Chapter 1 - Reject

1323 Words
CHAPTER 1 - Reject “DAHAN-DAHAN naman, Haelynn!” Hindi ko pinansin ang sigaw sa akin ng kaibigan. Patuloy lang ang pakikipagsiksikan ko sa kumpulan ng mga tao para mapasok ang pinakaloob ng bar. Hawak-hawak ko naman sa pulso si Xia na kanina pang nagrereklamo sa akin. Sapilitan ko lang kasi siya isinama ngayong gabi. Nakahinga ako nang maluwag nang malampasan ko na ang tumpukan ng mga tao. Binitiwan ko na rin ang pulso ng kaibigan na ngayon ay may masama ng tingin sa akin. “I can’t believe this. Ginagawa mo ang lahat ng ito para sa isang lalaki lang!” asik niya. Napairap ako. “Imbes na kung ano-ano ang sinasabi mo riyan, tulungan mo na lang akong hanapin siya.” Mas sumama ang tingin sa akin ni Xia dahil sa sinabi kong ‘yon, pero kinalaunan ay bumuntong hininga. Maarte niyang hinawi ang buhok at inalis ang tingin sa akin. Napapailing na lang akong nag-iwas ng tingin sa kanya at iginala na lang ito sa paligid. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha ng tao dahil sa nakakahilong patay-sindi na strobe lights. Masakit pa sa mga mata ang paiba-iba nitong ilaw. Napabuntong hininga ako nang hindi ko makita sa paligid ang lalaking hinahanap ko. Sinubukan ko na ang lahat para maging malinaw ang paningin ko at nang makita ko siya, pero ni anino niya ay hindi ko man lang matagpuan. Pero sigurado akong nandito siya ngayong gabi. Nakita ko pa ngang naka-park ang kotse niya sa parking space ng bar. “Hindi mo pa ba nakikita?” Baling ko kay Xia. Umiling siya nang hindi man lang nagbabaling ng ulo sa akin. Napabuga ako ng hininga at muli na lang iginala ang tingin sa paligid. Dahil Friday night ngayon ay marami ang tao rito sa bar para magsaya. Maraming tao ang nasa dance floor para sabayan ang pag-indayog ng musika. Ang iba naman ay may sariling mundo sa tabi-tabi. At ang iba ay nakikipaghalikan sa dilim! “Oh my god! I found him! I found Domino Alvarez!” tili ni Xia dahilan para mabilis na bumaling sa kanya ang ulo ko. Sinundan ng mga mata ko ang daliri niyang nakaturo sa second floor ng bar. Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ko nga si Domino Alvarez sa itaas, ang lalaking kanina ko pa hinahanap. “Let’s go! Let’s go! Kailangan ay maabutan natin siya!” natataranta kong sabi. Kaya pati si Xia ay nataranta rin. Nagmamadali naming tinahak ang daan patungong second floor ng bar. Sinisigurado ko rin na hindi mawawala sa paningin ko si Domino Alvarez. Hindi puwedeng mawala siya! Parehong hinihingal kami ni Xia nang maka-akyat sa pangalawang palapag ng bar. Napahawak pa sa magkabilaan niyang tuhod ang kaibigan ko habang naghahabol ng hininga. Pero sa halip na gayahin siya ay kumuyom ang kamao ko at nag-ipon ng lakas ng loob. Nang sa tingin ko ay handa na ako, humugot ako ng malalim na hininga at tinungo ang gawi ni Domino Alvarez. Iniharang ko ang sarili sa dinadaanan niya dahilan para matigilan siya sa paglalakad. Ganoon na rin ang mga kaibigan niyang kasa-kasama niya. Kunot-noong pinasadahan ako ng tingin ni Domino Alvarez. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya nang makita ang kabuuan ko. Wala tuloy sa sariling napatingin ako sa sarili. Wala namang mali sa akin. Pormal naman ang suot kong pantalon at ang fashion polo blouse ko. Bumalik ang tingin ko kay Domino nang marinig ko ang pagtikhim niya sa harapan ko. Parang biglang nanuyot ang lalamunan ko at ramdam ko ang kabog sa dibdib ko. “Uh…” Nakagat ko ang sariling labi nang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pinaghandaan ko ang pagkakataon na ito, pero biglang naging blangko ang utak ko ngayong kaharap ko na mismo si Domino Alvarez. “Miss, kung wala ka namang sasabihin, puwede bang umalis ka na sa dinadaanan namin?” masungit niyang tanong. Napakurap-kurap ako at napanganga. Ramdam ko ang pagkapahiya ko sa harapan niya at ng mga kaibigan niya. Tumamad ang mukha niya nang makita ang reaksiyon ko. Akmang dadaan na lang siya sa gilid ko nang mabilis akong humarang dahilan para matigil na naman siya. “Ano ba—” “I like you!” putol ko sa sinasabi niya. Kita ko ang pagkakasalubong ng kilay niya at ang mariin niyang pagtitig sa akin. “I like you, Domino Alvarez,” pag-uulit ko sa sinabi, at sa pagkakataong ito ay nakatingin na mismo sa mga mata niya. Tumaas ang kilay ni Domino habang pinagmamasdan ako, pero kinalaunan ay napailing. “Hinarang mo ako para lang sabihin ‘yan?” tanong niya. Natigilan ako nang may mahimigan ako sa boses niya. Tila hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. “Oo…” mahinang sabi ko. Asar siyang ngumiti. “Istorbo ka.” Halos malaglag ang panga ko sa narinig na sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang pinukol siya ng tingin. “Come again?” tanging nasabi ko. “Hindi ka lang pala istorbo, bingi rin pala.” Tuluyang umawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Hindi ko inaakalang ganito pala magsalita ang lalaking ito. Walang respeto sa mga babae! Kahit bakas na sa mukha ko ang pagkabigla dahil sa mga pinagsasabi niya ay sinenyasan niya akong tumabi mula sa dinadaraanan niya. Mariin akong umiling na ikinakunot ng noo niya. “Gusto pa rin kita kahit ganyan ang sinabi mo sa akin,” usal ko. Puno siya ng sarkasmong natawa. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakitawa rin. Napansin ko naman ang kaibigan ko na nasa likod ng mga kaibigan ni Domino. Bakas sa mukha ni Xia ang pagkabigla habang pinapanood ang nagaganap sa pagitan namin ni Domino. “Are you that desperate, Miss?” Bumalik ang atensiyon ko kay Domino nang marinig siyang magsalita. “Okay, alam ko nang gusto mo ako. Ngayon, puwede mo na ba akong padaanin?” Puno ng pagiging sarkasmo ang boses niya nang sabihin iyon. Nangunot ang noo ko. “Padaanin ka? ‘Yon lang ‘yon? After I confessed my feelings to you, sasabihin mong tumabi ako para makadaan ka na?” Humalukipkip ako habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa kanya. May ngisi naman ang sumilay sa labi niya dahil sa naging tanong ko. “What do you expect me to do? Inaasahan mo bang sasabihin ko rin na gusto kita? Sorry, Miss. You are not my type. You’re too simple,” deretsahan niyang sabi. Walang preno ang bunganga niya. Umawang ang bibig ko nang hawiin niya ako mula sa pagkakaharang sa harapan niya. Pinukol niya pa ako ng mariin na tingin bago nagpatuloy sa paglalakad. Ang mga kaibigan naman niya ay natatawang tinitingnan ako bago tuluyang lagpasan. Bagsak ang balikat ko at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari nang lapitan ako ni Xia. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ko at marahang hinaplos ito. “Ayos ka lang ba, Haelynn?” nag-aalala niyang tanong. Umiling ako at blangko ang mukhang nagbaling ng tingin sa kanya. “Masyado ba akong simple?” tanong ko sa kaibigan. Kinagat niya ang ibabang labi at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas lalo akong nanghina nang walang pagdadalawang-isip siyang sunod-sunod na tumango. “I don’t like your taste in fashion. Hindi naman pangit, pero masyadong simple,” aniya pa. Bumuntong hininga ako at asar na inalis ang tingin sa kaibigan. Sa halip na palakasin niya ang loob ko o i-comfort, mas lalo niya akong dina-down! Itinuon ko na lang ang tingin sa direksiyon kung saan nagtungo si Domino Alvarez at ang mga kaibigan niya. Patungo iyon sa mga VIP room ng bar. Nagsarado ang kamao ko sa panggigigil nang maalala ang ginawa ng lalaking iyon. He rejected me! Pero kung inaakala niya na sa ginawa niyang iyon ay titigilan ko na siya, nagkakamali siya. Wala akong planong tumigil. Nagsisimula pa lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD