bc

The Myth

book_age12+
709
FOLLOW
2.8K
READ
fated
dominant
powerful
sweet
Writing Challenge
vampire
magical world
supernature earth
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Everything in this world is ordinary; nothing's special.

That's what Aurora thought too.

But when a four extraordinary men came to rescue them from a robbery, a new world opened for her.

Who would have thought that those four men are Vampires?

Kasabay ng paglitaw ng apat sa buhay niya ay ang pagbalik ng kakatwang mga panaginip niya...

Sundan ang kwento ni Aurora kasama ang iba pa sa paghahanap ng ibang kakaiba—

Which to us is only a

MYTH...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
            NAIA, PHILIPPINES       Apat na mga banyagang kalalakihan ang bumaba galing sa sinakyan nilang eroplano. Agaw pansin ang mga ito dahil sa coat at gloves nitong kasuotan kahit pa nasa katanghaliang tapat, ngunit hindi iyon nakabawas sa kagwapohan ng bawat isa.      “Whoa man! How I missed this country. How ‘bout you guys?” tanong nito sa mga kasamahan, pumikit pa ito habang nilalanghap ang simoy ng hangin.      “Same here, ano'ng masasabi mo Fiel?” tanong naman ng lalaking may kulay gintong mga buhok.      “The-” Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil may nakabungguan itong babae.       “Ohh! Oh my! I’m so sorry, hindi ko po sinasadya,” hinging paumanhin ng dalaga sa lalaking nabunggo nito. Napatingin ito sa lalaki at biglang napaawang ang mga labi. Blue eyes?       Tiningnan n’ya ang apat na mga kalalakihan. They are all handsome pero mas naagaw ang atensyon n’ya sa lalaking nakabangga. May kakaiba sa apat na wala sa mga lalaking una n’ya ng nakasalamuha. Hindi n’ya napigilan ang sarili na titigan ang bawat isa. They are all good looking in different way, magaganda ang mga mata nito kaysa sa pangkaraniwan and their style? It’s very unusual. Napabuntong hininga na lang s'ya nang ‘di sinasadya.       “Aurora!” Isang pamilyar na boses ang narinig n’yang tumawag sa pangalan n’ya. Natauhan s’ya at nakaramdam ng hiya sa ginawang pagtitig sa apat.       “I have to go. I’m really sorry!” Bahagya pa siyang yumukod bago umalis. Tumango naman ang lalaking nabunggo niya habang ang may kulay gintong buhok ay ngumiti at kumaway pa sa kanya.      “Kumusta ka na, aking prinsesa?” tanong ng may katandaan nang lalaki sa dalaga, sabay yakap dito. How she missed this old man!      “I’m good, dad, lalo na ngayong nakita na kita. Sobrang na-miss kita.” Hinalikan n’ya sa pisngi ang ama at yumakap nang mahigpit. “Kumusta po kayo?”      “I’m fine, by the way, how’s your trip?      “Okay naman, dad, kaso nagugutom na po ako. Hindi ako kumain bago umalis dahil alam ko pong magluluto kayo,” sagot niya habang humawak sa bisig ng ama. Binalingan n’ya naman ang driver nila. “Manong, pakipasok na lang po sa sasakyan ang mga dala ko, salamat po. May mga pasalubong po ako para sa inyo,” nakangiti niyang saad rito at nagpasalamat naman ito sa kanya.   “Nakakalunod ang amoy ng babaeng iyon,” sabi ni Gray habang patungo silang Palawan kung saan matatagpuan ang tinatawag nilang f*******n Mansion. Ilang dekada na itong nakatayo subalit hindi ito magiba dahil sa spell na pumoprotekta rito. Gray Phantomhive is Callicantzaroz—a new-hybrid type. Unlike the three others, hindi s’ya pwedeng direktang maglakad sa arawan dahil pwede niyang ikasawi ito. Isa ito sa mga pinagkakatiwalang kawal ni King Ezral, the guardian of the Callicantzaroz Tribe.       “I don’t know,” magkasabay na sagot ni Leron at Thor. Both of them are royal blooded—mula sila sa bloodline ng isang Feral Vampire. Ang mga tulad nilang dugong bughaw ay  hindi umiinom ng dugo galing sa pumipintig na ugat ng mga tao. Nabubuhay sila sa pag-inom ng dugo ng mga hayop. Thor Garnier and Leron Gauthier are Nosferatu—ang lahi nila ang pinagmulan ni Count Dracula.       “Ikaw, Fiel, ano ang masasabi mo?” untag ni Gray sa kanya nang hindi pa rin siya kumikibo. Sa totoo lang ay hindi na naalis sa kanyang isip ang mukha ng babae, naiwan rin sa kanyang sistema ang amoy ng dalaga.        “She’s young and beautiful.” Fiel Lacroix. The only grandson of King Ezral. He is a Vurdalak Vampire— vigorous type. Katulad ni Leron at Thor, daywalker ang mga katulad niya. He was once an Asenir of Arko Agartha—isang konseho ng mga bampira na naglalayong mapanatili ang balanse sa pagitan ng mga mortal at bampira. Sa kasalukuyan ay isa s'yang manggagamot na nagpapakadalubhasa sa larangan ng Medesina. Ito ang propesyon n'ya bilang isang ‘tao’. May kanya-kanyang buhay rin ang tatlo n'yang kaibigan kapag ‘di sila magkakasama.       “I agree with you, young and naïve—may mga inosenteng kaluluwa,” segunda naman ni Leron sa sinabi n’ya.       “Maiba ako, rito ba talaga natin makikita ang hinahanap natin?” Pag-iiba ni Gray sa paksa.        “Dito tayo pinadala ni Ezral, tiyak kong alam nya ang mga bawat hakbang na pinapagawa sa ‘tin,” sagot ni Feil sa tanong ni Gray habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. May misyon silang dapat gawin sa bansang ‘yon dahil may ipinapahanap sa kanila ang lolo nya.       Hindi ito ang unang beses na pumunta sila ng Pilipinas kaya bihasa na sila sa lenggwahe ng naturang lugar at sa palagay n'ya ay matatagalan sila ngayon dahil sa isang misyon. Silang apat na ang magkasama sa simula pa lang hanggang sa naging malapit sila sa isa’t isa. Pinili nila ang mamuhay ng normal kumpara sa ibang kauri nila na hayok sa dugo na galing sa buhay nang mga mortal. SA BAHAY NG MGA MONTEGRACIA Nagbabasa si Aurora sa sala habang hinihintay ang daddy niya na bumaba. Nasanay na ang body clock niya na magising nang maaga dahil na rin sa schedule niya sa ibang bansa. Isa siyang sikat na modelo hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.       Aurora Montegracia. Unica hija of Don Rodrigo. The only successor of all his wealth. Nasa dalaga na ang lahat na pinapangarap ng isang babae: beauty, brain, body, wealth and fame. Isa siyang sikat na super model subalit ang higit na hahangaan mo sa kanya ay ang kabutihan ng loob nito. She’ll always find time to help the street children and their family.       “Good morning, hija, ang aga mo namang nagising?” bati sa kanya ng daddy niya habang pababa ito.       “Good morning, too, dad. Inagahan ko po talaga para makasabay kita sa breakfast.” Tumayo siya upang humalik sa pisngi ng ama. Sabay na rin silang nagtungo sa hapag-kainan. “Dad, pwede ba akong sumama sa company natin, please…” pakiusap nya sa daddy niya habang kumakain na sila. “Gusto ko lang kasing mag-unwind after ng pageant sa America at syempre, gusto kong kasama kita.” Ilang buwan n’ya ring hindi nakasama ang ama kaya hangga’t maaari ay gusto n’ya itong kasama kahit pa sa trabaho nito. Maswerte siya sa mga magulang n’ya dahil hindi siya pinipilit na pamahalaan ang negosyo nila, hinahayaan siya na tuparin ang pangarap niya.       “Sigurado ka? Ayaw mong magpahinga na lang dito sa bahay?”      “Opo.”       “Oh, siya, sige. Pagkatapos nating kumain ay aalis na tayo total ay nakabihis ka na naman.” Napangiti siya sa sinabi ng ama, kahit ‘di ito pumayag ay magpupumilit pa rin siya.        Ginugol nilang mag-ama ang buong maghapon sa sariling kompanya. Bago umuwi ay kumain na muna sila sa paborito nilang Steak house malapit sa kanilang bahay. Nasa teresa si Aurora ng kanyang kwarto nang biglang siyang maalimpungatan sa ingay na nagmumula sa ibaba. Hindi niya namalayang nakatulog na s'ya habang nakatanaw sa kalawakan at nakatingin sa paboritong bituin sa kalawakan. Naalala n’ya ang sabi ng mommy niya bago ito malagutan ng hininga, “Whenever you'll miss me, just look at the sky, I’ll be staring at you from up above with God.” Bumalik s'ya sa kasalukuyan nang may marinig siyang tinig ng mga lalaki na nanggagaling sa baba. Kinabahan ang dalaga nang mapagtanto na may mga nanloob sa kanila.      “Kapag hindi mo sinabi sa akin kung saan nakatago ang pera at mga alahas, papatayin ko kayong lahat!” sigaw ng isa sa lalaki habang tinututukan ng b***l ang kanyang ama. Nanginig siya sa takot. Takot hindi para sa sarili niya; kundi para sa kaligtasan ng ama at mga kasama nila.        “Pare, balita ko may anak itong matanda na napakaganda.” Nakita niya ang nangingitim na mga ngipin nito nang ngumisi ito. Nanghilakbot siya sa nakita.        “Pakiusap, kunin niyo na lahat ng alahas at pera na makita niyo, 'wag niyo lang kaming sasaktan lalo na ang anak ko.” Narinig ng dalagang pakiusap ng daddy niya, nakaluhod ito at nakagapos ang mga kamay.       “Hindi ba’t sabi kong magsalita ka lang kapag tinatanong kita!” galit na sabi ng isa sa mga nanloob sabay suntok sa ama niya. Nakita niya ang pagbalandra nito sa sahig. Agad na namalisbis ang luha n'ya nang makita ang duguang mukha ng ama. Aatras na sana s'ya upang kunin ang cellphone na nasa itaas para tawagan ang kinakapatid n'yang pulis nang ‘di sinasadyang masagi niya ang figurine malapit lang sa kanya. Huli na upang makatakbo siya dahil nakaagaw na ito ng pansin mula sa mga lalaking nanloob sa kanila.     Nilapitan siya ng tingin sa niya ay lider sa grupo, hinawakan siya nito sa braso at malisyosong ngumiti habang nakatingin sa kanya. Nangilabot s'ya sa ginawa ng lalaki kaya nagpupumiglas s'ya.     Nagpumilit tumayo ang daddy n'ya nang biglang sipain ito ng lalaking maraming tattoo sa katawan. Napasigaw na lang ang dalaga dahil sa takot para sa kaligtasan nila. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Pawang mga nakatali rin ang mga kasambahay nila. Nagtangka uli na tumayo ang daddy n'ya nang tutukan na ito ng b***l ng taong may hawak sa kanya. Nagdilim ang paningin n'ya nang makarinig s'ya ng putok ng b***l. Ang huling naramdaman nya ay ang hanging dumampi sa balat n'ya at ang mga bisig na sumalo sa kanya. Samantala, pabalik na sa Palawan sila Fiel nang may marinig silang sigaw ng babae na nanggagaling sa tapat ng nag-iisang bahay na nadaanan nila.    “I can smell blood,” narinig n'yang sabi ni Leron.    “I know they need help,” sabi naman ni Gray sabay labas ng kotse at ganoon din ang ginawa ni Leron at Thor habang s'ya ay nagpaiwan sa loob ng kotse.    “'Wag mong sabihin na hindi ka tutulong?” tanong ni Gray sa kanya.    “Labas na tayo sa problema ng mga tao. Nandito lang tayo—” Napailing na lang s'ya nang mawala ang tatlo sa paningin niya. Nag-teleport na rin  s'ya papasok sa loob ng bahay.    Agad nilang nakita ang matandang tinutukan ng b***l na sa wari niya ay papaputukan na kaya agad nilang ini-off ang main switch ng kuryente. Hindi problema sa kanila ang dilim kaya agad n'yang sinunggaban ang lalaking may hawak na isang bihag. Nawalan naman ng malay ang babae nang magpaputok ang lalaking may hawak dito. Bago pa ito bumagsak sa sahig ay nasalo na niya ito sa kanyang mga bisig. Pamilyar sa kanya ang amoy at hitsura  ng dalaga. S'ya ang babae sa airport! Hindi n'ya alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso n'ya nang makita ang mukha ng dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

YOU'RE MINE

read
894.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook