginagawa? We all know the truth." wika nito na may mapaglarong emosyon sa mga mata. Wang makikitang bahid ng panghuhusga sa mga mata.  Si Magdalena, na minsang naging kaulayaw sa kama ni Warren ay blangko lang ang tingin. "Don't mind them. Atensyon lang naman talaga ang gusto nila. Lalo na ang Niccola na iyan." matabang at may halong pait na sabi nito.  "Oh my, ang sweet naman nila. Mag-asawa ba sila?" dinig ng tatlong tanong ng isang babaeng nakatayo malapit sa table nila.  Pagak na napatawa si Magdalena, si Erika ay bumungisngis habang lumarawang muli ang disgusto sa mukha ni Diana sa narinig. Lumapit si Erika sa nasabing babae dala ang wine glass na naglalaman ng paborito nitong Carlo Rossi red wine. Ang bawat hakbang nito ay walang pagmamadali at talaga nang inihahampas ang balakang.  "Hello, my dear." bati nito sa babaeng sa hinuha nito ay kaedaran lang nito.  "Oh, hi. Do I.. know you?" naiilang na turan ng babaeng nagngangalan namang Margaret.  Ang totoo niyan ay isang reporter si Margaret at nagpanggap na isang bisita upang makakuha ng scoop. May nakapagsabi kasi sa kanya na may mahihita siyang issue na talaga namang babasahin at dudumugin ng mga mahilig sa chismis, at babaha ng likes, comments and shares ang balitang ito. "I'm Erika. Narinig ko lang kasi ang comment mo mula sa table namin ng mga friends ko." may nakapaskil na pilyang ngiti sa labing pagpapakilala ni Erika sabay turo sa kanilang mesa. "Gusto mo bang makilala ang dalawang iyon, my dear?" Bilang isang reporter ay magaling umamoy ng chismosa si Margaret. "Sino sila, sissy?" nagniningning ang mga matang taong niya. Isang mapaglarong ngiti ang pinakawalan ni Erika bago itinuro ang dalawa na ngayon ay magkalapat ang mga labi. "Sila ay walang iba kung hindi sina Warren Ancheta at si Niccola Magpayo." Umakto namang interesado si Margaret, bagaman at walang kasiguraduhan kung may mahihita ba siya. "Ang sweet nila. Magkasintahan ba sila o engaged couple?" Bago makasagot si Erika ay isang malakas na pagbukas ng pinto ang pumigil sa kanya. Natuon ang atensyon ng lahat doon at nakita ang isang babae. Napanganga at natulala ang mga nakakakilala. Hindi makapaniwala sa nakikitang taong ngayon ay naglalakad palapit. Isang babaeng malayong-malayo ang hitsura sa babaeng inaapi at kinukutya ng karamihan.  Isang babaeng dapat na lugmok at nabubulok sa bilangguan, kaya't ano ang ginagawa nito roon? Nang makabawi sa gulat si Erika ay inakbayan niya si Jenica at itinuro ang babaeng bagong dating.  "At siya naman ang legal at tunay na asawa ni Warren Ancheta. Ang nag-iisang si Janet Silvano-Ancheta."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook