bc

The Salvadors Obsession

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

What will be her life after finding out that the Salvador Siblings are back because of her?

chap-preview
Free preview
1.
"NANDIYAN NA SILA!" Sabay kami ni Nanay na napatingin sa baybayin ng marinig namin ang sigaw na iyon ni Aling Lourdes. Isa isa nilang iniwan ang mga gawain nila saka patakbong pinuntahan ang baybayin para salubungin ang mga panauhin na ang yate ay kakadaog lang. Mula sa yate ay isa isang bumaba ang may ari nitong sina Don Apollo Matias Salvador at Donya Celestina Salvador. Ang mag asawang siyang may ari ng nag iisang mansion dito sa isla. Kanya kanya sila ng salubong sa mag asawang Salvador, habang ako at si Nanay naman ay itinigil muna ang ginagawa saka lumapit din sa kanila. Sakto naman na sunod sunod na lumabas ang magkakapatid sa yate. Lahat sila nakasuot ng kulay puting polo at bahagyang nakabukas ang dalawang naunang butones. Nagsilapitan pa lalo ang iilang dalagita rito sa isla at hinihintay ang pagbaba nilang apat. At dahil paminsan minsan lang ang pagdalaw nila sa isla, sila talaga ang inaabangan ng mga kababaihan dito. Maging ako man. Pero hindi ko naman ipinapahalata sa kanila na sabik akong makita sila. Labing anim na taon na rin simula ng huli silang pumunta rito. Hindi ko na halos makilala ang bawat isa sa kanila. Sa pagkakaalam ko, sabi ni Nanay, isang taon lang ang agwat nilang magkakapatid. Masyado raw na productive ang mag asawa at kada taon nanganganak. Pero hindi na nasundan matapos lumabas ni Damon. Muntikan na kasing ikamatay ni Donya Celeste ang pagpapanganak niya noon kay Damon e. Sunod sunod silang bumaba sa malaking yate. Agad silang sinalubong ng mga dalaga na siyang ikinangiwi nila na siya namang ikinangiti ko. Hindi ako nakisiksik sa kumpulan nila. Hinahayaan ko lang ang mga ito. Tuwang tuwa pa ang Donya ng makitang nahihirapan ang magkakapatid na lumakad. Instant celebrity ang magkakapatid "Diana?" Tawag pansin sa akin ni Don Matias. "Maligayang pagbabalik sa isla, Don Matias, Donya Celeste." Pagbati ko sa mag asawa. "Ang laki mo na," usal ng Don habang nakangiting nakatunghay sa akin. "Alagang alaga ka ba ni Nanay Faustina mo?" "Opo, alagang alaga naman po." Magalang kong sagot. "Mabuti kung ganoon." Napatingin si Don Matias sa kanyang asawa. "May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Donya Celeste. "Ay naku! Celeste, Matias. Ang daming binasted ng batang iyan dito sa isla. Maging ang nag iisang anak ni Lourdes na si Louie ay binasted niyan." Singit ni nanay sa aming usapan. "Ganoon ba?" Tanong ng Don. "Nakasentro lang po ang atensiyon ko sa pag aaral." Magalang kong sagot habang nakatingin sa kanila. "Nais ko pong makatapos." "Mabuti kung gayon." Sagot naman ng Donya. Isang makahulugang tingin ang binitawan ng mag asawa kay Nanay Faustina. Si Nanay naman ay ngumiti lang sa mag asawa. Pero alam kong may ipinapahiwatig siya sa mag asawang nauna ng lumakad patungo sa mansiyon. - NAGKAROON ng kasiyahan sa harden ng mansyon. Welcome party kumbaga para sa magkakapatid. Mula kanina hanggang sa mga oras na ito ay hindi nagkaroon ng tsansang makasalamuha ko ang magkakapatid. Matapos kasi ang usapan namin nina Don Matias, ay nauna na akong umalis sa baybayin at muling bumalik sa ginagawa ko. Kasama ako sa mga ginawang paghahanda para sa welcome party. Inaayos ko ang mga bulaklak kanina ng dumating sila. "Narinig ko na nag uusap sina Nanay Lourdes kanina at ang Donya. Nakikibalita yata sa sitwasyon ng magkapatid." Dinig kong sambit ni Flora. Isa sa mga dalagitang may gusto kay Alas. Ang panganay sa magkakapatid. "Ganoon ba? Ano? Narinig mo bang may kinahuhumalingan silang babae?" Kuryusong tanong ni Angela. "Oo, meron daw. Kaso hindi pa naipakilala. Naku sayang, mukhang wala na tayong pag asa sa magkakapatid na iyon." Usal ni Flora. Napailing na lamang ako. Hindi ko maipagkakaila ang taglay na kagwapuhan ng magkakapatid na iyon. Lalo na ngayon na sobrang titikas na ng pangangatawan nila. Mukhang alagang alaga sa gym ang katawan nila. Napailing na lamamg ako saka ko iniwan si Flora at Angela. Silang dalawa ang kaibigan ko rito sa isla. Sa aming tatlo ako ang pinakatahimik. "Saan ka pupunta Diana?" Habol na tanong ni Flora. "Magbabanyo lang ako saglit, ihinh ihi na ako." Sambit ko. "Ayaw mo bang magpasama?" Tanong ni Angela. Agad akong umiling bilang sagot. Tinungo ko na ang banyo para makaihi na. Nang makarating ay agad akong pumasok sa bakanteng cubicle at agad na umihi. Nang matapos ay lalabas na sana ako pero hindi ko naituloy. May narinig akong ingay sa labas nitong cubicle. Yabag ng mga paa. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang dahil baka si Mang Toni iyon, siya kasi ang nakatoka na maglinis nitong palikuran. Lalo na ngayon at maraming tao sa mansyon. Itong palikuran na ito ang siyang ginagamit para sa mga bisita. Paglabas ko agad akong natulos sa kinatatayuan ko. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Alas. Prente siyang nakasandal sa sink at nakaharap mismo sa cubicle kung saan ako pumasok. May naglalarong ngiti sa mapupula niyang labi. Hindi paman ako nakahapuhap ng sasabihin, sunod sunod na pumasom naman ang tatlo pa niyang kapatid. Sina, Damon, Blaze, at Cliff. "Yo, kumusta?" Bati ni Cliff Napabuntong hininga na lamang ako habang isa isa silang tiningnan. "It's been a while, Diana." Alas smirk turned into a smile. "And?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. "May kailangan ka?" Pagtataray ko dahilan para mawala sa labi niya ang matamis na ngiti na iyon. "Meron." "Ano naman?" "Hindi ano, Sino." He smikr once again. Sa usapan naming dalawa. Parang walang Cliff, Blaze, at Damon na nakatingin sa amin. "You know who we want, Diana." He said huskily. Para bang may gusto siyang gawin pero pinipigilan niya lang. Tumaas ang kilay ko. "It's time to grant our promise, D." Sabat ni Blaze. Paboritong bigkasin ni Blaze ang initial ng pangalan ko. Walang ibang pwedeng tumawag nun kundi siya lang. Nagagalit siya kapag may ibang tatawag nun sa'kin. "Hinahanap na kayo sa labas." Sambit ko. Umayos ng tayo si Alas saka. "Let's talk first." He said. Hinawakan niya abg braso ko. Pati sina Cliff ay nakalapit na rin sa akin. "Saka na, maraming naghihintay sa inyo. Atupagin niyo muna ang mga bisita niyo bago ako." Saad ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya o nila. Lumabas ako ng banyo at dumeretso sa harden ng mansyon kung saan ginanap ang party para sa magkakapatid. Nang marating ko ang kinauupuan ko kasama si Nanay Faustina at sina Angela. Lihim akong napamura. Putcha! Nandito na naman sila. Hindi na naman ako titigilan ng mga 'yun! At saka ano bang pangako ang sinasabi ng mga 'yun? -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook