Chapter 2

1010 Words
Tanghali na nang nakarating sina Austine at Slant sa Tagaytay kung saan nakatira ang kaibigan nilang si Zion at ang asawa nito. "Oh, tinanghali kayo? Sabi ko ay agahan niyo at tutulungan niyo ako rito," salubong sa kanila ni Zion.  Napangisi siya. "That's the reason why we are late,” nang-aasar na tugon ni Austine. Sumimangot lalo si Zion sa sinabi niya.  "Wala kayong kwentang kaibigan! Buti pa si Gian ay maagang pumunta rito at siya na nagluto ng barbecue!” sumbat sa kanila ni Zion. "Inimbita mo lang ba kami para gawing utusan? Kapal mo!" sikmat ni Slant kay Zion. "Oh, Slant, Austine, nandito na pala kayo? Gusto niyo bang kumain?" tanong sa kanila ni Ezella na palapit na pero sumalubong na kaagad si Zion sa asawa at inakbayan ito. "Hindi pa nga eh," tugon niya. "Kumain na muna kayo." Lumingon si Ezella sa likuran at waring may hinahanap."Ez!" tawag ni Ezella. Napatingin siya sa tinawag ni Ezella at isang simpleng babae na kamukha nito ang lumapit sa kanila. Mukha itong mahiyain at ang haba ng suot na bistida, nakabalumbon ang buhok at ni katiting na make-up sa mukha ay wala at napakasimple lang talaga nito. "Bakit, Ate?" mahinahon na tanong nito kay Ezella. Ang lambing ng boses na parang hindi makabasag pinggan. "Pwede pakitignan sina Lex at Lax, aasikasuhin ko lang itong mga kaibigan ng Kuya Zin mo--“ "Wifey, 'wag mo nang asikasuhin ang mga 'yan! Makakakain iyan sila kahit hindi mo inaasikaso," tutol ni Zion sa plano sana ni Ezella. "Bisita mo kami kaya dapat talaga inaasikaso kami!" nakasimagot na sabat ni Slant. "Oo nga, hubby, hayaan mo na akong asikasuhin sila,” ayon naman ni Ezella saka muling tumingin sa kanila. “Hali na kayo at nang makakain na." Napatingin ulit si Ezella sa tinawag niyang Ezrah. " Ez, ikaw na bahala sa kambal,” bilin nito sa kapatid. "Opo, Ate," tugon ng Ez ang pangalan kay Ezella at sumulyap ito sandali sa kanya saka umalis. "Kapatid mo 'yon, Zelle, hindi ba?" usisang tanong ni Slant. "Oo, bunso namin. Mahiyain at parang takot sa tao iyang si Ezrah, si Kuya kasi halos kulungin sa loob ng bahay kasama ng Lola namin. Hindi tuloy na-enjoy ni Ez ang pagkadalaga,” kuwento ni Ezella sa kanila. "Buti pumayag ang Kuya mo na pumunta siya rito?" usisang tanong ulit ni Slant. "Napapapayag ni Ezrah. Dapat nga kasama si Mamang, eh, ang Lola namin kaso matanda na at hirap na sa biyahe." "Bakit, Slant, type mo ba?" nakangising tudyo niya kay Slant, "kamukha siya ni Ezella, oh, don't tell me until now hindi ka pa nakaka-move--“ "Shut up!" magkasabay na sita ni Zion at Slant sa kanya na ikinatahimik niya pero napangisi siya nang nakakaloko. "Ikaw talaga, Austine, ang loko mo! ’Wag mong idamay ang kapatid ko at inosente iyon," nakangiting sabi sa kanya ni Ezella. "Sorry, Ezella." Nag-pout pa siya na ikitawa nito kaya lalo tuloy gumanda ang babae.   Maganda si Ezella kaya ganoon na lang kamahal ni Zion ang asawa at mabait pa ito kaya masuwerte na rin ang kaibigan niya dahil natagpuan nito si Ezella. Hindi rin madali ang pinagdaanan mag-asawa bago pa nagkatuluyan at may nabuong pamilya pero sa nakikita niya sa kaibigan at asawa nito, ay ano man ang pinagdaanan sa nakaraan ay higit naman ang ligaya na kapalit ngayon sa hinaharap kaya masaya siya para sa kaibigan. "Oo nga pala, buntis ulit ang asawa ko. She’s one-week pregnant!" masayang balita sa kanila ni Zion. Napangisi sila ni Slant. "Tindi mo talaga, bro, ano 'yan walang pahingahan?" tudyo niya na ikinapula ni Ezella. "Loko ka! Inggit ka lang, Austine, kaya mag-asawa ka na rin kasi!" ganti sa kanya ni Zion. " Ayoko nga. Hindi pa ako handa para diyan. Ang saya kayang mabuhay na binata at unlimited chicks pa," tugon niya. "Tsk! Babaero ka talaga!" sabi ni Zion na ikinatawa niya.  "Kadadalawang-taon pa lang ng kambal ngayon, 'di ba?" sabat na tanong ni Slant. "Oo," tugon ni Zion. "Hindi ba mahirapan si Zelle niyan sa pag-aalaga sa mga bata?" may pag-aalalang tanong ni Slant sa mag-asawa. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti dahil kahit kilalang weird at mahirap pakisamahan si Slant ay pagdating talaga sa mahahalagang tao para rito ay ipinapakita nito ang pag-aalala. Sobra rin kasing naging malapit si Slant kay Ezella at nagkagusto pa nga ito sa babae. "Oo nga, Zin, hinay-hinay lang kasi sa paggawa ng bata," sabat na rin niya sa tanong ni Slant. "Hindi naman ako pinababayaan ni Zin sa mga bata kaya okay lang," tugon ni Ezella. "Oo nga. Hindi ko pababayaan ang asawa ko na mahirapan siya kaya 'wag kang mag-alala, Slant, mahal na mahal ko ito, eh," sabi ni Zion at hinalikan sa noo ang asawa. "Oh, nandito na pala kayo mga, bro." Napalingon sila sa pagpasok ni Gian sa bahay at nilapitan sila. "Barbecue, oh, ako nagluto niyan at timpla ko rin,” alok ni Gian sa kanila sabay abot ng niluto nitong barbecue na nakalagay sa tray. Kumuha naman sila ng barbecue sa tray at naglagay sa plato. "Maiwan na muna namin kayo rito at aaskasuhin pa namin ang mga pagkain at mga bisitang darating,” paalam na sa kanila ni Ezella.  Tumango na lang sila saka umalis na ang dalawang mag-asawa at kumain naman sila ni Slant ng barbercue. Napatingin  pa siya sa dumating at nang magsalubong ang tingin nila ay  napayuko ito at umiwas ng tingin sa kanya. "Weird naman nito!” bulalas ng isip niya. "Oh, Ezrah, kain ka ng barbecue. Masarap iyan at ako ang nagtimpla niyan," alok ni Gian sa babaeng dumating. Ngumiti lang si Ezrah na nagpalabas ng dalawang dimples sa pisngi nito. "Sige, pahingi ako,” payag naman ni Ezrah. Inabutan ito ni Gian ng barbecue. "Salamat, Kuya Gian," nakangiting pasasalamat nito kay Gian. "Kuya?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Tinawag na Kuya ni Ezrah si Gian at hindi niya maiwasan magulat dahil hindi siya sanay sa ganoong tawagan o kahit sa mga kakilala nila na mas bata pa ang edad sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD