bc

THE CROWNED PRINCE AND I

book_age16+
892
FOLLOW
6.0K
READ
prince
comedy
campus
highschool
royal
like
intro-logo
Blurb

Si Kakay ay hindi natin masasabing tipikal na highschool girl dahil sa pinapasukan niyang paaralan ay siya ang namumukod tanging mahirap.

Nang araw na matuklasan niyang niloloko lang siya ng boyfriend niya ay nakilala niya ang isang gwapong binata that turns out to be her classmate s***h janitor in their school.

But this janitor has something in his sleeve.

Ano nga ba ang kakaiba sa janitor nila na wala sa mga kaklase niyang lalaki?

chap-preview
Free preview
SI KAKAY NA HINDI MAGANDA
"MS. BATUNGBAKAL!!!" Umalingawngaw sa buong silid-aralan ang boses ng terror namin na teacher na si Ms. Agasan kasabay ng pagsalpok ng matigas na isang bagay sa ulo ko—na siyang dahilan kung bakit bigla akong nagising. Flying eraser na naman… Napakamot ako sa ulo ko nang mapagtanto na nakatulog na naman ako sa klase niya. Paano ba naman kasi? Boring na nga ang subject, boring pa ang teacher plus nasa D-hour pa ang oras ng klase niya. Ala-una! Kung ang dictionary ay may D-day, may D-hour din ako. Trip ko lang naman mag-invent ng bagong word. "Kaya wala 'yang laman ang utak mo dahil puro tulog ang inaatupag mo! Umisa ka pa! Hindi lang iyang pambura ang ihahagis ko sa iyo!" Halatang nanggigigil si Miss sa akin dahil naglilitawan ang mga ugat sa leeg niya. "Yes, Miss…" nahihiya kong sagot sa kanya. Palihim akong nagpakawala ng malalim na paghinga. Narinig ko na nagtawanan ang lahat ng kaklase ko—hindi pala lahat— maliban kay Mary Rose na bff ko. Umupo uli ako at pinilit na hindi makatulog kahit pa tila ipinaghehele ako ng 'di nakikitang anghel sa paligid. Hanggang sa tumunog ang pangmalakasang hudyat na break time na. "Yes! Time na!" natutuwa kong sabi na hindi ko namalayan na napalakas pala. "Oo at diyan ka lang magaling!" Echusera talaga to si Ms. Agasan! Palibhasa ay tumanda nang dalaga kaya walang alam sa tinatawag na kaunting kaligayahan. "Canteen tayo, Cha?" Nilingon ko si Philip Ternate. Siya iyong tipikal na nerd guy. May makapal na salamin sa mata; nahahati sa dalawang parte ang buhok na animo'y dinilaan ng sawa; may bakod ang mga ngipin kaya talsik-laway minsan kung magsalita; baduy manamit at parating may hawak na mababasang libro. May hawak na libro kahit saan magpunta! Bff ko rin siya. "Ano, Cha? Masakit? Masakit?" Siya naman si Mary Rose Smith. Maru for short. Mahaba at alon-alon ang kulay mais na buhok; pinkish na balat; red lips; mapupungay ang mga mata niya at mahahaba at makapal ang eyelashes. Matangkad at sa tingin ko ay sexy though hindi kasi halata dahil parating malalaki ang suot niyang damit at pants. Tulad ni Philip ay matalino rin siya. At para sa akin, si Maru ang pinakamaganda rito sa campus. Napasimangot ako sabay kamot sa ulo ko na tinamaan ng pambura kanina. "Oo, Cha. Sobra! Putek naman kasi, ang hilig naman kasi noon mambato, at take note, ha? Sa bunbunan pa!" Natawa ang dalawa kong kaibigan sa sinabi ko. "Ano ka ba naman kasi! Kung hindi ka ba naman timang, eh, hindi ka matutulog sa oras ng klase. Bukas, matulog ka uli para mas masaya," nakangising saad ni Maru kay Philip at nag-apir pa silang dalawa. "Ano canteen tayo?" Mahilig kumain si Philip kaya siya ang malimit magyaya papuntang canteen. Napakamot uli ako sa ulo. "Wala akong pera, eh. At isa pa, may klase pa tayo kaya rito na lang tayo." "Nagising nga 'to nang morning ang kaibigan natin, Philip." Turo pa sa akin ni Maru. "Hoy! Kay, wala tayong pasok. Wala si Sir Antonio." "Ha?" Medyo nagulat ako. Titser namin sa Math si Sir Antonio. Hindi ko paborito ang math, pero iyong titser, 'yon ang paborito ko dahil mabango... Ang landi much... "Bakit daw?" "Inaasikaso ang kasal nila ng fiancé niya," pambubuyo sa akin ng kaibigan ko na lalaki. Hinampas ko siya. "Ano ka ba? Ang sama mo talaga, no? 'Yon na nga lang ang kaligayahan ko, papatayin mo pa?” "Ano ka ba naman kasi, alam mo na na hindi ka mapapansin ni Sir Antonio, umaalimbong ka pa rin sa kanya." Tahimik lang na nakikinig sa amin si Maru habang naka-evil smile. "Bulag ka ba? Sabagay papunta ka na roon dahil malabo na nga pala ang mata mo. Hindi mo ba napapansin minsan? Ang lagkit ng tingin sa akin ni sir." "Malagkit talaga dahil mukha ka raw parating nanglilimahid. Kulang ka raw sa goli." At sa maraming pagkakataon, nagtawanan uli sila ni Maru. "Ano ka ba? Hindi ka lang pala bulag, eh. Ikaw yata 'tong nagising nang morning, eh. Hindi mo ba talaga nahahalata ang mga pahapyaw na careness sa akin ni sir? Nako, ikaw talaga! Maging ang iba natin na mga kaklase, nahahalata na may gusto sa akin si Sir Antonio kaya nga sila galit sa akin. Tapos ikaw 'tong kaibigan ko, hindi alam?" "Putek! Galit sila sa iyo dahil masyado raw garapal ang mukha mo," patuloy na pang-aasar niya pa rin sa akin. Sumimangot ako. "Ganyanan na ngayon? Sige lang. Sige lang. Sa iyo pa ngayon," kunwari ay nagtatampong sabi ko sabay talikod para asikasuhin ang bag ko. "Hoy, Kay, nagbibiro lang. Ito naman, masyadong sensitive." Hindi ko siya pinansin. "Hoy, Kay, sorry na. Hindi na mabiro, porke at namamayat na siya, eh." Hindi ko pa rin siya pinapansin. "Sorry na naman, oh. Sige, libre kita." Iyon talaga ang hinihintay ko na magic word! Libre... Lumingon ako sa kanya na may malaking ngiti sa mga labi. "Ano ba kayong dalawa? Ang bagal n'yo namang kumilos. Tara na!" Hinila ko silang dalawa habang palabas ng room. Nagtatawanan kaming lumabas ng silid-aralan. “Gosh! Nakuha pang tumawa ang pangit naman!” “Kaya nga, eh. Hindi na nahiya. Nakikipagbarkada sa mayayaman at magaganda. Gross!” Ang mga umuugong na tila mga langaw ay mga kaklase ko. Ganyan sila parati sa akin kapag dumaraan ako. Sanay na rin naman ako dahil sa hitsura ko. Napanood n'yo na ba 'yong Shrek? So, kilala n'yo si Fiona? Magkasing-cheeks kami, pero hindi ako kulay green. Green minded lang. Mataba ako. Maitim. Maraming tigyawat. Hindi makinis ang mukha at katawan. Makapal ang kilay. Hindi close ang mga ngipin ko sa isa't-isa dahil may pagitan sila. Kulot ang buhok ko. Kulot na nga, buhaghag pa. Mahirap lang din kami, hindi tulad nitong dalawa kong kaibigan. Pero kahit ganoon, masaya pa rin naman ako. May pamilya at mga kaibigan kasi akong tanggap ako sa kung sino ako. 'Yon naman, 'di ba, ang mahalaga? Ang mga taong tatanggapin ka sa kung sino ka pa. Dahil sila talaga ang mga totoong nagmamahal sa iyo. Nakarating kami sa canteen na tila bingi dahil tila hindi namin naririnig ang mga patutsada ng mga nag-aartehan kong kamag-aral. "Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Philip nang makaupo na kami. "Pwede bang 'yon na lang?" Turo ko sa estudyante na papasok sa loob nitong canteen. "Pwede bang bawas-bawasan mo ang kalandian mo, Kay, dahil nakakadiri!" "Look at him." Hindi ko na pinatulan pa si Philip at pinagtuunan na lang ng pansin ang kapapasok lang na si Paul. "Napakagwapo n'ya talaga, no?" "Masama naman ang ugali," sagot ni Philip sa sinabi ko. "Pero matalino," dagdag papuri ko pa kay Paul na nakalapit na sa mesa na occupied naming magkaibigan. "Hi, Kay!" bati ni Paul sa akin sabay kindat kaya halos maihi ako dahil sa kilig. Mahina akong napatili. "Hello, Paul." Nginitian ko s'ya nang malaki kahit tinalikuran n'ya na ako. "Do you really like that jerk, Cha?" By the way, Cha is our endearment. "Yes naman!" May excitement sa boses ko nang sagutin ko si Philip pero ngumiwi lang s'ya kaya pinandilatan ko s'ya ng mga mata. "Ano ka bang klaseng kaibigan ka? Dapat support lang ikaw." "We're your friends, Kay, that is why we're just being honest. Sa tingin mo gusto ka talaga ni Paul? For Pete's sake, Cha, wake up! Varsity ng basketball si Paul at kabi-kabila ang magagandang babae na nakaka-date n'ya sa loob at labas ng campus." Nasaktan ako sa sinabi ni Philip pero hindi ko 'yon pinahalata. Hindi man kasi n'ya diretsahang sinabi na pangit ako, ganoon pa rin naman ang ibig sabihin ng mga sinabi n'ya. "So, sinasabi mo na malabo n'ya akong magustuhan dahil pangit ako, ganoon ba?" "Sino ba naman kasi ang nagsiksik diyan sa utak mo na pangit ka?" sabat ni Maru sa amin habang nakatingin sa mga mata ko. "Dahil 'yon naman ang totoo—na pangit ako. Kayo nga lang ng pamilya ko ang hindi sinasabi na pangit ako. Pero alam ko naman na pangit ako. " Ngumiti ako nang mapait. "Dahil lang sa sinasabi ng iba kaya nakakaramdam ka ng feeling of inferiority? Para mo na ring sinabi na hinahayaan mo silang kontrolin ka dahil lang sa mga pamimintas nila sa iyo. Stop that stupidity, Cha." "Madali mo lang naman sabihin ang mga bagay na 'yan dahil maganda ka, eh." "What the f**k? Pate ako na kaibigan mo ay pinagdududahan ang mga sinasabi ko sa iyo? How absurd! Akala ko ba ay magkaibigan tayo?" "'Yon nga rin ang alam ko," sarkastiko kong sagot kay Maru. "Hindi ba ang magkakaibigan, sinusuportahan ang kaligayahan ng kaibigan? Pero mali yata ako." Tatayo na sana ako para mag-walk out nang pigilan ako ni Philip. "Concern kami sa iyo, Cha, dahil totoo kaming mga kaibigan mo. Mahal ka namin kaya sinasabi namin ang mas makabubuti sa iyo. Ikaw nga yata itong hindi kami tinuturing na kaibigan dahil sa mga inililihim mo sa amin. Sa tingin mo ba ay hindi namin alam na ikaw ang gumagawa ng mga projects at nag-aasikaso para sa investigatory ni Paul? Hindi ba 'yon ang dahilan kaya ang mga dapat mong asikasuhin para sa studies mo ay napapabayaan mo? Akala mo ba, hindi namin alam na kaya hinahayaan mo na magutom ang sarili mo basta may maibigay ka lang kay Paul? 'Yon ba ang matatawag mo na lalaking may gusto sa iyo? Inaabuso ang kahibangan mo sa kanya?" Guilty ako dahil totoo lahat ng mga sinabi ni Philip. Naglihim ako sa kanila. Gusto ko na mag-sorry pero hindi 'yon ang lumabas sa bibig ko. "So, detective na pala kayo ngayon dahil sinusubaybayan ninyo lahat ng mga ginagawa ko? Porke ba at kaibigan ko na kayo, dapat alam n'yo na lahat ng mga ginagawa ko, ganoon ba dapat 'yon?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.5K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

He's Cold Hearted

read
160.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

His Precious Property

read
615.3K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook