Chapter 2 - P.M?

2407 Words
Natalie Zoey Mercado's POV "Ano bang pangalan mo? Para kung sakaling may gagawin kang masama sakin at makatakas ako, pwede kitang ipakulong." Tumingin siya sakin ng masama at tinuloy ang pagda-drive niya "Tss. Mukha ba akong interesado sayo?" Ngumiti siya ng pang-asar. Yung parang half smile lang. Ay! Ewan ko ba kung anong tawag nila dun. Alam niyo na diba? Gets niyo na diba? Diba? Diba? "Ano nga kasi? Ano bang malay ko, baka naka-drugs ka o sumisinghot ng kung ano anong bagay diyan. Sabi kasi nung teacher namin sa health, nawawala daw sa tamang pagiisip yung mga taong ganun. Kaya baka... baka... baka!!" Pina-ekis ko yung aking mga braso sa may bandang dibdib ko. Huminga naman siya ng malalim at kumamot sa batok "Hay! Bakit ba ang daldal mo? Mababaliw ako sayo!" Tinigil niya yung kotse sa isang tabi ng daanan "Kita mo! Baliw ka na! Haruy jusmeeee!" Nag-pose ako ng pang ninja, para ready kung ano mang gawin nitong lalaking to "Tssss. Annoying ugly idiot. Tch! Why would I say my name to a stranger like you?" Nag-drive na ulit siya at balik sa kanyang composure. Yes! Composure, saan ko ba nahugot yang salitang yan. I can't believe it! "Kaarte naman neto! Simpleng pangalan mo lang, ayaw mo sabihin." Ganun ba ako kapanget para hindi pagkatiwalaan kahit pangalan lang niya. "Tss. My name is Berting." We? Di nga? "Ha? Ano ulet?" "Berting." Process.. Process.. Inalis ko yung salamin ko at pinunasan gamit ang aking damit tapos sinuot ulit tsaka ko siya tinignan ng mabuti. Berting? Totoo ba ito? Gusto niyo ba i-describe ko sa inyo yung itsura niya? Gwapo, mukhang antipatiko, ang gara ng kotse, matangkad, may T.V dito sa loob ng kotse na ang ingay ingay tapos putak pa ng putak hindi ko naman maintindihan kung anong sinasabi. Higit sa lahat MAYAMAN siya. Tapos... Tapos... Pfffft! "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Ngayon lang ako nakatawa dahil ngayon lang nag-sink in sakin kung gaano kapangit at kabaho yung pangalan niya. Aaminin ko, panget ako pero pang sosyal naman yung pangalan ko. Natalie Zoey Mercado, o diba? Pang-head merchant ng Japan. "Psh. So noisy. Baba na!" Napatigil ako sa kakatawa nung sinabi niyang "baba na" Wag niyang sabihin na iiwanan niya ako dito at magiging palaboy nalang ako. Huhuhu! Hindi na po. "Joke lang! Ang baho naman kasi ng.. Ay este! Huhuhu! Joke lang! Ayaw ko maging palaboy dito, wala akong alam dito. Maawa ka sa isang katulad kong kaawa-awa." Hinawakan ko yung braso niya at tinry yung puppy face na sinasabi niya. Jusmee! Bakit ba gusto nilang ginagaya yung mukha ng aso. "Ang drama mo masyado. Bumaba ka na at sumunod sakin." Inalis niya yung kamay kong naka-kapit sa kanya kaya nasubsob ako sa cambio tapos lumabas na siya. "Aray ko po! Yung ilong ko, na-pango pa yata lalo. Huhuhu! Kawawa naman yung salamin ko, anytime pwede na siyang mahulog at mamatay." Pero totoo, masakit talaga yung ilong ko. Ang malas ko naman kasi. Bat naman kasi.... AISH! *tok tok* "Hay nako! Yung puso ko! Yung puso ko! Mamatay ako sa gulat." Pagkalingon ko kasi sa may bintana ng kotse, andun sa Berting naka-silip. "Anong kailangan mo?" Katok katok pa! Mamatay ako sa katok niya! Binuksan niya yung pintuan ng kotse kaya muntikan na akong mahulog palabas buti nalang napahawak ako sa laylayan ng t-shirt niya. Pagkatingin ko sa t-shirt... Lacoste.. Bigla kong inalis yung pagkakahawak ko dun at umayos ng upo sa loob ng kotse "Ikaw kamay ka! Wag kang hahawak ng ganyang mamahaling bagay." Pinalo palo ko yung kamay ko tapos tumingin ako kay Berting... Naka-cross arms at nakatingin lang sakin. "B-bakit?" Nginitian ko siya ng malapad, yung tipong mapupnit na yung bibig ko sa sobrang lapad. "Don't waste my time. Kanina ko pa sinabing bumaba ka diyan diba?" Tumngo naman ako ng dahan dahan. Oo nga pala, tanga tanga ko naman oh! Yung utak ko kasi e! Napunta sa ilong ko kanina sa sobrang lakas ng pagka-subsob ko. "Baba na!" Dali dali akong lumabas ng kotse at tumayo sa harap niya na parang soldier tapos naka-salute pa "Sumunod ka sakin" Naglakad na siya palayo sakin "Aye aye!" Sumunod na din ako sa kanya. Mahirap na! Baka mawala ako dito! Hindi ko alam kung san 'to. Sabagay, wala naman akong alam dito. Hahaha! Naglakad lang kami ng konti tapos sumakay kami sa elevator. Wala kaming imikan, ayaw ko nading magsalita.. Masyado na akong nagiging maingay. Hahaha! Pagkalabas namin ng elevator, naglakad ulit kami tapos tumigil sa isang kwarto. Nakalagay sa harap ng pinto "143" "Nasaan tayo?" "Earth." Alam ko. Jusko!  May pinipindot siya dun sa may pintuan. May number at kung ano pang ka-echosan na andun. "Ano yan? Pwedeng i-try?" Pipindot na din sana ako kaso tinapik niya yung kamay ko "Don't even dare. Password yan dito sa pad ko." Biglang bumukas yung pinto at tumambad sakin at isang maliit na bahay na puro puti ang laman. "Ano ba ito? Immitation ng langit? WOWW!" Inikot ko yung buong mini house. Nakaka-elibs kasi, lahat ng bagay dito color white "Pwede magtanong?" Tinamaan ako ng curiosity e! Tumango lang si Berting habang umiinom ng tubig. "Pati ba ipis, daga at butiki dito kulay puti?" Na-buga niya yung iniinom niya tubig. Kamuntikan na ako dun ah! Buti nalang medyo malayo ako sa kanya. "Nag-iisip ka ba talaga?" Kumuha ako ng pampunas dun sa nabugahan niya at pinunsan ito "Nagtatanong lang e! Sungit neto!" "Tsss. Dito ka muna sa pad ko. Wag kang gagalaw ng kung ano ano diyan. Gagawa ako ng paraan para dun ka sa bahay tumira." Palabas na dapat siya ng mini house na to kaso... "Walang puting ipis, daga or butiki dito pero merong puting babae na duguan kang makikita mamayang gabi. So? See you nalang bukas." Pagkasabi na pagkasabi niya nun, lumabas na siya at sinara agad yung pintuan. Jusko! Ayaw ko dito! Hihimatayin ako dito! Yung puso ko! Sabi na nga ba, iigsi ako buhay ko kapag kasama ko siya e!! Pusanggalang yan! White lady yung sinasabi niya diba? Haruuuy! Multo yun e! Jusmeeee! Ice Brayden Hernandez's POV What the? Bakit Berting yung nasabi ko dun sa babaeng yun, sa lahat ba naman ng pangalan na babagay sakin bakit yun pa yung naisip ko. Tss! About the white lady thing, hindi totoo yun. Sinabi ko lang yun para tumahimik siya sa loob ng pad ko. Sobrang ingay kasi nung babaeng yun, walang minuto na hindi siya tumatalak. Sumasakit na yung tenga ko sa kanya. *tok tok* "Ircy." Ircy is my sister and yeah andito na ako sa bahay. Bakit? Kailangan ko pa ba i-kwento kung paano ako nakarating dito? "Bakit kuya?" Pagkabukas niya ng pinto, she automatically smile "I need you help." Tinignan niya ako ng parang confused siya. Wag niyo akong asahan na ipapaliwanag ko pa further kung anong itsura niya. Nakakatamad yun. "Papasukin mo na ako, nakakangawit tumayo dito." Tinaasan niya ako ng kilay at pinapasok sa kwarto niya "Ano ba kasi yun kuya?" Naka-cross arms na sabi niya. Mommy is such a happy person but why is my sister like this? Ugh! "I need a P.M" Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko "P.M? Petit monde? Personal message? Prime Meridian?" Minsan iniisip ko kung kambal ko ba talaga siya e "Hindi. Personal maid" "E bakit sakin mo sinasabi yan? Kela daddy mo sabihin." "Because I need your participation." Pinaliwanag ko na sa kanya yung gagawin niya at kung bakit niya gagawin yun and it seems na she understands it. "Okay!" Nag-thumbs up siya na para bang excited na excited siya. Ano bang kaexci-excited dun sa panget na yun. "So, partners in crime tayo?" "Tsss!" "Sige na kuya, partners in crime na yung itawag natin!" Makulit na nga yung kasama ko kanina, pati ba naman dito makulit padin? Kailan ba magkakaron ng peace ang buhay ko? "Ano namang ka-kornihan yan?" "Kuya naman! Hindi korny yun! Pumayag ka na kasi! Ang cool kaya. Partners in crime. Yeah! Parang mga detective lang." She is so noisy "Ge." Lumabas na agad ako ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa ako payagan nila Mommy na tumira sa pad ko. Hindi ko din alam kung bakit nila binili yun tapos ayaw naman nila ako payagang tumira dun. Weird, right? >>Morning Pagbaba na pagbaba ko ng hagdanan, nakita ko agad si Mommy at Daddy sa dinning area. "Morning ma." Kiniss ko si mommy sa pisnge. Kailangan yan, kundi papagalitan niya ako. Kapag pinagalitan niya ako it means magiingay siya. "Morning dad." Tapos umupo na ako sa upuan. Tingin kay Ircy... Busy sa pagkain ng pancake. Tsss "Ma, I need P.M" Napatingin naman sakin si mommy with sparkling eyes pa. Buti si mommy alam ang ibig sabihin ng P.M "Bakit anak? Model ka na ba o kaya naman artista? I'm so proud of you, baby." Lumapit siya sa akin at yayakapin na sana ako kaso... Kadiri yung baby. Napakalaki kong tao tapos tatawagin akong "baby" "Ep ep!" Humarang si daddy at niyakap si mommy. Ge, Rated SPG. "I'm not a model nor artista. Kailangan ko lang ng P.M kasi sobrang daming projects sa Grand Music Palace. Feeling school talaga sila. Tch!" Tumango tango naman si Mommy "Osige, tatawagan ko nalang yung assistant ko mamaya para tumawag sa agency." Sabi ni Daddy Tingin kay Ircy... Ugh!! Busy padin sa pagkain ng pancake. Sinipa ko siya sa ilalim ng table at tinignan niya ako ng masama. Sobrang slow talaga nitong kapatid ko. Tsss. Sinensyasan ko siya na gawin na yung pinagusapan namin. Partners in crime kuno nga daw. "Ah eh! Ako! May friend ako na kailangan ng trabaho!" Anong pinagsasabi neto? Friend? E ako nga di ko kaibigan yung babaeng yun "Ayun pala Ice e." Nakangiting sabi ni Mommy. Sorry ma, kailangan ko magsinungaling. Nagpapaka-good samaritan lang ako "Pupuntahan ko nalang siya mamaya. Ay wait ma! Baka pwedeng dito nalang tumira yung friend ko? May guestroom naman tayo diba? Medyo gipit kasi siya ngayon e. Ay hindi! Gipit na gipit pala." Ngumiti ng malapad si Ircy. Kailangan bang ngumiti ng ganun? Kinikilabutan ako sa ngiti niya. Brrr! "Sige Ircy tutal friend mo naman siya, pasama ka nalang kay Ice." Kinindatan ko naman si Ircy. It means, MISSION ACCOMPLISHED! Ano na kayang nangyari sa pad ko? Baka mamaya mukhang dinaanan ng limang daang bagyo at samahan niyo pa ng tatlong daang low pressure area. Baka mamaya yung puting mga gamit ko dun maging itim na. >>Pad "Annoying ugly idiot?" Sigaw ko pagkapasok ko ng pad. Hmmm, mukhang maayos ang pad ko. Mukhang walang nagalaw, mukhang walang naging itim at ang pinaka-impossible WALANG UMAALINGAWNGAW NA INGAY "Kuya, ano ba naman yang tawag mo sa kanya. It's not cool!" "Ircy, ano ba yang ka-artehan mo. It's not cool!" Ginaya ko yung boses at kung pano siya magsalita "Tssss." Inirapan niya ako at umupo sa may couch at nagbukas ng T.V "Idiot?" Pumunta ako sa CR, sa kitchen, sa music room, sa playroom pero wala siya. San ba siya pumunta? Sabagay, maliit lang siya kaya kahit saan medyo siyang sumingit. "Idiot?" Last na to! Pumunta ako sa kwarto ko then.... "AY TAKTENG YAN!" "Bat ganyan itsura mo?" Sige, ide-describe ko sa inyo. Pangit na siya dati diba? Mas pangit pa siya ngayon. Ang laki ng eyebags, gulo gulo ako buhok tapos nakasandal siya sa may headboard ng kama habang yakap yakap yung tuhod niya "Hoy! Magsalita ka nga." Nilapitan ko siya at inalog-alog Tapos... Tapos... Tumingin siya sakin... Brrr! Nakakatakot! Kamukha niya si Shomba! Kinuha ko yung kumot at itinaklob sa kanya. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako natakot sa isang tao kahit gano pa ito ka-pangit. "Mommy..." "Mommy..." She's like a ghost tapos tatawag tawag pa siya ng ganyan. Nakakatkot talaga siya. Nakakapanandig balahibo. Brrr! "Hoy! magsalita ka nga" Paguutos ko sa kanya. Kailangan ko na ata siya dalhin sa isang albularyo o kaya monghe o kaya naman yung mga babaylan sa korea "M-may white lady." Talagang naniwala siya dun? Annoying ugly IDIOT talaga siya. Bakit ba ako nag-alaga ng ganto. Tss! Inalis ko yung pagkakataklob ng kumot sa kanya at kumuha ng salamin... "Tumingin ka sa salamin." Sinunod naman niya ako at nanlaki yung mata niya "KYAAAAH! WHITE LADY! KAMUKHA NI SHOMBA! UAAAAAH!" Binatukan ko nga "Tsss. Such an idiot. Ikaw yan." Nanlaki naman yung mata niya at kinuha yung salamin sakin "Siya ba yung sinasabi mong white lady? Ano ba yan! Di mo sinabi na nakakulong pala sa salamin akala ko naman magagambala ako neto." *face palm* *kamot sa batok* Konti nalang sasapakin ko na tong babae na to. Sobrang tanga! "Oo na, sige na. Aalisin na kita dito." Tinakluban ko ulit siya ng kumot at hinila palabas ng kwarto "Bakit kailangan pang naka-kumot ako? Malamig ba sa labas?" Grrr! Napaka neto! "Tsss! Ircy, alalayan mo nga to." Pinuntahan naman ni Ircy si Tanga at sinundan ako sa paglalakad Minasahe-masahe ko yung gilid ng noo ko para kumalma ako. Pinapainit ng babaeng yun yung ulo ko. Di ko naman alam na innocente at tanga siya. "Kuya! Bakit kailangang naka-kumot pa siya?" "Wag ka ng magtanong kung ayaw mong makita si Shomba." Sabi ko habang naglalakad "H-ha? Sho-Shomba?" Natatakot na tanong ni Ircy "Oo, gusto mo makita?" Humarap ako sa kanya "Sige na kuya. Maglakad ka lang. Partners in crime tayo dito, partners in crime. Hihihi!" Tinulak ako ni Ircy paharap para maglakad ulit "Tsss." Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa aking bulsa at isinuot ang earphones >>Palasyo "Ma, we're here." Sigaw ni Ircy "Oh? Bakit ang bilis niyo ata?" "Malapit lang naman." Sagot ko habang nakasandal sa may pinto "Siya na ba yung P.M na ihi-hire mo?" Tanong ni Daddy at tumango naman ako "Teka, bakit naka-kumot siya?" Lumapit si mommy kay tanga para alisin yung kumot pero humarang ako. Baka mamaya himatayin sa mommy kapag nakita niya si shomba.. este si... Sino ba? Ano bang pangalan niya? ANNOYING UGLY IDIOT? Tanga? Ano nga ba? "Ah ma! Pagod siya. Ircy, dalhin mo na siya sa guestroom." Dali dali naman akong sinunod ni Ircy at inalalayan niya sa annoying ugly idiot na umakyat sa may guestroom. Sana lang hindi alisin ni Ircy yung kumot na nakabalot kay annoying ugly idiot kundi baka mahimatay yun sa takot. Hmmm... Oo nga, ano nga bang pangalan niya? Tss! Mamaya ko na nga iintindihin yun. Gagawin ko muna yung projects na pinapagawa nung Grand Music Palace na feeling formal school talaga. Tch! Pa-demolish ko pa yun e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD