chapter two

2040 Words
Hindi magkadamayaw ang aking dibdib sa pag-aamok habang papalapit na kami sa malaking bahay na tinutukoy ni Mr. Keiran Ho. Nakasunod lang din sa likod ng sasakyan na ito ang mga sasakyan ng mga pinsan niya na kasama din na sumundo sa akin mula pa sa Maragondon. Hindi ko maitanggi na abot-langit ang aking kaba at takot sa oras na makakaharap ko ang mga kamag-anakan nila. Sa totoo lang, kilala naman talaga ang pamilyang Hochengco. Kilala ang pamilya nila na isa sa mga pinakamayaman na pamilya dito sa Cavite. Sinasabi din na kilala din sila sa mga pinakasuccessful na pamilya, hindi lang sa Pilipinas kungdi sa buong Asya. Lalo lang din sila nakilala dahil ang iba sa mga pinsan ay nafifeatured sa mga business magazine, sa tv at sa social media. Ang iba din sa kanila ay dating mga modelo at piniling talikuran ang mga ito nang nagsiasawa na sila. Nakilala ko din si Russel Ho dati dahil doon. Kusang nagbukas ang malaki gate ng ancestral house na yari sa bakal. Tumambad sa akin ang malaking bahay na napapaligiran ng mga puno't halaman. May malaking fountain pa sa harap nito kaya umikot ang sasakyan na ito hanggang sa tumigil ito sa tapat ng malaking pinto ng naturang bahay. Napasulyap lang ako kay Sir Keiran dahil bumaba ito sabay inayos niya ang kaniyang suit. Umikot siya sa likod at siya ang nagbukas ng pinto na nasa gilid ko lang. "Narito na tayo, Ms. Doroteo." pormal niyang sambit, nilakad niya ang aking palad sa akin. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tinanggap ko iyon at inaalalayan akong makalabas ng sasakyan. Hindi ko mapigilang tumingala sa matayog na bahay na nasa harap. Hindi ko maitanggi ang ganda nito. Luma man siyang tingnan pero naroon pa rin ang pagiging elegante niya, na halatang inalagaan ito sa haba ng panahon. May dalawang malaking halaman sa magkabilang gilid ng malaking pinto bilang entrahada ng bahay. Nagbukas iyon at may lumabas na dalawang babae, base sa kanilang suot, mga kasambahay sila. Lumapit siya sa amin. "Maligayang pagbabalik po, Sir Keiran." sabay nilang bati sa katabi ko. "Naghihintay na po sila sa Receiving Area. Narito na din po si Sir Russel, kakarating niya lang po." "Maraming salamat po. Oh, by the way, this is Miss Jelly Doroteo. Ang magiging fiancee ng kapatid ko. Miss Doroteo, sila ang mag-aalaga at magbabantay sa iyo habang ika'y nagbubuntis." Umaawang ang aking bibig. A-ano? May ganoon pa ba?! "H-hello po." Paeho silang ngumiti sa akin. "Ikaw po pala ang tinutukoy nilang mapapangasawa ni Sir Russel." sabi ng isa. "Nasa likod po ng kotse ang kaniyang mga gamit. Pakihatid nalang po sa magiging kuwarto niya." "Masusunod po, Sir Keiran." Bumaling sa akin ang kuya ni Russel. "Let's go." pormal niyang sabi. Pinauna niya akong humakbang sa hagdan hanggang sa nakapasok na kami sa mismong loob ng mansyon na ito. Napalunok ako. Kung ano ang ikinaganda sa labas palang, mas maganda na ang loob. Maaliwalas at bawat kasangkapan na meron dito ay masasabi mo na mamahalin. Base sa mga iyon ay mahahalata mo talaga na chinese ang mga nakatira at nagmamay-ari ng bahay na ito. Lalo na't may malaking chandelier na nakasabit sa kisame ng bulwagan na ito. Panay kabog na naman ng aking dibdib sa aking nakikita. Hindi lang 'yon, napansin ko din na carpet ang sahig nila dito! May mga portrait at painting din na nakasabit sa pader. Mga myembro ng pamilya at may malaking larawan naman na family picture. Oh. My. God. Ang dami pala nila! Ang dami pala ng myembro ng angkan na ito! Mula sa lola na nasa gitnan hanggang sa mga apo! Pero kahit ganoon, nakakatuwa silang pagmasdan, bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan at kontento. Nakasunod lang sa likod namin ang mga kasama ni Sir Keiran na mga pinsan niya din. Bakit habang papalapit na kami sa pinto na sinasabi nilang receiving area, nakakaramdam ako ng tensyon? Tumitindig ang balahibo ko. O guni-guni ko lang ito? Tumigil si Sir Keiran sa paglalakad kaya napatigil din ako nang nasa tapat na kami ng pinto. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya. Nauna siyang humakbang palapit sa malaking pinto at dahan-dahan niyang binubuksan iyon. Nagpipigil-hininga ako sa ginagawa niya. Humarap siya sa akin na nakangiti. "Welcome to Hochengco Family, Miss Doroteo." anunsyo niya saka nilahad niya ang kaniyang palad na sinasabi niya pumasok na ako sa naturang silid na iyon.  Kusa gumalaw ang mga paa ko. Humakbang ako papasok sa silid at tumambad sa akin ang buong angkan ng mga Ho na dahilan upang umaawang ang aking bibig dahil sa hindi makapaniwala. May lumapit sa akin na isang magandang babae. Ang professional niyang tingnan. "You must be Miss Jelly Doroteo, right?" nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "I'm Nayana Ho. It's nice to meet you." ang ganda pa ng boses, ang lambing niyang pakinggan! Taranta kong tinanggap ang kaniyang palad. "I-it's nice to meet you din po!" hindi ko alam kung papaano ko sila haharapin ng pormal! "Finally, nakilala ka din namin." wika pa ng isa pang babae. Nakapusod ang buhok nito pero tingin ko ay may lahi din itong intsik. Ang kinis din ng kutis niya, para siyang manika sa lagay niyang iyan! "I'm Tarrah Ho, ang asawa ng siraulong lalaki na iyan." sabay turo niya sa lalaking tila bugbog-sarado, sa natatandaan ko, siya si Mr. Kalous Ho. "And we're very sorry, iha... Nadamay ka sa mga kalokohan ng magpipinsan at humantong pa sa ganito." this time, may isang may edad na babae ang lumapit sa akin. Kahit may edad man siya, ang ganda niya pa rin! She looks classic! Nanigas naman ako sa kinakatayuan ko nang marahan niya akong niyakap. "I'm Miranda Ho, ang nanay nina Keiran at Russel." Namilog ang mga mata ko nang nagpakilala siya sa akin. Ang magandang babae na ito, nanay nina Sir Keiran at Russel?! Wow... "Daddyyy!" narinig namin ang matinis na boses ng isang batang babae. Humiwalay ng yakap sa akin si Ma'm Miranda at napatingin sa batang babae. Umaribas ito ng takbo patungo kay Sir Keiran. Binuhat siya nito sabay yakap ng mahigpit. "I miss you, daddy." "I miss you too, baby." malambing at tuwang-tuwa na pahayag ni Sir Keiran sa kaniyang anak. "Nakauwi na si dad! Makakalaro na kami ng wrestling!" bulalas naman ng isang batang lalaki na nakangisi. "Aldrie ahia, pagod si dad mula byahe!" wika naman ng isa pang batang babae. Tumakbo ito palapit kay Sir Suther sabay hawak sa kamay nito. "Daddy, ayaw kami bigyan ni mommy ng chocolates. She said, masama daw kapag nasobrahan." Ngumiti si sir Suther. "Well, your mama is correct, little girl." "Halika, iha. Ipapakilala naman kita ahma nila, sa Grande Matriarch." malaumanay na wika ni Ma'm Miranda. Dumapo ang kaniyang palad sa aking likod at iginiya niya ako na lumapit pa sa kanila. Hanggang nasa harap ko na ngayon ang isang matandang babae na may hawak na tsaa. Mas lalo ako napalunok nang makita ko siya. Inilapat ko ang aking mga labi. I can sense the dominance, elegance and intimidation. Sa hitsura niya, parang lahat yata ng mga tao nasa paligid niya, magbibiay ng respeto sa kaniya. Na kulang nalang ay yuyuko. Pero kahit na siya ang sinasabing reyna ng pamilyang ito, napuna ko din ang kagandahan na meron siya. Papaano pa kaya kung kabataan pa niya? Paniguradong maraming naghahabol sa kaniya. "Ikaw pala ang nabuntis ng bunso kong apo na si Russel." Bakit kusang tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya? Na akala mo, anumang oras ay kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya?! "I... I'm Jelly Doroteo... Ma'm..." halos kapusin ako ng hininga dahil sa kaba. Ramdam ko na din na nanginginig ang aking mga binti dahil sa pinaghalong kaba at takot. "P-pero... Ayos lang po... Kung... Hindi ako magawang panagutan ni Russel... A-ayos lang po kung... Hindi niya po kaya... Kahit... Sustento nalang siguro... Po. H-hindi ko naman po siya... Pipilitin kung ayaw niya..." garagal kong sambit. Sa unang pagkakataon na nagtama ang tingin namin ng Grande Matriarch ay nanigas ako sa kinakatayuan ko. Ibinigay niya ang tasa na hawak niya sa isang katulong. Pormal siyang tumayo sa harap ko. Pinagmasdan niya akong mabuti at muli na naman niyang tiningnan ang mga mata ko. Kumawala siya ng isang malalim ba buntong-hininga. "Pero kabaligtaran ang gusto kong mangyari, Miss Doroteo." wika niya. Nanatili akong tahimik at nakaawang lang ang aking bibig. A-anong ibig niyang sabihin? "Kailangan ninyong magpakasal sa lalo madaling panahon. My grandson is still a Ho. Buong buhay ko ay hindi ko hinahayaan na makadungisan ang dignidad ng mayroon sa pamilyang ito. Lalo na't nabuntis ka niya. Ang pinakaayoko sa lahat, mapapahiya kami. Lalo na ang tungkol sa suhesyon mo." ramdam ko sa boses niya ang pagiging dominante niya. "Hayaan mong mamanhikan din ang pamilya ko sa pamilya mo, iha. Kailangan ay pormal at engradeng kasal ang isasagawa sa inyo." "P-pero..." "I'm the Grande Martriarch, Miss Doroteo. Means, I'm the head of this household. Kung anong gusto ko, iyon ang masusunod." dagdag pa niya. Hindi ko na magawang magsalita pa. Sa halip ay yumuko pa ako dahil sa hiya. "Ilabas ninyo si Russel." biglang utos niya sa mga apo niya. Napatingin ako sa kanan ko nang may narinig akong ingay. Napasinghap at napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang isang lalaki na nakatali sa wheelchair na si Sir Vaughn ang natulak n'on. Nakapiring siya at may busal ang bibig! Lumapit sina Sir Finlay at Sir Archie para tanggalin ang piring at busal. "Oh f**k! What the hell are you doing, ahias?!" singhal ni Russel sa kanila. "Let me go!" "Sorry, hindi ka namin papakawalan hangga't hindi ipinag-uutos ni ahma." nakangiwing sambit ni Sir Finlay. "Sorry, Russel but we're just follow the orders." "Tang ina naman, oh!" bumaling siya sa kaniyang kuya Keiran. "Ahia! Pakawalan ninyo ako!" Walang sinasabi ni isang salita ang kaniyang kapatid. "Russel," maawtoridad na tawag sa kaniya ng Grande Matriarch. "You have to face your responsibilty with this woman!" "Why do I have to do that, ahma?! Ni hindi ko nga kilala iyan!" bulyaw pa niya habang nagpupumiglas pa rin siya sa pagkatali sa wheelchair. "Hinding hindi ko papakasalan ang babaeng hindi ko kailanman gusto!" "Pero magkakaanak na kayo!" segunda pa ni Ma'm Miranda. Tumigil si Russel. Matalim siyang tumingin sa kinaroroonan ko. "How do you know she's pregnant? How are you sure that she was impregnanted by me, not by the other man, huh?" Pakurap ako at tila kumawala ng hininga nang marinig ko ang mga salita na iyon mula kay Russel. Kusang nanikip ang dibdib ko. Parang pinagsasaksak ako ng ilang matatalim na punyal diretso sa puso ko. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Napasinghap kami nang biglang sinugod ni Sir Keiran si Russel at walang sabi na sinapak niya ito kaya napasubsob si Russel sa sahig kahit nakatali pa siya sa wheelchair! Napasapo ako sa aking bibig nang masaksihan ko ito. Agad dinaluhan ang magpipinsan na lalaki si Sir Keiran para awatin. "Ilabas ninyo ang mga bata dito!" sigaw ni Sir Kalous. Nagmamadaling inilabas ng mga asawa nila ang mga anak nila mula sa silid na ito. "Tarantado ka!" bulyaw ni Sir Keiran na naglilisik ang mga mata dahil sa galit. Dinuro niyo ang kapatid kapag malayo pa ito sa kaniya. "Kahit ngayon lang, magpakalalaki ka, Russel. Oo, iniitindi kita noong bata ka pa. Iniitindi ko ang pagiging rebelde mo pero putang ina, magpakaama ka sa batang dala niya! Ikaw ang may gawa para mailagay siya sa sitwasyon na ito kaya harapin mo! Panagutan mo! Hindi puro takbo, iwas at paglayo ang alam mo!" "K-Keiran... Tama na..." alo ni Ma'm Naya sa kaniyang asawa. Pakiramdam ko ay mas lalo ako hindi makahinga sa nakikita't naririnig ko. "A-ang mabuti pa... Aalis na po ako..." "No!" muling dumadagundong na sigaw ni Sir Keiran na dahilan para matigilan ako. "Stay here, Miss Doroteo! Hinding hindi ka aalis dito! Hinding hindi mo pupuwedeng ilayo ag batang nasa sinapupunan mo mula sa pamilyang ito! Hayaan mo na magdusa ang kapatid ko na ito at harapin ang reyalidad ng buhay! I told you, I won't ever tolerate his misdoings!" "Ahia..." nanghihinang tawag ni Russel. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng kaniyang kapatid. "And the life in Miss Doroteo's womb deserved to be live, Russel and keep this in your mind... When money, wealth, and power become the meaning of life, life becomes meaningless. So if I were you, I shall start new life with each new moments. Time change and priority changes. Because disappointments and regrets will your greatest defeat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD