Chapter 2

1219 Words
MAJA-RUTH Maaga akong gumising para maaga rin akong makapasok ng eskwelahan. Tumungo ako sa banyo para maligo. "Kyaaah!! Ang lamig ng tubig. Sheeyt! Kainis!" Bulyaw ko sa aking sarili. Alangan naman kakausapin ko ang bath tub, para naman akong tanga nun. Ligo, sabon, kuskos katawan, shampoo, kuskos ulit, anlaw, at tapos na. 10 minutes tapos na agad. Ang bilis ko naman, h'wag niyo akong husgahan, alam kong gagawin niyo rin 'tong technique ko. Lumabas na agad ako ng banyo at saka tumungo sa aking pagka-laking closet. Di jowk lang, actually. Char! Napa-english ako dun ahh! Okay, dito na tayo. Kumuha ako ng school uniform at nagbihis. "Maja! May bisita ka. Tapos ka na ba diyan?" Boses ni Mama yung nasa labas ng pinto. Hays. Ki aga-aga may fans na agad na makipag-picture sa 'kin, sinong bisita naman kaya yan? Si Kiray? Si Berjen, o si--si-- Huwaaah!! Dart? Omaygad! Omaygad! Sala set ako mga bes, dali-dali akong nagbihis, suklay at sa sobrang pagmamadali ko, baliktad pa ata yung undies na suot ko. Kabanas! Wrong side ang nasa labas. Alas-sais trenta pa lang naman ng umaga, at may kunting oras pa ako. Hindi pa naman ako malalate ng pasok. Paglabas ko ng kwarto, agad naman ako sinalubong ni "Bunsay? Ikaw ang bisita ko?" Gulat kong tanong at nilampasan ko nalang siya. "Surprize! Hehehe! Kamusta ang pinaka-mamahal kong Maja Ruth?" Bakit kasi kailangan pang banggitin ang buo kong pangalan! Kabanas, sarap hambalusin ng sapatos kong may 2 inches na heels. "Ano bang pinunta mo dito, Bunsay?" Maya-maya ay tanong ko. "Syempre binibisita ka at nag presenta na rin ako kay Tita Thots na ako maghahatid sa'yo sa Academy na pinapasukan mo." Mygad! Tsuper na pala ang kinabubuhay ni Bunsay ngayon. "Oh! Bat ang sama ng tingin mo sa'kin?" "Tsuper kana ba? San ang rota mo? P'wde maki-extra ng magka-pera ako?" "Langya ka! Anong pinag-sasabi mo diyan? Hoy! Maja Ruth! Ihahatid lang kita, dumaan lang ako dito dahil may pupunta ako malapit sa eskwelahan niyo. Namu 'to! Ka badtrip ka." "Akala ko kasi tsuper ka na e. Sorry naman." Marunong pala ako ng ganun. "Bilisan mo nga diyan!" Anas nito sa'kin at lumabas na ito ng bahay. Labag ata sa kalouban niya ang ihatid ako sa paaralan. Hays. Masakit sa apdo si Bunsay, ihahatid raw ako, pero nagrereklamo. Sa School. Nagmamadali ako sa paglalakad papasok ng gate dahil late na ako. As in, late na ako! Bosit na, Bunsay yun, kung saan-saan pa dumaan yan tuloy late na ako. Maaga nga akong gumising, late naman. Hays. "Ouch! Ano ba naman yan!" anas ko sabay dampot ng mga gamit ko na kumalat sa hallway. "Hindi kaba tumitingin sa daan? Kainis! Late na nga ako sa first class ko." Anas ko pa. "Sorry, miss, nasaktan kaba? Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Teka! Pamilyar ang boses ah! Pag angat ko ng aking ulo. Para akong di makagalaw, naging macheteng seksi na ata ako sa lagay ko. "Miss okay ka lang?" Salita pa nito habang ako naman ay naka-titig sa gwapo nitong mukha. Mygad! Open air, pero pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin. "Hangin." Sambit ko. "Hah?" Sheeeyt!! Ang bango talaga ng hininga niya. "H'wag mo ako masyadong titigan baka patulan kita. Hahaha!" Bumalik ako sa reyalidad ng bigla itong tumawa ng malakas. "Hello..."Speechless ako, hindi ko alam kung bakit. Agad akong tumayo ng maayos at bitbit ko na ang mga gamit ko. Nawawalan ata ako ng energy kapag siya ang kaharap ko. Tss... Aalis na sana ako ng bigla ito nagsalita. "P'wdeng sumabay?" Ano daw? Sumabay? Tama ba yung narinig ko? O, guni-guni ko na naman iyon. "Hah? May sinasabi ka ba?" "Kako, p'wedeng ba akong sumabay sa'yo?" Ahh? Sumabay raw.... Sandali! Bakit ang bilis naman, wala pa ngang pakilala, sasabay na agad. Maharot pa ata 'to sa'kin eh! "Sasabay ka? Bakit? Kilala mo ba ako?" Kunwari nagtataray ako, pero yung totoo naiihi na talaga ako sa sobrang kilig, wala pa masyadong the moves ha? Hehehe! "Hindi, wala naman akong planong kilalanin ka. Ikaw lang naman ang may planong kilalanin ako, tama?" Lintik na lalaking 'to! Binusted agad-agad! Nakaka-hart yung sinabi ni Dart Babe hah? Pasalamat ka, ayaw ko ring ipaalam ang pangalan ko. "Diyan kana nga!" Singhal ko at nagmamadali sa paglalakad. Kung di lang kita pantansya, abnoy ka, malamang di na kita hahabol-habulin pa. Magpapa-buntis pa ako sa'yo, at ikakasal pa tayo. Asumera na kung asurema, diskarte ko na rin 'to kay Dart Babe ko. Balang araw ikaw naman ang magpapantasya sa'kin, tutulo ang laway sa'kin, at hindi naman p'wede na ikaw yung mabubuntis. Sige sasaluhin ko na ulit yung pagpapabuntis. Grabeng imagination etey ang layo na sa reyalidad. Pero, tiwala lang talaga, Ruth, tiwala lang. 30 minutes na akong late sa first subject, at malamang sesermonan na naman ako ng teacher kong clown. Hays. Ang ganda ko kasi. Inggit na inggit rin yun sa'kin ang guro ko na yun, pouting lips ako e. Mala Lil Bratz ang dating. Dumiritso nalang mula ako ng Ladies room at babaliktarin ko ang wrong side kong undies. Tsk! Kakahiya, ang ganda ko tapos baliktad ang undies. "Ikaw ang may sala nito, Dart Babe. Humanda ka sa'kin." Matapos ko sa banyo, at agad naman ako pumasok ng classroom. Wala pinag-bago, maingay parin sila dahil walang teacher. Tsk! Akala ko masasabon na naman ako ni Ma'am. Swerte ko lang talaga. "Ruth? Pabilisan tayo ng tounge twister." Salita ng isa kong kaklase. "Ayaw ko, tinatamad ako magsalita ngayon. Nakaka-ulol, este nakaka-bulol pala." "Hays... Sige, may tanong nalang ako sa'yo." Ang kulit talaga... Ba't kasi sa akin pa magtatanong? "Sige, anong tanong mo?" Ngumiti siya at lumapit sa akin. "What is the first book published in the Philippines?" Napapa-english na naman ako dito. Explain-explain na naman ang drama ko. Tch... May magagawa pa ba ako? Huminga ako ng malalim at naupo ng maayos. Mukhang interisado siya sa isasagot ko. Hula ko magiging writer 'to balang araw. Hahahaha. Kapag nangyari 'yon, ang kwentong pag-ibig ko ang unang isusulat niya at gawing libro. Hahahaha. Tama. "The Dominicans are believed to have established the first printing press in the Philippines in 1593. In the same year, the Doctrina Christiana en Lengua Española y Tagala, the first book to be printed in the Philippines was produced." This is from the first edition published in 1960." Ngumiti ako ng matapos kongb sagutin ang tanong niya sa akin. "Doctrina Christiana pala." Mangha nitong sabi. "Oo, bakit?" "Hahahaha. Wala naman, assignment kasi ng kapatid ko. Hehehehe. Maraming salamat, Ruth. Ang talino mo talaga." Napa-ngiwi nalang ako sa sinabi. Bagaman, masaya ako dahil may sagot na sa asignatura ang kapatid nito. "Ah... Ruth, isa nalang. Ano nga 'yong librong sinulat ni Jose Rizal? Last nalang talaga." Kumunot ang noo ko. "Bago kita sagutin, ano muna ang buong pangalan ni Jose Rizal?" "Hah? Ah... Eh... José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda." "Tama." "E.. Sagutin mo na kasi 'yong tanong ko." "Noli me tangere at el Filibusterismo." "Hahahaha. Solomot, Ruth. Kwits na tayo. Hehehehe." "Ewan ko sa'yo, Elda. Idlip lang ako, badtrip kay crush." Hindi ko na hinintay na sagutin niya ako. Pinailig ko nalang agad ang aking ulo sa arm chair ng aking upuan, at naidlip ng kunti. Akala ko idlip lang 'yon. Nakatulog na pala talaga ako. May araw ka rin sa akin, Dart babe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD