Prologue

1399 Words
Prologue "Farazzi!" nanigas ang katawan ni Fara at nahinto siya sa pagtakbo ng marinig niya ang boses na iyon. Napapikit siya ng mariin dahil sa lahat ng tao na nandoon sa pagpupulong kanina ay ang taong ayaw pa niyang makatuklas sa tunay niyang pagkatao ang humabol sa kaniya. "What the hell is wrong with you? Bigla bigla ka na lang umalis ng padabog at sa gitna pa talaga ng pagpupulong natin." dagdag pa nito. Kusu! (s**t) Nagsimula nang mamuo ang pawis sa noo niya at manginig maging ang magkabilang tuhod niya. Hindi niya nagkaligtaan na mag spray ng Alpha Perfume kanina gaya ng araw-araw niyang ginagawa, pero dahil ang suppressant ang hindi niya natake, hindi malabo na masapawan ng heat niya ang Alpha Perfume. "Farazzi." seryoso na ang boses ni Karrim at ng sinubukan niyang harapin ito ay mas lalo siyang nanghina sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Naninimbang, nangingilatis, nagmamatyag. God knows kung ilang ulit siyang nagmura sa kaniyang isipan. At mas dumagdag pa sa inis niya na sa lahat ng araw na darating ang kaniyang heat ay wala rin ang beta niyang si Samarah sa kaniyang tabi. You should have been careful Fara! Galit niyang pangaral sa sarili. "Let him be Karrim, mukhang masama ang pakiramdam niya." ani ng isang boses sa likuran ni Karrim at ng nilagpas niya ang paningin kay Karrim ay sinalubong siya ng mga titig ng asawa nito. Fanxieli Usagi. Mariin niyang ani sa sariling isipan. Sa gilid nito ay nakakapit sa damit ang anak nila na kung natatandaan niya ay Marri ang pangalan. "Oni-san." (Brother). Napabaling siya sa bata ng magsalita ito. "Anata wa, daijobou? " (Are you okay?) Hindi mawari ni Fara kung ganoon na ba kasama ang mukha niya na maging ang bata ay nakahalata na. Inis niyang nakagat ang ibabang kaniyang labi, mas sumisikip na ang dibdib niya. Ramdam niya na rin ang tensiyon sa pagitan nila at knowing Karrim, kaunti na lang ay buko na siya nito. "I'm " "Alpha!" Tila nabunutan siya ng tinik at gumaan bahagya ang pakiramdam ng dumating ang Beta niyang si Sam! What a luck! Mabuti na lang at naka-abot ito matapos ng kailangan nitong gawin. "Alpha Karrim." nagbigay galang ang Beta niya kay Karrim maging kay Fan, bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "My young master needs to go now. Nag-ensayo po kasi siya kahapon at aksidenteng nagkasugat sa may gilid niya, kung kaya baka po nananakit na naman ito." pagpapalusot nito para sa kaniya. Onegai Karrim (Please Karrim…) Sinuri pa muna siya ni Karrim at binigyan siya ng makahulugang tingin bago siya nito binigyan ng permisong maka-alis. Fan looked at him with knowing look at alam niyang nakahula na ito, Fan knew they lied. "Next time, drink your suppressants properly, Omega." mahina nitong bulong na kinatiim ng bagang niya. Alam niyang bumabawi lang si Fan sa mga panunuya niya dito noon. At nahihiya man siyang aminin, pero oo, isa siyang Omega. Rason ito kung bakit tinatago siya ng kaniyang Dada at Papa kahit kanino. Tinalikdan ng Dada niya ang angkan nila na mga rouge noon para sa Papa niya at kapag nalaman pa ng mga ito na omega ang anak nila, hindi malabo na huntingin siya nila. He is on their watchlist he knows. That is why he hated himself, he hated being an omega. Hindi siya malaya, nagtatago, ayaw niyang tanggapin na isa lamang siyang mababang omega. He is a Monterro. He is the son of the great Fairo Monterro (Spanish) and the brave Rafa Monterro (Japanese). Hindi man na leader ng kanilang pack ang kaniyang Dada na si Fairo who is a rouge, pero para sa kaniya he is still the greatest. And Fara wants to be like him. "Watashi wa omega ja nai, watashi wa Alpha desu." (I am not an omega, I am an Alpha). Pinal niyang ani. Inilublob ni Sanford ang kaniyang hubo't hubad na katawan sa maligamgam na tubig ng hot spring sa labas ng kaniyang royal chamber. Mula dito ay natatanaw niya ang bilog na buwan at nagkikislapang mga bituin. His silver hair na abot hanggang leeg ay pinasadahan niya ng daliri making it fall backwards. After a stressful and tiring day as an Earl at sa pag gampan niya sa kaniyang tungkulin, Sanford always love to spoil himself on the hot spring. Nawawala lahat ng pagod niya sa init nito at halimuyak ng mabulaklaking bango. Napangiti siya ng maalala ang isang bagay na nakapagpagaan pa ng loob niya. Inabot ng daliri niya ang kaniyang kulay pilak at makapal na robang kasuotan at mula sa bulsa noon ay dinukot niya ang isang litrato. When he saw the beautiful pair of silver orbs ng isang bata sa picture, uminit ang puso niya. His long black hair na hindi pangkaraniwan sa lalaki ay bumagay sa mala babae nitong mukha at features. Nakasuot ito ng kulay lilac na pang hapon na kasuotan at nakatingala sa kumuha ng litrato habang bahagyang nakanguso at lumuluha. He always imagine how smooth his porcelain skin, how smooth his hair, how sweet his pinkish lips or how addicting his smell is. It is the person he always wants to meet his amore (love). Hindi niya makakalimutan ang araw na natagpuan niya ang litrato nito noong siya ay maliit pa, dahil iyon din ang araw na kusang bumilis ang pintig ng puso niya. He instantly got drowned on the kid's innocent eyes and beautiful face. Funny, but yeah, he did. "Farazzi." Sandford mumbled the name na nakasulat sa ilalim ng picture at nanatili lang na ganoon hanggang maistorbo siya ng mga sunod sunod na katok. Dagli siyang nagsuot ng pula at manipis niyang robang panligo. His muscled chest is exposed. But he doesnt care anyway. "Meu, senhor" (My Lord). Ani ng royal servant niyang si Yuriel. Isa itong lalaking beta. "Sim?" (Yes) "Nais ka raw pong makausap ng Duke." nagdadalwang isip nitong ani, naninimbang sa kaniya. Napapikit siya ng mariin dahil alam na niya kung ano na naman ang pag-uusapan nila. Ang pagpapalahi. Ang nakakatandang Duke at nakakatandang Marquess niyang mga kapatid ay may kaniya-kaniya ng mga anak sa ilang concubine na napili nila at bilang ikatlo ay siya na ang susunod. But he doesnt want that. He only wants to have his unborn child for the person his heart chooses. Bigla ay pumasok sa isipan niya ang batang Farazzi. If only I know how you look right now, Meu amor. (My love.) Walang pagtanggi niyang sambit sa kaniyang isipan, sa hindi malamang dahilan ay alam niya sa sariling ninanais niya ito. Hindi man niya mawari, pero he really wants him. He likes a guy na hindi pa niya nakikita at nakikilala sa personal. "Meu senhor?" tawag pansin sa kaniya ni Yuriel. Agaran niya itong sinenyasan na tutungo na siya sa kaniyang kapatid at agad naman itong nagbigay galang. Nagdala ng ingay ang kaniyang bakya na suot habang naglalakad dahil hindi na siya nag-atubili pang magbihis ng kasuotan ng isang Earl. An earl wearing only a thin robe, made the concubines drool over him. You can't attract me omegas. Ani niya sa kaniyang isipan dahil nagtatake siya ng Rut Suppressant Pills to avoid getting horny or attracted from pheromones. "Grande irmaõ, Duke Jinko." (Big Brother, Duke Jinko). Pagtatawag pansin niya sa nakakatandang kapatid pagkapasok sa royal chamber nito. The Duke is wearing a black with white long royal robe, iba sa panligo niya lang na roba. Abot iyon hanggang talampakan at nadidisenyuhan ng mga kulay abong dahon. Sinalubong siya ng matapang nitong mga mata, mga kamay ay kapwa nasa likuran. "Sanford." malaki ang boses nito. "Napag-isipan mo na ba ang pagpapalahi? Alam mo na naman ang kalagayan ng ating amang hari." Ani nito pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin. Alam niyang mahina na ang kanilang amang hari at minsan ay halos ilang araw itong nakahiga sa sariling higaan, his brother is now the one taking the Kings duties. "Irmaõ, you know my answer. "Sanford!" tumaas na ang boses nito at pagkuwa'y lumapit sa kaniya. "You're an Earl, your duty is to maintain our rules and regulations, yet you" napailing iling ito. "I'll give you another week to think, go now." Napabuga siya ng hininga at bumalik sa kaniyang chamber. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok dahil sa iritasyon. "I need to meet you Farazzi." ang tanging nabanggit niya sa hangin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD